You are on page 1of 10

1

Aralin
Pag-uugnay ng Kaisipan sa Binasang Akda
5

Mga Inaasahan

Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? Paano nga ba ito pinahahalagahan sa


pananaw ng guro at mag-aaral. Matutunghayan mo sa modyul na ito kung ano ang
pagtanaw nila sa edukasyon sa panahon ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose
Rizal at kung paano natin ito maiuugnay sa kasalukuyan
Bukod diyan, inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang
sumusunod na kasanayan :
1. Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa
mga kaisipang namayani sa binasang akda (F10PD-IVd-e)
2. Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga
kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda ( F10PU-IVd-e-87)
3. Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na
mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin ( F10WG-IVd-e-80)
4. Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay
ng ilang pangyayari sa kasalukuyan ( F10PB-IVh-i-92)

Bago ka magpatuloy, sagutin mo muna ang unang gawain upang masukat ang iyong
kabatiran sa ating aralin. Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang
sagutang papel.

Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong at piliin
ang letra ng tamang sagot.

Kabanata 11
Los Baños ( bahagi lamang)

Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay


humingi ng bahay-paaralan. Ani Pade Sibyla si Socrates ay nagtuturo sa plasa, si
Plato sa lilim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok. Pilibustero raw ang guro sa
Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro.
Tumutol ang Mataas na Kawani.
Anang heneral ay di dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan sa
Pilipinas. “ Sa susunod,” dugtong pa nito, “lahat ng daraing ay pipigilin sa tungkulin.”
Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan kung Linggo at
pista lang daw ginagamit at pinakamaayos na gusali ang mga sabungan. Kung
simpleng araw ay nakatiwangwang lamang.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
2

Pinutol ng Heneral ang pagtatalo. Pag-aaralan daw niya. Isinunod ang balak ng
kabataan ukol sa Akademya ng Wikang Kastila. Anim na buwan nang naghihintay ng
pagpapasiya.
Tinanong ng heneral ang kawani. Sang-ayon ang tinanong. Pinuri ang balak ng
kabataan. Tumutol si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa
Dominiko. Ayon kay Simoun kahina-hinala ang balak.

1. Anim na buwan ng naghihintay ang panukalang Akademya ng Wikang akstila


ng mga Kabataan. Aling pangyayari sa lipunan ang maaaring iugnay dito
A. Mga kabataan na nagra-rally
B. Mabagal na pagproseso ng mga panukalang batas
C. Magkakaibang desisyon sa usaping agawan sa teritoryo
D. Pagpigil sa mga kabataan sa kanilang inihahaing mga panukala

2. Sino ang nagsusulong ng Akademya ng Wikang Kastila na naglalayong


tulungan ang mga mag-aaral na Pilipino na matuto ng wikang Kastila bago
pumasok sa Unibersidad?
A. pamahaan B. paaralan C. kabataan D. kawani

3. Aling katotohanan sa akda ang katotohanan pa rin hanggang sa kasalukuyan?


A. Tinatanggal sa trabaho ang humihingi sa pamahalaan.
B. Higit na magaganda ang mga sabungan keysa sa mga paaralan
C. Pinakamataas ang katungkulan ang nagpapasya sa lahat ng bagay.
D. Pinamamahalaan ng mga kaparian ang pagpapalaganap ng edukayon

4. Paano ipinahayag ni Padre Sibyla ang pagtanggi sa hinihingi ng guro sa Tiyani?


A. tahasang pagtutol C. gumamit ng paghahambing
B. pagbibigay halimbawa D. gumamit ng kontradiksyon

5. Ipinanukala ni Don Custodio na gamiting sabungan paaralan ang mag sabungan


sapagkat higit na maayos ang mga gusali hindi naman palagiang may sabong. Paano
maiuugnay ang pagpapahiwatig sa sa sakit ng lipunan noon at ngayon?
A. Isang Negosyo ang sabong
B. Mas magara ang sabungan keysa sa paaralan
C. Higit na nagpalalaanan ng salapi ang bisyo kaysa edukasyom
D. Matalino ang panukala na walang nasasayang ng mga estruktura

Bago ka magpatuloy, magbalik-aral muna at sagutin ang sumusunod na


katanungan batay sa napag-aralan mo sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Isulat sa sagutang papel ang SA kung SUMASANG-AYON at HS kung HINDI


SUMASANG-AYON sa isinasaad ng bawat pahayag.
1. Masaya si Huli na manilbihan kay Hermana Penchang sapagkat para na rin
siyang mag-aaral sa kolehiyo.
2. Pagpapatunay na hindi pinahahalagahan ni Kabesang Tales ang kaniyang
anak sa pahayag na “ kapag nabawi ko ang aking lupa, alam ko kung paano babawiin

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
3

ang aking anak, kapag hindi ko nabawi ang aking lupa hindi ko na kailangan ng
anak.”
3. Walang karapatan si Kabesang Tales na ipaglaban ang kaniyang lupa
sapagkat wala siyang maipakitang kasulatan.
4. Hindi tunay na pagtulong ang ginawa ni Hermana Penchang kundi
pagsasamatala sa panganagilangan ni Huli.
5. Tunay na mabilis na kumalat ang masamang balita katulad ng pagkapipi ni
Tata Selo.

Pagpapakilala ng Aralin

A. Makikita ang tunay na kasiningan ng isang akda kung ito ay makapagdadala


ng mensahe sa mambababasa na gigising sa kaniyang damdamin at
magbubukas ng kaniyang isipan upang magkaroon ng sariling pagkukuro sa
mga paksang tinatalakay. Basahin ang buod ng isang kabanata na mula sa El
Filibusterismo. Itala ang mga katanungan na nabuo sa’yong isipan habang
nagbabasa. Ang mga katanungan ay maaaring ipadala sa guro upang
nagkaroon ng paglilinaw o magsaliksik upang magkaroon ng ibang kaalamang
makapagbibigay linaw dito.

KABANATA XXVII
ANG PRAYLE AT ANG ESTUDYANTE
(bahagi lamang)
Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na
iginagalang ito ng binata.
Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinanong ng kura
kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng
paninindigan. Pinaupo ang binata. Ngunit nanatiling nakatayo si Isagani. Patuloy na
nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o
sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalo sa mga mga
prayle ngunit walang makapagsalita ng tapatan o harapan.
Ayon kay Isagani ay ‘di kasalanan iyon ng mga kabataan na pag nagsalita laban sa
may kapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at alam ng pari ang
ibinubunga ng gayong paratang. “Baliw ang sinomang magsabi nang malakas ng
kaniyang iniisip sapagkat siya’y magtitiis ng pag-uusig,” ani Isagani.
Sinabi ng Prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya siyang nakapagsasalita ng
anoman sa kaniyang klase. Sa halip ay paborito niya si Isagani.
Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatanggi rin niya ang
katedratiko. “Ngunit di tayo nag-uusap dito ng ukol sa ating sarili kaya ipinakikiusap
ko sa aking katedratiko na ibahin na ang paksa.”
Napaangat ang kilay ng pari. Ang kalayaan ng isipan ng binata ay higit sa kaniyang
inaasahan. “Kung gayon,” anang prayle “ ituring ninyo ako, di bilang katedratiko
kundi isang prayle at kayo ay isang estudyante. Ngayo’y tugunin ninyo ako. Ano ang
ibig ng mga estudyante sa mga prayle?”
Nabigla si Isagani. Tahasan din itong tumugon: “Na kayo’y tumupad sa inyong
tungkulin.”
Itinanong ng napatakang pari kung anong tungkulin ang tinutukoy ng binata.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
4

Ang tungkulin ng isang pari, lalo na sa mabuting pagtuturo sa may 8,000,000


Pilipino.
Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon ngunit di raw gaya ng ibang katedratiko
ang ibang prayleng Dominiko. “ At tiniyak ni Isagani ang mga sakit sa pagtuturo ng
mga prayle.” Binabawasan hanggat maaari ang pagbibigay ng kaalaman sa pagpatay
sa sigla at sigasig ng mga mag-aaral. Walang inihahasik sa amin kundi mga kaisipang
luma, mga lisyang simulaing kasalungat ng pagkakasulong. Salat na salat ang mga ito
sa natutuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo ng pagkaing inirarasyon na
nakasubasta sa pagpapakain.” At sinabi ni Isagani parang may sabwatan ang
pamahalaan at prayle sa pagtuturo ng lisya sa mga Pilipino upang manatili sa kanila
ang kamangmangan ang mga ito.
Napakagat labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas sa guhit ng pag-
uusap ang mga paratang ni Isagani.
“Hindi, padre,” ganti ni Isagani. “Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging
kontratista ng karunungan at tila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat
matuto pagkat balang araw ay magpapahayag na kami ng paglaya. Ito’y pagtanggi na
ang bilanggo ay pakainin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang kalayaan ay
katambal ng tao at, gayundin, ng talino ang karunungan. Ang pagtanggi ng mga
prayle na maging amin iyan ang dahilan ng kawalan naming ng kasayahan!”
“Ang karunungan ay hindi ipanagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang,”
anang pari. “Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay
taliwas sa layunin niyon.”
At bakit may mga taong walang tigas ng loob at kulang sa asal?”
“Iya’y mana sa mga magulang at nakuha sa kapaligiran ng tahanan.”
Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. ‘Kung ano kami ay kayo ang may
gawa. Ang bayang inaalipin ay natututong magkunwari; ang di pagkilalala sa
katotohanan ay nagiging sinungaling; ang paghahari-harian ay lumilikha ng mga
alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay walang dakilang
asal at katibayan ng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong nagtuturo sa amin
sa loob ng tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang
manggagawa ng palayok kundi sira siya’y napakatanga marahil.”
“ O masama at marumi ang putik na ginamit?”
“Kung gayo’y higit pang napakahangal alam na palang masama at marumi ang
putik bakit nagpatuloy pa sa pagsasayang na panahon, at di lamang hangal, kundi
manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa
nito’y patuloy sa pagtanggap ng kabayaran… at di lamang hangal , mandaraya at
magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng
iba sa paggawa ng magiging kapakipakinabang.”
Nakilala ni Padre Fernandez ang kaniyang kagipitan. Noon lamang siya
nakaranas niyon- pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Anang kura:
“kinapopootan na bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na nagpanaog
ng hatol na pagkabilanggo. kami’y napapagitna sa dalawang sibat sa inyo at
pamahalaan. Kung ano ang utos sa amin ay siya naming sinusunod. Ang nag-utos sa
pagpapaputok ay masasabing siya ring naglagay ng bala sa kanyon.
Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan.

(Hango sa Gabay sa Pag-aaral ng El Filibusterismo Tomas C. Ongoco)

B. Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Damdamin


1. Pangungusap na padamdam – nagsasaad ng matinding damdamin o emosyon, may
bantas na tandang padamdam
Halimbawa: Naku, at kasalanan namin!

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
5

2. Sambitla -matinding damdamin o emosyon. Isa o dalawang pantig.


Halimbawa. Yehey! Napakagaling.
3. Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na saloobin.
Halimbawa. Ikinatutuwa ko po ang pagkilala ninyo sa aking kakayahan.
4. Nagpapahayag ng damdamin nang hindi diretsahan.
Halimbawa. Maligayang pagbati sa inyong lahat. (Kasiyahan)
Naunawaan mo ba ang ating aralin? Kung may bahaging hindi naging
malinaw sa iyo ay maaari kang makipag-ugnayan sa iyong guro. Ngayon
inaasahang handa ka ng isagawa ang mga sumusunod na gawain.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Ano ang hugot mo?


Piliin sa loob ng kahon ang angkop na kahulugan ng mga pahayag kung ito ay
ipahahayag sa paraan ng pagpapahayag sa kasalukuyan.

1. Baliw ang sinoman na magsabi nang malakas ng kaniyang iniisip sapagkat siya’y
magtiis ng pag-uusig.

2. Na kayo’y tumupad sa inyong tungkulin

3. Hindi makakahuhulma nang maayos kung sadyang masama ang putik.

4. Isang talipandas sapagkat hindi pala kaya ay hindi hinayaang sumubok ang iba.

5. Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan.

A. Palusot, inililigtas mo lamang ang iyong sarili!

B. Hindi talaga matuturuan ang mahihina ang utak.

C. Gawin ninyo ang inyong trabaho.

D. Mapagpanggap, di pala kaya hindi na lamang sumuko

E. Ano ako baliw? Magpapakatotoo para lang mapahamak

Gawain 1.2 Ano ang iyong nadarama?


Tukuyin ang hudyat ng pagpapahayag ng damdamin sa sumusunod.
Isulat ang A kung pangungusap na padamdam, B kung sambitla, C kung
tahasang nagpapahayag ng damdamin, at D kung hindi diretsahang
ipinahahayag ang nararamdaman.
1. Hindi ako natutuwa sa mga mag-aaral na humahalik sa aking kamay subalit
pagtalikod ay inaalimura ako.
2. Hala! Kaawa-awa.
3. Takbo, tutugisin nila tayo!
4. Ikinalulugod ko na maging tagapagsalita ng mga mag-aaral.
5. Mabuhay ang Akademya ng Wikang Kastila.

Gawain 1.3 Pag-uugnay ng akda

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
6

Piliin sa Hanay B ang mga sitwasyon sa kasalukuyan na maiiugnay


sa mga pahayag na hinango sa akda na nakasulat sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Ang Edukasyon ay ipinagkakaloob A. mag mag-aaral na hindi nakukiuha
lamang sa karapat-dapat. ang kinakailangang kaalaman
2. Baliw ang sinomang magasasabi
nang malakas ng kaniyang iniisip B. kawalan ng kalayaang magpahayag
kung magdadala ito s kaniya ng
kapahamakan C. mataas na bilang ng mga batang
3. Pinakakain ang mga bilanggo hindi hindi nagpapatuloy sap ag-aaral
upang lumusog kundi upang
mabuhay lamang D. hindi pagharap ng kinauukulan sa
4. Pagkatapos hulmahin ay walang kanilang responsibilidad
nayari ang manggagawa kundi sirang
palayok E. pag-aaral na walang pagkatuto
5. Ang nag-utos na magpaputok ay
masasabing siya rin ang naglagay ng
bala sa kanyon

Tandaan

Upang higit na maunawaan ang isang isang akda mahalagang malaman ang ilang
impormasyon hinggil

1. Ang Akademya ng Wikang Kastila isang paaralang isinusulong ng pangkat ng


mag kabataan na kinabibilangan ni Isagani na naglalayong maturuan muna ng
wikang Kastila ang mga mag-aaral na Pilipino bago sila pumasok sa unibersidad,
sapagkat ang nagiging balakid sa kanilang pagkatuto ay wikang ginagamit sa
pagtuturo sa kanila.

2. Ang katedtratiko ay ang pinakamataas na antas na maaring marating ng isang


propesor.

3. Sa pamamalakad ng edukasyon noon hindi malayang nakapagpapahayag ang


mag mag-aaral, kung kaya’t ang kalayaan ng pag-iisip at pagpapahayag ni Isgani ay
hindi inaasahan ni Padre Fernandez.

4. Ilang kaisipan na mahahango natin sa mga kabanata; ang mga Dominiko ang
kongregasyon ng mga prayle na namumuno sa pamamlakaad ng edukasyon sa bansa
sa panahong ito ng ating kasaysayan.

5. Ginagamit ang mga hudyat ng pagpapahayag ng damdamin upang lalong


malinaw na maiparating ang damdaming nais na ipahayag.

Ngayon ay ilalapat mo na ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng matapat na


pagtalakay ng iyong damdamin.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
7

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panoorin ang video hinggil sa mga kinahaharap ng mga Aeta sa link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=h8NSmRFur-g. Ang video clip ay nagpapakita
kung anong hamon ang kinahaharap ng mga katutubo sa bagong paraan ng pag-
aaral. Sa halip na mag-aaral ay napipilitan ang mga bata na maghanapbuhay hindi
lamang upang matugunan ang kanilang pangangailangan kundi upang makabili ng
mga gadget na kinakailangan upang makapagpatuloy ng pag-aaral.

Tukuyin ang kaisipan na ipinararating ng video at iugnay ito sa binasang bahagi ng


akda.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng talata: 10 – nasunod ang lahat ng
 Natutukoy ang kaisipan na pamantayan
ipinahahayag ng video at ng akda 8 – dalawang pamantayan
 Napag-uugnay ang kaisipan ng ang naisagawa
dalawa 5 – isang pamantayan lamang ang
 Naibibigay ang sariling damdamin sa nasundan
mga akda na ginagamitan ng hudyat
ng pagpapahayag ng damdamin

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang akda at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Kabanata XV
G. Pasta
(bahagi lamang)

“ Lagi pong bilin ng aking amain na lagi kong isipin ang kabutihan ng iba na
gaya rin ng sa akin. Naparito po ako di para sa aking kundi sa ngalan ng ibang wala
sa mabuting kalagayan.”
“ Aba, gawin nila ang ginawa ninyong pag-aaral. Kaya kayo nakapagsasalita
nang mahusay ay nag-aral kayong mabuti. Gayahin nila ang ginawa ko. Ako’y naging
alila ng mga prayle. Habang gumagawa ako’y nag-aaral. Paniwalaan ninyo ako: Ang
ibig matuto, mag-aral at matuto,” tugon ng abogado.
“Ngunit ilan na ang makatutulad sa inyo? Isa sa isang libo!”
“E, ano? Marami ng abogado at doktor. Ang kailangan ay mga magsasaka at
manggagawa.”
“Marami nga po ngunit di labis o sapat. Marami pang bayan na wala ni isang
abogado o doktor. Kung labis man sa bilang, sa uri’y kulang. At wala namang
karunungang itinuturo nito kundi iyan. Bakit pipigilin sa pag-aaral ang kabataan?
Kahit mga magsasaka ay kailangan ding maging mulat.”
“Upang maging mabuting magbubukid ay di na kailangan ang maraming
karunungan. Ibig ba ninyong payuhan ko kayo?” tanong ng matanda sa binata. “Mag-
aral kayong mabuti. Ibig ninyong maging mangagagamot? Magtapos kayo’t huwag

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
8

makialam sa pagpapasama at pagpapabuti sa kalagayan ng iba. Kung makatapos


kayo, mag-asawa kayo ng isang mayama’t masambahing dalaga; manggamot kayo at
maningil nang malaki. Alalahanin ninyo na ang pagkakawanggawa ay sa sarili ng tao
nagmumula. Huwag kayong maging Don Quijote. Tiyak na maaalala ninyo ako pag
nagkauban na ang inyong buhok katulad ng sa akin.
“Ginoo”, ani Isagani, “pag ako’y nagkaroon ng mga ubang tulad niyan, at sa
paglingon ko sa kahapon ay makita kong pawang mga pansarili ang aking napag-
ukulan at walang para sa bayang nagkaloob sa akin ng lahat, bawat uban ay ituturing
kong tinik sa akin at sasagisag ng kahihiyan.” Pagkasabi nito’y magalang na yumukod
at umalis ang binata.
1. Ano ang gawain ni G. Pasta?
A. doktor B. abogado C. manunulat D. pari

2. “E ano? Marami ng doktor at abogado” Ano hudyat ng pagpapahayag ng


opinyon ang ginamit?
A. sambitla
B. pangungusap na padamdam
C. pangungusap na nagpapahayag ng damdamin
D. pangungusap na nagpapahayag ng damdamin ng hindi tahasan

3. Anong katangian ni G. Pasta ang mahihinuha sa pahayag na. “Magtapos


kayo at huwag makialam sa pagpapasama o pagpapabuti sa iba.”
A. duwag B. matapang C. makasarili D. mapagpabaya

4. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang HINDI na katotohanan sa


kasalukuyan?
A. Marami mang mga abogado at doktor ay hindi pa rin sapat.
B. Ang ibig matuto, mag-aral at matututo.
C. Pinipigilan ang pag-aaral ng mga kabataan
D. Kailangan mulat ang lahat kahit na mga magsasaka.

5. Tukuyin ang kaisipan mabubuo mula sa pahayag ni Isagani na “ Kapag


nagkaroon ako ng ubang kagaya niyan.. at sariling kapakanan ko lamang ang aking
pinag-ukulan, ang bawat uban ay tinik na aking ikahihiyan.
A. Ang uban ay tanda ng ating pinagkatandaan .
B. Maraming kahihiyan ang mararanasan habang tumatanda.
C. Dapat na ikahiya ang kawalan ng malasakit sa kapuwa.
D. Hindi dapat ipagmalaki ang anumang nakamit sa iyong pagtanda.

Pagninilay

Isa sa pinagpupunyagian natin ngayon ay kung paano makatatamo ng mahusay na


edukasyon.

Kung isa kang naglilingkod guro, lider ng paaralan, o manggagawa


sa ahensya na may kinalaman sa edukasyon anong mga hakbangin o paraan ang
iyong gagawin upang higit na mapaghusay ang kalidad ng edukasyon sa
kasalukuyan. Magbigay ng mga tiyak na pagpapatunay base sa isang karanasan
upang mapagtibay mo ang iyong mga hakbangin.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
9

Isa-isahin ang hakbang na gagawin at ang dahilan o patunay kung


bakit ito ay nararapat gawin. (magtala ng hindi bababa sa tatlo)

Pagbati sa’yo sapagkat alam kong pinaghusayan mo ang lahat ng


gawaing ibinigay sa’yo. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin.

FILIPINO 10
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikalimang Linggo

Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: _____________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Mga Gawain

Gawain 1.1

Gawain 1.2

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
10

Gawain 1.3

Pag-alam sa Natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit

Pagninilay (ilagay sa hiwalay na papel)

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng talata: 10 – nasunod ang lahat ng
pamantayan
 Malinaw ang hakbang 8 – dalawang pamantayan
 Naipaliwanag ang nagging basehan sa ang naisagawa
hakbang na gagawin 5 – isang pamantayan lamang ang
 Wastong anyo ng gramatika at nasundan
retorika

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like