You are on page 1of 4

Bakuna vs Rabies

Isa sa mga kasiyahan ng karamihan ay ang pag-aalaga ng hayop gaya ng aso at pusa. Lagi
natin silang kasama kung saan tayo pupunta o kahit sa ating pagtulog, “Man’s best friend”ika
nga. Ngunit hindi natin masasabi na ligtas tayo sa ating nakakasalamuhang hayop sa paligid
sapagkat hindi natin tiyak kung wala ba itong dalang malalang sakit na maari nating makuha
kapag nakagat o nakalmot lamang ng mga ito.
Setyembre 28,2019 ang Department of Health(DOH) katuwang ang ibang pang ahensya
ng pamahalaan ay naglunsad ng World Rabies Day na nakabatay sa Republic Act No.9482
tinatawag din na Anti Rabies Act of 2007.Ito ay isinagawa bilang pakikiisa sa nasabing programa
na may temang “Rabies:Share the message.Save a Life”.Hangarin nito na maipakita ang
importansya ng kamalayan at edukasyon upang maiwasan ang rabies .Kaya binakunahan ang
daan-daang aso at pusa sa iba’t ibang lalawigan ng bansa upang pigilan ang rabies.
Naglaan ang Duterte Admistration ng 500 milyong pisong pondo para sa National Rabies
Prevention and Control Program(NRPCP) upang maiwasan muli ang tinatayang 300 pilipinong
namamatay sa kagat ng aso kada taon sa bansa,ayon sa Department of Health. Layunin nito na
mabawasan ang mga hayop na nagtataglay ng rabies partikular na sa aso lalo na ngayong tag-
araw. karaniwang naililipat sa tao ang rabies sa pamamagitan ng kagat.
Bilang pakikiisa ng mga pet lover, ipinabakuna nila ang kani- kanilang mga alagang hayop
upang masiguro na ligtas ang kanilang mga alaga sa rabies.Tinuruan nila ang mga sambayanan
kung ano ang maaring gawin kapag nakagat ng hayop na may rabies .Kabilang na ang mga
estudyante sa mababa hanggang sekundaryang paaralan na karaniwang nagkakaroon ng
nasabing nakukuha sa hayop kapag hindi ito nabakunahan.
Siguraduhing napabakunahan ang mga alagang hayop bago ilabas ng pamamahay o
lapitan upang ang sakit na dala nito ay maiwasan ng karamihan. Sabi nga “Prevention is Better
than Cure”.
Makabagong Teknolohiya,Nakakatulong Nga Ba?

Sa paglipas ng panahon ,dumaragsa ang mga modernong kagamitan na talaga namang


kinagigiliwan ng mga kabataan.Ngunit hindi natin masasabi kung ang mga ito’y para sa ating
kabutihan,pangangailangan o para lamang sa ating kagustuhan.Bilang estudyante sa paggamit
nito ay napapadali ang ating gawain sa eskwelahan ngunit mayroon parin itong masamang
dulot sa atin.
Hindi lingid sa kalaaman ng lahat na hindi maitatanggi na ang mga Pilipino ay
nahuhumaling na sa mga makabagong teknolohiya. Sa katunayan, nasa 54th spot ang Pilipinas
ngayong taon na dati ay 73rd batay sa Global Innovation Index(GII).Sa apat na taon ay isa sa
mga nangunguna sa buong mundo ang bansa sa gumagamit ng social media at natalo natin ang
bansang Thailand ngayong taon.
Ang teknolohiya ay mga makinarya o kagamitan na ginagamit upang mapadali ang
produksyon,komunikasyon at iba pang mga gawain ng mga tao..Sa pagnanais na mapaganda
ang buhay ay lumikha ng teknolohiya gamit ang siyensa na sa dati ay kamay lamang ang
ginagamit.Mas napadali ang buhay ngayon kaysa sa buhay dati na hindi pa uso ang mga
makinaryang nakakatulong sa atin ngayon.Nandyan ang ibat-ibang
gadgets,cellphone,laptop,computer na kadalasang ginagamit ngayon at nakatulong rin sa
pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Ang paggamit ng ibat ibang agham ay parte na ng ating pang araw-araw na
buhay.Nagkakaroon na tayo na tinatawag na “Globalisasyon” na tumutulong sa pagsulong ng
teknolohiya sa bansa.Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay masasabi na natin na
nakakasabay na tayo sa mga bansang mauunlad.
Hindi natin maiwasan na mangamba sa patuloy na pagpapalaganap ng mga modernong
kagamitan ngayon sapagkat nagiging instrumento ito sa pagdami ng krimen sa bansa
.Napapadali ang kanilang mga masasamang gawain sa pagnanakaw ,pagpatay at cyber libel.Isa
rin ang epekto nito ang pagiging tamad na ng mga Pilipino dahil umaasa na sa mga kagamitan
na makabago.
Sana matutunan ng kabataang gamitin ang mga makabagong teknolohiya sa kaunlaran
at hindi sa kasamaan.Huwag nating abusuhin ang teknolohiya at kailangang tandaan na
nararapat gamitin ito sa wasto kahit alam nating nakakatulong ito sa ibat ibang aspeto ng
kaalaman at ng edukasyon.
‘Habitable Planet’ Nadiskubreng may Tubig

Sa 7 planeta na makikita sa mundo ay iisa lang ang may kakayahang bumuhay ng


tao,hayop,halaman at iba pa.Sa planetang earth mayroong tanging hangin at tubig na kailangan
ng isang nilalang upang mabuhay.Ngunit mayroong natagpuan na planet sa labas ng solar
system na maaaring sumuporta ng buhay.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mga astronomers ay nakatuklas ng isang
planetang nagtataglay ng tubig sa atmosphere sa isang exoplanet na umiikot sa habital zone ng
isang malayong bituin.Ang nasabing planeta ay pinangalanang K2-18b ,ayon sa journal sa
Nature Astronomy.Ang K2-18b ay maaring maging sagot sa hinahanap nilang ibang planetang
may buhay.
Ang nadiskubreng ito ay tinatawag bilang “mind blowing” na inilarawan ng lead
scientists na si Prof.Giovanna Tinetti ng University College London(UCL).Ang habital zone ay
isang lugar sa palibot ng isang bituin na mayroong tubig at posibleng may nabubuhay.Ang K2-
18b ay may layong 111 light years mula sa Earth at may sukat itong doble sa ating mundo.
Sinabi ni Dr.Waldmann na sa susunod na 10 taon na mayroong ng makabagong
teknolohiya na maaring mas mapadali ang pagtuklas kung ang atmosphere ba ng planeta ay
may hangin na maaaring bumuhay.
Hindi natin masasabi na totoo ang planetang maaring bumuhay ng organismo sapagkat
kulang ang nasabing pruweba ng mga nakatuklas nito.
Marami na ang lumalaganap na sakit ngayon at ang mas lalong naapektuhan ay ang mga
estudyante.Nandyan ang measles,rubella,tetanus at diptheria na maaaring makuha ng mga
estudyanteng hindi nabakunahan laban dito.
Inirekomenda ng Department of Health(DOH) ang School Based Immunization
Program.Na naglalayong pabakunahan ang mga estudyante upang maiwasan ang mga
nauusong sakit ngayon.Ang mga binigay na vaccine sa mga bata ay para sa magandang simula
na kanilang buhay at sa kabataan ay upang maprotektahan sa mga nagbabantang sakit.
Bilang pakikiisa ng Rofulo M. Landa Highschool(RMLHS) sa School Based Immunization,
buwan ng september 5,2019 ay tinurukan ang mga studyente na mayroong sapat na kaalaman
ang kani-kanilang magulang ukol dito. Subalit hindi parin maiaalis sa mga magulang ang takot
sa pagbabakuna ng kanilang mga anak dahil sa naging resulta ng dating vaccine sa dengue.
Binakunahan ang mga Grade 7 ng vaccine laban sa measles,rubella,tetanus,at
diphteria(MRTD) upang maprotektahan sila sa mga lumalaganap na sakit ngayon.Ito ay
magbibigay ng sapat na resensiya sa mga estudyante upang hindi sila dapuan ng mga
sakit.nagsagawa ng fogging ang mga bawat silid aralan upang mapatay at hindi kumalat ang
mga lamok na nakapagbibigay ng sakit na tinatawag na dengue.

You might also like