You are on page 1of 1

Climate Change: Pagbabagong dulot ng makabagong Panahon

Lathalain ni: Lynnie Faith Helario

Habang ang oras sa mundo’y nadadagdagan, nagbabago ang antas ng kaisipan na


nauukol sa pagbabago ng henerasyon. Pilit nilalamon ang isipan ng mga tao sa makabagong
tuklas. Nababaliw, Nababalisa na tila ba’y kaylalim ng iniisip. Walang araw na hindi
nakatoon ang utak sa mga bagong tuklas na dulot ng agham at teknolohiya.

Ang mundo’y tila ba nagbago. Di na katulad ng dati. Lalong umiinit ang panahon at
kung umulan ma’y baha ang laging kasunod. Hindi ito mapipigilan ng sinuman, sapagkat
ito’y gawa ng kalikasan. Ito ang naging kabayaran sa minsanang paglapastangan sa mga
bagay namakikita sa kapaligiran. Climate Change ang sagot ng kalikasan sa mga kasalanan.
Kung mapapansin, hindi na ayon ang mga buwan ng Tag-araw at Tag-ulan sa bansa. Iba na
ang klima sa dating nakasanayan. Ito ay dahil sa Climate change dahil sa teknolohiya at
siyensiya na nagdulot ng pagbabago sa panahon. Ayon sa United Nations Climate Change
report tinatayang ang taunang average na global near-surface temperature para sa bawat taon
mula 2022-2026 ay hinuhulaan na nasa pagitan ng 1.1 °C at 1.7 °C na mas mataas kaysa sa
mga antas bago ang industriya (1850-1900). Ang pagtaas nito ay magpapatuloy hanggat hindi
naagapan ang problema.

Limitahan ang paggamit ng agham at teknolohiya. Hindi dapat sosobra sa


kinakailangan ang dapat gamitin. Bigyang halaga ang buhay at kalikasan. Walang magagawa
ang teknolohiya at agham kung ito mismo ang sisira sa kalikasan. Bagkus, maaring gamitin
ang agham at teknolohiya upang problema ng mundo’y maresulba. Kung nagawang sirain ng
agham at teknolohiya ang mundo maari nitong maibalik at maisa-ayos ito sa dati.

You might also like