You are on page 1of 49

PAGSULAT NG

KOLUM
Phil-IRI istration
AIREEN G. SANCHEZ
Rosario District
Feel this.
Phil-IRI istration
Feel this.
Phil-IRI istration
Feel this.
Mga Layunin

1. Natutukoy ang mga mahahalagang


puntos na dapat tandaan sa pagsusulat
ng opinyon/kolum.
2. Naipapakita ang kahalagahan ng kolum
sa malayang pamamahayag; at
3. Nakasusulat ng isang kolum batay sa
mga impormasyong nasasaad.
Katuturan ng Tudling/Kolum
▪ Ang kolum ay isang palagiang lathalain sa
pahayagan na nagtataglay ng palagiang
pamagat (kagaya ng SAPOL ni Jarius
Bondoc)
• Madalas mayroon ng kilalang heading at
byline ng manunulat o editor, nagbibigay
ng ulat o komento tungkol sa isang lawak
na interes, politika, teatro, isyu at iba pa.
Mga Halimbawa ng Kolum

▪ Editorial column
▪ Showbiz column
▪ Community correspondent
▪ Critic’s review
▪ Fashion column
▪ Food column
▪ Sports column
Mapagkukunan ng impormasyon
▪ Balita (Current News)
▪ Pagmamasid (Observation)
▪ Mga Panayam (Interviews)
▪ Kapuri-puring mga Proyekto
(Commendable Projects)
▪ Pananaliksik (Research)
▪ Pagsisiyasat (Investigations)
Paano sumulat ng Kolum?
Ang kolumnista o manunulat ay
malayang gumamit ng anumang istilo ng
pagsulat. Maaring sanaysay, o pakwento.
Sa ibang pagkakataon, maaari rin siyang
gumamit ng verse.
Pagpili ng Content/Nilalaman
1. Tukuyin kung bakit ka sumusulat ng
kolum

Alamin kung ano ang gusto mo (o ng iyong


editor) tungkol sa kolum. Nais mo bang mang-
aliw o magbigay alam? Ang pagtatanong sa
sarili kung bakit ka sumusulat ay
makatutulong sa iyo na malaman ang magiging
pokus ng iyong kolum.
3. Isulat ang iyong opinyon

Hindi tulad ng mga tradisyunal na anyo ng


pamamahayag (Balita/Editorial),ang isang kolum
ay may katangiang maging biased o opinionated.
Subalit tandaan na kahit na ang kolum ay
naglalahad ng opinyon at bagamat may
kinikilingang panig, hindi dapat mawala ang
integridad ng iyong sinusulat. Siguraduhin ding
hindi ka nakapaninira ng sinuman.
4. Pumili ng napapanahong paksa

Ang mga balita ay kadalasang mabilis na


lumilipas. Kapag sumusulat ng kolum,
siguraduhin na ang isyu o paksa ay 24- 48
na oras pa lang pagkatapos ng kaganapan.
Pumili ng mga nauugnay na paksa na
mayroon kang magandang pananaw o payo.
5. Sumulat ng mga paksa tungkol sa tao

Pumili ng mga paksa sa iyong kolum kung


saan maari kang magsulat tungkol sa tao. Ang
paggamit ng mga totoong tao sa iyong kolum ay
nagbibigay ng malakas na epekto at makakatulong
upang mapalakas ang iyong punto.
Ang pagsusulat tungkol sa mga konsepto at
patakaran nang hindi gumagamit ng mga pangalan
ay walang epekto sa mga mambabasa.
6. I-localize o personalize ang kolum
Kung ikaw ay sumusulat ng kolum para sa isang
local na pamahayagan, maaaring gumamit ng mga
paksa sa lokal na perspektibo. Maaari mo ring
gamitin ang iyong sariling karanasan upang
maipakita na ikaw ay may “first hand experience” sa
paksa.
Huwag matakot na magsulat ng mga artikulo
tungkol sa personal na paksa. Tandaan na sa kolum,
malaya kang maghayag ng saloobin o opinyon at ang
personalization na ito ay nakatutulong upang mas
maging interesado ang mga mambabasa.
7. Panatilihin ang tema ng kolum

Siguraduhin na ang iyong kolum ay tungkol


sa parehong pangkalahatang paksa (politika,
edukasyon, lokal na isyu at iba
pa).Gayunpaman, dapat na magkaroon ng iba’t
ibang paksa sa loob ng iyong tema. Maari
kasing magsawa ang iyong mga mambabasa
kung ito ay paulit ulit.
8. Alamin kung sino ang iyong mambabasa

Iba ang atake sa mga paksang


pangkabataan, negosyante, propesyunal,
magulang, mag-aaral, politiko, etc. Isipin kung
sino ang target na mambabasa at kung paano
makakaugnay sa kanila.
9. Mayroong iba’t ibang istraktura sa
pagsusulat ng kolum

Maaari kang sumulat ng kolum tungkol sa


tiyak na paksa. Maari ding sumulat ng kolum
na “question and answer” upang magbigay ng
impormasyon o magbigay ng payo. Maari din
gumamit ng “how to” format.
Pagsulat ng Kolum
1. Sumulat ng may malinaw na paksa
Huwag gawing kumplikado ang iyong akda.
Iwasan ang paggamit ng nakalilito at teknikal
na mga salita.
Panatilihing simple ang iyong pagsulat.
Gumamit ng maiikling pangungusap.
Magsimula ng bagong talata tuwing mayroong
bagong ideyang nais bigyang pansin. Ang iyong
kolum ay dapat nasa pagitan lamang ng 600 at
800 na salita.
Dapat nang patawan ng pinakamabigat na parusa ang mga fratmen kapag may
namamatay na neophyte sa hazing. Kailangan na marahil ikulong sila nang habambuhay
na walang tsansang mabigyan ng parole.
Taun-taon, may naibabalitang neophyte na namatay sa hazing. Kailan pa matitigil yan?
Kawawa ang mga magulang na nagtaguyod matupad ang pangarap ng mga anak na bigla
lamang mapapatay nang walang kabuluhan.
Isa na namang estudyante ang namatay sa ganyang uri ng karahasan. Ito ay si Ahldryn
Leary Bravante, isang criminology student ng Philippine College of Criminology (PCCr).
Kung mayroon pang parusang bitay, siguro mas angkop na parusa iyan. Ang hazing per
se ay labag na sa batas pero ginagawa pa rin sa maraming fraternity.
Dapat ipagharap ng karampatang demanda ang mga masters sa fraternity na
gumagawa nito kahit walang napapatay. Bakit kailangang may mamatay pa bago kasuhan
ang mga gumagawa nito?
Wala akong tutol sa fraternity kung ang layunin ay magtaguyod ng kapatiran. Ngunit
kung ang mga miyembro ay hinihikayat maging bayolente, sa demonyo na ‘yan.
Sa susunod na taon, sino na naman kaya ang magiging biktima ng mga brutal na
fratmen? Mga mambabatas, bumuo ng batas at bigatan pa ang parusa kahit sarili ninyong
fraternity ang maaapektuhan.
Source: Pilipino Star Ngayon
2. Gumamit ng AP Style
Ang pagsusulat sa pamahayagan ay
karaniwang nakasulat sa AP Style (Associated
Press). Kasama sa istilong ito ay mga tukoy na
kinakailangan (requirements) para sa pagpapaikli
(abbreviations), balarila (grammar), pamagat at
pangalan.
Sumangguni sa isang gabay o maghanap sa
online upang malaman ang mga patakaran ng AP
Style kapag sinusulat ang iyong kolum.
3. Gumamit ng Unang Panauhan (First
Person POV)

Huwag matakot magsulat tungkol sa iyong


sariling opinyon. Kapag sumusulat ng kolum,
sabihin na ito ay iyong opinyon. Huwag i-refer
o i-qoute ang iyong sarili sa pamamagitan ng
paggamit ng ikatlong panauhan (third person
POV).
Labis kong ikinababahala ang mental health ng ating mga kababayan, lalo na
ang ating mga kabataan, dahil sa nagdaang pandemya at kasalukuyang mga
suliraning ating pinagdaraanan.
Sa katunayan, ayon sa World Health Organization, 16% ng mga bata sa
Pilipinas ay nagkakaroon ng mental health disorders. Nakakalungkot ding isipin
na may 404 na mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ang
nagpakamatay noong 2021, at 2,147 naman ang sumubok magpakamatay sa
kaparehong taon.
Babala ang mga ito upang mas lalo nating palakasin ang ating mga
inisyatiba para sa mental health.
Kaya naman, bilang chairperson ng Senate Committee on Health, labis ko
ring ikinabahala ang pagbawas ng pondo na nakalaan para sa ating mental health
programs. Mula P1.9 bilyon sa 2023 General Appropriations Act, P683
milyon lamang ang panukalang budget para rito sa susunod na taon.
Umaasa ako na magkakaroon tayo ng pagkakataon na madagdagan ito sa
umpisa ng plenary deliberations para sa budget ng 2024.
Source: Abante
4. Sumulat kagaya ng paraan ng iyong
pagsasalita

Ang isang kolum ay mas personal kaysa iba


pang uri ng pamamahayag. Hindi kailangang
napakapormal at teknikal ang wikang iyong
gagamitin. Habang pinapanatili ang tamang
balarila (grammar), panatitilihing kaswal at
personal ang iyong tono.
5. Sumulat ng agaw- pansin na Lead

Ang pamatnubay o lead ang pambungad na


parte ng iyong kolum.Hindi tulad ng tradisyunal
na pag-uulat ng balita, ang iyong kolum ay
dapat na magkaroon ng mapanglarawan
(descriptive) at kapansin pansin na simula.
Kung ano ang bawal, iyon ang ginagawa ng mga
kumakandidato ngayon sa Barangay at Sangguniang
Kabataan Election (BSKE). Kamakalawa,
umarangkada na ang 10 araw na kampanya at may
mga paglabag. Gaganapin ang BSKE sa Oktubre 30.
Okey na sana ang simula ng kampanya sa unang
araw pero kahapon, nagkagulo na sa mga barangay.
Nagkabuhul-buhol na ang trapiko dahil sandamukal
ang dami ng supporters ng mga kandidato. Palagay
ko, binayaran ang mga ito.
Source: Pilipino Star Ngayon
6. Gumamit ng makatotohanang
impormasyon

Ang iyong kolum ay hindi dapat maging


listahan ng facts/impormasyon ngunit dapat
mong suportahan ng katotohanan ang iyong
mga pahayag upang mas maging konkreto ang
iyong mga opinyon. Magsaliksik at magsagawa
ng mga panayam upang mapagtibay ang
puntong nais ipabatid.
Nakakalungkot isipin na marami pa rin ang hindi lubos na nakakaunawa sa usapin ng
mental health.
Akala ng iba ay simpleng tulog o bakasyon lang ang solusyon para matugunan ang
depression o anxiety. Ang pinakanakakalungkot ay hindi nakakatanggap ng angkop at
propesyonal na tulong ang mga apektado ng mental health crisis, partikular na ang mga
kabataang Pilipino.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ng 74 porsyento
ang mga insidente ng suicide mula 2019 hanggang 2020, habang suicide ang naitalang pang-
28 na pinakamataas na sanhi ng kamatayan. Noong 2019, pang-39 lang ang suicide bilang
pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa.
Sa madaling salita, lumobo ang bilang ng mga namatay sa suicide simula noong sumiklab
ang pandemya ng COVID-19. Mula sa pre-pandemic annual average na 2,752 noong 2017
hanggang 2019, umakyat sa 4,085 ang annual average ng mga namatay sa suicide noong 2020
hanggang 2022.
Noong School Year (SY) 2020-2021 at SY 2021-2022, makikita sa datos ng Department of
Education (DepEd) na may 412 na mga mag-aaral ang namatay sa suicide. Source:
Abante
7. Gumamit ng analogies

Ang paggamit ng analogies o pagkakatulad


ay kapaki-pakinabang para sa paglalarawan ng
isang punto. Higit na mahalaga ito lalo na
kung ang sinusulat ay kumplikado at
panteknikal. Simpleng pagkakatulad mula sa
pang-araw araw na buhay ay makatutulong
upang mas maunawaan ng mga mambabasa.
Ang lahat ng ito ay dahil sa paglalahok sa kanila na hindi
hihigit sa apat na sulok ng tahanan, paaralan, at simbahan.
Kami , ang mga kapwa ko ng Generation Z, ay inaari na
parang mga puppet sa perya: kinokontrol at pinagkakakitaan.
Pero lingid sa kaalaman ng ilan, may ilan sa amin na
iminumulat ang sarili sa kaganapang nangyayari sa bansa.
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at ang
pagiging accessible nito, masasabi kong ‘advance kaming
mag-isip.’ Basta may sim card ka’t may mobile data, may
koneksyon ka na sa mundo- hindi tulad sa panahon noon na
layo-layo ang bawat isa.
8. Maging mapanuri

Gusto ng taong magbasa ng mga kolum na


naglalakas- loob na pumuna ng mga tao o
kaganapan sa totoong buhay. Tandaan lamang
na pakaiwasan ang panlalait, pangmamata at
pagbibintang ng walang basehan. Huwag
lumampas sa etika ng pamamahayag.
“Our own self-realization is the greatest service we can render the world.”> Ramana
Maharshi
Simula pa lang nang lumantad si Jeff Tumbado , dating executive assistant ng
sinuspindeng LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III , ay puno na ako nang pagdududa sa kanyang
motibo .Hindi ba kayo nagtataka na alam niya ang lahat ng korapsyon sa LTFRB gayong siya ang
tumatanggap ng pera para umano kay Guadiz ?At bago pala ang naganap na press conference ni
Tumbado kasama ang transport group na Manibela ay sinuspinde na pala siya dahil sa katiwalian
. Sa naging panayam ko kay Mar Valbuena ng Manibela sa Unang Balita , tinukoy niya ang
dalawang Kongresista at si DOTR Sec. Jaime Bautista na tumatanggap umano ng pera galing
korapsyon sa LTFRB .Ito ay sina Cong. Romeo Acop ng 2nd district ng Antipolo City at Cong.
Sandro Marcos , anak ni Pangulong Bongbong Marcos . Sabi ni Valbuena , ang impormasyong
ito ay galing kay Tumbado .
Ngayon , bumaligtad na si Tumbado sa kanyang akusasyon at itinanggi pa na bahagi nito
ang pagkakasangkot ng 2 kongresista at ni Bautista.Dinagdag lang umano ito ni Valbuena ,
aniya . Sa madaling salita , nakuryente si Valbuena .Dapat ay may mas mabigat na parusa sa
sinumang mag-aakusa ng mali , sa gobyerno man o pribadong usapin .
Hindi biro ang pagkasira ng kredibilidad ng isang indibidwal resulta ng maling paratang .
Lalo na sa mundo ng social media , na kay bilis manghusga , walang kapatawaran ang
panglalait at pagkutya base sa fake information .
Walang Personalan. Source: Abante
9. Magbigay ng solusyon

Ang pagsusulat ng kolum ang perpektong paraan


upang maging masigasig tungkol sa iyong pananaw
at opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
Gayunpaman, hindi maaaring masulat lamang ng
puro reklamo at puna.
Kailangang tapusin ang isang kolum ng
pagbibigay ng solusyon. Nais ng iyong mga
mambabasang malaman ang iyong opinyon ngunit
mas gusto rin nila ng sagot mula sa mga ito.
Kaya noon pa natin tinutulak ito na pag-igihan dahil sabi nga ng Globe, bilyon-
bilyon pa rin ang nakaka-enkuwentro nilang spam at scam messages kahit na
meron na tayong SIM registration law.
Kaya muling paalala natin upang makaiwas sa panloloko – kung wala ka namang
sinalihan, huwag na sagutin ang mga messages or tawag na nagsasabing ikaw ay
nanalo. Posibleng sa pagsagot mo ay pumasok ka sa mga link na magnanakaw ng
inyong mga personal na impormasyon.
Umiwas din sa mga “too good to be true” offers na nakikita sa social media gaya
ng halimbawa ng mga bagay na inakala mong mura ang presyo, ‘yun pala ay mga
peke o madalas ay pag-deliver sa ‘yo eh hindi naman akma sa inorder mo. Marami
pa nga riyan ay pag bigay mo ng down payment eh maglalaho na parang bula ang
kunwari ay nagbebenta ng mga gamit sa napakamurang halaga.
Ngayong humuhusay ang mga hacker at manloloko, kailangang mapaghusay din
at mapalakas ang mga programa ng ating pamahalaan laban sa cybercrime at mga
hacking. Kung hindi makakasabay ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan,
delikado tayong lahat. Kaya mag-ingat po tayo!
Source: Abante
Mga dapat tandaan sa pagsusulat ng Kolum

1. Kung ako ang tatanungin


2. Sa aking pagsusuri
3. Sa aking pananaw
4. Sa tingin ko
5. Sa totoo lang
6. Sa aking palagay

At marami pang iba…


Mga isyung maaaring pag-usapan
sa pagsusulat ng kolum
1. Panlipunan
2. Ekonomikal
3. Edukasyon
4. Pulitikal
5. Katahimikan o kaayusan
Mga dapat tandaan sa pagsusulat
ng Kolum
1. Napapanahon (timely)

2. Tulad ng pangulong tudling, ito ay may


balitang batayan (News Peg).

3. Karaniwang nanunuligsa; paminsan


minsan nagpapatawa, nagpapabatid,
nagtuturo, nagpapaalala at nanlilibang.
4. Huwag mangaral o magsermon (No
Preaching). Ilahad lamang ang katwiran at
hayaang ang mambabasa ang gumawa ng
sariling pagpapasya at reaksyon.

5. Sundin lahat ang simulain ng mabisang


pagsulat: kaisahan (unity), linaw (clarity),
pagkakaugnay- ugnay (coherence) at diin
(emphasis).
S- Situation
P- Position
E- Evidence
C- Conclusion
S- Solution
Situation + Position
✓ Balitang Batayan (News Peg)
✓ Ano ang isyu o problemang nais bigyan ng punto
✓ Ano ang opinyon mo sa isyu
Nakakalungkot isipin na marami pa rin ang hindi lubos na
nakakaunawa sa usapin ng mental health.Akala ng iba ay
simpleng tulog o bakasyon lang ang solusyon para
matugunan ang depression o anxiety.
Ang pinakanakakalungkot ay hindi nakakatanggap ng
angkop at propesyonal na tulong ang mga apektado ng
mental health crisis, partikular na ang mga kabataang Pilipino.
Evidence
✓ Mga mahahalagang impormasyon na magpa-
patibay ng iyong punto
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority
(PSA), umakyat ng 74 porsyento ang mga insidente ng
suicide mula 2019 hanggang 2020, habang suicide ang
naitalang pang-28 na pinakamataas na sanhi ng kamatayan.
Noong 2019, pang-39 lang ang suicide bilang pangunahing
sanhi ng pagkamatay sa bansa.
Evidence
✓ Mga mahahalagang impormasyon na magpa-
patibay ng iyong punto
Sa madaling salita, lumobo ang bilang ng mga namatay sa
suicide simula noong sumiklab ang pandemya ng COVID-19. Mula
sa pre-pandemic annual average na 2,752 noong 2017 hanggang
2019, umakyat sa 4,085 ang annual average ng mga namatay sa
suicide noong 2020 hanggang 2022.
Noong School Year (SY) 2020-2021 at SY 2021-2022, makikita
sa datos ng Department of Education (DepEd) na may 412 na mga
mag-aaral ang namatay sa suicide.
Conclusion + Solution
✓ Buod ng iyong opinyon. Ipaalala sa mga
mambabasa bakit sila apektado sa paksang
iyong pinupunto.
✓ Magbigay ng solusyon sa isyu.
Bagama’t tinanggal na ng pamahalaan ang state of public
health emergency dulot ng COVID-19, nakakapangamba
naman ang banta ng pagkakaroon ng mental health
pandemic, lalo na sa mga mag-aaral. Magsilbi sanang aral
ang ating mga naging karanasan sa pandemya pagdating
sa pagbibigay prayoridad sa mga mental health services sa
buong bansa.
Conclusion + Solution
Ito ang dahilan kung bakit naghain ang inyong lingkod ng Proposed
Senate Resolution No. 671. Layon nitong repasuhin ang pagpapatupad
ng Mental Health Act (Republic Act No. 11036). Dito, titiyakin ang
pagkakaroon ng sapat na mental health services kasabay ng
paghahatid ng serbisyong para sa edukasyon, kalusugan, proteksyon,
at kapakanan ng ating mga kababayan.
Nauna na nating inihain ang Senate Bill No. 2200 o ang Basic
Education Mental Health and Well-Being Promotion Act upang
patatagin ang programang pang-mental health sa mga paaralan—tulad
ng emotional, developmental, at preventive programs, kabilang ang iba
pang support services upang matiyak ang social at emotional well-
being ng mga mag-aaral maging ang teaching at non-teaching
personnel.
Conclusion + Solution
Sa pagpasa ng batas na ito, mas lalo nating binibigyang-
diin ang pagkilala sa ating mga paaralan bilang
pangalawang tahanan ng mga mag-aaral, hindi lamang sa
paglinang ng kanilang kaalaman at kahusayan, kundi
maging sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip. Sama-
sama nating isulong ito.
Rise and shine! Time to slay!

Thank you for listening..

You might also like