You are on page 1of 11

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng
Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga
magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang
pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga
tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming
mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.


Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya.
Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga
pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran,
naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae,
panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib
ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay
walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani
Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral


araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong
sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas
ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga
lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang
tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga
bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong
kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito
kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig.
Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng
Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang
mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga
personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang
kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya
ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan
at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda.
Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa


upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong
bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang
muli ako… Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid,
kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking
aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa
iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang
Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya
inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa
pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi. Natapos
limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela
sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa
isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga
kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon,
katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis
kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman
hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali –
kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.

Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Karagdagang Impormasyon:
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng
Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José
Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag
na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at
tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito
sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina
sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya
ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891,
sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa
niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising


pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Buod
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang
sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na
ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya


si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala
niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay
tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na
makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil
gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng
Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng
Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang
mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang


umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod
ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa
kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa
mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle.
Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay
natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga
pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga
kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio,
bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa
isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya
nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni
Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa


negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may
matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun.


Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun
ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang
lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya
niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang
ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay
magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa
isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat
upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat


ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang
bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana
nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan
niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani
ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na
loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay
nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya
sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot
ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang
buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang
malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa
Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at
pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa
pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang


naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino
sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

 Dumaranas ng kagipitan sa pananalapi


 Ginigipit ang pamilya at kamag-anakan sa Pilipinas
 Nangungulila sa larangan ng pag-ibig
 Kabi-kabila ang panunuligsang tinatanggap mula nang lumabas ang Noli Me Tangere
 Namatayan ng dalawang kaibigan
 Mababa ang pagkilala ng mga kasama sa Kilusang Propaganda
Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal
na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA -
Gomez, Burgos, Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito.
Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay
naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang
Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang
maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising


pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Karagdagang Impormasyon:

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng


Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José
Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag
na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at
tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito
sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina
sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya
ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891,
sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa
niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Noli MeTangere
 Nailimbag sa Alemanya
 Maximo Viola ang kaibigang nagpahiram ng pera kay Rizal upang mapalimbag ang
nobela
 Alay sa Inang Bayan
 Nobelang panlipunan
- Dahil Ito’y tumatalakay sa pamumuhay, pag-uugali at mga sakit ng mgamamamayan
noon.

El Filibusterismo
 Nalimbag sa Gante, Belhika
 Valentin Ventura ang kaibigang nagpahiram ng pera kay Rizal upang mapalimbag ang
nobela
 Alay sa Gomburza
 Nobelang pampulitika
- Dahil ito’y tumatalakay sa pamamahala ng kastila (simbahan at sibil)

GOMBURZA-Pinaglagyan ni Rizal ng El Filibusterismo

Bakit binitay ang GOMBURZA?


 Pinaratangan silang kasama sa aklasan sa Cavite noong 1876
 Ang paratang ay bunga ng pagkasangkot ng mga prayleng regular na nagpanggap na
Padre Burgos
 Isinangkot sila sapagkat sila ay mga paring maka-Pilipino
 Ang inspirasyong idinulot ng tatlong paring martir sa buhay ni Rizal ay mula sa
kwentong ibinahagi sa kanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Paciano.

BANGHAY NG EL FILIPUBSTERISMO
 Simula (Si Simoun/Kab.7)
 Tumitindi ng Galwa (Ang Mitsa/Kab.19)
 Kasukdulan tungo sa Kakakalasan (Ang Pista/Kab.35)
 Katapusan (Ang Wakas ng El Fili/Kab.39)

MAKATUTUHANANG PAGBUO NG MGA TAUHAN


 Simoun (Mapanulsol at Makasarili/Kab.7)
 Basilio (Biktima ng Pagkakataon/Kab.6)
 Ginoong Pasta (Makasariling Tao/Kab.15)
 Kabesang Tales (Larawan ng Usaping Panlipunan/Kab.4)
 Isagani (Tagapamansag ng Mabuting Turo/Kab.24)
 Don Custodio (Isang Kakatwang Tauhan/Kab.20)
SIMBOLISMO NG NOBELA
 Kapitan Tiyago (Kabanata 29)
Simbolo siya ng lipunang Pilipino sapagkat kagaya ni Kapitan Tiyago, ang pagpapabaya ay
nagsimula sa sarili kaya’t nagpatuloy lamang ang kabulukan
 Bapor Tabo (Kabanata 1)
Simbolo ng lipunang walang direksyon sapagkat kagaya ng bansang Pilipinas noong panahon ng
Kastila, wala itong tiyak na direksyon dahil sa malingpamamalakad
 Perya sa Quiapo (Kabanata 7)
Simbolo ito ng mga tau-tauhang lipunan sapagkat kagaya ng anumang peryahan, lahat ng mga uri
ng tao ay nagtipon ditto, mataas at mabababng uri ay matatagpuan sa perya.

MGA TUNGGALIAN SA NOBELA


 Mga Kadayan (Kab.18)
Tunggaliang tao laban sa sarili sapagkat ang sarili lamang ang katunggali sa lahat ng larangan
 Kabesang Tales (Kab.4)
Tunggaliang tao laban sa lipunan sapagkat ang mga taong kabilang sa lipunan ang katunggali ng
tauhan
 Klase sa Pisika (Kab.13)
Tunggaliang tao laban sa taodahil ang kapwa tao ang katunggali

BUOD
Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon
ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun,Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa
Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na
nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa kumbento,
naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng
himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang tauhan sa nobela, kabilang na
si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas
sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat
namatay nang hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal
ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan.
Niregaluhan ni Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo
ng tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa
upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang
balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang
ilawan sa ilog.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita
kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason
upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang
kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng
taumbayan.
Mga tauhan
Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal.

 Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na


umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay siJuan Crisostomo
Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
 Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre
Florentino.
 Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
 Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng
lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
 Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
 Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
 Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
 Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng
suliraning pampaaralan.

 Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.


 Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
 Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
 Padre Florentino - ang amain ni Isagani
 Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
 Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila
 Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor;
nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
 Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para
sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras
ng kagipitan.
 Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng
mga mag-aaral
 Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina; tiyahin ni Paulita.
 Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

 Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa


Pilipinas.
 Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
 Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra.
 Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na
pinaglilingkuran ni Juli.
 Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
 Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
 Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don
Custodio.
 Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil
sa kanyang panlabas na anyo.
 Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
 Gertrude - mang-aawit sa palabas.
 Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
 Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

You might also like