You are on page 1of 5

COURSE MODULE Don Carlos Polytechnic College

MODULE WEEK NO.3-4

Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon


Telephone Number: 09362264300

College of Education/Teacher Education Department


FIL .3: Introduksyon sa Pamamahayag
Semester of A.Y. 2020-2021

Introduksiyon

Ang editoryal, sa makatwid ay isang lathalain sa pahayagn o magasin na nagsasaad ng puna ng


editor at kuari nito. Sinasabi naman ng aklat ng pamahayagan na ito’y isang artikulo nagbibigay-
pakahulugan sa mga balita. Ang nangingibabaw na katangian, samakatwid, ng isang editoryal ay ang
Rationale
pagiging napapanahong tumatalakay sa “umiiral na mahahalagang balita.”
Sa modyul na ito tatalakayin natin ang kahulugan, katangian, mga uri at bahagi ng editoryal, upang mabigyan
tayo ng maganda at mahalagang mga balita.

Intended Learning Outcomes

A. Nalalaman ang kahuluan at kahalagahan ng editoryal


B. Nakasusulat ng sariling editoryal

Activity
Gawain: Gumawa ng semantic wed patungkol sa editorial.
Diskusyon

MODYUL SA FILIPINO
FIL. 3 INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

Pagsulat ng Editoryal
Ang editoryal ay isang akdang nagbibigay ng kuru-kuro o opinyon ng patnugutan ukol sa
napapanahongisyu. Layunin nitong ipabatid ang mga patakaran at prinsipyo ng pahayagan. Maaari itong
magpabatid, magpakahulugan, bumatikos, tumuligsa, o humikayat sa mambabasa upang pumanig sa
prinsipyo nito. Sa madaling sabi, ito ay umiimpluwensya at humuhulma ng pampublikong opinyon.
Ang editoryal ay pumupukaw sa isipan. Tinutulungan nito ang mga mambabasang himay-himayin,
bigyan kahulugan at tayain ang pangyayari o isyu upang kumilo. Bilang pagbibigay-diin, ang
pinakamahalaga at sensasyonal na editoryal ay inihihiwalay sa pahina nito at inilalagay sa pangmukhang
pahina na karaniwang inilaan lamang sa mga balita.
Ang opinyon na pinaninindigan ng pahayagan sa isang napapanahong isyu ay kailangang sulating may
timbang at mkatarungan. Kailangan nitong maunawaan nang malalim ang bawat panig ng isyu bago pa man
magpasya kung aling panig ang ipaglalaban o susuportahan. Hidi ito isinusulat upang magbigay lamang ng
mga opinyon, kundi higit sa lahat, upang maghanap ng mga patunay nito. Ang anumang opinyon na
nakaangkla sa katotohanan ay may layuning mapaniwala nang mabuti ang mga mambabasa na kumiling sa
pinaglalabang prinsipyo ng pahayagan upang magsagawa ng pagkilos.
Tulad ng pagsulat ng balita, ang manunulat ng editoryal ay kailangang maghanap ng katulad na antas
ng kawastuhan ng opinyon sa pamamagitan ng malawakang pakikipanayam at pananaliksik. Ayon kay Kieth
Woods, isang pang-etikong guro ng Poynter, ang isang mapanagutang opinyon ay nagpapahalaga sa

1
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.3-4
katotohanan. Ang bigat ng kahihinatnan ng pagkakamali ay nakahihigit kaysa sa balita dahil sa paghuhusga
ng manunulat sa tao o sa isyu.
Ayon pa kay Erin Kane, isang estudyanteng manunulat na nagwagi ng Quil at Scroll International
Writing Award dahil sa kanyang editoryal tungkol sa pagwawalang-bahala ng mga batang botantena
nalimbag sa Catalyst, isang pangmag-aral na pahayagan ng Wheeler High School sa Marietta, Ga., ang mga
paghuhusga tugkol sa isyu ay hindi sapat kung ang manunulat ay hindi dapat puro reklamo na lamang ang
isusulat na walang ibinibigay na anumang alternatibo. Sawang-sawa na ang mga mambabasa sa puro
reklamo. Kailangang magbigay ng kongkretong solusyon o anumang gustong makitang mangyari.

Mga Katangian ng Editoryal


1. Kawili-wili
2. Malinaw at mabisa ang pangangatwiran at may kapangyarihang umimpluwensya ng opinyon ng
mambabasa
3. Makatotohanan at naglalaman ng mga impormasyon bilang suporta sa ipinaglalabang panig
4. Maikli lamang

Mga Uri ng Editoryal


1. Editoryal na nagpapabatid. Nagbibigay lamang impormasyon tungkol sa isyung pinag-uusapan at
wala ng iba.
2. Editoryal na nagpapakahulugan. Bagama’t nagbibigay rin ito ng mg impormasyon tungkol sa isyu,
ang pinakalayunin nito ay ang magpakahulugan sa pangyayari, sitwasyon o isyu.
3. Editoryal na nakikipagtalo. Maaari rin itong magbigay ng impormasyon tungkol sa isyu at
magpakahulugan, ngunit ang namamayani nito ay ang layuning hikayatin ang mambabasang panigan
ang ipinaglalabang paniniwala o ideya ng patnugutan.
4. Editoryal na namumuna. May pagkakatulad ito sa editoryal na nakikipagtalo. Ang kaibahan
lamang nito ay inilalahad ng manunulat ang kabutihan at di-kabutihan ng pangyayari o isyu, bagamat
isa rito ang pinapanigan ng patnugutan.
5. Editoryal na nanghihikayat. Layunin nitong hikayatin ang mga mambabasa na sumuporta sa
programa o planong aksyon sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga kabutihan na maaaring idudult
nito. Naglalaman din ito ng panawagan na pagkilos.
6. Editoryal na nagpaparangal. Nagbibigay-puri sa mabubuting nagawa ng tao o institusyon.
7. Editoryal na nagpapahalaga ng natatanging araw. Tumatalakay sa kahalagahan ng mga tanging
okasyon tulad ng Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Patay, Pasko at iba pa.

Mga Dapat Tandaan sa Pgsulat ng Editoryal


1. Tiyaking nauunawaang mabuti ang sitwasyon o isyu.
2. Tiyaking ang pinapanigan ay hindi taliwas takdang patakaran ng pahayagan.
3. Tiyaking ang paksa ay kawili-wili sa mga mambabasa. Pillin ang pinakabago at kontrobersyal na
isyu.
4. Limitahin ang akda sa isang aspeto lamang ng piniling paksa.
5. Magkaroon ng tiyak na layunin sa pagsulat ng akda.
6. Mangalap ng sapat na datos.
7. Magkaroon ng pinapanigan sa isang kontrobersyal na isyu.
8. Gumamit ng matibay at makatarungang pangangatwiran.
9. Gawing maikli lamang ang akda. Hangga’t maaari, mga limang talata lamang.
10. Gawing makatawag pansinat kawili-wili ang panimula na binubuo ng batayang balita at relasyon.
11. Magbigay ng mahahalaga at makabolohanang detalye upang maging kapani-paniwala ang iyong
opinyon.
12. Gawing pormal ang pananalita at paglalahad ng opinyon.
13. Hangga’t maaari, magbigay ng estadistika.
14. Kung magbigay ng argumento, simulant sa pinakamahalaga.
15. Maging maawtoridad, ngunit huwag mangaral o manemon.
16. Huwag sulatin sa unang panauhang “ako” sa halip ay “kami” maliban kung gumagamit ng tuwirang
2
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE sabi.
MODULE WEEK NO.3-4

17. Gumagamit ng iba”t ibang pamamaraan upang pukawin at panatilhin ang kawilihan ng
mambabasa.
18. Tulad ng ibang akdang pampahayagan, kailangang taglay ng editoryal ang tuntunin ng kaisahan,
kalinawan, kaugnayan at kariinan sa pagsulat ng akda.
19. Iugnay na panghuling talata sa panimula.

Mga Bahagi ng Editoryal


1. Pamagat. Ito ay nagbibigay ng pahiwatig tungkol sa nilalaman ng editoryal.
2. Panimula. Ito ay naglalaman ng batayang balita at reaksyon.
3. Katawan. Ilalahad dito ang mga detalye ng mga opinyon ng pahayagan at ang mga katotohanang
patibay nito tungkol sa isyu.
4. Kongklusyon. Naglalaman ito ng pinakamahalagang direksyon na maaaring solusyon, payo, hamon,
mapaghamong tanong, nakikinitang kahihinatnan o simpleng pgbubuod.

Mga Halimbawa ng Premyadong Editoryal


1. Ditoryal na nagpapabatid
2. Editoryal na Nagpapakahulugan
3. Editoryal na Nakikipagtalo
4. Editoryal na namumuna
5. Editoryal na Ngpaparangal
6. Editoryal na Nagpapahayag ng Natatatanging Araw
7. Editoryal na Naghihikayat

Pagsulat ng Kolum-Editoryal
Isa sa mga palaging nilalaman ng pahinang editoryal sa bawat isyu ng pampaaralang pahayagan ay ang
kolum-editoryal o tudling-editoryal. Ito ay karaniwang binibigay sa pinakamagaling na mga manunulat ng
patnugutan na may malawak na kaalaman at may namumukod-tanging kakayahan sa paglalahad ng opinyon
tungkol sa iba’t ibang kaganapan, kontrobersya o isyu. Kaya nga, karaniwan nang matutunghayan ang
larawan ng manunudling sa kanyang akda, bilang pagkilala sa kanya ng patnugutan.
Bagama’t ang kolum o tudling ay palagiang pitak ng pahinang editoryal, ito ay nababasa rin sa ibang
pahina ng pahayagan tulad ng pahinang lathalain, pnitikan at pampalakasan. Ito ay karaniwang matatagpuan
sa sulok ng pahina na palagian nitong kinalalagyansa bawat isyu.
Mga Layunin ng Kolum-editoryal
1. Ipabatid sa mambabasa ang mahahalagang bagay sa likod ng isang pangyayari.
2. Tumulong upang makabuo ng pampublikong opinyon sa pamamagitan ng makatwiran,
nakapagpapatawa o maemosyong komento.
3. Magbigay ng kahulugan at puna tungkol sa isyu
4. Paigsiin ang pangunahing balita sa malinaw, lohika at mabisang mga pangungusap o talata upang
bigyang-diin ang pinakalaman nito
5. Magbigay ng mga istoryang nakaligtaan o sanligan sa mga pangunhing balita sa pamukhang pahina
ng pahayagan
6. Magsilbing tagapaghusga

Mga Katangian ng Kolum-editoryal


1. Tumatalakay sa napapanahong paksa o isyu.
2. May batayang balita
3. Nasusulat ang sariling istilo ng kolumnista
4. Maaaring iisang paksa lamang ang tinatalakay o maaari ring higit sa isang paksa na walang kaugnay
sa isa’t isa
5. Maaaring pormal o di-pormal ang istilo ng pagkakalahad
6. Maaaring ang paglalahad ay patula o pasalaysay
3
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.3-4

Mga Katangian ng Isang Mabisang Manunudling


1. Palabasa
2. Malawak ang kaalaman sa iba’t ibang paksa o isyu
3. Matalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pangyayari
4. May sapat na kaalaman sa pinaksang tudling
5. Mahusay sa diplomasya
6. Malawak ang talasalitaan
7. Makatarungan sa pagpapasya
8. May sariling istilo sa pagsulat at may orihinalidad

Mga Anyo ng Kolum-editoryal


1. Maramihang paksa. Naglalaman ito ng maraming paksa o isyu na nilalagyan ng mga personal na
opinyon ng manunudling.
2. Pag-analisa sa balita. Ito ay isang mapagkahulugang sanaysay batay sa kasalukuyang mga
pangyayari.
3. Mapamunang Pagsusuri. Ito ay nagsisikap sumuri ng kalidad ng isang aklat, dula, pinta,
pangmusikang bilang, pelikula at iba pang anyo ng sining.
4. Kolum ng mambabasa. Dito inilalagay ang mga padalang sulatng komentaryo tungkol sa mga isyu
mula sa mga mambabasa. Karaniwang tinatawag itong “Liham para sa Patnugot”.

Pagguhit ng Kartung Editoryal


Ang kartung editoryal ay isang palagiang bahagi ng pahinang editoryal. Ito ay editoryal na nakaguhit.
Layunin nitong ilarawan sa pamamagitan ng impormal na guhit ang panig ng patnugutan tungkol sa isang
napapanahong isyu. Maliban dito, nagsisilbi rin itong pang-aliw o pampagaan ng loob sa gitna ng mga
seryosong paglalahad ng mga opinyon tungkol sa iba’t ibang isyu.
Mga Dapat Tandaan sa Pagguhit ng Kartung Editoryal
1. Limitahan ang paggamit ng mga salita at label.
2. Gumamit ng mga pangkalahatang simbolo.
3. Magkaroon ng sariling istilo at huwag mangupya.
4. Ituon ang pagguhit sa iisang paksa lamang.
5. Limithan sa tatlo hanggang sa limang bagay lamang ang iguguhit na tutulong upang mailarawan ang
kaisipang nais ipabatid sa mga mambabasa.
6. Ilarawan nang husto ang ekspresyon ng mukha ng taong iguguhit, pati na ang pagkakakilanlan nito.
7. Maaaring gamitin ng alusyon ng mga palasak na sanligan tulad ng mga superhero, gladyador ,
kaganapan sa kalbaryo at iba pa.

Mga Hakbang sa Pagguhit ng Kartung Editoryal


1. Alamin ang pangunahing isyu na nais iguhit ng kartun.
2. Alamin ang panig ng patnugutan tungkol sa isyu.
3. Gumuhit sa tulong ng pinakamabisang simbolo na aakma sa pangkalahatang opinyon ng patnugutan
tungkol sa isyu.

Mga Karaniwang Simbolo sa Pagguhit ng Kartung Editoryal


1. Lapis, pluma, pahayagan – pamahayagan, karapatan sa pamamahayag.
2. Kalapati – kalayaan, kapayapaan, demokrasya
3. Salakot – Juan Dela Cruz, karaniwang mamamayang Pilipino
4. Kadena – paninikil sa kalayaan, pang-aapi o pang-aalipin
5. Kamatayan at karit – panganib, kapahamakan
6. Heringgilya – parusang kamatayan, adiksyon sa droga
7. Buwaya – abusado, mapagsamantala
8. Buto’t balat na bata - kahirapan, gutom
4
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE 9. Malyete – husgado, batas
MODULE WEEK NO.3-4

10. Babaeng may piring at may dalang timbangan – katarungan


11. Mga alon – mga hadlang, pagsubok
12. Mascara – mapagkunwari, pagpapanggap
13. Agila – katapangan
14. Bareta ng ginto – kayamanan, karangyaan
15. Mataas na gusali – kaunlaran
16. Susi – daan tungo sa tagumpay o kaunlaran
17. Malaking bato sa daan – balakid sa anumang mithiin
18. Bungo at dalawang nagkrus na buto – kamatayan kapahamakan
19. Sumisikat na araw – pag-asa
20. Taong may maraming tatu – kriminal, masamang tao, dating bilanggo

Exercise

I. Punan ng napapanahong usapin o isyu ang talahanayan sa ibaba.


Pampaaralan Pampamayanan Pambansa

1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
Assessment

II. Mula sa talaan ng mga isyung nabanggit sa itaas, pumili ng tig-iisa sa bawat kolum o kategorya at sumulat
ng editoryal sa bawat isa.

Reflection

Ano ang kahalagahan ng editoryal sa paghahatid ng balita? Paano ito nagbibigay ng ambag sa ating buhay?

Resources and Additional Resources

 Gelly E. Alkuino (Pampaaralang Pamahayagan sa Nagong Henerasyon) 2008

5
Crafted by Mariel Bandada

You might also like