You are on page 1of 35

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur

Filipino 7
Unang Markahan( Mga Akdang Pampanitikan: Salamin
ng Mindanao)
Aralin 1.3
Epiko ni Prinsipe Bantugan
Pangkatang Gawain: Bawat pangkat
ay
aatasang iguhit sa cartolina ang
paborito nilang
superhero. Isang kinatawan mula sa
pangkat ang
magpapaliwanag ng kanilang ginawa.
Ang epiko ay uri ng panitikan na
tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at dikapani- paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punung-
puno ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga
Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Dugtungang Pagbasa:

Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Mindanao)
Ikatlong Salaysay ng Darangan
Dahil sa kanyang katapangan, walang
mangahas na makipagdigma sa
Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang
ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at
namamayani sa puso ng maraming mga
kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng
kanyang kapatid na si Haring Madali,
ipinag-utos nito na walang makikipag-
usap kay Bantugan at ang sinumang
makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay
parurusahan ng kamatayan.
labis na nagdamdam at dahil sa laki ng
kanyang pagdaramdam, siya ay
nangibang-bayan. Dahil sa matinding
pagod sa paglalakbay kung saan-saan, si
Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya
ay abutin ng
kamatayan sa pintuan ng palasyo ng
kaharian ng lupaing nasa pagitan ng
dalawang dagat.
ay nagulumihanan sapagkat hindi nila
kilala si Bantugan. Tinawag ng
magkapatid ang konseho upang isangguni
kung ano ang kanilang dapat gawin.
Habang sila ay nag-uusap, isang loro ang
dumating sa bulwagan at sinabi sa
kanilang siya ay galing sa Kaharian ng
Bumbaran at ang bangkay ay ang
mabunying Prinsipe Bantugan ng
Bumbaran.
pagkamatay ni Bantugan. Kaagad
lumipad sa langit si Haring Madali kasama
ang isang kasangguni upang bawiin ang
kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala
naman ni Prinsipe
Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa
Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay
pinilit niyang ibalik ang kaluluwa ni
Bantugan. Nang muling mabuhay si
Bantugan ay nagsaya ang lahat at
nagbago si Haring Madali.
kaaway ni Haring Madali na si Bantugan
ay namatay, lumusob si Haring Miskoyaw
kasama ang marami niyang kawal sa
Bumbaran. Dumating ang pangkat ni
Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang
nagdiriwang dahil sa
pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi
nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang
pagdiriwang
at ito ay napalitan ng paglalabanan.
kalaban.Dahil sa karamihan ng mga
tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang
ni Bantugan sa kamatayan, siya ay
nanghina hanggang sa mabihag ng
kanyang mga kaaway. Siya ay iginapos
subalit unti-unti ring nagbalik ang
kanyang lakas nang makapagpahinga.
Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya
at muling lumaban. Dahil sa malaking
galit sa
kalaban. Pagkatapos ng labanan ay
dinalaw ni Bantugan ang palibot ng
Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang
lahat ang kanyang mga katipan at sila ay
dinala sa kanyang kaharian. Sinalubong
sila ni Haring Madali nang buong
katuwaan at muli, lahat ay
nagdiwang.Nabuhay nang maligaya si
Bantugan sa piling ng kanyang mga
babaeng pinakasalan.
Pangkatang Gawain: Tableau ng
Pangyayari
Gumawa ng tableau ng mga pangyayari
mula sa epikong binasa. Habang naka-
freeze kunan ito ng larawan at gawan ng
pelikula ng mga larawan.Ipakita ito sa
klase.
Nakikilala ang katangian ng mga tauhan
batay sa tono at paraan ng kanilang
pananalita)
 
Gawain: Ipakilala ang mga tauhan batay
sa mga salitang inutal ng mga
pangunahing tauhan sa nabasang epiko.
Ilahad ang kanilang mga pahayag sa
akda.
(F7PT-Id-e-3
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga
simbolong ginamit sa akda )

Ano ang isinisimbolo o iniriripresenta sa


lipunan ang mga sumusunod na salita o
tauhan na nabasa sa akda?

Palasyo Puso Haring Madali Loro


Kaharian espada
1. Walang sinuman ang nangahas na
makaaway si Bantugan.
(sumubok,naglakas-loob, umatras)
Gamitin sa
pangungusap:______________________

2. Isinangguni nila sa Hari ang


pagkamatay ni Bantugan. (Inilapit,
Itinago,Ibinalita)
Gamitin sa
pangungusap:___________________________
4. Nakipaghamok siya nang kagila-gilalas
sa kanyang mga kaaway.
(Nakipaglaban, Nakiusap,
Nakipagtunggali)
Gamitin sa
pangungusap:______________________
5. Pumailanlang sa himpapawid si
Bantugan. (Yumuko, Pumaibabaw,
Lumipad)
Gamitin sa
pangungusap:______________________
loob ng pangungusap?

1. Dahil sa kanyang katapangan, walang


mangahas na makipagdigma sa
Bumbaran.
2. Dahil sa laki ng kanyang
pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan.
3. Lumusob si Haring Miskoyaw sa
Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang
namatay na si Bantugan.
4. Si Bantugan ay namatay dulot
ng matinding gutom at
kalungkutan.
5. Pinarusahan si Bantugan ng
kanyang kapatid na si Haring
Madali epekto ng matinding inggit.
Ang mga salitang dahil sa, dulot
ng, sapagkat, epekto ng, bunga
ng, dahilan sa, mangyari, at iba pa
ay mga salitang pang-ugnay ng
dalawang sugnay na
nagpapakita ng relasyong sanhi at
bunga.
parirala o pangungusap upang mabuo
ang diwa.
1. Si Alex ang naging Top 1 ng klase dahil
sa _____________________________________.
2. Bumaha sa buong Metro Manila dulot
ng _____________________________________.
3. Ako ang napagbintangan dahil sa
_____________________________________.
4. Mabuti akong tao sapagkat
_____________________________________.
5. Mananalo ako sa timpalak kasi
__________________________________________.
malawak na kaalaman tungkol sa paksa )

Pangkatang Gawain: Ibigay ang mga sanhi at


bunga ng mga sumusunod na kalagayan na
namamasdan natin sa pang-araw-araw na
buhay. Mag-atas ng kasapi sa pangkat na
ilahad ang mga napag-usapan. Gamitin ang
mga salitang pang-ugnay na ginagamit ng
relasyong sanhi at bunga.Kapanayamin ang
mga taong may malawak na kaalaman sa mga
nakaatang na paksa sa inyong pangkat.
Sakit sa Balat
Polusyon sa Lupa
Polusyon sa Hangin
Polusyon sa Tubig
Pagbabago ng Klima(Climate Change)
sanhi at bunga ng mga pangyayari)

Gawain: Maglahad ng sampung


pangyayari sa akdang binasa at
ilahad ang sanhi at bunga nito.
Gamitin ang mga salitang pang-
ugnay na ginagamit ng relasyong
sanhi at bunga.
pangungusap na nagpapakita ng
relasyong sanhi at bunga.
Salungguhitan ng isang beses ang
sanhi at dalawang beses naman ang
bunga. Bilugan ang ginamit na pang-
ugnay.
talakayan sa klase gamit ang sumusunod na
mga tanong:
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang katangian ni Bantugan?
2. Bakit nakatakdang parusahan ng
kamatayan si Bantugan?
3. Ano ang dahilan ng pag-alis ni Bantugan sa
palasyo?
4. Paano muling nabuhay si Bantugan?
5. Isalaysay ang naging pakikipaglaban at
tagumpay ni Bantugan kay Haring
Miskoyaw.
(F7PT-Id-e-3
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga
simbolong ginamit sa akda )

(F7PD-Id-e-3 Naipahahayag ang sariling


pakahulugan sa kahalagahan ng mga tauhan
sa napanood na pelikula na may temang
katulad ng akdang tinalakay )
Pangkat 1: Gumuhit ng limang bagay na
sumisimbolo sa katapangan.
Pangkat 2: Sumulat ng tatlong mga
tauhan mula sa mga palabas/pelikula na
inyo nang napanood na maaari ninyong
iugnay kay Bantugan at ano ang
kahalagahan ng mga tauhan sa
palabras/pelikula.
Pangkat 3: Bumuo ng isang script mula sa
salaysay ng Epiko ni Bantugan.
Pangkat 4: Gumawa ng sariling wakas ng
Epiko ni Bantugan.
Pagpapanood ng halimbawa ng Informance
https://www.youtube
.com/watch?v=M8oIGWWkiDU
dalawang salitang information at performance.
Upang magawa ito, kinakailangan mong
magsagawa ng research may kinalaman sa
bagay na iyong papaksain at matapos
makakuha ng sapat ng impromasyon ay
ipapakita mo ito o ipeperform.
https://brainly.ph/question/475228#readmore
A performance intended to be both
educational and entertaining; especially a
musical concert which includes an informative
talk about the piece or instruments being
played.https://en.oxforddictionaries.com/definition/
informance
Narrator: Sa kahariang Bumbarian ay may
magkapatid na si Prinsipe Bantugan @ Hari
Madali. Si Prinsipe
Bantugan ay higit na hinahangaan ng mga
kababaihan sa kanilang palasyo kasya sa kay
Haring Madali.
Dahil sa tinataglay nitong kakisigan at
kahusayan sa pagdidigma.
(MagpapaGwapo si Prinsipe Bantugan dito, o
magpapakita na malakas siya at gwapo. At
magpapakita ng konting
pagkainggit ang kanyang kapatid na Hari sa
kanya.)
ang kanyang kapatid na Prinsipe, at ipinag-utos pa
na
patayin ang sinumang babaing mahuhuling
makikipag-usap kay Prinsipe Bantugan.
Hari Madali: Oh siya! Ayoko makakita ng ni-isa na
dalaga na makikipagusap sa aking kapatid! Ang
mahuli
niyo na nakikipagusap sa kanya na dalaga ay siyang
patayin niyo agad!(Tumuturo ang Hari palabas ng
palasyo sa mga kawal habang sinasabi ang utos na
galit. *dahil sa onti lang tayo,ipapakita nalang nung
gaganap na hari na ang mga kawal nya ay ung
AUDIENCE, haharap siya sa audience at sa kanila
niya sasabihin ung linya.)
Prinsipe Bantugan ang utos ng Hari, at agad-
agad siya na nagisip
ng paraan.
Prinsipe Bantugan: Hindi ito maari! Wala
akong magagawa kung ‘yon ang utos ng aking
kapatid! Dapat
na akong umalis dito sa alangala ng mga
chikabeybs ko!!!!! (umalis)
Naisusulat ang iskrip ng informance na
nagpapakita ng kakaibang katangian ng
pangunahing tauhan sa epiko )

Pagsulat: Bumuo ng iskrip ng informance na


nagpapakita ng kakaibang katangian ng mga
tauhan sa epikong binasa
(F7PS-Id-e-3 Naitatanghal ang nabuong
iskrip ng informance o mga kauri nito )

Pangkatang Gawain:

Mula sa mga indibidwal na iskrip na sinulat,


pumili ng isang iskrip na ayon sa panlasa niyo
ay pinakamaganda. Isadula sa ang iskrip na
ito sa anyo ng Informance.Maaaring gumamit
ng mga props at mga kasuotan para sa mas
malinaw na pagganap sa bawat
tauhan.Itanghal sa Klase.
Inihanda ni:
 
RONALD P. DOMINNO
Grade 7 DLL Writer
Head Teacher III (Salcedo NHS)

You might also like