You are on page 1of 1

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BALITA

1. Isulat ang buod.


2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan (decreasing importance).
3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.
4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari batay sa pababang kahalagahan.

MGA MUNGKAHING PARAAN SA PAGSULAT NG BALITA


1. Isulat kaagad ang balita pagkatapos makalap.
2. Bigyang-diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari.
3. Maging tumpak.
4. Iwasan ang magbigay ng opinyon (no editorializing). Ang mga opinyon ay nararapat lamang sa mga
tanging kolum, pangulong tudling, artikulong may pangalan (by-line) ng sumulat at sa balitang isports o
pampalakasan.
5. Banggitin ang awtoridad o pinagmulan (source or attribution) ng balita lalo na kung: (1) nangingibabaw
ang opinyon kaysa tunay na pangyayari, (2) ang balita ay kontrobersyal, at (3) ang balita ay
nagpapatalastas ng bagong regulasyon.
6. Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit. Pagkatapos gamitin na lamang ang G. sa apelyido
ng lalaki; Bb. o Gng. sa babae o anumang tanging titulo sa mga sumusunod pang pagbanggit.
7. Ilahad ang pangyayari nang walang kinikilingan.
8. Ipakilala ang pangalang binanggit.
9. Iwasan ang pagkakaroon ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang makapinsala sa paniwala at asal ng
mambabasa o ng ibinabalita.
10. Simulan ang bawat talata sa mahalaga at kawili-wiling pangyayari.
11. Sumulat ng maiikling pangungusap. Pag-iba-ibahin din ang haba, ngunit kailangang payak at maliwanag.
12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.
13. Iwasan ang pampahaba o pampakapal lamang na mga pangungusap at talata na pampuno lamang ng
espasyo (avoid padding).
14. Gumamit ng mga payak at tiyak na salita. Ang mga pang-uri at pang-abay ay dapat magbigay-daan sa
mga pandiwa at pangngalan. Iwasan ang mga di-karaniwang salita.
15. Sumulat ng mabisang pamatnubay. Huwag ilagay lahat ng 5 W’s sa simulang pangungusap kung
makagugulo sa diwa at sa mahusay na pagbasa. Iwasan ang pagsisimula ng pamatnubay sa numero
(figure), pantukoy na ang, ang mga, at sa mga panlinaw na sa, ito, may, mayroon, at doon. Gayunman,
kung ang pangungusap ay mababago at masisira ang kayarian, ay makabubuting gamitin na ang pantukoy.
16. Gamitin ang tinig na tukuyan (active voice) kaysa balintiyak (passive voice), maliban kung ang layon ay
higit na mahalaga kaysa gumaganap.
17. Sundin ang estilong pamahayagan (style sheet).

You might also like