You are on page 1of 2

Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng

pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan, naipapahayag ng may akda ang kanyang
damdamin sa mga mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay
maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.

-isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha.
Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon, impormasyon,
obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-
muni ng isang tao.

Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at


pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang
isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan
lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga
mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may
layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.

Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa ng
mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.

Pormal

Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat.


Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang
tono nito ay siryoso at walang halong biro.

-nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay
naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod
upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa
Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y
umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa
asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa opinyon ng
sumulat sa mga maiinit na balita.

Di-pormal

Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-araw na


nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay
at karanasan ng may akda sa isang paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na
para bang nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling
maintindihan.
-karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay
maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung
sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga
sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at
mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.

Mga Bahagi ng Sanaysay

Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas.

1. Simula/Panimula

Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa
ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin
ng mga mambabasa

2. Gitna/Katawan

Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda.
Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-
uusapan.

3. Wakas

Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay. Dito rin
nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang
pinag-usapan.

You might also like