You are on page 1of 1

ALKOHOLISMO

Ano ng aba ang alkoholismo? Batay sa aking pagaaral, ang alkoholismo ay ang pinakamalalang
uri ng pag – abuso sa alak ito rin ang kawalan ng kakayahan ilagay sa tama ang pag iinom ng mga
nakalalangong inumin. Sa aking pananaw, ang alkoholismo ay ang pag kaadik sa alak, masama ito dahil
ang alak ay isang get away drugs na kung saan ay pwedeng kaadikan ng isang tao

Maraming manginginom ang nag sasabing ang kanilang pag – iinom ang matataging paraan
upang sumaya, matatanggal ng stress at ng kung anu ano pa. Ang mga kamag anak naman ng
manginginom ay hindi pumapabor dito dahil nakikita nila ang epekto ng alak sa abuser. Sinasabing naka
depende na raw ang buhay ng abuser sa alak at wala na ring ibang iniisip at pinag kakagastusan kungdi
ang alak

Sa aking pananaw, mali ang sobrang pag aabuso sa alak, Hindi nararapat ang maya’t mayang pag
iinom dahil unang una, nakakasira ito ng kalusugan, lalo na ang atay na maaring magkaroon ng
maraming kompikasyon dahil sa sobrang pag – iinom. Sunod rin ay mahihirapan ang pamilyang biktima
na alagan at intindihin siya palagi dahil talagang nakakasawa pag palaging lasing. At ang pinaka huli at
pinakamahalga, hindi nais ng diyos na sirain ang iyong kalusugan at buhay sa pamamagitan ng alak

Sa kabuoan, hindi ako sang – ayon sa pag – abuso sa alak o sa alkoholismo, bukod sa hindi ito
tama at Mabuti sa matang diyos, nakasisira rin ito ng kalusugan na pwedeng ikamatay. Ang mga paraang
naiisip ko upang unti unti itong mabawasan ay ang pagtataas ng presyo ng alak, pag babawal sa minorde
edad at sa matatanda na may gulang 60 pataas dahil matanda na sila mas lalo lang silang maaapektuhan
nito. Isa ring paraan ang pag babawal ng alak sa bansa ngunit imposible iyon. Sa ngayon ang naiisip ko pa
lamang na paraan ay ang pagtataas ng presyo ng mga alak at pagsasagawa ng mga program na nag
papakita ng epekto ng alak sa mga tao.

Sanggunian / Reference : localrehab.net, Wikipedia, Interviews

You might also like