You are on page 1of 4

NSPC Winning Piece, Pagsulat ng Lathalain

Paksa: Sa kasalukuyang panahon, maraming mga lider at pulitiko ang nasasakdal sa iba’t
ibang kaso hinggil sa di umano’y kanilang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan. Sa
katunayan, ang mga taong ito ay mismong mga tao na siyang pinili at inihalal ng taong-
bayan. Tuluyan na kayang natutuhan ng mga tao ang leksiyon ng kasaysayan? Gaano na
ba kamabusisi ang mga Pilipino sa pagpili ng mga lider ng bayan? Ano ang magagawa ng
pampaaralang pamamahayag para masolusyunan ang problemang ito?

Reponsableng Pluma

Sulat.
Bura.
Sulat.
Bura.

Sa patuloy na pag-inog ng mundo, patuloy rin ang pangungukilkil ng kaisipang


“ang pluma ay higit na makapangyarihan kaysa anumang sandata.” Isang kasabihang
totoo at hindi na bago para sa akin bilang isang mamamahayag.
Sa pang-araw-araw na pagsusulat at paghahanap ng solusyon sa pang-araw-araw
na mga suliranin, may mga bagay na mismong ako ay aking nakaliligtaan. Mga isyung
hindi lang ikaw at ako ang may kinalaman. Kundi pati ang bansang tinubuan. Ito ang di
mapiglas-piglas na isyu ng tanikala ng kahirapan.
Isa lamang akong simpleng manunulat ng aming paaralan sa Cagayn de oro at
inaamin kong wala sa akin ang lahat ng problema. Subalit nagbago ang lahat ng ito nang
aking kapanayamin ang aming guro sa Araling Panlipunan na si Gng. Naildred Suan.
Sa edad niyang 55, agad na mababanaag ang kanyang pagiging seryoso sa buhay.
Bantad na bantad ang kanyang pagiging desente at respetadong guro at indibidwal na
kahit sa simpleng pakikipag-usap sa kanya ay sandamakmak na impormasyon at
kaalaman ang matutuhan-bagay na siyang naghatak sa akin para siya’y kapanayamin.
‘Ma’am, gaano na po kataas ang antas at libel ng kahirapan sa Pilipinas?” Ito ang
linyang bumulalas mula sa aking nangungusap na bibig. Sa puso’t damdamin ko’y
nagsalimbayan ang samu’t saring emosyon at palaisipan-mga katanungang nag-
aapuhap ng mga kasagutan.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya sa loob ng ilang segundo.
Katahimikan ang tanging bumalot sa silid ng aming kinaroroonan. Nakabibinging
katahimikan na tumutulig sa munting mga tainga na siyang lagusan tungo sa pahat na
isipang puno ng katanungan.
“Hindi ko alam kung gaano. Tanging alam ko ay kung ano.” Tanging linyang
bumasag sa nakabibinging katahimikan. Linyang lalong nagpalugami sa aking isipan.
Wala akong nadarama kundi ang bugso ng pagkalito na dulot ng kanyang sinabi.
“Tanging alam ko ay kung ano…kung ano ang dahilan ng kahirapang ating
dinaranas. Ang dahilan ay ang korupsiyon na kagagawan ng mga opisyales ng
pamahalaan na nagnakaw, nagtaksil at nanlinlang. Kanilang ninakaw ang perang galing
sa kaban ng bayan na nakalaan para sa mga proyekto at hakbanging pangkaunlaran.
Sila’y nagtaksil sa ating mga mata at nanlinlang gamit ang kanilang mga maiitim na
kasinungalingang hindi naikubli ang huwad na katotohanan. Sa katunayan, ang mga
taong ito ay ang mga binoto at iniluklok ng sambayanan sa posisyong kanilang
kinalalagyan. Walang awa nilang nilustay ang tiwala ng masa – sila ang mga taong may
pusong walang pag-ibig para sa bayang tinubuan.” Patuloy ni Gng. Susan na medyo
lumamlam pa ang kanyang bilugang mga mata. Kapansin-pansin ang kanyang
pagsasalita na puno ng konbiksyon na hindi naitago ang kanyang suot na salamin.

Binigay niyang halimbawa ang isa sa mga episodes ng programa ng ABS-CBN na


“Failon Ngayon.” Doon ay ipinakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng karamihan sa
mga pamilyang Pilipino na ang isang kahig isang tuka. Makabagong damdamin ang
kanilang kalagayan habang patagong ninanakaw ng mga nakaupo sa katungkulan ang
perang nakalaan.
This study source was downloaded by 100000868717840 from CourseHero.com on 01-13-2024 08:49:37 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/129905646/Lathalaindocx/
Tiyak na hahawiin ng rumaragasang usok ng kapalaluan . Kaya’t kailangang
mahanapan ng agarang solusyon ang problemang ito. Dahil kung hindi, patuloy at lalo
itong titindi at darating ang araw kung saan tuluyan nang nakalugmok ang bansang
Pilipinas sa kumunoy ng di matibag-tibag na balangkas ng kahirapan. Ikaw, bilang isang
kabataang Juan dela Cruz; ano ang maiambag mo para malutas ang isyung ito?” Ito ang
huling linyang mula sa bibig ni Gng. Suan na umurirat sa lahat ng aspeto ng aking
pagkatao. Mundo ko’y tila huminto sa pag-inog nang kanyang sinambit ang huling
pangungusap na nagbadya ng isang napakalaking palaisipan sa akin

Nangatog ang aking mga kasu-kasuan. Nangirot ang aking litidlitiran. Puso ko’y
tumibok -ng malakas na malakas. Isipan ko’y naglakbay – ng malayong malayo.

Pluma.

Ito ang tanging bagay na sumagi sa aking mumunting isipan. Simpleng salitang
binubuo ng limang letra lamang subalit milyun-milyong bagay ang karugtong. Simpleng
bagay na ngayo’y magiging tagapagligtas ng buhay at tagapagsibol ng pag-asa. Ito ang
aking magiging ambag sa lipunang nilamon ng dilim ng kasamaan. Ito ang magtatayo sa
bandera ng mga Juan dela Cruz na patuloy na ipnaglalaban ang karapatan sa isang
mabuting kalidad ng pamumuhay na tungkuling ibigay ng pamahalaan.

Gamit ang plumang aking hawak-hawak na higit na binigyang kapangyarihan at


karapatan ng Batas Republika 7079 o ang “Campus Journalism Act of 1991,”
makapagsusulat ako ng mga bagay na makapagbabago ng buhay at kapupulutan ng
mga butyl ng pag-asang tiyak na mamumukad sa puso’t damdamin ng sinuman. Tangan
ko ang plumang siyang magiging sandigan ng mundo. Responsableng plumang akay-
akay ang makapilipinong pagpapahalaga. Responsableng plumang sa unti-unti’y
magiging susi sa mundong walang patutunguhan.

Sulat.
Bura.
Sulat.
Bura.
Maraming araw ang lilipas. Maraming dahon ang malalagas. Maraming papel ang
maaalpas at maraming tinta ang maipapamalas. Magpapatuloy ang aking sulat na aking
gagawin at bawat burang aking tatahakin, akay-akay ko na ang bandila ng Pilipinas ng
may responsibilidad. Dahil sa murang gulang ko, ako’y maituturing na isang
responsableng Juan dela Cruz na naininiwalang responsableng pluma ang kailangan
tungo sa walang patid na daloy ng kaunlaran

This study source was downloaded by 100000868717840 from CourseHero.com on 01-13-2024 08:49:37 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/129905646/Lathalaindocx/
This study source was downloaded by 100000868717840 from CourseHero.com on 01-13-2024 08:49:37 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/129905646/Lathalaindocx/
This study source was downloaded by 100000868717840 from CourseHero.com on 01-13-2024 08:49:37 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/129905646/Lathalaindocx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like