You are on page 1of 49

Filipino 7

Ang Langaw na Gustong Maging Isang


Diyos
Mula sa The Folktales ni Damiana Eugenio
Isinalin ni J.B. Bilasano
Gabay na Tanong:
• Ano ang katangian ng langaw sa pabula na naiiba sa ibang mga
hayop na tulad niya?
• Bilang pangunahing tauhan sa akda,may mga katangian ba ang
langaw na maihahalintulad sa isang tao?Ilahad kung ano ito?
3 – 4 .Anong mahalagang aral ang napulot mo mula sa
mga katangiang ipinakita ng langaw sa binasang kuwento?
5. Sa iyong pananaw,masasabi mo bang dapat o hindi dapat
gumamit ng hayop ang may-akda bilang tauhan sa kuwento?
Ang Langaw na Gustong Maging Isang
Diyos
Mula sa The Folktales ni Damiana Eugenio
Isinalin ni J.B. Bilasano
Noong unang panahon,may isang langaw sa
isang maliit na kaharian ng niyog, ang
Agama Niyog. Iba ang partikular na langaw
na ito sa mga langaw na alam at nakikita
natin ngayon. Ito ay dahil sa paborito ng
Diyos ang langaw na ito. Hindi iyon
lumilipad-lipad para maghanap ng pagkain.
Ang kailangan lamang gawin niyon ay
humiling ng kahit ano at agad na ibibigay
Matagal ding tinamasa ng langaw ang buhay bilang paborito ng Diyos.
Ngunit isang araw, habang lumilipad-lipad, di sinasadyang nakapasok
iyon sa isang palasyo. Nakita niya ang sultan na pinaliligiran ng kanyang
mga asawa at babae. Nainggit ang langaw. Kaya, nang makarating sa
bahay, hiningi niyon sa Diyos na gawin siyang isang sultan. Kaagad
ibinigay ng Diyos ang kanyang hiling.
Kaya, naging sultan ang langaw. At tulad ng mga sultan ng ibang
mga bansa, marami ring naging asawa at babae ang langaw. Naging
masaya ang langaw bilang sultan. Ngunit, di nagtagal, napagod ito.
Bumalik ang langaw sa dati niyang tirahan at hiniling kay
Arkanghel Gabriel na sabihin sa Diyos na gawin siyang isang
propeta. Nagpatira pa si Arkanghel Gabriel sa harap ng Diyos at
sinabi niya, “Mahal na Panginoon, gusto ng langaw na maging
propeta.” Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ni Arkanghel Gabriel
ang Tinig na nagsabing, “Sige, sabihin mo sa kanyang gagawin ko
siyang isang propeta.” Kaya, naging propeta ang langaw.
Ngunit, natuklasan ng langaw na hindi madaling trabaho
ang maging propeta. Dapat siyang maglakbay sa iba’t
ibang lugar, kinakausap ang mga tao tungkol sa
pananampalataya at pagmamahal.Nalaman ng langaw na
hindi madali at payapa ang buhay ng isang
propeta.Laging may mga taong gustong patayin siya.
Isang araw, talagang napagod nang maging propeta ang langaw at
tinawag niya si Arkanghel Gabriel. “Pakisabi sa Diyos na ayaw ko
nang magpatuloy bilang isang propeta.”
“Ano ngayon ang gusto mong maging?” ang tanong ni Arkanghel
Gabriel.
“Gusto kong maging isang diyos”, ang sabi ng langaw.” “Marahil,
kapag naging isang diyos na ako, magiging masaya ako.”
Inisip ni Arkanghel Gabriel na sobra na ang hiling ng langaw. Ngunit,
gaya ng dati, nagpatira pa siya sa harap ng Diyos at sinabing, “Mahal na
Panginoon, gusto ng langaw na maging Diyos ngayon. Napagod na siya sa
pagiging propeta.” Nang marinig iyon ng Diyos, ibinalik niya ang langaw
sa dati niyang anyo.
Kung malapitan mong titingnan ang langaw, mapapansin mong
laging pinagkikiskisan nito ang mga binti sa kanyang hulihan. Ito ang
parusa sa kanya ng Diyos sa kagustuhan niyang maging isang Diyos.
Gabay na Tanong:
• Ano ang katangian ng langaw sa pabula na naiiba sa ibang mga
hayop na tulad niya?
• Bilang pangunahing tauhan sa akda,may mga katangian ba ang
langaw na maihahalintulad sa isang tao?Ilahad kung ano ito?
3 – 4 .Anong mahalagang aral ang napulot mo mula sa
mga katangiang ipinakita ng langaw sa binasang kuwento?
5. Sa iyong pananaw,masasabi mo bang dapat o hindi dapat
gumamit ng hayop ang may-akda bilang tauhan sa kuwento?
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isaayos
ang mga gulo-gulong letra upang makabuo ng kasagutan batay
sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa kwaderno ang titik ng
tamang sagot.
PKEIO
Ito ay isang mahabang salaysay o patulang pasalaysay na
inaawit. Ito ay tungkol sa pakikipaglaban ng pangunahing tauhan
at karaniwang nilalahukan ng mga di pangkaraniwang
pangyayari
EPIKO
Ito ay isang mahabang salaysay o patulang pasalaysay na
inaawit. Ito ay tungkol sa pakikipaglaban ng pangunahing tauhan
at karaniwang nilalahukan ng mga di pangkaraniwang
pangyayari
AUNGB
Ito ang tawag sa kinalabasan o resulta ng isang
pangyayari o pagpapasiya
BUNGA
Ito ang tawag sa kinalabasan o resulta ng isang
pangyayari o pagpapasiya
IAHNS
Ito ang tawag sa dahilan ng isang pangyayari.
SANHI
Ito ang tawag sa dahilan ng isang pangyayari.
Kilalanin sila.
Sa iyong paghihinuha, bakit sila itinuturing
na bayani sa kasalukuyan?
Bukod sa kanila, sino pa sa inyong palagay
ang maaaring maituring na makabagong
bayani?
Ano ang tawag natin sa mga akdang
pampanitikan na tumatalakay sa
pakikipaglaban at kabayanihan?
Epiko
Epiko
Ito ay isang mahabang salaysay o
patulang pasalaysay na inaawit. Ito ay
tungkol sa pakikipaglaban ng
pangunahing tauhan at karaniwang
nilalahukan ng mga ‘ di-
pangkaraniwang pangyayari.
Epiko
Isang mahabang salaysay na anyong
patula. Nagmula sa salitang Griyegong
“epos” na nangangahulugang salawikain
o awit.
Sa Kabuuan, ang Epiko ay

Kabayanihan Inaawit

Pakikipagtunggali Di-makatotohanan
Si Prinsipe Bantugan
Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang katangian ni Bantugan?
2. Bakit nakatakdang parusahan ng kamatayan si Bantugan?
3. Ano ang dahilan ng pag-alis ni Bantugan sa palasyo?
4. Paano muling nabuhay si Bantugan?
5. Isalaysay ang naging pakikipaglaban at tagumpay ni Bantugan
kay Haring Miskoyaw.
Si Prinsipe Bantugan
Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang katangian ni Bantugan?
2. Bakit nakatakdang parusahan ng kamatayan si Bantugan?
3. Ano ang dahilan ng pag-alis ni Bantugan sa palasyo?
4. Paano muling nabuhay si Bantugan?
5. Isalaysay ang naging pakikipaglaban at tagumpay ni Bantugan
kay Haring Miskoyaw.
Hulaan mo!
Mechanics
• Pipili ng mag-aaral na sasagot sa katanungan.
• Mula sa binasa, maghinuha ng kalalabasan ng mga pangyayari.
• Paunahang magtaas ng kamay ang mga manlalaro. Kung sinong mauna
ay siyang mananalo.
Sitwasyon

Ipinaubaya ni Prinsipe Bantugan ang trono sa


kaniyang kapatid na si Prinsipe Madali...
Sitwasyon

Ipinagbawal ni Haring Madali ang paglapit kay


Prinsipe Bantugan.
Sitwasyon

Umalis si Prinsipe Bantugan sa kaharian ng


Bumbaran...
Sitwasyon

Binawi ni Haring Madali ang kaluluwa ng kaniyang


kapatid sa langit...
Sitwasyon

Pinakasalan ni Prinsipe Bantugan ang lahat ng


kaniyang kasintahan...
Basahin sa modyul ang:

Si Tuwaang at ang
Dalaga ng Buhong na
Langit
Freeze Story
Mechanics
• Ang klase ay mahahati sa 4 - 5 na grupo.
• Ang guro ay magbibigay ng mga pangyayari sa kuwento, at iFfreeze Story
ng bawat grupo ang kinalabasan ng mga sitwasyong ito sa kuwento.
Bibigyan kayo ng 30 segundo upang umisip at ifreeze ang kinahinatnang
eksena. Ang aktibiti ang bubuuin ng 5 pangyayari, at kung sino ay may
pinakamataas na marka sa katapusan ng aktibiti ang siyang mananalo.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pagkamalikhain ng Presentasyon: 5
Kahulugan ng Freeze Story: 5
Pagkakaisa ng Pangkat: 5
KABUUAN: 15 PUNTOS
Sitwasyon
Si Tuwaang ay nakatanggap ng mensahe na
kailangan niyang dumalo sa kasal ng Dalaga ng
Monawon. Ngunit agad siyang binalaan ng kanyang
tiyahin na huwag itong pumunta dahil
nararamdaman niyang mayroong masamang
mangyayari sa kasal.
Sitwasyon

Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng


mga mamahaling regalo ngunit nagparinig ang Binata ng
Sikadna na wala pa silang gintong plauta at gintong gitara.
Sitwasyon

Nang lumabas naman ang babaeng ikakasal ay napanganga


at humanga ang mga bisita dahil sa taglay na kagandahan
nito.
Sitwasyon

Nang dahil sa matinding labanan ng dalawa ay


lumindol ang lupa kaya
binuhat ng Binata ng Sakadna si Tuwaang at
ibinato ng malakas sa lupa.
Sitwasyon

Lumubog at nakarating si Tuwaang sa Hades at nakita niya


si Tuhawa, ang diyos ng Hades. Sinabi nito na ang buhay
ng lalaking ikakasal ay nasa gintong plauta.
Paano mo magagamit sa iyong buhay ang
kaalaman sa paghihinuha sa kalalabasan ng
pangyayari?
Paano nakatutulong sa iyo ang kaalaman sa
wastong paghihinuha sa kalalaban ng isang
pangyayari?
Salamat!

You might also like