Professional Documents
Culture Documents
II.PAKSA:
A. Panitikan: EPIKO – EPIKO NI PRINSIPE BANTUGAN
B. Gramatika/Retorika: SANHI AT BUNGA
a.Sanggunian: REX INTERACTIVE: THE ONLINE EDUCATIONAL
PORTAL(SUPPLEMENTAL LESSONS) P11-16
b. Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards
A.PANIMULA: Pagganyak
Sino ang kanilang SUPERHERO Tignan ang larawan?
Maglalahad ang mga magagandang salita ukol sa kanilang superhero.Idikit ang larawan
ng kanilang superhero sa kahon.
Page 1 of 9
Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan
(halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
•Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang,
anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring
tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.
B.1 PAGLINANG NG KABIHASNAN
PAGSASANAY 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
____________1. Ito ay karaniwang nagtataglay ng mga mahiwaga o mga di- kapani-paniwalang mga
pangyayari o tauhan.
____________2. Ito ay pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa epiko. Ito ay pwede maging
payak o komplikado.
_____________3. Ito ay nagbibigay- buhay sa epiko. Karaniwang nagtataglay ng kapangyarihan
_____________4. Salitang griyego ng epiko
_____________5. Ito ang nagbibigay- linaw sa paksa, banghay at tauhan. Ito din ang lugar o
panahon na kinikilusan ng tauhan _____________6.
_____________7.Apat na katangian ng epiko _____________8.
_____________9.
_____________10. Ito ang mga salitang hindi lantaran ang kahulugan
https://www.google.com/search?q=EPIKO+NI+BANTUGAN&sxsrf
Retrieved Hunyo 8,2020
Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Mindanao)
Ikatlong Salaysay ng Darangan
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa kanyang katapangan,
walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan, siya pa rin ang
naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang
kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang
makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.
Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya
ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saan-saan, si Bantugan ay nagkasakit
hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng
dalawang dagat.
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay nagulumihanan sapagkat hindi
nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat
gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa
Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran. Nang magbalik
ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa
langit si Haring Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala,
dinala naman ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay
pinilit niyang ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at
nagbago si Haring Madali. Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay
namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa pagkabuhay na muli
ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan.
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.
Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa kamatayan, siya ay
nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang
kanyang lakas nang makapagpahinga. Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa
malaking galit sa mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban.
Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran
at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian. Sinalubong sila ni
Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa
piling ng kanyang mga babaeng pinakasalan.
Page 2 of 9
PANUTO : Salungguhitan ang salitang nasa loob ng panaklong na hindi kabilang sa
kahulugan ng salitang naka-italisado sa loob ng pangungusap. PAHINA 2
C.2.PAGLINANG NG KABIHASNAN
“Ang
Marawi ay itinatag bilang Dansalan noong 1639 ng mga Spaniards na pinamumunuhan ni Francisco
Atienza na mula sa Iligan at sinubukan niya kasama ang kaniyang tagasunod na sakupin ang buong
Lake Lanao pero nabigo sila. Ang pagbabago mula sa kanyang opisyal na pangalang Dansalan at
pinalitan sa pangalang Marawi ay dahil sa pakongresong pagbabago ng Charter noong 1956 na ang
tumangkilik o nag-isponsor ay si Senador Domocao Alonto. Ito ay kinatawan ng Republic Act No. 1552
pinetsahan nang June 16,
1956.”Ang mga tao sa Marawi ay tinatawag na Maranao at nagsasalita nang sarili nilang lengguwahe
(Maranao language). Ang siyudad ay tinatawag ding “Summer Capital of the South” dahil ang
kinalalagyan nito ay nasa taas at kalamigan ng kanyang klima
Page 3 of 9
Ito ay tinaguriang mga tribong nasa timog. Ang kahulugan ng Maranao ay “People of the lake” o “Mga tao sa
ragat”. Kilala sila na rehiyon ng mga Muslim sa isla ng Mindanao. Ang Maranao ay parte ng mas malawak na
katutubong grupo ng Moro.
PAHINA 3
KULTURA
Lake Lanao at Lantsa – isang Bangka.
Torogan – ang bahay ng mga Maranao.
Darangan – ito ay ang sikat na epikong Maranao
1. Kirim – isa itong pre-Hispanic na pagsusulat na namana sa letra ng mga Arabe (Arabic).
2. Singkil – sikat na sayaw ng mga Maranao.
3. Okir – ang disensyong pwede nilang ilagay sa kanilang torogan.
4. Sarimanok, Papanoka “Mra” o “Marapatik” – ito ay ang sikat na makakasaysayang ibon ng mga Maranao na
naging simbolo ng kanilang sining.
5. Kulintang – ito ay ang karaniwang instrument sa musika nila.
PANANAMIT
Page 4 of 9
Ang “malong” ay ang tradisyong kasuotan ng mga Maranao. Ito ay malalaki ang
sukat at ang tela nito ay makukulay na hinabi at pinagtigpi na kaugaliang isinusuot
nila pambalot sa kanilang katawan.
EKONOMIYA
Ang ekonomya ng Marawi ay nakabase sa agrikultura at pangangalakal.
Karamihan sa mga Maranao ay malaki ang alam nila sa agrikultura. Kung
pupunta ka ng Marawi madadaanan mo doon ang –NPC Agus 1 Hydro
Electric Power Plant.
KAUGALIAN AT PAMUMUHAY
Ang mga tao doon ay nakatira malapit sa lawa ng Lanao na dito din hinango ang kanilang pangalan. Kaya
naman ang karaniwang pamumuhay nila dito ay pangingisda at pagsasaka.
Magaling sila magdisenyo ng mga damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso.
PAHINA 4
Bawat relihiyon ay may kanya-kanyang pinagbabawal katulad rin ng mga Maranao.
MGA IBANG HALIMBAWA NA IPINAGBABAWAL NG ISLAM
Pinagbabawal ang pag-inom ng alak.
Pinagbabawal ang pagkain ng baboy.
Pinagbabawal ang pagkain ng karne na mayroong mga pangil.
Pinagbabawal sa mga babaeng Muslim ang pagsuot ng maiiksi at masisikip na damit.
Pinagbabawal din ang pagkakaroon ng nobya o nobyo na hindi legal sa kanilang mga magulang o hindi alam
ng mga magulang.
Pinagbabawal din sa mga lalaki ang pagsuot ng mga ibang kagamitan ng mga babae halimbawa nalang ng
ginto, seda at pilak dahil ito ay para sa mga kababaihan lamang.
Pinagbabawal ang pagkaing hindi kinatay halimbawa ng mga karne na ang ginamit na proseso ay makina. At
ang mga hayop na hindi Muslim kundi Kristiyano o Hudyo ang nagkatay ay ipinagbabawal ding kainin ng mga
Muslim.
Page 5 of 9
PAGSASANAY D1 : HANAPIN SA KAHON ANG MGA
KAUGNAYAN SALITANG MAY
P A N G I N G I S D A M I E M SA
M M R T U I O P W A B A S H A
L A N A O L A K E N N L L N R
Q W R T Y U H D S S M O A M A
K U L I N T A N G A N N M K W
I B G S I N G K I L B G B O I
R T O R O N G A N A I K N K B
I D F H M I N D A N A W H I A
M C P A G S A S A K A K J R T
T A O S A R A G A T K K S G A
KULTURA NG MARANAO
SANHI AT BUNGA
Sa komunikasyon, madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga. Layunin nitong ipakita
na kaya naganap ang isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa gawaing ito,
kailangan nating pag-aralan at tingnang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y kailangan ang likas na
pagkukuro at matalinong paninindigan sa pagpapasya at pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita
at nababasa natin.
Mga panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at bunga: dahil sa, sapagkat, nang, kasi, buhat,
mangyari, palibhasa, kaya, resulta, sanhi, epekto, bunga nito, tuloy, atbp.
nangyari” at “ Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay
tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga.
HALIMBAWA:
F. PAGLINANG NG KABIHASNAN
Page 6 of 9
_____________7. Magkakasama sina Jose at ang kanyang mga kaibigan kasi pupunta sila sa
bayan.
_____________8. Dalidaling hinabol ng tingin ni Jose ang kanyang tsinelas dahil naanod iyon ng
tubig.
_____________9. Kahanga-hanga ang tanawin sa paligid kaya labis na nasiyahan si Jose.
_____________10.Fiesta ng bayan kaya nagpasiyang pumunta roon ang mgakakaibigan.
_____________11. May hiling ang upo kaya kinausap niya ang hangin.
_____________12.Hahila ng aso ang katawan ng upo kaya nagkasira-sira ito.
_____________13.Bumagsak sa pagsususlit si Tanya. Natatakot siyang makita ng nanay niya ang
kanyang test paper.
_____________14. Iniabot ni Darwin ang pera sa tindera. Tuwang-tuwa nagpasalamat ang tindera
sa bata.
_____________15.Lumabas sa paaralan si Melba kahit umuulan pa. Gusto niyang makauwi na.
H.PAGLALAHAT NG ARALIN:
PAHINA 6
salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo
ng berso o talata ngunit ito ay iba -iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi
maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.Opisyal na pangalang Dansalan at
pinalitan sa pangalang Marawi ay dahil sa pakongresong pagbabago ng Charter
noong 1956 na ang tumangkilik o nag-isponsor ay si Senador Domocao Alonto. Ito
ay kinatawan ng Republic Act No. 1552 pinetsahan nang June 16, 1956.” Sanhi – Ito
ay ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari. Mga Hudyat na
nagpapahayag ng sanhi: Sapagkat ,Dahil/Dahil sa/Dahilan sa ,Palibhasa ,Ngunit ,At
kasi Bunga – Ito ay ang tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari. Mga Hudyat
na nagpapahayag ng bunga
I.PAGTATAYA NG ARALIN
Page 7 of 9
Gawain ng mag-aaral: Tukuyin kung
ano ang ipinapakita ng larawan.
Alamin kung ito ay sanhi o
bunga. Kung ito ay sanhi, isulat
kung ano ang maaaring maging bunga nito at kung
ito naman ay bunga, isulat kung ano ang
PAHINA 7
https://allysamprn.wordpress.com/2017/10/12/marawi- city-lanao-del-
sur/ Retrieved Hunyo 8,2020
ng mga Maute ay umatake sa siyudad ng Marawi City. Nang mag-iisang buwan na ang gera, ang
Presidenteng Duterte ay ideneklara ang Martial Law sa isla ng Mindanao, kung saan nagaganap ang
labanan. Sa ngayon ay patuloy parin ang labanan pero kumunti na ang mga kalaban kumpara sa una.
Page 8 of 9
Para sa mga kapatid kong Maranao at Kristiyanong nasiraan at nawalan ng
pamumuhay sa Marawi dahil nga sa sanhi ng
gyerang ito, sana po wag kayong mawalan ng pag-asa, wag po kayong tumigil
manalangin at mag-pasalamat sa Diyos dahil nandito parin tayo sa mundong ating
ginagalawan. Huwag kayong mawalan ng lakas
dahil pare-parehas tayong nawalan ng pera, pamumuhay, bahay at ang
pinakamasakit sa lahat ay ang mga mahal natin sa buhay alam nating lahat na mahirap at masakit ang
mawalan ng kahit ano nito pero ang dapat lang natin gawin ay ang BUMANGON at HARAPIN lahat ng
pagsubok na dadaan sa atin ngayon o sa balang araw. Sana sa mga nangyari ay makakuha tayo doon ng aral
at sa mga pinagdaanan nating sakit at ang mga sugat na dulot nito ay gamitin nalang natin itong gabay sa
ating muling pagbangon.
PAHINA 8
Page 9 of 9