You are on page 1of 2

I. Piliin ang letra ng tamang sagot.

________ 1. Ano raw ang layunin ni Labaw Donggon sa kanyang paglalakbay sa malayong
abot-tanaw?
A. Siya ay gustong mamangka sa dagat.
B. Siya ay maghahanap ng isang dalaga.
C. Siya ay bibisita kay Buyung Saragnayan.
D. Siya ay makikipaglaban para sa kanyang bayan.

________ 2. Paano mailalarawan ang naging damdamin at reaksyon ni Buyung

Saragnayan sa pagdating ng binata?
A. Pangamba
B. Pagkatuwa
C. Pagkatakot
D. Pagbabanta

________ 3. Balikan ang taludtod 53-57. Bakit kaya matapang na naisagot ito ni
Saragnayan kay Labaw Donggon?
A. Dahil ito ang kagustuhan ni Nagmalitong Yawa
B. Dahil alam niyang mahina naman si Labaw Donggon
C. Dahil alam niyang hindi siya matatalo at mapapatay ni Labaw Donggon
D. Dahil alam niyang hindi naman sasama ang kanyang asawa kay Labaw
Donggon

________ 4. Bakit namutla at nawalan ng buhay ang mukha ni Labaw Donggon sa taludtod
76-77?
A. Siya ay nasaktan sa pagkasabog ng lalagyan ng langis.
B. Siya ay hiyang-hiya sa pagkabasag ng kanyang parangyakan.
C. Siya ay nanghihinayang dahil nasira na ang lalagyan ng langis.
D. Siya ay nawawalan na ng pag-asa dahil natatalo na siya ni Saragnayan.

________ 5. Ano ang nangyari pagkatapos magdasal ni Labaw Donggon?

A. Siya ay nagtagumpay sa wakas.
B. Hindi niya pa rin nadaig si Saragnayan.
C. Nagdasal din ulit si Buyung Saragnayan.
D. Nawalan siya ng taglay na gayuma at hiwaga.

________ 6. Ano ang kasingkahulugan ng layon sa taludtod 47?

A. gayuma
B. hangarin
C. pasya
D. sigaw

________ 6. Ano ang kasingkahulugan ng pinanawan sa taludtod 111?

A. binawian
B. binigyan
C. ipinagpatuloy
D. ipinagdasal

________ 7. Ano ang kasingkahulugan ng ginapos sa taludtod 137?

A. hinagis
B. sinaksak
C. sinipa
D. tinali

________ 8. Ano ang kasalungat ng nadaig sa taludtod 144?

A. kinulang
B. nadapa
C. nagwagi
D. natalo

Sa iyong palagay, ano ang maaaring dahilan kung bakit hindi ipinahiram ng pamlang ang
kanyang galing kay Labaw Donggon? Maghinuha batay sa mga pangyayari sa epiko.

_________________________________________________________________________

Ipaliwanag ang aral na nais ibahagi ng may-akda ng epiko. Ano kaya ang mensahe ng
pagkatalo ng bayani sa epiko?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

You might also like