You are on page 1of 14

SANAYSAY:URI,BAHA

GI, AT MGA
HALIMBAWA NG
SANAYSAY
ANO ANG SANAYSAY?
 Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng
mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag
ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang
uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong
saloobin sa isang paksa o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay.
LAYUNIN, KATANGIAN, AT KAHALAGAHAN NG
SANAYSAY

LAYUNIN:
 ang dalawang panlahat na layunin ng sanasay ay magbigay
ng kaalaman at mag bigay libangan o aliw.
KATANGIAN:
 ang isang magaling na sanaysay ay mayroong malakas na
panimulang talata. Hindi bababa sa tatlong mahusay na
naisulat na talata na mayroong malakas na sumosuportang
ebidensya o detalye.
KAHALAGAHAN:
 Mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan nito ay maaari tayong
nagpahayag ng ating mga nararamdaman. Ang mga bagay na
hindi mo masabi-sabi ay idaan mo nalang sa pagsusulat.
Maaari nitong mapagaan ang ating damdamin. Maaari rin itong
maging pampalipas oras o libangan.
BAHAGI NG SANAYSAY

1. Simula/Panimula
Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay
kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasa. Sa
simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-akda ang
damdamin ng mga mambabasa.
2. Gitna/Katawan
Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa
paksang isinulat ng may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil
ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o
pinag-uusapan.
3. Wakas
Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna
o katawan ng sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng
mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang
pinag-usapan.
DALAWANG
1 . S U L AT I N G
URI NG SANAYSAY
PORMAL O
MAANYO •
HALIMBAWA
HE R OI S M O NI RI Z AL AT
A N G K A B AYA N I H A N N I
 tinatawag din na B O N I FA C I O
impersonal.
 sanaysay na nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang
tao,bagay,lugar,hayop,o
pangyayari.
 ito ay naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at
nasa isang mabisang ayos
ng pagkakasunod upang
lubos na maunawaan ng
mambabasa.
 ang paksa ay di
pangkaraniwan.
 pinag-aralan ng mabuti ng
2 . S U L AT I N G D I -
PORMAL O • HALIMBAWA
IMPORMAL
K A PA G L U M A K I
 Ito ay karaniwang NA
nagtataglay ng
opinyo,kuru-kuro at
paglalarawan ng isang
may akda.Ito ay maaaring
nanggaling sa kanyang
obserbasyon sa kanyang
kapaligirang
ginagalawan,mga isyung
sangkot ang kanyang
sarili o mga bagay na
tungkol sa kanyang
pagkatao.
PAANO BA MAGSIMULANG MAGSULAT NG
SANAYSAY?
Ang unang dapat gawin ay ang paglapit sa track . Basahin ito nang mabuti at
maingat at kahit na ang mga ideya at salita ay nasa isipan, huwag simulan
ang pagsulat kaagad. Ito ay isang malubhang pagkakamali, mas mahusay na
maipakita ang mabuti sa iyong nabasa at gumawa ng isang uri ng mga mapa
ng konsepto, o pamamaraan, batay sa lahat sa mga dokumento,
mapagkukunan at materyal na nakalakip sa track.
Pag-aralan ang mga dokumento: Upang maunawaan kung paano ilipat at kung
paano simulan ang pagsusulat, ang mga dokumento na nakadikit sa track, na
magiging heterogenous, ay haharapin ang parehong paksa ngunit mula sa
iba't ibang mga punto ng view. Basahin ang mga ito nang mabuti at
pagkatapos:
1. Simulan ang pagsusuri ng data at mga dokumento na ibinigay.
2. Ihambing ang iba't ibang mga mapagkukunan, pagtukoy ng mga pagkakaiba
sa pagitan ng magagamit na materyal. Pagkatapos ay nagsisimula siyang
hatiin ang mga dokumento ayon sa mga pagkakatulad at pagkakaiba.
3. Matapos suriin ang mga ito, oras na upang makakuha ng iyong sariling ideya
at tumayo, gumuhit ng higit sa lahat sa iyong kaalaman at karanasan!
 Kilalanin ang layunin ng track : ang yugto na ito ay napakahalaga
dahil ito ay bubuo ng batayan ng iyong maikling sanaysay: sa
sandaling napagmasdan mo ang lahat ng mga dokumento na
kailangan mong maglayon ng mga argumento na pabor sa iyong
tesis, batay din sa mga dokumento na mayroon ka. Kaya ang tanong
ay: ano ang nais mong ipakita o sabihin sa pamamagitan ng iyong
argumento? Ang pag-unawa sa track ay magiging mahalaga upang
magpatuloy sa pagsusulat!
 Lumikha ng mga link sa pagitan ng magagamit na materyal: dapat
sumunod ang sanaysay ng isang lohikal na thread, samakatuwid ito
ay mahalaga upang lumikha ng mga link, kahit na sa pagitan ng mga
posisyon sa antithesis.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
SANAYSAY
1. Pagbabalangkas – pagpaplano kung ano ang paksa
at kung paano ito ilalahad.
2. Pangangalap ng mga impormasyong kakailanganin
ng paksang susulatin.
3. Pagsusulat – paglalahad ng lalamanin ng sanaysay
sa paraang malinaw at kawiling – wili.
4. Pagrerebisa – pagpapakinis sa isinulat na sanaysay.
PAGSULAT NG SANAYSAY
• Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano
bubuuin ang mga kaisipan.
• Piliin ang paksang kawiling-wili.
• Mahusay na pagkakabuo.
• Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin ang
sanaysay.
• Paggamit ng mga salitang may tiyak at malinaw
na kahulugan.

You might also like