You are on page 1of 9

Filipino_Finals

 ANG SINING NG PAGLALAHAD


 REPLEKTIBONG SANAYSAY
 MGA DAPAT ISAALANG- ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY
 MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
 LAKBAY SANAYSAY
 MGA DAHILAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

ANG SINING NG PAGLALAHAD

UP Diksiyonaryong Pilipino (Binagong Edisyon, 2010)


- Ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong
pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o ideya.
Jose Arrogante
- Filipino Pangkolehiyo: Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa
Komunikasyon.
- Sa ingles, ang paglalahad ay tinatawag na “expository writing”.
- Madalas makita sa mga aklat, editorial sa diyaryo, aritkulo ng mga
magasin, at iba pa.
Paglalahad
- Hindi nagsasalaysay ng isang kuwento.
- Hindi naglalarawan ng isang bagay.
- Hindi nagpapahayag ng isang paninindigan.
- Ito ay nagpapaliwanag, obhetibo.
- Walang pagkampi.
- May sapat na detalye na pawing pampalawak ng kaalaman sa
paksang binibigyang-linaw.
Malimit na Pagamitan: pagbibigay-kahulugan, pagsunod sa panuto,
pangulong-tudling, suring-basa, ulat, balita, at sanaysay.
Ayon sa aklat ng Sining ng Pakikipagtalastasan na ginawa ng Kagawaran
ng Filipino (TUP, Manila), ito ay dapat na magtaglay ng sumusunod na
mga sangkap o element:
1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay.
2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan.
3. Malinaw at maayos na pagpapahayag.
4. Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang
madali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag.
5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na
nasasaklaw ng tao.
Sanaysay
- Hango sa salitang Pranses na “essayer” na ang ibig sabihin ay
“sumubok” o “tangkilikin”.
- Nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni Michael de Moantaigne.
Confucius - sumulat ng Analects.
Lao-Tzu – sumulat ng Tao Te Ching.
Ika-14 na dantaon
- Nakilala si Yushida Kenko ng hapon na may katha ng
“Tsurezuregusa” o “Mga Sanaysay sa Katamaran”.
Francis Bacon
- Ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling
pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
Paquito Badayos
- Aklat na Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag.
- Naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang
paghahanay ng kaisipan. Naglalahad din ito ng mga personal at
pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa.
- Isang paglalahad ng sariling opinion o kuro-kuro ng sumulat
tungkol sa isang bagay o paksa.

Alejandro Abadilla
- Ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karansan
ng isang sanay sa pagsasalaysay.
- Isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad.
Pangunahing Katangian ng sanaysay
- Pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw.
2 URI NG SANAYSAY
1. PORMAL
- nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at
bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga
pangyayari at mga kaisipan.
- Kung minsa’y binabasa upang makakuha ng impormasyon.

2. IMPORMAL
- Pamilyar o personal at nagbibigay-diin sa isang estilong
nagpapamalas ng katuhan ng may-akda.
- May himig na parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang
panunutunan sa buhay.
- Naglalarawan ng pagkahulugan ng may-akda sa isang pangyayari sa
buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay- bulay, at naglalahad ng
kanyang kuro-kuro o pala-palagay.
12 NATATANGING URI NG SANAYSAY
Nagsasalaysay
Naglalarawan
Magpag-isip o Di Praktikal
Kritikal o Mapanuri
Didaktiko o Nangangaral
Nagpapaalala
Editoryal
Makasiyentipiko
Sosyo-political
Sanaysay sa Pangkalikasan
Sanaysay na Bumabalangkas sa isang Tauhan
Mapagdili-dili o Replektibo
Hinahati ang kabuoan ng sanaysay sa tatlo:
o Panimula
o Katawan
o Wakas

Simula
- Tandaang ito ay dapat nakakatawag ng pansin o nakapukaw sa
damdamin ng mga mambabasa.
Katawan
- O ang pinakanilalaman ng akda.
- Kinakailangang maging mayaman sa kaisipan, nagtataglay ng
kaisahan sa mga detalye nito.
Wakas
- Karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may-akda.
- Maaaring ilahad sa bahaging ito ang buod o konklusyon ng sumulat.
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Michael Stratford
- Isang guro at manunulat.
- Ang replektibong sanaysay ay iisa sa mga tiyak na uri ng sanaysay
na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.
- Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip,
nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at
kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
- Mahahalintulad ito sa pagsulat ng isang “journal” kung saan
nangangailangan ito ng pagtala ng mga kaisipan at nararamdaman
tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari.
- Maiuugnay rin sa pagsulat ng mga “academic portfolio” kung saan
nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano
siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring
binibigyang-pansin sa pagsulat.
Replektibong Sanaysay
- Ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito
ay nasasalamin ang pagkatao ng sumulat.

Kori Morgan
- Guro mula sa West Virginia University at Univeristy of Akron.
- Ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago
ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
- Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng
sumular batay sa mga karanasang natutunan o nakuha.
Halimbawa ng mga Paksa na maaaring gawin ng Replektibong Sanaysay:
Librong katatapos lamang basahin
Kakatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
Pagsali sa isang pansibikong Gawain
Praktikum tungkol sa isang kurso
Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
Isyu tungkol sa pagkagumon ng pinagbabawal na gamut
Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine
Sea
Paglutas sa isang mabigat na suliranin
Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
MGA DAPAT ISAALANG- ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman


ng Sanaysay.
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang
gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay
kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.
3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na karanasan,
mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong
mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang
higit na maging mabisa at epektibo ang pagkasulat nito.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito
ay nakabilang sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing
malinaw at madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag
ng mga ideya at usapin upang maipabatid ang mensahe sa mga
babasa.
6. Sundin ang tamang estraktura o mga bahagi sa pagsulat sa
sanaysay: INTRODUKSIYON, KATAWAN, KONKLUSYON.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkasulat ng mga talata.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang replektibong sanaysay ay dapat na magtataglay ng


introduksyon,katawan, at wakas o konklusyon.
Sa pagsulat ng Simula,
1. Maaring mag-umpisa sa pagsagot sa susmusunod na mga tanong:
- Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?
- Paano ito makakaapekto sa aking buhay?
- Bakit hindi ito makakaapekto sa aking pagkatao?
2. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga
sagot sa loob ng isang pangungusap.
- Ito ang iyong nagsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang
magiging gabay o batayan sa pagsulat ng iyong replektibong
sanaysay.
Tandan:
1. Ito ay dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa.
- Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay na
panimula. Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao
o quotation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa.
2. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng
pagsulat ng sanaysay.
- Magsisilbing preview ng kabuoan ng sanaysay. Isulat ito sa loob
lamang ng isang talata.
Pagsulat ng Katawan:
Katawan
- Dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol
sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.
1. Maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong datos batay sa iyong
naobserbahan o naranasan.
- Upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipinaliwanag.
2. Makakatulong nang malaki kung gagamit din ng mga
mapagkakatiwalaang mga sanggunian bilang karagdagang datos na
magpapaliwanag sa paksa.
3. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay-
nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung
paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.
4. Pag-isipan ding mabuti kung paano mo tatapusin ang iyong
replektibong sanaysay.
Pagsulat ng Wakas o Konklusyon:
1. Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
2. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo
magagamit ang iyong mga natutunan sa buhay sa hinaharap.
3. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga
mambabasa na sila man ay
magnilay sa kanilang hinggil sa iyong natutunan.
4. Mag-iwan ng tanong na maaari nilang
pag-isipan.

LAKBAY SANAYSAY

Lakbay Sanaysay
- Tinatawag ding travel essay o travelogue.
- Isang uri ng lathalaing na ang layunin ay maitala ang mga naging
karanasan sa paglalakbay.
- Kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o
sumulat sa paglalakbay.
- Isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karansan at kasiyahan
sa paglalakbay.
Nonon Carandang
- Ito ay tinatawag nyang SANAYLAKBAY na kung saan ang
terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng tatlong
konsepto: SANAYSAY, SANAY, at LAKBAY.
- Ang sanaysay ay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang
maitala ang mga karanasan sa paglalakbay.
MGA DAHILAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY:

Dr. Lilia Antonio, et al.


- Malikhang Snaysay (2013)
- May apat na pangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay-sanaysay:
1. upang itaguyod ang isang lugar at kumite sa pagsusulat.
Halimbawa: paggawa ng travel blog.
2. Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa posibleng
manlalakbay.
 Rizal
- Noli Me Tangere
- Kung nais mong higit na makilala ang katangian at kultura ng
bansang iyong pupuntahan, mahalagang alamin mo muna ang
taglay nitong kasaysayan.
3. Maari ding itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbaytulad ng
espirituwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili.
- Kadalsang naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng daily
journal o diary.
- Upang maitala ang bagong bagay sa kanyang nakita, narinig,
naranasan, at iba pa sa kanyang paglalakbay.
4. Upang maidokumento ang kasanayan, kultura, at heograpiya ng
lugar sa malikhaing pamamaraan.
Halimbawa:
 Antonio Pegafetta
- Isang venetian iskolar na tumungo sa Pilipinas kasama si Ferdinand
Magellan.
- Nagtala ng mahahalagang datos ng kanilang nakita sa Pilipinas na
may kinalaman sa mga halaman, hayop, klima, heograpiya, at
kultura ng mga sinaunang Pilipino bilang bahagi ng kanilang ulat sa
hari at reyna ng Espanya sa kanilang pagbabalik sa kanilang bansa.

 Marco Polo
- Mangangalakal na venetianna sumulat ng librong pinamagatang
“The Travels of Marco” bunga ng kanyang pagtungo sa Asya at
result ana rin ng kanyang paninirahan sa Tsina sa loob ng
labimpitong taon.

You might also like