You are on page 1of 2

Sanaysay ng Larawan

Sa

Filipino

Same-Sex Marriage sa Bansang Pransya

Pamantayan 5 4 3 2 1
A. Tumatalakay sa isang kalagayang panlipunan
B. Pagkilala sa kultura ng bansa
C. Paglalahad ng pananaw o kaisipan
D. Pagsunod sa balangkas ng isang sanaysay

Ipinasa ni :

John Jay R. Tolentino

Ipinasa kay:

Ma’am Mary Ann G. Felipe


Pagmamahalan sa Gitna ng Kaguluhan

Bago pa man naipakilala ang ideya ng

“Same-Sex Marriage”, kilala na ang Pransya bilang

isa sa mga bansang mapagtanggap. Naging isyu nila

noon rasismo o ang pagdidiskrimina sa mga dayuhan

ngunit nagawa nilang mapagtagumpayan ang

problemang ito. Sa ngayon, ang modernong katumbas ng isyung rasismo ay ang legalidad

ng Same-Sex Marriage na nagdulot ng malawakang kilos protesta sa magkabilang panig.

Tulad ng rasismo, tinatalakay sa Same-Sex

Marriage kung pantay ba ang lahat ng tao at kung

dapat ba silang bigyan ng kalayaan sa kanilang

kagustuhan. Madalas ang mga miyembro ng LGBT ay

tinatanggihan at nililimitahan ang kalayaan kung kaya’t ang isyung ito ay umabot na sa

pagpapasa ng bill para lang magkaroon ng katahimikan. Dahil lamang sa kanilang

pagkakaiba sa normal na tao ay nakapagdulot pa ito ng pagkakasakitan. Ayon sa LGBT

Travel Index, bumaba ang Pransya sa 17th mula 6th sa listahan ng mga bansang ligtas para

sa mga LGBT dulot ng sunod-sunod na pag-atake sa

kanila. Maaaring maraming sumasalungat sa adhikain ng

mga LGBT ngunit sa kabilang banda, marami rin naman

ang nagmamagandang loob at sumusuporta para sa

kanilang mga karapatan tulad na lang ng mga prusisyon na kanilang isinasagawa.

Sa aking palagay, hindi dapat natin hinahadlangan ang kagustuhan at pagmamahal

ng iba sapagkat wala tayong karapatan sa kanilang buhay. Ayon din sa salita ng ating

Diyos, dapat mahalin natin ang kapwa at wag silang saktan dahil lamang sa pagkakaiba

ng idelohiya at pananaw.

You might also like