You are on page 1of 13

Pamantasan ng Bikol

KOLEHIYO NG EDUKASYON
Daraga, Albay

Ano ang Sanaysay?

- essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng


pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan, naipapahayag ng may
akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-
komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang
makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
- isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw)
ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng
pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na
pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
- ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay
nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang
bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay
nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng
isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid
ang nais na maipabatid sa kapwa tao.

2 Uri ng Sanaysay

Ito ay may dalawang uri: ang pormal at di-pormal.

1. Sulating Pormal o Maanyo

Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng


sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar
o pangyayari. Ang tono nito ay siryoso at walang halong biro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa
opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.

Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos
ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na
sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang
mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga
terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
2. Sulating Di-pormal o Impormal
Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-araw na
nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang mga
bagay-bagay at karanasan ng may akda sa isang paksa kung saan mababakas ang
kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan kaya
naman ito ay madaling maintindihan.

Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng


opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa
kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang
kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga
sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang
bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.

Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa ng di-
pormal na sanaysay.

Mga Bahagi ng Sanaysay

Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas.

1. Simula/Panimula

Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng
mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-
akda ang damdamin ng mga mambabasa.

2. Gitna/Katawan

Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-
akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang
tinatalakay o pinag-uusapan.

3. Wakas

Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng


sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay sa paksang pinag-usapan.
MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

1. Panimula/Introduksyon
-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang
ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.

Paraan ng pagsulat ng Panimula


 Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang
sa mga maliliit na detalye.
 Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin
ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
 Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
 Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo at
iba pang sanaysay.
 Makatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng
atensyon ng nagbabasa.
 Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling eksplenasyon ng
iyong sanaysay
 Salaysay – isang eksplenasyon ng iyong sanaysay

Karagdagang Paraan ng Pagsulat ng Panimula

1. Question (patanong). “Gusto niyo po bang gamutin ko kayo?” Doktor ka kasi,


di ba?!
2. Declarative (pasalaysay). “Nakarating na ako sa iba’t ibang panig ng mundo
dahil lamang sa aking panggagamot. Ang tanging hindi ko pa nagagalugad ay
ang kontinenting Antarctica.” Ito ay paasalaysay dahil nagsaad ito ng isang
pangyayari.
3. Shocking statement (nakakagulat na pahayag). “Twenty years old pa lang ako
ay nakapag-opera na ako ng tumor sa utak ng isang matanda.” Nakakagulat
talaga dahil ang doktor ay nag-aaral ng sampung taon.
4. Quotation (kasabihan). Para kang makata nito. Sabihin mo, “An apple a day
keeps the doctor away.” May connect sa'yo as doctor. Tapos banatan mo pa,
“Pero di mo na kailangan ng apple dahil nasa harapan mo na ang doktor.” Lolz.
Lagi mo lang tatandaan na banggitin kung sino ang pinagmulan ng quote. Kung
ikaw mismo, no problem. Ingat ka baka makasuhan ka ng plagiarism.
5. Anecdote (anekdota). Ito ay maikling salaysay na may aral sa buhay.
Halimbawa: “Minsan, naglalakad ako sa isa sa mga kalsada sa Europa nang
makita ko ang matandang babae sa may tabi ng basurahan. Naglahad siya ng
kamay. Humihingi. Hindi ko siya pinansin dahil ako ay nagmamadali. Pero nang
maalala ko ang aking ina sa Pilipinas, binalikan ko siya ngunit pagbalik ko'y wala
na siya.” Ganun lang.
6. Survey. Madalas ito ay patanong like “Magagaling po ba ang mga Pilipinong
doktor? O kaya, "Anong sakit ang hindi kayang gamutin ng doktor?”
7. Definition (kahulugan). Magbibigay ka ng salita at ang depinisyon. Make sure
it is related to your topic.
Halimbawa, “Ang narcolepsy ay isang medikal na kalagayan ng tao na kung saan
ang pasyente ay bigla na lang makakatulog kahit nagtratrabaho, naglalakad,
nagsasalita o iba pa.”

Marami pang paraan para simulan ang sanaysay. Pwede kang mag-discover.
Paglaruan mo ang mga salita. Ang mahalaga ay naengganyo mo ang maybahay
na manatili ka sa kanyang tahanan. Makikita mo, may nakahain nang pagkain para
sa'yo dahil nagustuhan niya ang introduksiyon mo. Ayaw ka na niyang paalisin.

2. Katawan
- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay
ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng
sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang
maigi ng mambabasa.

Kampante na sa'yo ang reader (house owner). Ituloy mo na. Dumiretso ka na sa pakay
mo. Ito na ang katawan ng sanayasay (body). Ito ang nilalaman ng iyong saloobin at
kaalaman. Sabihin mo nang lahat dahil nag-eenjoy na ang reader. Huwag ka lamang
liliko. Huwag mong pansinin ang ayos ng kanilang bahay baka bigla ka na lang palayasin
at pagsarhan ng pinto. Kung doktor ka, mga usaping-doktor at medisina ang inyong pag-
usapan. Yun lang! Dapat malinaw at direct to the point ang mga banat mo.

Pinakamainam na magkaroon ng tatlong talata sa body. Ang bawat isa ay konektado.

Ganito:

1. “Bata pa lamang ako, gusto ko nang maging doktor. Kahit pagiging guro ang gusto ng
mga magulang ko para sa akin, hindi ko sila sinunod. Suwail kasi ako. Pasaway.”

2. Kaya nagsumikap ako. Lumuwas ako sa Maynila. Nagtrabaho sa gabi. Nag-aral sa


umaga. Sa awa ng Diyos at sa tiyaga at katatagan ko, nakapagtapos ako ng medisina
dahil sa pagko-callboy ko. Joke lang.“

3. Ngayon nga ay isa na akong matagumpay na manggagamot. Laki ako sa hirap kaya
tumutulong ako sa aking kapwa dahil naniniwala akong ang lumilingon sa pinanggalingan
ay malayo pa ang nararatingan.”

Tapos na ang katawan ng sanaysay. Huwag kang matakot maglabas ng mga informative
at entertaining words dahil iyon ang misyon ng sanaysay o ng pagpunta mo sa isang
bahay. Huwag masyadong seryoso. Magpatawa ka minsan para di maboring ang reader.
Paraan ng pagsulat ng Katawan
 Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari
 Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo o “side” ng paksa.
 Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng isang
paksa
 Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at
vice versa

3. Wakas/Konklusyon
- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa
bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay ng sanaysay

“Hindi ka makakapasok konklusiyon.” Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo sa unahan.


Isang talata na may isang pangungusap ay pwede na. Basta ba ma-move mo ang may-
ari ng bahay. Manabik siya sa iyong pagbalik. Maiyak siya. Maging thankful. Pwede ring
mainis mo. O kaya mainvite. O mayaya mong mag-aral ng pagkadoktor. Halimbawa,
“Kung ako ikaw, magdoktor ka.”

Ang lahat ng ginawa mo sa introduksiyon ay maaari mo ring gawin sa konklusiyon. Ang


tanging kaibahan ay nagpapaalam ka na, this time. Ang pagsulat ng sanaysay ay katulad
ng pagbisita sa isang tahanan. Ang manunulat ay kailangang gawin ang tatlong hakbang
upang tanggapin o papasukin siya sa bahay ng may-ari.

Paraan ng pagsulat ng Wakas


 Tuwirang Pagsabi – Mensahe ng sanaysay
 Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
 Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na)
tanong
 Pagbubuod – Ang summary ng iyong sanaysay

Dalawang sanhi kapag nahihirapan magsulat ng sanaysay:

Una ay dahil wala akong alam sa topic.

Pangalawa ay dahil sobrang dami kong alam sa topic.

Limang problema na kadalasang nararanasan kapag pamilyar tayo sa paksa ng


sanaysay:

1. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula o kung paano
ako magtatapos.
2. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung ano sa mga nalalaman ko sa paksa
ang isasama ko sa sanaysa.
3. Alam ko ang paksa, pero nahihirapan akong ayusin ang mga ideya ko.
4. Alam ko ang paksa, pero nawawala ako sa focus habang sinusulat ko na ang
sanaysay.
5. Alam ko ang paksa pero hindi ko maiwasang maging paulit- ulit ang mga ideya ko
sa loob ng aking sanaysay.

Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay

1) Tema

2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay

3) Talata

4) Punto

5) Balangkas o Outline

6) Panimula, Katawan at Wakas

7) Tono

8) Tamang gramatika at mga pananda

9) Tapusin ang sanaysay .

 Tema

- basahing mabuti ang tema, pokus o topic ng sanaysay na hinihingi ng pagsusulit.


Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, , isang paglalarawan, reaksyon
sa isang nabasa, atbp?

 Pamagat o Titulo ng Sanaysay

- dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat; hindi dapat napakahaba, iwasan
ang pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng kalooban

- Ang pamagat ang pinakapangalan mo. Pagkatapos mo kasing kumatok sa pinto


ng mambabasa, sasabihin mo ang pangalan (pamagat) mo. Kapag hindi ka kilala
o hindi ito interesante, malamang ay pagsasarhan ka kaagad ng pinto. Hindi ka ito
babasahin. Minsan, maiksing pamagat (pangalan) ay katanggap- tanggap na.
Madalas, kapag weird ang titulo, iyon pa ang interesting basahin. Depende sa
may-ari ng bahay (mambabasa). Kaya nga, alamin mo kung sino ang iyong mga
readers (may-ari ng bahay).

Paano ba pumili ng pamagat?


- Huwag kang obvious. Ang title, maiksi man o mahaba, ay dapat interesting.
- Huwag ding OA. Baka hindi mo naman kayang bigyan ng tamang paliwanag
pagdating sa loob.

 Talata

- isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang talata o


paragraph ang mga isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay. Iwasan din
ang masyadong mahabang talata na paulit- ulit naman ang laman.

Talata

- binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na MAGKAKAUGNAY


- binubuo rin ng Pangunahing Paksa (PP) at mga Pantulong na Detalye (PD)

Pangunahing Paksa (main idea )


- sentro o pangunahing tema sa talata
- Kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling pangungusap
(konklusyon)

Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema. Ang aking asawa ay


mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas
ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport pero ayaw
ko naman ng mga iyon.

Mga Pantulong na Detalye (Supporting details/ information )


- mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa
paksang pangungusap

Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. Baka sa loob nyan
ay may matatalim at kalawanging bakal. Baka may mousetrap dyan at bigla ka na
lang maipit. O baka makagat ka ng malaking gagamba dyan.

Punto

- Dapat malinaw ang iyong punto o thesis sentence. Ano ba ang gusto mong
palabasin? Iakma rito ang iyong mga sasabihin.

Balangkas o Outline

- kung mahaba ang oras, gumawa ng maikling outline para alam mo ang isusulat
sa bawat talata.

- Maihahalintulad ito sa plano ng isang bahay bago gawin ito ng mga inhinyero, sa
kawayan o sticks na nagpapatibay sa isang sarangola, o sa isang mapa na
ginagamit ng mga manlalayag.
Limang halimbawa kung paano tayo matutulungan ng paggawa ng balangkas o
outline sa pagsulat ng isang sanaysay:

1. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapag-iisipan mong mabuti kung


paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay.
2. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto
na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkaka-ugnay.
3. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin
ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais
mong ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay.
4. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa focus
habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito
para maisula ng malinaw ang iyong mga ideya.
5. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang
mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay naka-plano na kung
ano ang mga ideyang isasama mo at hindi.

Halimbawang balangkas

PAKSA: Ano ang aking gagawin para makapasa sa A&E Test?

BALANGKAS:

I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot


- Makapagtapos ng pag-aaral
- Maiahon ang pamilya sa kahirapan
- May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin
I. Mga Paraan para Makapasa sa A&E Exam
- Magbabasa ng maraming A&E Modyul
- Magsisiapg sa pagsulat ng sanaysay
- Makikinig sa payo ng aking mga guro
II. KONKLUSYON
- Gagawin ang lahat para makapasa sa A&E Test
- Hinding-hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataong handog ng Alternative
Learning System (ALS)
- Iaaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.

Tono

- tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan (ako)? Ikaw ba ay
isang magulang, pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag mo ng mahusay
ang inyong punto de vista (point of view).

Tamang gramatika at mga pananda


- mas malaki ang puntos kung tama ang grammar o gramatika ng sanaysay. Dapat ay
wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, tutuldok, atbp)

- Tapusin ang sanaysay - huwag ibitin ang mambabasa. Dapat itong may konklusyon o
wakas.

SANGGUNIAN:

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAY
SAY

https://www.slideshare.net/allanortiz/pagsulat-ng-sanaysay-71354627

https://pinoycollection.com/sanaysay/

http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-sanaysay.html
Maling Imbensyon
Posted on April 12, 2013 by Ch_D

Marami nang tao ang nasabihan mo nang nababaliw na sila bago pa na pasalamatan sa
kanilang nagawa, bakit? Dahil tinangka lang naman ng ilan gaya ng mag-utol na’to na
lumikha ng sasakyang panghimpapawid dahil akala noon ay hindi na tayo makakalipad
pa kahit ano pang gawin pero dahil sa magkapatid, kaya na nang tao na lumipad sa
hangin sa pag gamit lang ng sasakyang ito, hindi naman nila hinangad na maging
mayaman dahil sa kanilang imbensyon at lalong hindi ito gamitin sa digmaan, naglalaro
nga lang sila at dahil dun nabago at napaliit pa nila ang mundo. Isang matanda naman
ang naka pagpahusay sa isang kasangkapan na magpapatunay na ang mundo ay hindi
sentro ng kalawakan, tinawag siyang baliw at ikinulong dahil lamang sa kanyang na
tuklasan dahil sa hindi ito tugma sa banal na libro at paniniwala ng tao noong sinaunang
sibilisasyon. May isa namang manlalayag naman na di nagpadaig sa takot at naglayag
sa karagatan sa direksyon na kung saan pinaniniwalaang ay may naghihintay na
“Monster“. At kahit namatay bago makabalik sa kanyang bansa napatunayan ng mga ka-
tropa nya na bilog ang mundo at walang sulok o kanto. Maraming pang imbentor at
mananaliksik na tinagap na lang ang pagiging baliw sa pag-nanais na mabago ang
pamumuhay ng tao at sa patingin nito sa mundo. Iilan lang ang may malalim na pang-
unawa at ang karamihan ay nakakakita pero bulag sa paniniwala sa di naman niya
nakikita, nakakalakad pero iika-ika na parang pilay dahil kailangan pa daw nila ng gabay,
nakakarinig pero bingi pa rin dahil kahit paulit-ulit na sinasabi sa paaralan na mali yan at
ganito ang tama na kailangan may basehan bago maniwala at dahil sa ganyang tradisyon
at sa ganitong kultura, namamatay na lang na silang ignorante at kaawa-awa.

Noong araw kadalasan namamatay ang tao sa kakulangan ng dugo, mas madalas pa ito
sa kesa mamatay sa sakit dahil ang sakit ay nagagamot sa dahon-dahon lang ngunit
kapag ikay nagkasugat dahil sa digmaan, aksidente o sa panganganak “oo masmadalas
may namamatay sa panganganak” dahan-dahan ka na lang mamamatay. Nung una
tinangka ng isang doktor na magsalin ng dugo para makaligtas ng batang pasyente at
nagtagumpay ito kahit na mula ito sa dugo ng tupa. Sinubukan naman niyang gumamit
ng batang baka para sa ibang pasyente ngunit nabigo ang doktor at nakasuhan ng pag
paslang. Mula noon ipinag bawal ang pag sasalin ng dugo para maiwasan ang ganoong
trahedya. Ilang daang taon ang lumipas bago muli nagkaroon ng pagsasalin ng dugo at
sa ganitong pag kakataon mula naman sa dugo ng tao para sa tao naman para maiwasan
ang mga nagsisilang ng bagong sanggol na mamatay. May mga ilan lang ang nabuhay
at karamihan ay namatay dahil wala pang na nakaka-tuklas sa panahong yon na may
ibat-ibang “type” ang dugo kaya naman may nagsasabi na “Para mailigtas ang milyon-
milyong tao sa mundo kailangan munang magsakripisyo ang iilan”. Lahat tayo ay nag
sakripisyo na, ang ilan ay itinaya pa ang buhay, inilaan ang oras at pera. Pera? Pera?
Pera!? Pera!!? PERA!!! Kung walang kang pera? Sa panahon natin hindi ka mabubuhay
at hindi ka rin malilibing kase kailangan mo pa ng kabaong, lupang pag-bubulokan “ay
sorry” pag-lalagakan. Dahil wala kang pera wala kang damit nakahubad ka lang, gusto
mo mag suot ka ng basahan, wala kang bahay pwede kang tumira sa ilalim ng tulay, sa
kalsada, kung maaga kang nag-asawa uso din ang tumira sa pamilya ng na-anakan mo
palamunin ka rin nila at karamihan sa tagpi-tagping plywood, kahoy, yero at pabigat na
gulong ka mag camping at pag tinangay ng bagyo, pag sinugod ng panginoong may lupa
para ipa-giba yang “Fucktory” nyo o pag dinilaan at nilamon ng apoy nyang inyong
pagawaan ng bata syempre hihingi ka ng tulong sa gobyerno, sa diyos-diyosan mo at sa
mga taong may nag-mamalasakit sa mga katulad mo na ikaw mismo wala kang malasakit
sa pamilya mo. Maraming nahihirapan sa pagha-hanapbuhay kumita lang ng barya pero
kahit anong gawin mo kung pito, sampu o ilang dosena yang anak mo at katorse ka pa
lang nung una kang makaroon ng anak sana nalaman mo ng maaga na kailangan mo ng
pera pambili ng pills o condom, at kahit pangarap nababayaran na ngayon matupad lang,
bago ka pa maka pag-tapos, bago ka pa isinilang, bago ka pa matututong maligo o kung
naliligo ka talaga ay lahat ng bagay ay may kabayaran at illusyon lang ang libre pero
may free taste sa mall, palengke? o kaya wala ka pa sa palengke sa sidewalk pa lang,
libreng lugaw sa simbahan kaso pa-bulag ka muna sa kanilang diyos-diyosan at libreng
amoy sa puta, amoy nga lang tiyak bitin ka, ang tanga mo kung aamuyin mo lang syempre
kailangan mo ng pera, kailangan mo ng pang bayad, kase kahit hayop nagtra-trabaho na
rin mabigyan lang ng pagkain at mabuhay lang ikaw pa kaya na tao at nag-iisip. Lupa’t
bahay, damit, pagkain, tubig, kuryente, internet connection, pamasahe, gamit pang
eskwela, bayarin sa eskwela, bayaran na Prof., bayaran na lalake, bayaran na babae,
bayarin sa kotong kaps, pang-taya sa lotto, jueteng, ending at kara-krus, pang-load, pang
load sa iba, pang condom, pang condo, motel, hotel, droga at sa pelikula mga kanta na
pinirata para mura o kaya mag rent sa internet shop mag download ka na lang, para
makapag Facebook rin, Twitter, Youtube, Redtube, Youjizz at makapag “DL” na rin ng
trending story sa Wattpad.

Hindi lang mahirap ngayon ang sumasamba sa pera pati na rin mga may kaya sa buhay
na nababaon sa utang at utang sa loob kahit magkaka-pamilya ay nag kakawatak-watak
dahil dito at syempre di pa huhuli ang mga mayayaman kase kayang-kaya nilang
pumatay para sa pera, magpakamatay sa pera at mang-uto ng mga ignoranteng
kababayan para sa pera. mag-pautang ng may interest, mag-nakaw ng malawak na lupa
at alipinin ang mga magsasaka at bigyan ng kakarampot na barya! na kahit ang
magsasaka ang dapat may nagmamay-ari nito. Mga mahihirap na dapat may lupa’t bahay
dahil ninuno nating lahat ang nagtanggol nito sa mga dayuhan pero mas mahirap pa sa
daga ang karamihan. Naging mas masahol pa sa hayop ang pag-uugali natin dahil sa
pera, “aminin man natin o hindi” humihina o nawawalan tayo ng tiwala sa kapwa natin
dahil sa pera. At gaya ng ibang imbensyon binago nito ang pamumuhay, nararamdaman
at pag-uugali ng tao. Walang libre sa mundo!! yan ang itinuro ng pera sa tao dito sa
mundo. Ang mga tao ay nakakagawa ng krimen at nakukulong dahil wala silang pera at
kung wala naman silang gagawin ay malamang namamatay silang gutom kase kahit
magtanim ka ng kamoteng kahoy wala ka namang lupa dahil wala ka rin pera pambili at
wala ka na nangang makain nakuha mo pang magyosi, uminom, sumugal at gumamit ng
ipinagbabawal na gamot. Hirap ka na nga sa buhay magkakasakit ka pa, may libreng
gamot o murang gamot pero limitado lang dahil ang totoo binabayaran pa rin yun, kaya
yung iba namundok at dun nagtanim pero inataki ng katamaran at nang ho-hostage na
lang, mapa-dayuhan o kababayan wala ng paki-alam naging rebelde sa lipunan kaso
nang dadamay pa ng wala sa katuwiran. Dahil walang pera naging patapon ang buhay
dahil hindi nakapag-aral at walang trabaho. Mga tao na naging biktima ng lipunan, naging
biktima ng maling sistema at higit sa lahat naging biktima ng Maling Imbensyon ng tao
ang Pera. Pero kung may trabaho ka, para magka-pera, pwede! kung mag isa ka lang
madadalian ka sa buhay, pero sino ba ang may gusto nang ganun? lahat naman siguro
tayo ay gustong magkaroon ng pamilya, asawa at anak. Isa-sakripisyo natin ang ating
panahon na sana ay kasama na lang natin silang mga mahal natin sa buhay at makasama
araw-araw at kasama na rin sa ating pag-sasakrispisyo ay ang kalusugan para kumita ng
pera at darating din tayo sa punto na ang kinita natin ay ibabayad lang sa ating
humihinang katawan at bigla na lang natin malalaman na ang perang inipon ay kulang pa
pala pang gastos sa hospital at ma-iiwan natin sila ng lubog na lubog sa utang lalong
masakit kung may interest pa.

Sino ba ang nag imbento ng pera?

https://makwento.wordpress.com/2013/04/12/maling-imbensyon/
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
PORMAL NA SANAYSAY

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang


mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay
na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga
pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na
edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na
piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan
bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga
bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang
bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging
mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang
edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-


bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang
nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa
kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa
ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado
kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na
kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang
nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang
buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan
tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa


pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga
paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na
kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat
lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot
nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.

2011 Mga Sanaysay sa Filipino.


http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-tungkol-sa-edukasyon.html

You might also like