You are on page 1of 8

El Filibusterismo Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Ang El Filibusterismo ay karugtong ng nobelang Noli Me Tangere na parehong orihinal na likha ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ilan sa mga tauhan ng El Filibusterismo ay matatagpuan din sa
Noli Me Tangere. Kabilang dito ay sina Simoun (Crisostomo Ibarra), Basilio, Padre Salvi, Donya
Victorina,
Mga Tauhan sa El Filibusterismo

Simoun

Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere. Nagpanggap siyang mag-aalahas na
nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at
taga-payo din siya ng Kapitan Heneral.

Basilio

Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kalaunan ay naging kakampi siya ni Simoun.

Isagani

Ang makatang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isa rin siya sa mga mag-
aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.

Kabesang Tales

Naghangad ng karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari. Siya’y kasama sa mga
naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan.

Tandang Selo

Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

Juli

Anak ni Kabesang Tales at apo ni Tandang Selo. Siya ang nobya ni Basilio na hinalay ng paring matagal
nang may pagnanasa sa kanya.

Kapitan Heneral

Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Siya din ay naging kaibigan ni Simoun.

Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning pampaaralan.

Juanito Pelaez

Ang kubang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor at nabibilang sa
kilalang angkang may dugong Kastila. Siya ang nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli ng storya.

Donya Victorina

Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina.

Paulita Gomez

Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Don Tiburcio de Espadaña

Pinagtataguan ang asawang si Donya Victorina.

Ben Zayb

Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita.
Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at laging iniisip ang pansariling
kagustuhan at hindi ang katotohanan.

Makaraig

Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang


Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Pecson

Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa Panciteria Macanista de Buen Gusto kung saan kanyang
tinuligsa ang mga pari.

Sandoval

Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.

Padre Camorra

Ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay Juli. Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo
dahil sa panloloob sa bahay liwaliwan.
Padre Fernandez

Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino

Ang amain ni Isagani na pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya malagutan ng
hininga.

Padre Irene

Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.

Padre Millon

Isang batang Dominikong pari na guro sa klase ng Pisika.

Ginoong Pasta

Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning ligal.

Don Custodio (Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo)

Kilala rin sa tawag na “Buena Tinta”. Sa kanyang mga kamay nakasalalay kung pahihintulutan ang
Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.

Quiroga

Isang Intsik na mangangalakal na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Sa kanyang tindahan


pansamantalang ipinatago ni Simoun ang mga sandata at pulbura na gagamitin sa himagsikan.

Hermana Bali

Humimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra na mapalaya ang kasintahang si Basilio.

Hermana Penchang

Ang mayaman at madasaling babae na pinaglingkuran ni Juli noong mga panahon na kaylangan niya ng
pandagdag na salapi para may maipantubos sa ama na binihag ng mga tulisan.

Ginoong Leeds

Ang misteryosong Amerikanong nagtanghal sa perya.


Imuthis

Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

Kabesang Andang

Ina ni Placido Penitente na taga-Batangas.

Pepay

Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Siya rin ang hinilingan ng mga
mag-aaral na kumumbinsi kay Don Custodio para suportahan nito ang paaralang nais nila.

Camaroncocido

Isang Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.

Tiyo Kiko

Isang matandang lalaki na sinasabing matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

Tano

Kapatid ni Juli, anak ni Kabesang Tales, at apo ni Tandang Selo.

Gertrude

Mang-aawit sa palabas.

Serpolette

Isang mang-aawit sa palabas na kaibigan ni Padre Irene

Paciano Gomez

Kapatid ni Paulita Gomez.

Tadeo

Estudyanteng tamad mag-aral at nagdadahilang maysakit ngunit nakakapasa pa rin sa klase.

Sinong
Isa siyang kutsero na dalawang beses na nahuli dahil nalimutan niyang dalhin ang kanyang sedula at
walang ilaw ang kanyang kalesa. Siya rin ang tanging dumalaw kay Basilio nang ito’y nakakulong pa at
nagbalita ng tungkol sa pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Juli.

Mautang

Isa sa mga Pilipinong gwardiya sibil na nagpahirap sa mga Pilipinong bilanggo.

Carolino

Nakapatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo.

Kasaysayan ng El Filibusterismo

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas
ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga
panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang
inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa
pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis
din ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya
kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na
mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang
pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga
asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng
mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang
dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-
araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde
na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y
naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang
kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong
managalog…
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito
hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha
na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman,
ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa
lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan
niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna
ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya
kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan
siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang
maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng
tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na
ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang
restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang
darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako
naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat
sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni
Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos
mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela
sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan
kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang
pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema
sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran,
masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng
nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati
ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Karagdagang Impormasyon:

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng Kasakiman ay


ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang
buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos,
at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap
habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre
ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga
kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan
sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa
taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa


maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Mga Tauhan:

 Simoun – Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges


at Cardenal Moreno
 Isagani – Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez
 Paulita Gomez – Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya Victorina
 Basilio – Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap
 Juli – Katpian ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama
 Pari Camorra – Paring mukhang artilyero
 Pari Salvi – Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw
 Pari Sibyla – Vice Rector ng Unibersidad
 Pari Irene – Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng
Wikang Kastilang
 Pari Fernandez – May kaibigang pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari
 Pari Florentino – Amain ni Isagani
 Kabesang Tales – Naging Cabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng
korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan
 Don Custodio – Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta
 Ginoong Pasta – Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian
din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya
 Ben Zayb – Manunulat at mamamahayag
 Donya Victorina – Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at
itinuturing na mapait na dalandan ng kaniyang asawa
 Quiroga – Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik
 Don Timoteo Pelaez – Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama ni
Juanito
 Mataas na Kawani – Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila,
katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay Basilio
 Kapitan Heneral – Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni
Simoun
 Hermana Penchang –Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa
pagpaparami ng indulgencia
 Placido Penitente – Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa Latin, pinakamatlino sa bayan ng
Batangas, hindi naagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral
 Makaraig – Mayaman at isa sa pinakamasigasig na isang magkaroon ng Akademya ng Wikang
Kastila
 Juanito Pelaez – Mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa
katalinuhan ng iba
 Sandoval – Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang mga kababayan,
nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas
 Pecson – Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging natatanaw sa
hinaharap

You might also like