You are on page 1of 58

Pamilyar ba kayo sa

larawang ito?
Ano ang tawag sa
larawang iyan?
Saan ito madalas
nakikita?
Ano ang
sinisimbolo nito?
PAGKAKA
PANTAY-PANTAY
Ano ang
sinisimbolo ng mga
larawan?
Ang simbolo ay kumakatawan o
nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan,
paniniwala, aksyon ng isang bagay. Upang
lubos na maunawaan ang akda ay
kinakailangang maunawaan ang kahulugan
ng mga simbolong ginamit.
HALIMBAWA
LANGIT

WALANG HANGGANG
BUHAY
LORO

PAGLALAKBAY
KAMATAYAN

KAPAYAPAAN
KAHARIAN

KAYAMANAN
KONSEHO

TAGAPAYO/
TAGAPAMAHALA
KALULUWA

ESPIRITO
PAGBASA NG
EPIKONG

“PRINSIPE BANTUGAN”
“PRINSIPE BANTUGAN”

Magkapatid sina Bantugan at


Haring Madali ng kaharian ng
Bumbaran.
Labis ang inggit ni Haring Madali sa
kapatid sapagkat hindi lamang ang
kakaibang katapangan ang totoong
hinahangaan sa kaniya, kundi maging
ang paghanga at pagkakagusto ng
maraming dalaga dito.
Kaya, bilang hari, ipinagutos niya na
walang makikipag-usap kay Prinsipe
Bantugan, at sinuman ang sumuway
ay parurusahan niya ng kamatayan.
Naging dahilan ito ng pangingibang-
bayan ni Prinsipe Bantugan. Nang nilisan
niya ang Bumbaran ay kung saan-saan
siya nakarating. Isang araw, dahil sa
matinding pagod, nagkasakit at namatay
siya sa lupaing nasa pagitan ng dalawang
dagat.
Natagpuan si Prinsipe Bantugan ni
Prinsesa Datimbang at ng kapatid nitong
hari. Hindi nila nakilala si Prinsipe
Bantugan kaya sumangguni sila sa
konseho kung ano ang dapat nilang
gawin.
Habang nagpupulong, isang loro
ang dumating at sinabing ang
bangkay ay ang magiting na
Prinsipe Bantugan ng kahariang
Bumbaran.
Samantala, bumalik ang loro sa
Bumbaran upang ibalita kay Haring
Madali ang nangyari sa kaniyang
kapatid. Kaagad lumipad sa langit
ang hari upang bawiin ang kaluluwa
ni Prinsipe Bantugan.
Nang mga oras na iyon ay papunta
rin sina Prinsipe Datimbang sa
Bumbaran upang dalhin ang
bangkay ni Prinsipe Bantugan kaya
hindi na ito inabutan ni Haring
Madali.
Bumalik ang hari sa Bumbaran at
pilit niyang ibinalik ang kaluluwa ng
kapatid. Muling nabuhay ang
prinsipe at nagsaya ang lahat.
Nagbago na rin si Haring Madali.
Nabalitaan ni Haring Miskoyaw na
kaaway ni Haring Madali ang
pagkamatay ni Prinsipe Bantugan.
Kasama ang maraming kawal,
nilusob nila ang kaharian ng
Bumbaran.
Sa pagdating ng pangkat ni Haring
Miskoyaw sa Bumbaran, hindi niya
alam na muling nabuhay si Prinsipe
Bantugan. Dahil kabubuhay pa
lamang at napakarami ng kalaban,
madaling nanghina ang prinsipe.
Nabihag siya at iginapos, muling
lumakas at nakawala siya sa
pagkakagapos. Sa laki ng galit sa
mga kalaban, lalo siyang lumakas at
nagawa niyang mapuksa ang mga
ito.
Nang matapos ang labanan,
pinasyalan ni Prinsipe Bantugan ang
buong Bumbaran. Lahat ng kaniyang
kasintahan ay pinakasalan niya at
sila ay dinala niya sa kanilang
kaharian
Pagdating sa kaharian, masaya silang
sinalubong ni Haring Madali. Masaya
nang namuhay si Prinsipe Bantugan
sa piling ng pinakasalang mga
babae.
Ano ang mga simbolong
ginamit sa inyong binasa?
Ano ang sinisimbolo ng
mga ito?
Bakit kailangang
maunawaan ang kahulugan
ng mga simbolong ginamit
sa akda?
Sino sa mga tauhan sa
kadang Prinsipe Bantugan
ang lubos mong
hinahangaan?
Anong katangian niya ang
kahanga-hanga?
Ipaliwanag ang sanhi at
bunga ng mga pangyayari.
Ipinaubaya ni Prinsipe
Bantugan ang trono sa
kaniyang kapatid na si
Prinsipe Madali.
Ipinagbawal ni Haring
Madali ang paglapit kay
Prinsipe Bantugan.
Umalis si Prinsipe
Bantugan sa kaharian ng
Bumbaran.
Binawi ni haring Madali
ang kaluluwa ng kaniyang
kapatid mula sa langit.
Pinakasalan ni Prinsipe
Bantugan ang lahat ng
kaniyang kasintahan.
Anong bagay ang maaaring
sumimbolo sa ipinakitang
ugali ng magkapatid na
prinsipe?
Kanino mo maihahambing
sina Prinsipe Bantugan at
Prinsipe Madali sa mga tao sa
ating lipunan?
Kung ikaw si Prinsipe
Bantugan, ano ang iyong
mararamdaman sa naging
reaksyon ni haring Madali ang
nais mong tularan?
Anong katangian ni haring
Madali ang nais mong tularan?
Ano ang iyong damdamin sa
ginawang pagsasakripisyo ni
Haring Madali para maibalik
ang buhay ng kaniyang
kapatid?
SANHI AT
BUNGA
ang sanhi ay isang ideya o
pangyayari na maaaring
humantong sa isang bunga
Nakuha mo ang
pinakamataas na grado sa
pagsusulit dahil nag-aral
kang mabuti.
Unang binanggit ang bunga
at sumunod naman ang
sanhi.
Tandaan na hindi lahat ng
pagkakatao’y nauuna ang
sanhi sa bunga. Isiping lagi
ang ganito:
Anong ideya o pangyayari ang
naunang naganap (sanhi)? Ano
ang kinalabasan (bunga)?
Sa komunikasyon, madalas tayong
nagbibigay o naglalahad ng sanhi at
bunga. Layunin nitong ipakita na kaya
naganap ang isang pangyayari ay may
dahilang nauna pa kaysa rito.
Sa gawaing ito, kailangan nating pagaralang
mabuti ang isang pangyayari. Dito’y
kailangan ang likas na pagkukuro at
matalinong paninindigan sa pagpapasiya at
pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita
at nababasa natin.
Ilan sa mga panandang ginagamit sa
huwarang sanhi at bunga ay ang: dahil
sa, sapagkat, nang, kasi, buhat,
mangyari, palibhasa, kaya, resulta, sanhi,
epekto, bunga nito, tuloy, atbp.
Bakit mahalagang pag-
aralan ang SANHI at
BUNGA ng mga
pangyayari?
Panuto: Ibigay ang katumbas na
simbolo ng mga ss:
1. Apoy
2. Araw
3. Bituin
Ipaliwanag ang kahulugan ng mga
sumusunod na simbolo na ginamit sa
binasang akda.
1. Espada
2. Kaluluwa
3. Konseho
Kasunduan: Pumili ng mga pangyayari sa
binasang epiko na naglalahad ng mga
tunay na nangyayari sa lipunang Pilipino
noon at ngayon. Suriin ang nasabing mga
pangyayari ayon sa sanhi at bunga nito.
Isulat sa sagutang papel.

You might also like