You are on page 1of 17

URI NG SANAYSAY

Sanaysay
• Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng
punto de vista (pananaw) ng may akda. Ang mga sanaysay ay
maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon,
impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na
pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
• Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na
may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang
sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o
pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay
nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang
damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri
ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may
layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.
Mga Uri ng Sanaysay
• Sulating Pormal o Maanyo
• Sulating Di-pormal o Impormal
SULATING PORMAL O MAANYO
• Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao,
bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang
kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang
lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at
komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-
aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling
isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng
tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
SULATING DI-PORMAL O IMPORMAL
• Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang
nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda.
Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang
kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o
mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga
sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan
tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at
nararanasan ng may akda.
BAHAGI NG SANAYSAY
•  PAMAGAT
•  PANIMULA
•  KATAWAN
•  KONKLUSYON
PAMAGAT
 Ang unang salita ng pamagat ay laging nagsisimula sa malaking titik,
Halimbawa: Ang Pangarap Ko Sa Buhay Ang Aking Pamilya
 Ito rin ay nilalagay sa gitna
Panimula
 Nararapat na nababagay sa paksa at layunin ng akda.
 Maari itong isang katanungan, isang diyagalogo, pangungusap na
nakakatawag pansin,isang sipi, pagsasaad ng punong diwa at matuwid
na pagpapaliwanag, paglalahad ng suliranin, pambungad na salaysay
 Ito ay dapat nakakakuhang atensyon ng bumabasa para basahin ang
natitirang bahagi ng sanaysay
PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG…
•  Pasaklaw na Pahayag - Inuunang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga
maliliit na detalye nito
•  Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ng nagbabasa para hanapin ang sagot
sa sanaysay at para isipin niya.
•  Paglalarawan Pagbibigay linaw at “descriptions” sa paksa
•  Sipi Isang kopya o copy galing sa ibang literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba
pang sanaysay
•  Makatawag pansing Pangungusap - Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon
ng mambabasa
•  Kasabihan Isang kasabihan o salawikain na makapagbibigay ng maikling eksplanasyon
ng iyong sanaysay
•  Salaysay Isang eksplanasyon ng iyong sanaysay
Katawan
 Dito nakalagay ang iyong mga ideya at pahayag
 Nagsasaad at nagpapaliwanag ng mga kaisipan o ideyang
sumusuporta sa pangunahing paksa
PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG…..
•  Pakronolohikal Nakaayos sa panahon ng pangyayari
•  Paangulo Pinapakita ang bawat angulo o “side” ng paksa
•  Paghahambing Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo at sa
iba pang paksa.
•  Papayak o Pasalimuot Nakaayos sa paraang simple hanggang
komplikado at vice versa
WAKAS O KONKLUSYON
 Binibigyang-diin dito ang kaisipan, pagbibigay solusyon sa isyung
tinatalakay
 Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong
sanaysay
 Dapat nababagay sa haba ng buong talata at dapat makapag-iwan ng
kakintalang di agad malilimutan
 Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa
sanaysay
PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG….
 Tuwirang sinasabi Mensahe ng sanaysay
 Panlahatang Pahayag Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
 Pagtatanong Winawakasan ang sanaysay sa pamamagitan ng isang
tanong.
 Pagbubuod Ang “summary” ng iyong sanaysay
ANG AKING PANGARAP
Akala mo lang wala, pero meron..meron..meron.. Meron akong
pangarap na gusto makamit at matupad. Ang aking pangarap ay aking
inspirasyon upang makamtam ko ang tagumpay sa aking buhay. Bawat
tao ay may iba’t ibang pangarap. Katulad ko, ang nais kong makamit sa
aking buhay ay makatapos ng pag-aaral sa sekondarya at kolehiyo. Sa
gayon, makakahanap ako ng marangal at magandang trabaho. Pangarap
ko din na makatulong sa aking mga magulang. Gusto ko silang maiahon
sa kahirapan, at patayuan sila ng lupa at bahay.
Nais kong suklian ang kanilang paghihirap upang ako ay bigyan ng
magandang buhay. Ayoko masayang ang kanilang sakripisyo sa wala.
Gagawin ko ang lahat upang matupad ko ang aking pangarap. Hindi
ako susuko kahit maraming pagsubok ang humadlang upang makamit
ito. Mananalig ako sa Diyos upang ako’y kanyang gabayan sa pagkamit
ng aking minimithi.
Aktibidad.
• Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa napapanahong pangyayari
ngayon.

You might also like