You are on page 1of 19

FILIPINO REVIEWER

SULATING PORMAL
 Ang pagsulat ay isang mahalagang sangkap at paraan ng
pakikipag-ugnayan, pakikipagkomunikasyon at
pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsulat.
 Maraming gamit and pagsulat katulad ng mga
pagpapahayag ng saloobin, opinyon, katotohanan at naglalahad
ng damdamin na nais ipabatid sa mga mambabasa.
BAHAGI NG SANAYSAY
SIMULA
 Pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito
ang unang tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw
ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa
ang pagbasa sa akda.
PARAAN NG PAGSULAT NG PANIMULA
 PASAKLAW NA PAHAYAG – Inuuna ang
pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na
detalye.
 TANONG NA RETORIKAL – isang tanong na tinatanong
ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para
isipin niya.
 PAGLALARAWAN – pagbibigay linaw at deskripsyon sa
paksa
 SIPI – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa
gaya ng libro, artikulo at iba pang sanaysay.
 MAKATAWAG PANSING PANGUNGUSAP – isang
pangungusap na makakuha ng atensyon ng nagbabasa.
 KASABIHAN – isang kasabihan na makakapagbigay ng
maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay
 SALAYSAY – isang ekplenasyon ng iyong sanaysay
GITNA/KATAWAN
 Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at
pahayag. Sabahaging ito ng sanaysay ay makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman
ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.

PARAAN NG PAGSULAT NG KATAWAN


PAKRONOLOHIKAL – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari
PAANGGULO – Pinapakita ang bawat anggulo o “side” ng paksa
PAGHAHAMBING – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo
atbp ng isang paksa
PAPAYAK O PASALIMUOT – Nakaayos sa paraang simple
hanggang komplikado at vice versa
WAKAS
 Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod
sa sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng
mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay
PARAAN NG PAGSULAT NG WAKAS
TUWIRANG PAGSABI – Mensahe ng sanaysay
PANLAHAT NA PAHAYAG – pinakaimportanteng detalye ng
sanaysay
PAGTATANONG – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng
isang (retorikal na) tanong
PAGBUBUOD – Ang summary ng iyong sanaysay

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY


(SULATING-PORMAL)
TONO - tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang
katauhan (ako)? Ikaw ba ay isang magulang, pulitiko, guro? Ito ay
mahalaga upang maipaliwanag mo ng mahusay ang inyong punto de
vista (point of view).
TAMANG GRAMATIKA AT MGA PANANDA - mas malaki ang
puntos kung tama ang grammar o gramatika ng sanaysay. Dapat ay
wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, tutuldok, atbp)
TAPUSIN ANG SANAYSAY - huwag ibitin ang mambabasa. Dapat
itong may konklusyon

KAILAN GINAGAMIT ANG GITLING (-)?


 Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa KATINIG
Hal: pag-asa
nag-isa
 Kapag uulit ng SALITANG-UGAT na HINDI PARSYAL
(Ganap na pag-uulit)
Hal: sila – sila-sila
araw – araw-araw
 Kapag uulit ng SALITANG-UGAT na PARSYAL (Di-ganap
na pag-uulit)
Hal: baligtad – bali-baligtad
 Kapag may mga KATAGANG mawawala sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsama
Hal: pamatay ng insekto – pamatay-insekto
 Kapag may unlapi ang TANGING NGALAN ng tao, lugar,
brand o tatak ng isang bagay o kagamitan at sagisag o simbolo
Hal: Taga-Bicol
i-Google
Nagza-Zagu
Raw,rito,rin,roon at rine – a,e,I,o,u,w,y
Daw,dito,din,doon at dine – katinig except w,y
Kapag nagtatapos sa ra,re,ri,ro,ru,ray,at ran – din at daw
NANG
 sumasagot sa tanong na paano

 sumasagot sa tanong na gaano

 kapag sa halip na noon

 para at upang

 "na at ng", "na at ang" at "na at na"

 pandiwang inuulit
NG
 sumasagot sa tanong na ano at sino

 sinusundan ng isang panguri

 pang-uring pamilang
yang, yan, yung, yon – iyang,iyan,iyong,iyon
sakin,parin – sa akin, pa rin
ganun,palang,nalang – ganoon, pa lang, na lang

SANAYSAY
 salitang latin na exagium na nanggaling naman sa pandiwa
na exagere na nangangahulugang “gawin, magtimbang”
 -isang nakasulat na karanasan ng isang sanay
sapagsasalaysay.
 panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin,
kaisipan, saloobin, reaksiyon at iba pa ng manunulat hinggil
saisang makabuluhan, mahalaga at napapanahong isyu o paksa.
TATLONG BAHAGI NG SANAYSAY
PANIMULA
 pinakamahalagang bahagi ng sanaysay
KATAWAN
 tinatalakay ang mga ideya tungkol sa paksa.
WAKAS
 inilalahad ang konklusyon sa paksang tinalakay at
nagsasarasa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.
DALAWANG URI NG SANAYSAY
MAANYO o PORMAL
 tumatalakay sa isang hindi karaniwang paksa
nanangangailangan ng matiyagang pag-aaral o pananaliksik
PERSONAL o DI-PORMAL
 ang paksa ay karaniwan at hindi nangangailangan ng
lubusang pag-aaral at kadalasang batay sa karanasan ng
sumulat
MGA SANGKAP NG ISANG SANAYSAY
TEMA o NILALAMAN
 naglalahad ng paksa batay sa layunin ng pagkakasulat nito
at kaisipang ibinabahagi
ANYO at ESTRUKTURA
 nakakaapekto sa pagkaunawa ng mambabasa batay sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
WIKA at ESTILO
 tumutukoy sa antas ng wikang ginagamit at estilo ng
manunulat sa pagsulat ng sanaysay.
 Higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na
mga pahayag sa pagsasalaysay upang madaling maunawaan ng
mga mambabasa

TALUMPATI
 masining na pagpapahayag ng kaisipan tungkol sa
napapanahong isyu o paksa.
 naglalayon itong manghikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala
 ang isang piyesa sa isang talumpati ay nasa anyong
sanaysay.
HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI
1. Pumili ng paksa na malawak ang iyong kaalaman, karanasan
at interes. Kung hindi naman, maaaring magsaliksik sa
pamamagitan ng pagbabasa.

2. Buoin ang iyong tesis o pamaksang pangungusap.


Pagkatapos, maghanda ng balangkas ng isusulat na talumpati.

3. Isaalang-alang ang uri ng wika at mga angkop na salita na


magiging kaaya-aya at maunawaan ng tagapakinig.

4. Umisip ng panimula na makapupukaw ng interes ng


tagapakinig.

5. Sa nilalaman, tiyakin ang pagsasaayos ng mga ideya.


Bigyang-diin ang paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
mga kaisipang makatutulong sa pamaksang pangungusap.

6. Ilahad naman sa konklusyon ang pangkalahatang kaisipan


ukol sa paksa bilang pagwawakas.
MGA DAPAT TANDAAN SA EPEKTIBONG PAGSASALITA AT
MAHUSAY NA PAGTATALUMPATI
WASTO AT MALINAW NA BIGKAS NG SALITA
 Huwag kainin ang iyong sinasabi

 Gumamit ng tamang bilis ng salita


TINIG
 Magkaroon ng barayti sa lakas ng boses
TINDIG
 Pagtayo ng diretso

 Pagrelaks ng mga balikat

 Iwasan ang yumuko at kumuba

 Maging kagalang-galang sa pagtayo


KILOS
 Iangkop ang ekspresyon ng mukha, huwag magkamot ng
ulo, ayusin ang pwesto ng kamay
KUMPAS
 Mayroong 55%-65% ng ating komunikasyon

 Nakapagpapadali ng pag-unawa at retensyon ng mensahe


KUMPAS NG KAMAY
1. Palad na nakalahad sa harap, bahagyang nakabukas ang
dalawang bisig
2. Palad na nakataob at ayos na patulak
3. Kumpas na paraang may itinuturo
4. Kumpas na paturo
5. Kumpas na pasubaybay
6. Palad na nakataob at ayos na padapa
7. Palad na nakayukom
TATLONG URI NG TALUMPATI
1. Daglian o Impromptu
2. Maluwag o Extemporaneous
3. Handa o Prepared

ANG PAGBABAGO SA MORALIDAD NG MGA ESTUDYANTENG


KOREANO
ni Kim T’ae-gil, Salin sa Filipino ni Gerald Alazar
(basahin sa aklat)
KIM T’AE-GIL
 isang guro na nagtuturo ng Moral Philosophy sa College of
Liberal Arts and Sciences sa Seoul National University.
 Nailathala ang pag-aaral na ito sa Korean Journal Vol.6 No.3
noong Marso, 1966.
 Ipinanganak noong Nobyembre 15, 1920 sa Chungju, South
Korea.
TRADISYON AT PANINIWALA
PAGBABAGO
MGA MORALIDAD
PAMILYA
PAGKAKAROON NG HIRARKIYA
SEREMONYA SA LIBING
PAGKILALA AT PAGPAPAHALAGA SA ESPIRITWAL KAYSA SA
MGA MATERYAL NG BAGAY
PULITIKA
MAKABAGONG PRINSIPYO NG DEMOKRASYA
INDIBIDWALISMO
PAKIKIPAGTALIK BAGO MAGPAKASAL

ISANG INSIDENTE
ni Lu Xun, salin sa Filipino ni John Andrew M. Del Prado, mula sa
salin sa Ingles nina Yang Hsien-yi at Gladys Yang
ZHOU SHUREN
 isang mahusay na manunulat na Tsino noong ika-20 siglo.

 Ipinanganak siya noong Setyembre 25, 1881 sa Shaoxing,


China.
 kilala siya bilang nobelista, kuwentista at kritiko

 naging guro at humawak ng posisyon sa pamahalaan sa


Beijing
 nakapaglathala ng isa sa pinakilalang maikling kuwento na
“Kuangren riji” (Diary of a Madman)
 nakilala rin siyang tagasalin lalo na ng mga akdang Ruso.
 namatay siya noong Oktubre 19, 1936 sa Shanghai, China

 malaking impluwensya ang kanyang mga akda sa mga


kilusang panlipunan
 isinulat niya ang kwentong “An Incident” noong 1920 upang
ipakita ang kawalan ng pakikisangkot ng maraming intelektwal na
Tsino sa usapin ng politika at pamumuhay ng mga payak tao.
ISANG INSIDENTE STORY
(basahin sa aklat)
 Rickshaw – sasakayang ito na may dalawang gulong na
hinihila ng tao
Tauhan: Manong, matandang babae, pangunanhing tauhan

MAIKLING KWENTO
 isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay.

 Isang malikhaing katha ng isipan at guniguni na salig sa


buhay at aktuwal na nagaganap o maaaring maganap
 walang hangganan ang maaaring paksain ng manunulat ng
maikling kuwento.
 ito ay may isa o iilang tauhan, may mga pangyayari at
kakintalan.
 si Edgar Allan Poe, ang tinaguriang “Ama ng Maikling
Kuwento”
IBA'T IBANG URI NG MAIKLING KUWENTO
KUWENTO NG SALAYSAY
 walang katangiang kailangang nangingibabaw, timbang na
timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagama't
masaklaw, maluwag ang pagsasalaysay at hindi nagmamadali
 hal: “Rip Van Winkle” ni Irving
KUWENTO NG KABABALAGHAN
 binibigyang kasiyahan ang pananabik sa mga bagay na
kataka-taka at salungat sa katotohanan na likha lamang ng
mayamang pag-iisip o guniguni ng may-akda
 hal: “Ang Mahiwagang Puno” ni Anamarie De Guzman
KUWENTO NG KATUTUBONG KULAY
 binibigyang-diin ang kapaligiran ng isang pook at
inilalarawan ng tao sa isang lugar batay sa kanilang pamumuhay,
mga gawi, kilos kaugalian at paniniwala.
 hal: “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente
Bautista, “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda, “Kinagisnang
Balon” ni Andres Cristobal Cruz
KUWENTO NG TAUHAN
 inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap
 hal: “Walong Taong Gulang” ni Genoveva
Edroza-Matute, “Ang Liason sa 27th Floor” ni Allan Derain, “Si
Ingkong Gaton at ang kanyang Kalakian” ni Serafin Guinigundo
KUWENTO NG KATATAWANAN
 nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa, may
kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga
pangyayari sa kuwento.
 Hal: “Tubig sa Buslo” ni Mateo Cruz Cornelio
KUWENTO NG KATATAKUTAN
 binibigyang-diin ang damdamin sa halip na kilos, may mga
pangyayaring kasindak-sindak na pinupukaw ang damdamin ng
mga mambabasa
 hal: Mga kuwento ng laman lupa, multo at iba pang gaya nito
KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN
 nasa balangkas ang kawilihan dito at hindi sa tauhan,
nababatay ang interes sa pagsubaybay sa mga pangyayari sa
buhay ng tauhan
 hal: Alamat ng Tatlong Prinsesa ni Irving
KUWENTO NG MADULANG PANGYAYARI
 binibigyang-diin ang kapana-panabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpaiba o nakapagpabago sa tauhan
 hal: Rosal ni Mayette Bayuga, Bahay na Bato ni Antonio B.L.
Rosales
KUWENTO NG TALINO
 lumilikha ng masuliraning kalagayan sa simula upang
mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang
takdang paglalahad
 hal: Ang Babaeng Ubod ng Talino
KUWENTONG SIKOLOHIKO
 inilalarawan ang tauhan sa isipan ng mambabasa,
ipinapadama rin ang damdamin sa harap ng isang pangyayari o
kalagayan
 hal: Ang Pusa sa Aking Hapag ni Jesus A. Arceo, Kesa at
Morito ni Ryunosuke Akutagawa
KUWENTO NG BAYAN
 inilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan
 hal: Daragang Magayon ni Abdon M. Balde Jr.
The Philosophy of Composition ni Edgar Allan Poe
KAILANGAN ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
PAKSA
 maaaring mahanap kahit saan, kailangan lang maging
mapagmasid ang manunulat. Maaari makahanap ng
paksa sapangyayari sa paligid, sa mga napapanood sa
telebisyon o narinig sa radio, o sa kuwentuhan ng
magkakaibigan.
 Hindi mawawala ang paksa sa paligid dahil ang paksa ng
maikling kwento ay lagging nakabase sa mga pangyayari sa
totoong buhay.
BANGHAY
 pagkakasunod - sunod ng mga pangyayari sa isang maikling
kuwento.
TAUHAN
 bago ang pagsulat mahalagang buoin muna ng manunulat
ang katauhan ng tauhan. Para siyang nagsusulat sa slam book
 Kailangan alam niya ang estado nito sa buhay, buong
pangalan, tagasaan, paano magsalita,paano manamit,ugali,
palakaibigan at iba pang impormasyon.
GAMIT NG PANANDANG DISKURSO
PANANDANG DISKURSO
 nagpapakita ng pag-uugnayang namamagitan sa mga
pangungusap o bahagi ng teksto
TATLONG TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANANDANG
DISKURSO
1. Mga Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o gawain.
 katulad ng, pagkatapos, saka, nang, sumunod na araw, sa
dakong huli at iba pa
2. Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso.
a. PAGBABAGON –LAHAD
 sa ibang salita, sa madaling sabi, sa ibang pagpapahayag,
kung iisipin
b. PAGTITIYAK
 Katulad ng, tulad ng sumusunod
c. PAGHAHALIMBAWA
 halimbawa, nailalarawan ito sa pamamagitan ng, isang
magandang halimbawa nito ay
d. PAGLALAHAT
 Bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa madaling
salita,anupa't
e. PAGBIBIGAY-POKUS
 bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa, magsisimula
ako sa,
f. PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
 una, sunod, bilang pagtatapos
3. Mga panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda.
 sa aking palagay, kung ako ang tatanungin, subalit, kaya
lamang, kung, bagaman atbp.

You might also like