You are on page 1of 41

Tanging

lathalain
Katuturan ng tanging
lathalain
Ayon kay Dr. Bella Abangan, dating
superbisor at manunulat sa
Pahayagang Tempo at may-akda
ng Lakbay Diwa, pinakamahirap
raw ay ang pagsulat ng Lathalain.
Ito ay nagpapaliwanag,
lumilibang, maaaring magalit,
nagbibigay impormasyon at
umaalo sa mambabasa
Tungkulin ng tanging
lathalain

Ayon kina Evangeline B. Santos at


Teresita P. Mechado- mga akda ng
Gabay na Aklat sa Pamamahayag.
Ang lathalain ay may puso. Ang
mga sulatin sa ilalim nito ay:
Nagtuturo
Nagbibigay ng Impormasyon
Lumilibang
Tungkulin ng tanging
lathalain

Umaakit
Nakapagpapabago
Nag-uulat sa kapaki-
pakinabang na paraan
Nagbigay ng aral o payo
Nagpapaniwala
Anyo ng piling lathalain

Maaaring isulat ito sa anumang


porma, anyo o istilo.

Maaari irng isulat sa ayos ang


baligtad na piramide tulad ng
isang balita
Katangian ng tanging
lathalain

Walang tiyak na haba, maaaring


maikli, maaaring mahaba
depende sa nilalaman ng
gustong itala.

Batay sa katotohanan na
maaaring may kaugnayan sa
balita.
Maaaring sulatin sa anumang
anyo, istilo o pamamaraan, ngunit
kailangan na ito ay naaangkop sa
nilalaman at layunin nito.

Ginagamitan ng makabagong
pamatnubay (novelty lead) sa halip
na kabuurang pamatnubay
(summary lead).

Nasusulat sa himig ng payak na


pakikipagkaibigan.
Maaaring sulatin sa una, ikalawa o
ikatlong panauhan.

Pinakamalayang pagsulat sa lahat


ng uri ng pampamahayagang akda.

Maaring gumamit ng pang-uri,


tayutay o idyoma hanggat
kailangan.

Nagsasaad ng mga ulat batay sa


masusing pag-aaral, pananaliksik
at pakikipanayam.
Karaniwang nasusulat sa
paraang pataas ang kawilihan
(suspended interest structure).

May panimula, katawan at


wakas.
Hakbang sa Pagsulat ng Tanging Lathalain

Pumili ng napapanahon at
kapakipakinabang na paksa.
Magtala lamang ng saklaw ng
tatalakayin. Wala nang bisa ang
maligoy at malalawak na paksa.
Maglagay ng pamagat sa lathalain.
Itampok sa pamatnubay ang kaakit-
akit na panimula.
Magsagawa ng teknik kung paano
hahawakan hanggang sa huling
sandali ang interes ng mambabasa.
Kaibahan ng
tanging
lathalain
sa ibang
artikulo
Nagsasaad ng isang katotohanang
batay sa isang ulat samantalang
ang maikling kwento, kung
bagamat hango sa mga
makatotohanang pangyayari, ay
maaaring bungang-isip lamang ng
may-akda.

Naglalaman ng mga kuru-kuro o


pagpapakahulugan ng may-akda
tungkol sa isang balitang
nailathala, ngunit ang binibigyang-
diin ay ang mga nalikom na tala at
ulat, kayat naiiba sa pangulong
tudling.
Nagtataglay ng kuru-kuro ng may-
akda sa anyo ng pagpapaliwanag,
pagpapakahulugan o puna kayat
naiiba sa balita na nag-uulat lamang
kung ano ang mga nangyayari.

Tulad ng isang sanaysay o salaysay na


pampanitikan, subalit nagtataglay ng
higit pang katangian tulad ng malalim
na kahulugan at malawak na paksa.

Nasa pagitan ng balita at ng


pangulong tudling.
Mga uri
ng
tanging
lathalain
1. May makataong kawilihan
(Human Interest Story)
- Umaakit sa mambabasa
sapagkat nagpapakita ng lahat
ng uri ng damdamin ng tao.

2. Lathalaing Pabalita
- Ang tinatalakay ay nagmula
sa mga isyu o balitang
napapanahon na kailangang
bigyan pakahulugan.
3. Lathalaing Pangkatauhan
- Ang uring ito ng lathalain
ay tumatalakay sa
personalidad ng isang tao na
maaari nating pagkunan ng
magagandang asal o pag-
uugali, di kaya naman ay
gayahin siya sa kanyang
pagsisikap.
4. Lathalaing Pangkasaysayan
- Ang sanligang tinatalakay
ay kasaysayan ng isang lahi.

5. Lathalaing Pangkaranasan
- Tumatalakay sa mga makukulay
at mapaghamong buhay ng tao
at ng kanyang mga karanasan.
6. Lathalaing Paglalakbay
- Paglalarawan ng ibat ibang lugar
na napuntahan at mga
itinatampok ng lugar na
tinatalakay.

7. Lathalain mula sa Pakikipanayam

- Mga bago at mabisang


paglalahad ang kinakailangan
upang mapaganda ang
lathalaing isinulat mula sa
pakikipanayam
8. Lathalaing Panlibangan
- Tinatalakay dito ang ibat
ibang nalilibang na isyu,
maaaring hasaan ng isip,
puzzle, maze o kahulugan ng
ibat ibang bagay.
9. Lathalaing Paano
- Ang paggawa- mga tulong sa
mga gawaing pantahanan o
hakbang sa paggawa ng
bagay-bagay.
10. Lathalaing Di- Pangkaraniwan
- Mga sulatin tungkol sa mga
duwende, laman lupa at kaauri
nito.

11. Lathalaing Pang-Agham


- Nahihinggil sa agham.

12. Lathalaing Pangkalusugan


- Nahihinggil sa kalusugan, mga
lumalaganap na sakilt, sintomas at
gamot na kinakailangan upang ito
ay masugpo.
paksa para
sa pagsulat
ng lathalain
sa
pampaarala
ng
Karanasan o pakikipagsapalaran
(experience or adventure)
Paglalarawan ng isang tao, lunan o
pangyayari (description)
Kasaysayan ng isang pangyayari
(historical background)
Pangkatauhang-dagli (personality
sketch)
Salaysayin (narrative)
Pangkaunlarang lathalain
(development feature)
Lathalaing Ano o Paano ang
Gagawin (How-to-do and What-
to-do articles)
Mga
katangian
ng
manunulat
ng tanging
lathalain
Handang manaliksik upang
mabatid ang ibat ibang bagay
hinggil sa isang karaniwang balita
o pangyayari na ikinatatangi ng
mga ito.
Masigasig at masiyasat sa pagkuha
ng mga tala hinggil sa pangyayari.
May kakayahang magawang
lathalain ang alinmang balita.
May sariling pamamaraan at istilo
sa pagsulat.
Mataas na pagmamasid (keen
observer)
Pangkaisipang pag-uusisa
(intellectual curiosity)
Kakayahang tumuklas ng lathalain
sa pang-araw-araw ng pangyayari
(ability to find features in
everyday happenings)
Katambak na mga salitang
naglalarawan at idyoma (plenty of
descriptive words and idiom)
Kakayahang humabi ng mga
salita sa paglikha ng mga kawili-
wiling pangungusap at parapo
(the skill to weave words into
interesting sentences and
paraphrase )
Kakayahang sumulat ng mabisa
at pambararilang pangungusap
(ability to write effective and
grammatical sentences)
Mga payo
para sa
mga
bagong
manunulat
ng tanging
Samahan ng mga anekdota o
mga natatanging pangyayari.
Gamitin ang mga siniping sabi
at ilagay ang mga iyon sa
simula.
Magbigay ng tiyak at madaling
maunawaang mga halimbawa
upang higit na maipadama ang
diwa ng lathalain.
Gumamit ng usapan
(conversaton o dialogue) at
katutubong kulay (local color)
upang ipadama ang mga
pangyayari sa mambabasa.
Gawing maikli ang talata.
Tapusin sa pamamagitan ng
pang-ugnay na katapusan (tie
in).
mungkahi
ng
panimula
sa
pagsulat
Panretorikang tanong (rhetorical
question)
Panggulantang na pahayag (startling
statement)
Pasalaysay na panimula (narrative
openning)
Siniping sabi (quoted remark)
Isang kasabihan, salawikain o
talinghaga (maxim, proverb or
aphorism)
Suliraning dapat na pagtatalunan sa
artikulo, o pangyayaring dapat na
patunayan (problems to be discussed
in the article or fact to be
established)
mungkah
ing
pangwak
as ng
tanging
Buod ng buong artikulo
(summary of the whole article)
Pahayag ng pinakamahalagang
bahagi sa kauna-unahang
pagkakataon (an announcement
of the main point for the first
time)
Katanungang nabuo sa kaisipan
ng mambabasa (a question left in
the readers mind)
Mungkahing ukol sa kahihinatnan
(suggested results or
significance)
Isang porkast o hula (a forecast
or prophecy)
Pag-uulit ng panimula
(repetition of the introduction)
Pag-uulit sa mga salita sa
pamagat (repetition of the
words found in the title or the
title itself)
Isang angkop na sinipi (an
appropriate quotation)
Pagsasanay

Panuto: Tukuyin ang uri ng


Tanging Lathalain sa mga
sumusunod na halimbawa:
Halimbawa ng Lathalain
Bangungunot
Napakasaya niya ng araw na iyon,
nalinis niya ang paligid ng aming bakuran,
habang pakanta-kanta pa. Hindi namin
alam na iyon na ang huli naming
pagkikita, humihikbing wika ni Aling
Isabel Morokando, ina ni Avelino.
Si Avelino Morokando ay isang
security guard sa bangko, matapos
anyayahan sa isang handaan ay umuwing
busog na busog. Dala ng pananakit ng
tiyan, napagpasyahan niyang linisin ang
paligid ng kanilang bakuran upang
mabawasan ang sobrang kabusugan.
Pagkatapos, humiga siya sa isang
papag na nasa ilalim ng hagdan sa
pagtulog niyang ito hindi na siya
kailanman magigising sapagkat siya ay
binangungot.

Silent killer ang bangungot, walang


anumang bakas o palatandaan kapag
umatake, wika ni Dr. Roy Serbidores,
duktor ng pamilyang Morokando.
Mga Sagot:

1. Lathalaing makatao
2. Lathalaing Pabalita
3. Lathalaing Pakikipanayam
Sanay Ako Na Nga
Dalagita na ako, very sweet, mahilig sa
musika at rock pa. Nabibighani sa pabangong
made in heaven.

Matalino ako, may pagpapahalaga sa


sarili.Kahit makabago may dugo pa rin ni Maria
Clara at basbas ni PadreDamaso. Kabisado ko rin
ang pagrorosaryo at Ama Namin. Ang po at
opo ay di nawawaglit na pakawalan ko, lalo nat
matanda ang kausap ko.

Matapos kong sabihin kung sino at ano ako,


papansinin mo pa kaya ang beauty ko? Hindi ko
naman masasabi na gustuhin mo ako, sapagkat
nakakahiya sa madlang tao. Ang masasabi lamang
ng puso kot isipan Sanay ako na nga!
Sagot

1.Lathalaing Dagli
T

You might also like