You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
Dibisyon ng Zambales
ROFULO M. LANDA HIGH SCHOOL
Salaza, Palauig, Zambales

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Filipino 7
Pangalan:______________________ Petsa:_____________
Seksiyon:_______________________ Marka:____________
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang.
_______1. Naging isang mabuting instrument ang panitikan upang mabilis na maipalaganap ang relihiyong Katolisismo sa bansa.

a. Ginamit ng espanyol ang mga panitikang panrelihiyon upang maituro sa mga Pilipino ang pananamapalataya ng Katolisismo.
b. Maraming Pilipino ang pumunta sa Espanya upang higit na matutuhan ang panitikang panrelihiyon ng mga espanyol.
c. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga panitikang panrelihiyon ay parang narrating na rin ng mga Pilipino ang iba’t ibang simbahang
katolikong itinatag ng mga espanyol sa bansa.
d. Lahat ng nabanggit

______2. Maraming kritiko ang nagsasabing ang Ibong Adarna ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng panitikang Pilipino.

a. Dahil sinsabing taga Europa ang may akda ng koridong ito


b. Dahil ang panitikang Ibong Adarna ay nagmula sa Pilipinas
c. Dahil hindi umaangkop sa kultura at kalinangan ng mga Pilipino
d. Dahil ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay hinago sa kwentong bayan mula sa Europa.

______3. Ang Ibong Adarna ay isang uri ng ____________.

a. Korido b. awit c. tula d. maikling kwento

______4. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng korido?

a. Ito ay binubuo ng apat na taludtod sa bawat saknong na may sukat na wawaluhing pantig
b. Ang himig ay mabagal
c. Ang mga tauhan ay may taglay na kapangyarihan
d. Wala sa nabanggit

______5. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Donya Valeriana.

a. Albanya b. Berbanya c. Armenya d. Krotona

______6. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.

a. Piedras Platas b. Piedras Plato c. Piedro de Oro d. Piedras Blanca

______7. Ang mensaheng taglay ng pagharap ng magkakapatid sa panganib para sa ama.

a. Wagas na pagmamahal para sa kanilang ama c.Paghahangad sa kayamanang mamanahin sa magulang


b. Kahihiyan ng pamilya kung hindi sila kikilos para sa magulang d. Wala sa nabanggit

______8. Ang mensaheng taglay ng panalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran

a. Mahina si Don Juan at takot sa susuungin niya c.Malakas si Don Juan subalit nanghihina rin ang loob niya
b. Nais ni Don Juan na magabayan siya sa misyon niya. d.Wala sa nabanggit

______9. Bakit itinuturing na angkop ang nilalaman ng Ibong Adarna sa kalinangan at kulturang Pilipino kahit sinasabing isang halaw o huwad na
panitikang ito?

a. Masasalamin sa akda ang kaugalian at pagpapahalagang Pilipino


b. Ginamit ito ng mga Pilipino upang libangin ang kanilang sarili sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
c. Tinangkilik itong basahin ng mga Pilipino dahil maaari nila itong iugnay sa kanilang buhay.
d. Wala sa nabanggit

______10. Ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda

a. Likas na maawain at mapagkawanggawa si Don Juan


b. Alam ni Don Juan na may maitutulong ang matanda kaya tinulungan niya
c. Hindi na kailangan ni Don Juan ang bagay na hiningi ng matanda kaya ibinigay na lang niya
d. Wala sa nabanggit
______11. Alin sa sumusunod ang nagtataglay ng suliraning panlipunan na makikita sa akdang Ibong Adarna?

a. Ang pagiging bayolente, pananakit o paggamit ng dahas laban sa kapwa


b. Pagiging traydor o lihim na kaaway kapag ang kalaban ay nakatalikod at walang kalaban-laban
c. Paggawa ng masama para mapagtakpan ang isang kabiguan o kahihiyan.
d. Lahat ng nabanggit

______12. Alin sa sumusunod ang HINDI nagtataglay ng suliraning panlipunan na makikita sa akda?

a. Ang pagiging bayolente, pananakit o paggamit ng dahas laban sa kapwa


b. Pagiging traydor o lihim na kaaway kapag ang kalaban ay nakatalikod at walang kalaban-laban
c. Paggawa ng masama para mapagtakpan ang isang kabiguan o kahihiyan.
d. Wala sa nabanggit

Para sa bilang 13-14.

Dead on arrival sa pagamutan ang isang dating preso matapos umanong pagbabarilin ng
bunsong kapatid na kagawad ng Balayan, Batangas. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ernesto
Pujante, 39, habang pinaghahanap pa si Elpidio Pujante, kapwa taga-Barangay Santol, Balayan.
Ayon sa report ni Senior Insp. Dwight Fonte, information officer ng Batangas Police
Provincial Office, bandang 9:30 ng gabi noong Setyembre 1 ay naglalakad ang biktima kasama ang
kapatid na si Deo nang harangin ng suspek at pinagbabaril.

- Lyka Manalo, mula sa Online Balita


Setyembre 3, 2013
______13. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng suliraning panlipunan na maihahalintulad sa akda?

a. Ang pagiging bayolente, pananakit o paggamit ng dahas laban sa kapwa


b. Pagiging traydor o lihim na kaaway kapag ang kalaban ay nakatalikod at walang kalaban-laban
c. Paggawa ng masama para mapagtakpan ang isang kabiguan o kahihiyan.
d. Ang malabis na pagpapahalaga sa kayamanan o salapi

______14. Alin sa sumusunod ang sanhi ng suliraning panlipunan?

a. Galit b. kasakimam c. inggit d. lahat ng nabanggit

______16. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng solusyon sa suliraning panlipunan makikita sa akdang Ibong Adarna?

a. Maging sunud-sunuran sa iba upang hindi na masaktan


b. Makontento kung ano ang mayroon ka at igalang ang kapwa
c. Ibigay ang lahat upang magustuhan ka ng iba.
d. Wala sa nabanggit

______17. Sina Don Pedro at Don Diego ay naakit sa kinang at ganda ng Puno ng Piedras Platas kaya’t silaý nabiktima ng taglay nitong ganda. Ano ang
nais ipahayag ng bahagi ng akda na maaaring iangkop sa kasalukuyan?

a. Nasa huli ang pagsisisi c. Matutong makunteto sa mga bagay na nasa paligid
b. Huwag tumingin sa magaganda d. Huwag maakit sa panlabas na ganda dahil mapanlinlang ito.

_____18. Nagdasal at humingi ng gabay si Don Juan bago sumuong sa kanyang misyon. Ano ang nais ipahayag ng pahayag?

a. Mahina si Don Juan at takot sa susuungin niya c. Malakas si Don Juan subalit nanghihina rin ang loob niya
b. Nais ni Don Juan na magabayan siya sa misyon niya. d. Wala sa nabanggit

Para sa bilang 19-22. Piliin sa loob ng kahulugan ng mga di-pamilyar na salitang nakasalungguhit. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Busilak malalaman magtitiis katatanong pagtataksil


______19. Anumang lihim ay tiyak naming mabubunyag din.
______20. Sa kauukilkil ng ibang tao ay nagbigay na rin ng impormasyon ang kaharian.
______21. Ang ginawang paglililo ng mga kapatid ay higit na masakit kaysa sa kanyang mga sugat.
______22. Mababata ni Don Juan ang hapdi ng mga sugat subalit hindi angb sakit ng pagtataksil ng mga kapatid.
______23. “Noon niya napagsukat ang sa tao palang palad, magtiwala ay mahirap daan ng pagkapahamak”. Ano ang damdaming masasalamin sa
pahayag?

a. Nawalan ng pag-asa b. nawalan ng tiwala c. nawala ang takot d. nawalan ng ulirat

______24. “O, hindi ko natagalan ang dilim na bumalabal, sa sindak at katakutan para akong sinasakal”. Ano ang damdaming masasalamin sa pahayag?

a. Nagalit b. nahiya c. natakot d. nabigla


______25. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng kasingkahulugan ng PAG-IBIG?

a. Pag-irog b. pagkasi c. pagliyag d. lahat ng nabanggit

______26. Ang puso ni Don Juan ay punumpuno ng tinik ng siphayo dahil sa muling pagtataksil ng dalawa niyang kapatid. Ano ang kahulugan ng
salitang siphayo?

a. Pag-aalala b. pagkabigo c. pag-asa d. pag-ibig

______27. Si Don Juan ay nakipagbati sa kanyang mga kapatid sapagkat wala ng naiwang salaghati sa kanyang puso.
Ano ang kahulugan ng salitang salaghati?

a. Inggit b. kalungkutan c. sama ng loob d. kasiyahan

______28. Ang buhay sa Armenya ay payapa at malayo sa anumang ligamgam sa puso at isip. Ano ang kahulugan ng salitang ligamgam?

a. Kabalisaan b. kaguluhan c. kasamaan d. wala sa nabanggit

______29. Ang magagandang karanasan ng magkakapatid sa bundok Armenya ay nag-iwan ng salamisim. Ano ang kahulugan ng salitang salamisim?

a. Kahiwagaan b. malungkot na alaala c. masayang alala d. wala sa nabanggit

______30. Alin sa sumusunod ang pagsubok na napagtagumapayan ni Don Juan?

a. Pagkakasakit ni Haring Fernando c. Paghahanap at pagkahuli sa Ibong Adarna


b. Pagtataksil ni Don Pedro d. Pagiging sunud-sunuran ni Don Diego

______31. “O, marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya, kabanguhan ng sampaga, sa yapak mo sumasamba”. Ano ang damdaming masasalamin sa
pahayag?

a. Matinding paghanga b. matinding pagkalito c. matinding pagkatuwa d. matinding pangangamba

______32. Labis na nasaktan si Don Juan sa ginawang pagtataksil ni Don Pedro at Don Diego? Kung ikaw si Don Juan, ano ang pianakamagandang
gawin?

a. Susugurin at aawayin ang mga kapatid c. patatawarin na lang ang kapatid


b. Isusumbong ang mga kapatid sa magulang upang mapagalitan d. kakausapin ang kapatid

______33. “Giliw ko, ang singsing ko’y bayaan na, ang pagparoon mong mag-isa’y lubha kong inaalala.”Ano ang Kahulugan ng pahayag?

a. Nangangamba si Donya Leonora sa pagbabalik ni Don Juan sa balon ay mapahamak ang prinsipe
b. Hindi na mahalaga kay Donya Leonora ang singsing sapagkat ang tanging nais niya ay makasama ang prinsipe.
c. Gustong samahan ni Donya Leonora si don Juan sa pagbabalik nito sa balon
d. Ayaw niyang pabalikin si Don Juan dahil alam na ni Donya Leonora ang mangyayari kay Don Juan.

______34. “Di rin naming natagpuan ang bunso mong minamahal, at sa aming kapaguran ito po ang natagpuan. Ano ang Kahulugan ng pahayag?

a. Nag-ulat ang magkapatid na hindi nila natagpuan ang kanilang kapatid


b. Nakita nila si Donya Juana at Donya Leonora na siyang pumaslang kay Don Juan
c. Nagsinungaling ang magkapatid na hindi nila nakita si Don Juan
d. Wala sa nabanggit

______35.”Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkupkop, na bayaan mong matapos ang panata ko sa Panginoon”. Donya Leonora ay:

a. Maka-Diyos b. malungkutin c. mahilig mapag-isa d. masunuring anak

______36.”Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po’y kasalanan patawad mo’y aking hintay”. Si Donya Leonora ay:

a. Maawain b. mapagmahal c. mapagkumbaba d. maka-Diyos

______37. “O, Panginoong Haring mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin moý mahabag na ituro yaong landas”. Si Don Juan ay:

a. Maawain b. mapamahiin c. matatakutin d. madasalin

______38. “Kapwa kami mayrong dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin ang kaharian.”Si Don Pedro ay:

a. Mayaman b. mapagmahal c. mayabang d. mapagkumbaba

______39.”O Prinsipe ng Berbanya, katoto kong sinisinta, sa tulog moý gumising ka ako ay may ibabadya”.Ano ang kahugan ng salitan katoto?
a. kapatid b. kaaway c. minamahal d. kaibigan
______40. Ano ang kasalungat ng salitang katoto, batay sa pangungusap sa bilang 39?
a. kapatid b. kaaway c. minamahal d. kaibigan
______41. Ang mamamayang Pilipino ay patuloy na naghihirap dahil ang pera ng bayan na dapat sila ang nakikinabang ay napupunta lamang sa bulsa ng
iilan. Batay sa pangungusap, sino sa palagay moa ng responsible sa paghihirap na nararanasan ng mga Pilipino?
a. Mamamayang Pilipino b. bayan c. mga nangungurakot d. lahat ng nabanggit

______42. Si Don Pedro ay maitim ang budhi. Alin sa pangungusap ang nagsasaad ng paglalarawan?

a. Don Pedro b. maitim c. budhi d. maitim ang budhi

______43. “Wala siyang itinira, kapatak ma’y sinaid na, ngunit laking pagtataka, puno pa rin nang Makita!”Ang naramdaman ni Don Juan matapos
niyang inumin ang tubig ay:

a. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ang kanyang naranasan ay isang himala


b. Natakot so Don Juan sa naranasan sapagkat naisip niyang ang matanda ay isang engkanto
c. Ninais ni Don Juan na mapasakanaya ang kapangyarihang taglayng matanda
d. Walang naramdaman si Don Juan

_______44. “Doon ay kanyang dinatnan ang isang ermitanyong mahal, ang balbas ay hanggang baywang kasindak-sindak pagmasdan”Ang nangyari sa
matanda nang Makita si Don Juan ay:

a. Malugod na tinanggap si Don Juan at agad na pinatuloy sa kanyang tahanan


b. Nagtago ang matanda nang Makita nito ang binata na dumating sa kanyang lugar
c. Nagulat at nagtaka ang matanda nang Makita si Don Juan kung kaya inutusan niya ang binatang lumayo sa kanya
d. Natakot ang matanda kay Don Juan

_______45. “Iya’y munting bagay lamang,”kay Donya Mariang saysay. “Huwag magulumihanan kaydali tang malusutan.”Ipinapakita sa pahayag na”:

a. Ang mga babae ay may taglay ring nattanging kakayahan tulad ng lalaki
b. Likas sa mga babae ang maging mapagmataas o mayabang
c. Higit na mapamaraan ang mga babae kaysa sa mga lalaki
d. Wala sa nabanggit

_______46. “Nilapitan ang matanda buong suyong napaawa, siya nama’y kinalinga’t dininig sa ninanasa.”Masasalamin sa pahayagna ito ang isang
katotohanang:

a. Ang pagtulong sa matanda ay isang gawaing dapat panatilihin ng kabataang Pilipino sa kasalukuyan
b. Ang pagtulong sa kapwa ay huwag nating limutin pagkat kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin
c. Walang tao ang maaaring mabuhay nang mag-isa, darating ang araw na ating kakailnganin ang tulong ng iba lalo na sa panahon ng
trahedya.
d. Wala sa nabanggit

_______47. Ano ang salitang-ugat ng salitang kapalaran?

a. Kapa b. kapal c. pala d. palad

Para sa 48-50. Punan ang sumusunod:

Salitang-ugat Maylapi Inuulit tambalan

awa 48. 49. 50.

You might also like