You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10 ARALIN 1:4

I. Layunin:
Naipapaliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari sa
daigdig.

F10PN-If-g-66

KBI:Pagkamalikhain

II. Paksa at Kagamitan:


A. Paksa: Ang Kuwintas
Maikling kuwento mula sa France ni Guy de Maupassant
B. Kagamitan: Batayang Aklat sa Filipino 10,ph. 56-60

III. Pamamaraan/Yugtong Pagkatuto (Tuklasin)


A. Gawain:
1. Pagpapakita ng mga larawan ng kasuotan ng iba’t-ibang bansa.
(Magsasagawa ng malayang talakayan sa pambansang kasuotan ng bawat bansa sa pamamagitan ng
pagtukoy sa bansang nagmamay-ari ng kasuotan.)
2. Pangkatang Gawain
Ipangkat ang klase sa lima, mula sa mga larawan papiliin sila ng isa sa pinakanagustuhan nilang
kasuotan. Ipaliwanag sa klase kung bakit ito ang nagustuhan nila.
(Itanong: Masasalamin ba sa uri ng kasuotan ang antas sa lipunan ng isang tao?)
B. Pag-aanalisa/Pagsusuri:
1. Ipagawa ang Gawain 2 (Ilarawan Mo) ipasulat sa pisara ang mga katangian ng isang huwarang babae
o huwarang lalaki.
2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.
(Itanong: Sa inyong araw-araw napakikinig ng balita, may narinig na ba kayong balita ng
paghihiwalay ng mga mag-asawa? Ano ang mga karaniwang dahilan ng kanilang paghihiwalay?
C. Paghahalaw/Abstraksyon
1. Pangkatin ang klase sa dalawa. Isang pangkat ang mga babae at isang pangkat ang mga lalaki. Ilahad
ang mga katangian ng isang huwarang lalaki o babae pwede itong ipagawa sa pinakamasining
napamamaraan. Hal. Paint me a picture
D. Paglalapat
1. Ipasagot ang Gawain 3: Pangngalan Mo, Palitan Mo
(Piliin ang mga angkop na panghalip)

IV. Pagtataya:

Gamit ang panghalip, gumawa ng sanaysay tungkol sa huwarang lalaki o huwarang babae. Pagbasehan
ang mga napakinggan sa paligid.

V. Takdang Aralin:

Basahin at unawain ang kasunod na aralin.


BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10 ARALIN 1:4

I. LAYUNIN:
A. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.

F10WG-IF-g-61

KBI: Maging tapat sa lahat ng pagkakataon

II. PAKSA AT KAGAMITAN


A. PAKSA: Ang kuwintas
Maikling kuwento mula sa France ni Guy de Maupassant
B. KAGAMITAN: Batayang Aklat sa Filipino 10, ph. 72
Kagamitang biswal

III. PAMAMARAAN/YUGTO NG PAGKATUTO (Pagnilayan at Unawain)


A. GAWAIN
 Pangkatang Gawain
 Magbigay ng patunay na ang kuwento ay kuwentong tauhan gamit ang mga panghalip
B. PAGSUSURI/PAG-AANALISA
 Pangkatang Gawain
 Paghahambingin ang katangian ng mga babaeng taga France at babaeng Filipina
C. PAGHAHALAW/ABSTRAKTION
 Pangkatang Gawain
 Paglalahad sa mga katangian at pag-uugali ng mga babaeng taga France gamit ang mga
panghalip.
D. PAGLALAPAT
 Paggamit ng mga panghalip bilang mga panuring sa tauhan.

IV. PAGTATAYA
Gamit ang mga panghalip, ilarawan ang mga katangian at pag-uugali ng mga kababaihan sa inyong
lugar.

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa isang maikling kuwento na may malungkot at bitin ang wakas ng kuwento.
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10 ARALIN 1:4

I. Layunin:
Nakagagamit ng internet para sa pananaliksik

F10EP-IF-g-29

KBI: Maging malikhain sa bawat Gawain

II. Paksa at Kagamitan:


A. Paksa: Angkuwintas
Maikling kuwento mula sa France ni Guy de Maupassant
B. Kagamitan: Batayang Aklat sa Filipino 10, ph. 73
Kagamitang biswal

III. Pamamaraan/Yugtong Pagkatuto (Ilipat)


A. Gawain
 Pangkatang Gawain
 Pagbuong Story Board
B. Pagsusuri/Pag-aanalisa
 Pag-uulat ng bawat pangkat sa ginawang story board
C. Paghahalaw
 Pagpapatunay na nasunod ang mga pamantayan sa paggawa o pagbuong story board gamit ang
Rubrics.
D. Paglalapat
 Lapatan ng diyalogo, tunog at musika ang nabuong story board

IV. Pagtataya
Gumawa ng kawili-wiling wakas sa nabuong story board

V. Takdang Aralin
Basahin at unawain ang kasunod na aralin.
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10 ARALIN 1:4

I. Layunin:
A. Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay.
F10PB-If-g-67
B. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap nasalita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap.
F10PT-If-g-66

KBI: Pagiging Kontento sa Buhay

II. Paksa at kagamitan:


 Paksa: Maikling kuwento: “Ang Kuwintas” ni Guy de Maupassant, pahina 60-66
 Mga kagamitan: larawan, libro, projector, laptop

III. Pamamaraan:
A. Pangkatang Gawain
A.1. Magpapakita ang guro ng larawan:

Itanong:
 Ano-ano ang inyong napapansin mula sa larawan na ipinakita?
Magbigay ng inyong sariling pananaw ukol dito.
 Ano kaya ang dahilan na kung bakit ipinakita ang babae at ang kuwentas sa larawan na ito? Ano
ang kanilang kaugnayan? Magbahagian

A.2. Paglinang ng Talasalitaan

Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang at ibigay ang kahulugan ng mga salitang
initiman batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. (Sumangguni sa aklat ng Filipino 10, p.67)

A.3. Linangin

Basahin at pag-aralan ang maikling kuwento ng France upang sa gayo’y maunawaan kung
masasalamin sa katauhan ng mga tauhan ang pag-uugali ng mga taong pinanggalingan ng akda. Ito
ay pinamagatang “Ang Kuwintas” ni Guy de Maupassant mula sa mga pahina 60-66.

B. Pagsusuri/Pag-aanalisa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit hindi Masaya si Matilde sa piling ng kanyang asawa?
2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa na dumalo sa kasayahang idaraos
ng kagawaran?
3. Ano-ano ang nais mangyari ni Matilde sa kanyang buhay? Natupad ba ang mga ito?
4. Kung ikaw si Matilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang mga pangarap mo sa buhay?
5. Sa kasalukuyang panahon, sa iyong paligid ba ay mga Matilde kang nakikita? Ilarawan.
6. Anong pag-uugali ng mga tauhan ang masasabi mong tatak ng kanilang kultura? May
pagkakatuladba o pagkakaiba ito sa ating kultura? Patunayan.
C. Paghahalaw/Abstraksyon
Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat isa ay magtulungan sa paggawa ng mga sumusunod:
 Pangkat 1 – Isadula ang pangyayari ng naganap sa maikling kuwento
 Pangkat 2 – Bigyang interpretasyon ang kuwento sa pamamagitan ng pagguhit at ipresenta sa
klase
 Pangkat 3 – Gumawa ng tula na may dalawang saknong at sa bawat saknong, may apat na
taludtod tungkol sa magandang aral na natutunan sa kuwento at ilahad ito sa klase.
PAMANTAYAN:
Kaalaman/konsepto - 25
Pagprepresenta - 15
Pagtutulungan - 10
Kabuuan 50
D. Paglalapat
Kilalanin ang mga pangunahing tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng kasunod na character map.
Ihambing sila sa ilang kakilala na may pagkakatulad ang ugali. Ilahad ito sa klase.
Tauhan Katangiang Pisikal Gawi/Aksyon Reaksiyon ng Ibang
Tauhan

 Sa tingin ninyo, dapat bang tularan ang ugali na ipinakita ni Matilde? Bakit?
 Ano ang aral na inyong natutunan mula sa maikling kuwento? Isulat sa pisara ang inyong sagot gamit
ang diyagram.

Mga Aral
naNatutunan

IV. Pagtataya
Patunayan na ang sumusunod na mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay;
1. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Matilde dahi lsa may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig
upang magtamas ang lubos na kaligayahan sa buhay na magdudulot ng salapi. May taglay siyang alindog
na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng
kaniyang lumang tahanan. (Sumangguni sa bilang 2-6, sa aklat ng Filipino 10, p.68)
V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng ideya tungkol sa mga panghalip. Gamit ang mga panghalip, sumulat ng isang talata kung aling
bahagi ng kuwento ang lubos ninyong nagustuhan at bakit. Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit.

You might also like