Professional Documents
Culture Documents
Hindi naging madali para sa akin ang pumasok sa isang pamamahayagang patimpalak. Pinagkaka-abalahan ang mga
pangyayaring maaring dumating sa loob o labas ng patimpalakang ito. Mga sinulat na tila ay pinag-aalahan ko.
Kaba sa puso ay nadama. Takot at hiya sa akin ay palaging nakikita. Ngunit para sa akin, ang kaba’t takot ay
labanan sapagkat nakapasok na ako sa mundong ito at naging kabilang na rin sa mga bagong mamamahayag.
Pangalawang pagkakataon ko nang nakasali rito kaya kay iksi lamang ng aking karanasan. Nagtatanong pa nga
kung ano ang maaaring mangyari at dapat na gawin. Dalawang taon mula nung sumali ako sa patimpalakang ito.
Subalit hindi ibinigay ng Diyos ang pagkakataon kong makamit ang tutok ing isang magaling na manunulat. Talo ang
nakuha ko bilang isang lathalaing manunulat. Subalit heto na naman ang ako na kay rami ng natutuhan sa pagsusulat.
Sumabak sa pangalawang pagkakataon upang ipakita sa mundo ang pasyon kong sumulat.
Hindi lamang isang pasyon sa puso ang dapat isa alang-alang sa pamamahayagan. Isang malaking bagay na dapat sa ngayon, sa pa-
nahon ng Digital Age ng pamamahayag ay nasa bawat isang batang katulad ko. Sa ginawang presscon bago pa ang simula ng labanan, nalaman
at natutuhan ko ang bagay na ito: Tayo mga bagong manunulat ay dapat labanan ang tamang natatakpan ng di makatotohanan. Ang ating layunin
ay ang magbigay tama at eksaktong impormasyon. Maging isang inspirasyon at boses ng sangkatauhan.
Sinasabi nga ngayon ang panahon ng digital age ng pamamahayag. Wala ngang ibang nagbago sa pananaw ng makabagong pamama-
hayag kundi lamang ang napabilis ang pagbibigay ng impormasyon sa mga tao. Ngunit lingid pala sa kaisipan ng bawat isa ang kabilang panig ng
pagbabago. Sa kadalasan ay ang mga binibigay ng impormasyon ay di totoo. At bakit nga ba nagkaka-ganito? Nagkaroon na ng malaking kom-
petisyon sa pagitan ng bawat mamamahayag sa pamamagitan ng pagpapabilis sa mga artikulong napapa-publish sa internet na kadalasan din ay
mali. Hindi na maaasahan ang publikong internet at ito na nga ang napakabigat na problemang kinakaharap ng bawat isang mamamahayag.
Simula nang malaman ko ito, sa simula rin ay natanong ang sarili. Ano nga ba ako bilang isang mamamahayag? Tunay nga bang sa
puso ko lamang ay ang pasyon sa pagsusulat, sa pagpapahayag? Sa mga tanong ay nakuha ko kung ano ang karapat-dapat. Nakita ko ang
sariling may puso mamamahayag. Layunin ko ang ipahayag ang tama, na ipagpatuloy ang tamang nakaraan ng may pusong lumalaban. Dahil sa
patimpalakang ito nalaman ko kung ano at sino ang mga mamamahayag. Ito ang ako ngayon bilang mamamahayag.
ISPORTS