You are on page 1of 3

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang
dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli me Tangere.
Nang mga panahong yaoy nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay
kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa,
napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na
babasahing Noli me tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Riza. Ang kanyang
pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Sinimulan ni Rizal and nobelang El fillibusterismo sa harap ng karanasang ito. magkakabisa sa
kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga
pagpapalagay na may plano si Rizal para sa ikalawang nobela, na iba ito ng mga pangyayaring
kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala
pang anim na buwang pagkamalas niyang mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng
pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga
kaaway atbp.
Nilisan ni Rizal ang Plipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang
buhay ng mga mahal sa buhay. katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang
lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador nabumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat
na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral
araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga
alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok.
Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata
upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyenteng guwardiya sibil na
marunong managalog
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nilaang mga
bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan
at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting
karamdaman, ako’y dali- daling nagpaalam sa aking pamilya.
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat
ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang hukumanng Espanya. Maraming
kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang ng
Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na
suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng
paniningalang- pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli
Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya
ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod ditoy dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi.
Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isangliham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa
upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan
ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako…
Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga
pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon,
ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin kosaiyong kung hindi lamang sa iyo, kung
hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga
kababayan at ang lahat sa demonyo…
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong
ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat
matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sasalapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium. Inihandog ni Rizal
ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora o Mas kilala sa tawag na
GumBurZa. Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political.
Naglalahad dito sa isang laarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistemang pamahalaan at
ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at
edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang
gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela. Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni
Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan
sa paraang hindi maipagkakamali - kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El fibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.
Karagdagang Impormasyon: Ang nobelang El Filibusterismo ;l
Literal na ang EL flibusterismo o Ang Paghaharing Kasakiman ay ang pangalawang nobelang
isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa
tatlong paring martirna lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang
karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito
at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang
nagpapraktis ng medisina sa Calamba
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niyaang
ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz.
Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan
ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong
Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na Kalayaan at karapatan ng
bayan.
Mga Tauhan:
1. Simoun : Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato,
Portuges at Cardenal Moreno.
2. Isagani : Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez
3. Paulita Gomez : Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya Victorina
4. Basilio : Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap.
5. Juli : Katpian ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama.
6. Pari Camorra : Paring mukhang artilyero.
7. Pari Salvi : Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw.
8. Pari Sibyla : Vice Rector ng Unibersidad.
9. Pari Irene : Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastilang
10. Pari Fernandez : May kaibigang pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari.
11. Pari Florentino : Amain ni Isagani
12. Kabesang Tales : Naging Kabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang
angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan.
13. Don Custodio : Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta.
14. Ginoong Pasta : Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin,
pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya.
15. Ben Zayb : Manunulat at mamamahayag.
16. Donya Victorina : Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at
itinuturing na mapait na dalandan ng kaniyang asawa.
17. Quiroga : Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik.
18. Don Timoteo Pelaez : Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago,
ama ni Juanito
19. Mataas na Kawani : ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila,
katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay Basilio.
20. Kapitan Heneral : Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya, malapit na
kaibigan ni Simoun
21. Hermana Penchang :ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga,
mahilig sa pagpaparami ng indulgencia
22. Placido Penitente : Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa Latin, pinakamatlino sa
bayan ng Batangas, hindi naagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-
aaral.
23. Makaraig : Mayaman at isa sa pinakamasigasig na isang magkaroon ng Akademya ng
Akademia ng wikang Kastila.
24. Juanito pelaez : mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa
sa katalinuhan ng iba.
25. Sandoval : Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang mga kababayan,
nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas.
26. Pecson : Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguanglaging
natatanaw sa hinaharap.

You might also like