You are on page 1of 15

SANAYSAY

Sulating Pormal o Maanyo


Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang
tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa.
Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay
nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng
sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at
kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol
sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
Sulating Di-pormal o Impormal
Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay
karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at
paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring
nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang
kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang
sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao.
Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay
naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang
bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may
akda.
BAHAGI NG SANAYSAY

• PAMAGAT
• PANIMULA
• KATAWAN
• KONKLUSYON
PAMAGAT
Ang unang titik ng pamagat ay laging
nagsisimula sa malaking titik,
Halimbawa:
Ang Pangarap Ko Sa Buhay
Ang Aking Pamilya
Ito rin ay nilalagay sa gitna
Panimula
• Nararapat na nababagay sa paksa at layunin ng akda.
• Maari itong isang katanungan, isang diyagalogo,
pangungusap na nakakatawag pansin, isang sipi,
pagsasaad ng punong diwa at matuwid na
pagpapaliwanag, paglalahad ng suliranin,
pambungad na salaysay.
• Ito ay dapat nakakakuhang atensyon ng bumabasa
para basahin ang natitirang bahagi ng sanaysay.
Wakas o konklusyon
• Binibigyang-diin dito ang kaisipan, pagbibigay
solusyon sa isyung tinatalakay.
• Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang
mensahe ng buong sanaysay.
• Dapat nababagay sa haba ng buong talata at dapat
makapag-iwan ng kakintalang di agad malilimutan.
• Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o
ang buod sa sanaysay.
Pwede itong isulat sa
paraang….
• Tuwirang sinasabi
Mensahe ng sanaysay
• Panlahatang Pahayag
Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
• Pagtatanong
Winawakasan ang sanaysay sa pamamagitan ng isang
tanong.
• Pagbubuod
Ang “summary” ng iyong sanaysay
Ang PANGARAP KO SA BUHAY

Ika-13 ng Marso,2015
• PANIMULA
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangrap sa
buhay. Mithiin na gustong makamit. Ano nga ba
ang pangarap ko? Bakit nga ba ko nangangarap?
Ang pangarap ay isang bagay na gusto mong
matupad.
Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking
mga pagsisikap.Ito nalang ang inspirasyon ko na
magpatuloy kahit sa mga kabiguan.Ang aking pangarap
ay makapunta sana sa ibang bansa.
Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong
ito sa aming pamilya at maiahon sa kahirapan. Sa
kabilang dako naman,alam ko na hindi ito matupad
kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa
kolehiyo. Kaya,pagbutihin ko na ang pananaw ko
ngayon sa buhay.Mag- aral ako sa ALS habang
nagtatrabaho ng kahit ano nakakabuti sa aming pamilya
at makatulong sa pag-aalaga sa aking mga bunsong
kapatid.Sana makapasa na ako ngayon sa pasulit dahil
magpatuloy ako sa kolehiyo upang makatapos ng kurso.
•                
Sa ngayon ako po ay patuloy na umaasang
maisakatuparan ang tanging pangarap.Alam kong ang
aking mga pangarap ay kayang abutin sa tulong ng
Poong Maykapal at sa mga taong nakapaligid sa akin
para maisakatuparan ko ang matagal ko nang
pinapangarap na pumasa sa pasulit.
Ang Aking Pangarap
Akala mo lang wala, pero meron..meron..meron.. Meron
akong pangarap na gusto makamit at matupad. Ang
aking pangarap ay aking inspirasyon upang makamtam
ko ang tagumpay sa aking buhay.
Bawat tao ay may iba’t ibang pangarap. Katulad ko, ang
nais kong makamit sa aking buhay ay makatapos ng pag-
aaral sa sekondarya at kolehiyo. Sa gayon, makakahanap
ako ng marangal at magandang trabaho. Pangarap ko din
na makatulong sa aking mga magulang. Gusto ko silang
maiahon sa kahirapan, at patayuan sila ng lupa at bahay.
Nais kong suklian ang kanilang paghihirap upang ako ay
bigyan ng magandang buhay. Ayoko masayang ang
kanilang sakripisyo sa wala.
Gagawin ko ang lahat upang matupad ko ang aking
pangarap. Hindi ako susuko kahit maraming pagsubok
ang humadlang upang makamit ito. Mananalig ako sa
Diyos upang ako’y kanyang gabayan sa pagkamit ng
aking minimithi.

You might also like