You are on page 1of 2

ANG PAGLALARAWAN KAY SIMOUN (CRISOSTOMO IBARRA), ANG PANGYAYARI SA KANIYA SA

NOLI ME TANGERE, ANO-ANO ANG NANGYARI SA KANIYA KAYA SIYA NAGING SI SIMOUN?
Paglalarawan kay Simoun ;

SIMOUN;

Namumukod tangi dahil sa salamin niyang kulay asul, Matangkad, Matipuno, May Kapayatan, May Kaimitan
ang Balat at Laging Nakasuot ng Damit Ingles.

Mga Lihim ni Simoun;


● Si Simoun ay si Crisostomo Ibarra.

● Naglibot sa buong mundo.

● Nagtrabaho upang makakuha ng kayamanan.


● Nagbalat kayong mangangalakal.

● May balak pabagsakin ang pamahalaan.

Ang Pagkakatuklas kay Simoun;


Pauwi na sana si Basilio ng may marinig siyang may yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng
baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala dito ni Basilio ang mag-aalahas ng mag alis ito ng
salamin. Nagsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng kaniyang asarol, naalala ni Basilio na siyang
lalaking naghuhukay ay ang lalaking tumulong sa paglilibing ng kaniyang yumaong inang si Sisa at sa pag
sunog sa isang lalaking doon namatay. Napag isip si Basilio, Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o
ang buhay na nagbubuhay simoun – ang si Ibarra?

Nagpakita si Basilio kay Simoun at nag alok ng tulong bilang ganti sa tulong na kaniyang ibinigay 13 taong
nakalipas na. Ngunit tinangkaan niya itong patayin dsahil sa nabunyag niyang sikreto. Doon natuklasan ang
pagkatao ni Simoun na kaniyang itinatago 13 taon ng nakalilipas.
Si SIMOUN at CRISOSTOMO IBARRA ay iisa Lamang sila ang pangunahing tauhan sa El filibusterismo at Noli Me
Tangere.

Crisostomo Ibarra;
Mapagmahal na anak, mapagmahal na kababayan, May Paninindigan, May, Dangal, May malinis na Kaisipan
at Maginoong Pilipino.

Si Crisostomo Ibarra? – ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San.Diego. Siya ay bumalik sa
Pilipinas nang kaniyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra. Nang makita
ni Ibarra na mabagal ang pag-unlad ng kanilang bayan, napag-isipan niyang magtayo ng paaralan at
maging guro. Tinulungan siya ng magsasakang Elias at di kalaunay naging matalik niyang kaibigan.
Nabangit ni pilosopo Tasyo ang maraming nadulot na proyekto ng paaralan kayat tinutulan ito ng mga
prayle lalo9 na si Padre Salvi, sapagkat silay nangangamba na ang paaralang ito ay maging banta
sakanilang kapangyarihan sa San.Diego.
Sa pagbubuod si CRISOSTOMO IBARRA ay pangunahing tauhan ni Jose Rizal sa Noli Me Tangere. Isang
binatang Pilipino na nagtapos ng pag-aaral sa Europa at nagbalik sa Pilipinas. Smantala, si Simoun (palit
anyo ni Ibarra) na may balbas at salamin. Bumalik sa Pilipinas bilang isang mangangalakal ng hiyas.

Ano ang nangyari sakaniya?

Si Crisostomo Ibarra ay hindi nakapagtiis sa pangungutya sakaniya ng mga prayle sa isang piging, kaniyang
nilusob si Padre Damaso, na siyang nagpataw ng Ekskomunikasyon sa kaniyang ama. Ito ang naging Mitya ng
ekskomunikasyon sa pagkakakukulong ni Ibarra. Nang kalaunay tumakas si Ibarra at siyay tinutugis ng
kastila.

Ano-ano ang mga pangyayari kay CRISOSTOMO IBARRA sa Noli Me Tangere kaya siya naging si Simoun?
● Ang hindi magagandang pangyayari ay nagsimula sa salo-salo kung saan hiniya ni Padre Damaso ang
binatang si Crisostomo ngunit hndi niya ito pinansin at magalang na nagpaalam. Pinagtapat naman ni
Tinyete Guevarra ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael, ayon kay Tinyente, pinaratangan ni
Padre Damaso ma Ehere at Pilibustero, gawa ng hindi nito pagsisimba at pagkukumpil. Nadagdagan pa ang
paratang sa paglaban na nangyari sa kobrador at ki Don Rafael, Na isinisi ang pagka-bagok nito kay Don
Rafael. Ang kaniyang ama ay nabilango at namatay dahil sa matinding sakit.
Naghandog ng pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas at muling pinasaringan ni Padre Damaso
ang binata, hindi niya na lamang ito papansinin ngunit ng hamakin ang ala-ala ng kaniyang ama ay hindi
siya nakapagpigil at tinangkaan niya itong saksakin. Dahil sa pangyayareng ito itiniwalag o ineskomonyon si
Ibarra ni Arsobispo ng simbahang katoliko ng Romano. Di nagtagal ito’y napawalang b isa at siyay nagbalik
sa simbahang katoliko. Ngunit nagkataong nooy sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at
ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilango. Nagkaroon ng
kasunduan sa tahanan ni kapitan Tiyago para sa pagpapakasal ni Maria Clara at Linares habang nagaganap
ito ay nakatakas naman si Ibarra sa tulong ni Ellias. May pagkakataon pang makausap ni Ibarra si Maria
Clara bago tumakas. Nagkaroon ng pag uusap at pamamaalam ang dalawa, sumakay na si Elias at ipinahiga
si Ibarra sa bangka at tinabunan ng damo tinunton na nila ang ilog pasig hangang makarating sa lawa ng
bay ngunit naabutan sila ng tumutugis sakanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito naisipan niyang
lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kayat pinaputukan ito hangang magkulay
dugo ang tubig. Dito nakatakas si Ibarra at tumungo sa Europa ng 13 taon.

Makalipas ang 13 taon umuwi sa pilipinas si Ibarra bilang si Simoun o (mang-aalahas) si Simoun ay nagbalat
kayo hangang matuklasan ni Basilio ang kaniyang katauhan sa kabanata 7.

You might also like