You are on page 1of 2

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre, 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkasulat niya ng Noli
Me Tangere. Nang mga panahong yao'y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka
ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizla na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kaso
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng
tinaguriang "Makamandag" na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at
pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng mga maraming
paggigipit.
Sinimulan ni Rizal ang Nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit ng loob na dinanas niya at ng kanyang pamilya.
Bagaman may mga palagay na may plano na si Rizal para sa ikalawang nobela, naiba ito ng mga
pangyayaring kinasasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran,
naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng "pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae,
panggulo, pagliligpit sa mga kaaway atbp."
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib
ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot naliham ng mga pagbabanta na karamihan ay
walang lagda ang dumating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal
sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumentritt habang naglalakbay.
"Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoon sa Gobernador
Heneral araw-araw upang ako'y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng
sumbong sa mga alaklde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki
sa itaas ng bundok. Totoong ako'y naglalakad sa bundok kung bukang liwayway na kasama ng
mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang
tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog...
Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga
bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong
kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit
may kaunting karamdaman, ako'y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya."
Hindi nagwakas sapaglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang
kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukom ng Espanya. Maraming
kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihanng mapalibing sa
libingang katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, giniyagis si Rizal ng mga personal at politikal
na suliranin; nangungulila siya kay Leonora Rivera at waring walang lasiglahan ang inspirasyong
dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Bousted; sinagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinamo
ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkilalang iginawad
sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito'y dumanas si Rizal ng suliranin
sa pananalapi. Naisawalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na ipinadala kay Jose
Maria Basa:
"Ako'y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila'y nagkakaisa
upang maging mapait ang aking buhay; pinigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong
bigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli
ako... Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain
ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang akong aklat. Hindi
naglaon iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasanihin ko sa iyo kung hindi
lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga
kababayan at ang lahat sa demonyo..."
Sa kabutihang palad, nang mauubos nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi
niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula saParis. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa
pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Septyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium. Inihandog ni Rizal
ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang pangunahing
dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang pilitikal. Nalalahad dito sa isang
malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sisteman ng pamahalaan at ang mga
kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon,
katiwalian atbp. Tuwiran at di - tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis
kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman
hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamaili--
kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.
Sa isang madilim gubat na mapanglaw
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Febong silang
dumalaw sa loob ng lubhang masukal.

Malalaking kahoy ang inihahandog,


pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot,
huni pa ng ibon ay nakalulunos,
sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.

Tanang mga baging na namimilipit


sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik,
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kangino pa mang sumagi’t malapit.

Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,


pinakapamuting nag-ungos sa dahon,
pawang kulay-luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

Karamiha’y cipres at higerang kutad


na ang lilim niyon ay nakasisindak
ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

Ang mga hayop pang dito’y gumagala,


karamiha’y s’yerpe’t basilisko’y madla
h’yena’t tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay ng tao’t daiging kapuwa.

Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit


ng Avernong reyno ni Plutong masungit,
ang nasasakupang lupa’y dinidilig
ng Ilog Cocitong kamandag ang tubig.

You might also like