You are on page 1of 40

El Filibusterismo

KABANATA 7:
Simoun
BUOD

• Sa kabanatang ito masisilayan


ang talas ng kaisipan ng
dalawang tauhan na sina
Simoun at Basilio.
BUOD

• Pagkatapos ng labingtatlong taon ay


muling nakita ni Basilio ang
misteryosong lalaki na tumulong sa
paglilibing sa kanyang inang si Sisa.
• Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-
aalahas na si Simoun.
BUOD

• Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim


ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na
katauhan ay batid din ng binata ang
binabalak ni Simoun na himagsikan
laban sa mga mapang-aping kasapi ng
pamahalaan.
BUOD

• Inalok siya ni Simoun na makiisa sa


kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang
tinanggihan.
• Ang pangarap ni Basilio ay makatapos
ng medisina at matubos sa pagiging alila
ang kanyang kasintahan na si Juli.
BUOD
• Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at
kinutya ni Simoun.
• Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan
ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon.
• Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna
sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang
mapayapang buhay.
BUOD

• Hindi naging sapat ang mga


pangaral ni Simoun upang tuluyan
niyang makumbinsi ang binatang si
Basilio.
MGA LIHIM NI SIMOUN:
 Si Simoun ay si Crisostomo
Ibarra.
 Naglibot sa buong mundo.
 Nagtrabaho para makakuha
ng kayamanan.
 Nagbalatkayong
mangangalakal.
 May balak pabagsakin ang
pamahalaan
KALAGAYAN NG LIPUNAN:
 Laganap ang
kasamaan at
kasagwaan.
 Mistulang bangkay
ang bayan.
 Ang pamahalaan ay
tulad ng isang hayok
na lawin.
MGA BALAK NI SIMOUN LABAN
SA PAMAHALAAN:

 Palalalain ang kabulukan


 uudyukan niya ng kasamaan,
kalupitan at pangangamkam ang
pamahalaan
 hahadlangan niya ang malayang
pangangalakal ng bayan upang ito’y
magising at maghimagsik
PAGTANGGI NI SIMOUN SA PAGTUTURO
NG WIKANG KASTILA:

9 sa 10 na matututo ng

wikang Kastila
ay pababayaan ang sariling
wika na hindi nila maisulat
man o maunawaan.
PAGTANGGI NI SIMOUN SA PAGTUTURO
NG WIKANG KASTILA:
 Hindi magiging wikang
panlahat ng mga Pilipino ang
wikang Kastila dahil ang
laman ng kanyang isip at
tibukin ng puso ay walang
katimbang sa wikang iyan.
PAGTANGGI NI SIMOUN SA PAGTUTURO NG
WIKANG KASTILA:

 Lalo lamang hindi


magkakaintindihan ang mga
Pilipinokung dadagdagan ng isa pang
wika ang napakarami nang wikain sa
Pilipinas.
MGA PAYO NI SIMOUN
SA KABATAAN:
 Kung ayaw ituro sa
kanila ang wikang
Kastila, pag-aralan
nila ang sariling
wika.
MGA PAYO NI SIMOUN
SA KABATAAN:
 Huwag tularan
ang mga ugaling
maka-Kastila at sa
halip ay magtatag
ng bayang Pilipino.
PUMAYAG BA SI BASILIO ?

Hindi na
mabubuhay pa ang
kanyang ina at
kapatid
maghiganti man
siya.
PUMAYAG BA SI BASILIO ?
Ang tanging hangad
niya’y makatapos ng
medisina at
makapanggamot ng
sakit ng kanyang
mga kababayan.
Bakit hinayaan ni Simoun
na mabuhay si Basilio?

 Pagtanaw ng utang na loob.


 Kapwa sila sawimpalad na may dapat
ipaghiganti sa pamahalaan.
 Hindi makapagsusumbong si Basilio
dahil pinaghahanap din ito ng mga
guardia civil.
Bakit hinayaan ni Simoun
na mabuhay si Basilio?

 Higit na paniniwalaan ng
pamahalaan si Simoun kaysa si
Basilio (pinaghihinalaang
filibustero)
 May tiwala si Simoun sa kanya.
MGA
KATANUNG
AN?
Paano natuklasan ni
Basilio ang lihim ni
Simoun? Bakit niya
naisipang magpaakita sa
kabila ng panganib sa
gagawin niyang ito?
Ano kaya ang hinuhukay
ni Simoun? Bakit kaya tila
naaubusan na siya ng lakas
sa paghuhukay gayong
hindi pa naman siya
katandaan?
Bakit hindi itinuloy ni
Simoun ang pagkitil sa
binata? Paano niya
kinumbinsi si Basilio na
sumama sa kanyang
ipinaglalaban?
Sa iyong palagay, kung hindi
man niya napapayag ang
binata, darating kaya ang oras
na mahihimok din ni Simoun
si Basilio na sumama sa
kanyang ipinaglalaban?
Bakit?
Nakita mo ba ang katangian
ni Ibarra ng Noli Me Tangere
sa katauhan ni Simoun sa
mga kabanatang tinalakay?
Magbigay ng mga patunay?
El Filibusterismo
KABANATA 8:
Maligayang Pasko
BUOD
• Huminga nang malalim ang dalagang si Juli
at namulat na lamang bigla na mali pala
ang mga sapantaha niya tungkol sa milagro.
• Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang
sarili habang siya ay abalang nag-gagayak.
BUOD
• Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa
bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana
Penchang.
• Bago siya umalis, kinausap at binilin niya ang
kanyang lelong (lolo).
• Nang mapansin niya ang nangingilid na luha ng
matanda ay dali-dali siyang umalis.
BUOD
• Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang
kanyang mga kamag-anak upang mamasko.
• Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya
dahil anumang gawin niyang magsalita o
sumigaw ay walang boses na lumalabas sa
kanyang bibig.
ARAL?
• Ang buhay ay parang isang gulong. Ang
mga pangarap sa buhay ang gawing
inspirasyon upang mabilis ang pag-ikot
ng mga gulong tungo sa tagumpay.
MALIGAYANG PASKO ?
 Pagdiriwang
ng mga bata sa
Pasko.
MALIGAYANG PASKO ?
 Unang araw ng
paninilbihan ni
Juli kay
Hermana
Penchang.
MALIGAYANG PASKO ?
 Pagdalawng mga
kamag-anak ni
Tandang Selo.
MALIGAYANG PASKO ?
Pagkapipi
ni Tandang
Selo.
HULING HIRIT.
 Bakitpinamagatang
“Maligayang Pasko”
ang Kabanata 8
kung tungkol sa
kalungkutan ang
mga pangyayari
rito?
MGA
KATANUNG
AN?
Bakit mayon kahit halos
maagang gumising si Juli
nang umagang iyon kahit
halos magdamag siyang
lumuha?
Ano-anong mga kaugaliang
Pilipino ang mababakas mo sa
pagdiriwang ng Pasko noon?
May pagkakatulad pa rin ba
ito sa paraan natin ng
pagdiriwang sa kasalukuyang
panahon?
Nakalimutan nga kaya o
sinadya ni Juli na hindi batiin
ng “Maligayang Pasko” ang
kanyang lolo? Ano ang
dahilan dito?
Ano ang nangyari kay Tata
Selo na ikinasindak nang
marami? Bakit kaya
nangyari ito sa kanya?

You might also like