Professional Documents
Culture Documents
Dalawang katao ang nasawi, tatlo ang nasaktan at tatlong gusali ang natupok sa isang
sunog noong Oktubre 17 sa Perla St., Lungsod ng Pasay, sanhi ng nagliyab na kawad ng
koryemte sa kisame ng Ever Pharmacy.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi: Jose Ramos, 46, may-ari ng Ever Pharmacy at si
Maria Moncada, 16, ang kaniyang utusan.
Ang mga nasaktan, ayon din sa pulisya ay sina Juan Corpuz, 18; Romeo Taruc, 21 at
si Dante Aquino, 25, pawang manggagawa.
Ang mga natupok ay ang Ever Pharmacy, Go Chong Sari-sari Store at ang Ramos
Grocery. Tinatay na ang kabuuang halagang napinsala ay aabot sa 50 milyong piso.
Tatlong sunog ang naganap sa Metro Manila: sa Perlas St., Lungsod ng Pasay, Oktubre
17; sa 16-B Paz St., Paco, Maynila sa araw ring yaon, at sa San Roque St., Pandacan, Maynila,
Oktubre 21.
Dalawang katao ang nasawi, tatlo ang nasugatan at tatlong gusali ang natupok sa
Pasay. Kinilala ng pulisya ang mga nangamatay na sina Jose Ramos, 46, may-ari ng Ever
Pharmacy; at si Maria Moncada, 16, ang kaniyang utusan.
Ang mga nasaktan, ayon din sa pulisya ay sina Juan Corpuz, 18; Romeo Taruc, 21; at
si Dante Aquino, 25, pawing manggagawa.
Ang mga natupok na gusali ay ang Ever Pharmacy, Go Chong Sari-sari store at ang
Ramos Grocery. Tinataya na ang kabuoang halagang napinsala ay aabot sa kalahating milyong
piso. Ang apoy ay nasugpo ng bomber pagkalipas ng tatlong oras.
Samantala, ang bahay naman ni Piskal Roman Santos sa Paco na nagkakahalagang
₱600, 000 ang nasunog. Hanggang sa kasalukuyan hindi pa nababatid ng may kapangyarihan
ang pinagmulan ng sunog at wala pang ulat tungkol sa mga taong nasaktan.
Ang naging biktima ng sunog sa Pandacan ay ang pamilya ni G. Juan Vasquez. Napag-
alaman na ang apoy ay galling sa isang sumabog na kalang de-gas.
“Tinangka naming sugpuin ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher ngunit kami’y
nabigo,” ang salaysay ni Gng. Vasquez.
Ang maagang pagdating ng bombero ang nakapigil sa pagkalat ng apoy sa mga
kapitbahay.
Pag-isipan: