You are on page 1of 15

TALOBATIB HIGH SCHOOL

Purok 4, Talobatib, Labo, Camarines Norte

Q4- LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)


GAWAING PAGKATUTO: Bilang 01

Pangalan ng Mag-aaral : ________________________________________________________________________


Asignatura (Subject) : ARALING PANLIPUNAN Antas: Grade 10: Seksyon(Class) :
______________________
Petsa ng Pagbigay: : MaY 31, 2021 Petsa ng Pagsumite/Pagsauli sa Guro: JUNE 7, 2021

PAALAALA: ITO NA ANG HULING KWARTER NG INYONG PAG-AARAL PARA SA PAMPAARALANG TAON 2020-
2021. ANG LAS NA ITO AY BINUBUO NG UNA AT PANGALAWANG GAWAING PAGKATUTO. BINABATI KO KAYO
SA INYONG MATALINONG DESISYON NA MAKATAPOS SA IKA -SAMPUNG BAITANG NG PAG-AARAL SA
KABILA NG NARARANASAN NATING PANDEMYA. HINDI KO MAN KAYO PERSONAL NA NAKADAUPANG
PALAD, NAKAUSAP O NAKANGITIAN, AY DAMA KO ANG INYONG PAGPUPUNYAGI NA MATUTO,
MAKATAPOS PARA SA INYONG MGA PANGARAP AT PAGSISIKAP NA MAIHATID SA PAARALAN ANG INYONG
KAALAMAN NA NAKASULAT SA MUMUNTING PAPEL NA NAGKAROON NG MALAKING BAHAGI SA ATING
UGNAYAN. ANUMAN ANG INYONG MGA PANGARAP AT ADHIKAIN SA BUHAY, LAGI SANANG ALALAHANIN
NA KAMING MGA GURO AY NAGING KASAMA AT PATNUBAY SA INYONG PAG-ABOT NG MGA PANGARAP.
MULI, AKING IPJNAHAHATID ANG MAINIT NA PAGBATI. MARAMING SALAMAT AT MABUHAY KAYO!

Q4 LAS 1

PAKSA: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.

I. PANIMULANG KONSEPTO:

Alamin

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mamamayan sa isang bansa. Ang mga pagbabagong
panlipunan, tulad ng pagkakaroon ng mga imprastruktura, pasilidad, komunikasyon, makabagong
pamumuhay at pag-unlad ng ekonomiya ay dulot ng sipag, talino at kakayahan ng mga mamamayan na
nakatira sa isang bansa. Sa yunit na ito, ating pag-aaralan ang kahalagahan ng pagiging aktibong

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph 1
DepEd Camarines Norte
mamamayan. Ito ay naglalaman ng mga gawain, kaalaman at kasanayan upang masuri at maunawaan ang
kahalagahan ng pagiging aktibong

mamamayan. Makakatulong ito upang mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa mga gampanin ng isang
mamamayan sa lipunan.

II. Kasanayang Pampagkatuto Mula sa MELCs:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.

Sa araling ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga kasanayan na:

1. Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang akti-


bong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping
pansibiko.
2. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.
3. Napahahalagahan ang papel ng mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan.

Panimulang Gawain

Krosalita: Mula sa krosalita ay subukan mong hanapin, sa anomang direksyon, ang mga salita na
tumutukoy sa katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan, pagkatapos isulat ito sa sagutang
papel kung ano ang siyang tinutukoy nito.

F Q U E R T Y D E E G B R A L K
M A K A S A N D A I G D I G A N
P R O D U K S N A Y A B A K A M
M G K A R A N H A Y G D I T A N
O S S V J G G T F B W E R I D E
P I A O A H A R R I H L E N E R
Z T N P I I T A I T R I G G T X
S H A U M L J R E K Y B U F E R
E G A T M A O S D U I E L E R G
H B L O A A S T T D D R A R I U
P I L F K D E R U O S A R A O I
H F P A A S R O G R E T D F T J
T A P A T S A R E P U B L I K A
A M B T A U U F H F T L T T N L
M I R Y O T V H T L E Y U G I A
B P U F L R T U G R R G G A N E

______________ 1. Isang katangian na tumutukoy sa pagmamahal, pagtataguyod at handang ipagtanggol


ang
kapakanan at interes ng kaniyang bansa.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
_____________ 2. Tumutukoy ang salitang ito sa pagmamahal sa kapwa tao, iniisip ang kanyang kapakanan
at kabutihan.
_____________ 3. Ang katangiang ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kakayahan upang makatulong sa
ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga skills na magagamit niya sa kanyang

trabaho. 2
_____________ 4. Ito ay tumutukoy sa katapatang-loob at hindi pagtalikod sa pagka-mamamayan ng isang
bansa.
_____________ 5.Isang katangian ng aktibong mamamayan na isinasa-alang ang kagalingan ng sariling
bansa
at ng buong mundo.

Mahusay! Natutuwa ako at nasagutan mo ng tama ang ang panimulang


gawain.

Pagkatapos mong alamin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan. Ikaw ay
magiging mas handa para sa pag-unawa tungkol sa dalawang pananaw ng pagkamamamayan: ang ligal na
pananaw at lumawak na pananaw.

Suriin

Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan

Basahing mabuti ang sumusunod na mga talata upang lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa
dalawang pananaw ng pagkamamamayan.

Ligal na Pananaw

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang
panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay
binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may
iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa
kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan
at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi
maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis
tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko,
administrador, husgado, at sundalo.

Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang konsepto ng citizenship at


ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng
isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay
ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal
sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Sa
Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.

Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang kanilang mga karapatan
at tungkulin bilang isang citizen.
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
3
Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat na artikulo ng Saligang Batas
ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang
maituturing na mamamayan ng Pilipinas.

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN

SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-
batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng


Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano
mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang
Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa
Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.

SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo


sa paraang itinatadhana ng batas.

SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng


Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang


pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Sanggunian:
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon ng Republika
ng Pilipinas 1987.

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya
ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1.)Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa;


2.)Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag maydigmaan, at

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
3.)Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

4
Sa puntong ito ay maliwanag na sa iyo ang konsepto ng citizenship at ang tradisyonal na
pananaw nito. Sa susunod na talata ay iyong matutunghayan kung paano sa pagdaan ng
panahon ay lumawak ang konsepto ng pagkamamamayan. Pansinin ang malaking pagkakaiba ng
tradisyonal at ang pagiging malawak na pakahulugan ng pagkamamamayan.

Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan


Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan ngayon ang
pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito
bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal
ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan
para sa kabutihang panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama
ang ibang tao.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan.
Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya
ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na
layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito. Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang
mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang gagamitin ang pamamaraang
ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin. Ang
mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang
monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa
pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong
pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang mga katangian ng isang mabuting
mamamayan. Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan, may
pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga
karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong konsepto ng isang aktibong mamamayan?

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________
2. Ano ang pagkakaiba ng ligal na pananaw at lumawak na pananaw?

_______________________________________________________________________________________

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
_______________________________________________________________________________________

5
3. Bakit mahalaga sa isang lipunan ang pagiging aktibo ng mamamayan sa pagkakamit ng kaunlaran ng
bansa?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paghahalaw

Ngayon at alam mo na ang ibig sabihin ng Ligal at Lumawak na pananaw ng


pagkamamamayan, buuin ang talahanayan na nagsasaad ng kanilang katangian bilang mga aktibong
mamamayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Lumawak na Pananaw ng
Dahilan ng Pagiging Dahilan ng Pagkawala ng
Pagkamamamayan ayon kay Yeban
Mamamayan Pagkamamamayan
(2004)

Tandaan Natin

Maituturing na ikaw ay isang aktibong mamamayan ng isang bansa kung hindi lamang ang
pagiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan. Tayo ang bumubuo sa ating lipunan. Tayo
ang nagpapagalaw, nagpapaunlad at naka depende saatin ang ikauunlad nito. Kung kaya mahalaga ang papel
ng isang mamamayan sa lipunan.

Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan,inaasahan na siya ay
magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan sa pagpapabuti sa kalagayan
nito.

Dapat ang bawat isa sa atin ay sumusunod sa mgaalituntunin at batas sa loob ng tahanan, paaralan at
maging sa pamayanan.

Ang pagkamamamayan, igigiit ng isangmamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang
kaniyang mga hinaing at saloobin.

6
Paglalapat

A. Ako Bilang Aktibong Mamamayan

Magsulat ng limang katangian ng aktibong mamamayan sa bawat pananaw ng pagkamamayan.


Magbigay ng maikling paliwanag kung bakit ito naging isang katangian ng aktibong mamamayan sa tingin mo
ay nagpapakita ng pagiging aktibong mamamayan.

Ligal na Pananaw Lumawak na Pananaw


1. ____________________________ 1. ______________________
2. ____________________________ Aktibong Mamamayan 2. ______________________
3. ____________________________ 3. ______________________
4. ____________________________ 4. ______________________
5. ____________________________ 5. ______________________

Pamprosesong mga Tanong

1. Paano mo nasabing ang mga gawaing inilagay mo sa tsart ay nagpapakita ng pagiging isang aktibong
mamamayan?
______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________
2. Gaano kahalaga sa isang lipunan ang isang aktibong mamamayan?

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

B. I-Sanaysay mo na iyan!

Mula sa iyong mga natutunan sa paksa, madalas sa maraming pagkakataon, hindi natin naipamamalas ang
ating pagkamamamayan sa mga hamong panlipunan na ating kinakaharap.

Ngayon, gumawa ka ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan ng isang
bansa at kung paano dapat harapin ang nagbabagong lipunan. Maging malikhain sa paggawa nito.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Organisasyon ng mga ideya Lohikal at mahusay ang


7
pagkakasunud-sunod ng mga
10
ideya; naipakita ang
debelopment sa mga talata.
Nilalalaman Malinaw na naipahayag sa
sanaysay ang gampanin ng
10
isang aktibong mamamayan
sa isang bansa.
Mungkahing Tugon sa Paksa Nailalahad ng maayos at
nakapagbibigay mungkahi na
20
dapat isabuhay ng isang
aktibong mamamayan.
KABUUANG PUNTOS 40

Answer Key

Panimulang Gawain

1. Makabayan

2. Makatao

3. Produktibo

4. Tapat sa Republika

5. Makasandaigdigan

Pagsusuri

Ang mga sagot ng mag-aaral ay nakadepende sa kanilang


pag-unawa sa teksto at kanilang karanasan.

Paghahalaw

Mga dahilan ng Pagkamamamayang Pilipino:

(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas;


(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina

ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at


(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

Mga dahilan ng pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino:

(1) ang panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa;


(2) tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag maydigmaan;
(3) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Lumawak na Pananaw ayon kay Yeban (2004)
8

(1) may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao;


(2) may pagpupunyagi sa mga bayani;
(3) gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan,
(4) may disiplina sa sarili, at
(5) may kritikal at malikhaing pag-iisip.

Paglalapat

A. Ang sagot ng mga mag-aaral ay nakaayon sa ligal at umawak na pananaw na may kalakip na
paliwanag.
B. Ang sagot ng mga mag-aaral ay nakadepende sa husay ng Paggawa ng sanaysay.

Mga Sanggunian

Department of Education. Araling Panlipunan Grade 10 Learners Module, 2017.

Department of Education. Araling Panlipunan – Ikalawang Markahan – Modyul 4; Alternative Delivery Mode

Learning Activity Sheet in Araling Panlipunan Grade 3

https://www.scribd.com/document/390781298/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Sanaysay

http://clipart-library.com/

https://www.academia.edu/38373454/COT_3_pptx

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
9

Quarter 4 – LAS 2

PAKSA: Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao


sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.

Alamin

Sa unang aralin, natutuhan mo ang katuturan, kahalagahan at


konsepto ng pagkamamamayan at kung paano lumawak ang kahulugan nito bilang pagtugon sa nagbabagong
lipunan.
Sa yunit na ito, bibigyang pansin ang mga karapatang-pantao na taglay ng bawat mamamayan.
Ang pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao bilang pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
Ang paninindigan sa karapatan ng mamamayan ang pinakadiwa ng lumawak na pakahulugan ng
pagkamamamayan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

 Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon


sa
mga isyu at hamong panlipunan

Sa araling ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga kasanayan na:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang paraan ng pagiging mabuting mamamayan sa lipunan.

2. Nasusuri ang iba’t ibang paraan na dapat gawin sa mga gawaing pansibiko sa pamayanan at bansa.

3. Nabibigyang halaga ang mga gawaing nagtataguyod at nangangalaga sa karapatang pantao.

Panimulang Gawain

Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng mga Gawain ng isang mabuting mamamayan.

Pagsali sa
organisasyon Pagsunod sa
ng kawang Batas

Maglingkod ng Mga Gawain ng


maayos sa Mabuting
pinapasukan Mamamayan
Pagbabayad ng
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE tamang buwis
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Pagtatapon ng
wasto ng basura

10
Dito isulat ang sagot:

ORGANISASYON PINAPASUKAN BASURA BATAS BUWIS

BINABATI KITA!

Sa bahaging ito, iyong tinukoy ang mga dati mong kaalaman tungkol sa mabuting mamamayan.
Gamitin ang mga dating kaalamang ito para sa mga susunod na gawain, ang PAGSUSURI.

Suriin

Mga Paraan ng Pakikilahok sa Lipunan

Hulaan Mo Ako!

Pag-aralan ang mga larawan na ipinapakita at hulaan kung anong uri ng gawaing pansibiko ito.

1. 2. 3.

_________________ _________________ ______________________

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
11

5. 6.
4
___________________ _____________________ _______________________

Paghahalaw

Story Analysis: Halina, Magtulungan Tayo!

Basahin ang kuwento sa ibaba at tulungan si Mang Pepe at ang kanyang mga kapitbahay sa
pagharap sa mga suliranin ng kanilang komunidad.

Limang taon nang nakatira si Mang Pepe sa Barangay Lumang Lipunan. Sa limang taon niyang
paninirahan sa komunidad ay marami nang suliranin ang kanyang napansin. Ang kanilang komunidad
ay may problema sa basura, kawalan ng mga pasilidad sa kalusugan, malubhang pagsusugal ng mga
kabataan, at malnutrisyon sa mga bata. Gusto niyang makatulong upang maresolba ang mga
suliraning ito. Bandang huli ay nagdesisyon si Mang Pepe na kausapin ang kanilang Punong Barangay.
Inilatag at tinalakay niya ang kanyang mga obserbasyon sa kanilang komunidad. Si Ka Siso, ang
bagong halal na Punong Barangay, ay mayroon ding katulad na mga obserbasyon. Dahil dito ay
siniguro niya kay Mang Pepe na tatalakayin niya ito sa mga konsehal ng komunidad.
Matapos ang dalawang linggo, nagpasya ang mga lider-komunidad na magdaos ng pagpupulong at
konsultasyon sa mga residente. Ang bawat opisyal ng komunidad ay naging masigasig sa pag-imbita
sa bawat residente upang dumalo sa mga pulong. Ang kanilang mga pulong ay tumutok sa mga
problema at pangangailangan ng komunidad. Ang lahat ng residente ay nakadalo sa mga pulong.
Tinalakay nila sa pulong ang mga obserbasyon ni Mang Pepe. Ang karamihan sa mga residente ay
mayroon ding ganoong mga obserbasyon at nagnanais na ang mga obserbasyong ito sa kanilang
komunidad ay mabigyang solusyon. Napagtanto nilang lahat na ang mga ito ay suliranin ng kanilang
komunidad at nakaaapekto rin sa kanila at sa kanilang mga pamilya. Nagpasyang kumilos ang mga
lider at residente, kasama na si Mang Pepe upang harapin ang kanilang mga problemang pang-
komunidad. Nagpasya silang magbuo ng mga komite na siyang mangangasiwa para sa bawat
problemang natukoy ng mga tao.

Pamprosesong Tanong:

1. Si Mang Pepe ay isang ahente ng pagbabago sa Barangay Lumang Lipunan.


Ano ang kanyang ginawa upang siya ay maging ahente ng pagbabago?
2. Kung ikaw si Mang Pepe, paano mo hihikayatin ang pakikilahok ng iyong mga
kapitbahay upang sumali sila sa mga aktibidad at proyektong
pangkomunidad?
3. Sa iyong pagtingin, magtatagumpay ba si Mang Pepe, ang pamunuan at

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
mga residente ng Barangay Lumang Lipunan sa pagharap sa kanilang mga
problemang pangkomunidad? Bakit?

12
Paglalapat
A. Ilista Mo Na Yan!

1. Bilang isang indibidwal, ilista ang mga pamamaraan na iyong ginawa upang makilahok sa mga
gawaing nagsusulong at nangangalaga sa karapatang pantao. Paano mo ito ginawa?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
2. Paano tayo makatutulong ng epektibo sa pag-unlad ng ating pamayanan at bansa?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

B. Gumawa ng isang malikhaing kampanyang biswal. Ilahad ang iyong gagawin kung paano tayo
makatutulong sa lubusang pag-unlad ng ating bansa. Gamiting halimbawa ang larawan na nasa ibaba.
Isulat sa isang kapirasong papel.

Hal.

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Makatotohanan at Naipakita/Naipahahayag ng
Makabuluhan makatotohan ang nais
10
ipabatid ng campaign ad at
naaayon sa layunin ng paksa
Malinaw at wasto Malinaw ang mensahe ng ad
10
at wasto ang salitang ginamit
Malikhain Malikhain ang pagkakagawa
at nalampasan ang 20
inaasahang gawains

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
KABUUANG PUNTOS 40

13
Answer Key
Panimulang Gawain

1. Pagsunod sa Batas
2. Pagbabayad ng tamang buwis
3. Pagtatapon ng wasto ng basura
4. Maglingkod ng maayos sa pinapasukan
5. Pagsali sa organisasyon ng kawang gawa
Ang mga kasagutan ng mag-aaral ay maaaring magkaiba, depende sa uri ng gawain ng mabuting
mamamayan ayon sa kanilang kaalaman

Pagsusuri

1. Pagtutulungan ng mamamayan mula sa mababa hanggang mataas na estado sa lipunan.


2. Pagsasagawa ng Food Drive Campaign upang maisagawa ang Feeding Program.
3. Pagtatanim ng mga punongkahoy sa komunidad
4. Paggalang at pagtulong sa matatanda na nangangailangan
5. Pagtulong sa kapwa sa pamamagitan “counseling”
6. Pakikibahagi sa “Blood Donation Campaign”

Paghahalaw

Ang mga sagot ng mag-aaral ay maaaring magkaiba sapagkat nakabatay ito sa kanilang pag-
unawa mula sa kuwento.

Paglalapat

A. Ang mga sagot ng mag-aaral ay maaaring magkaiba depende sa kanilang karanasan tungkol sa
pagtataguyod ng karapatang pantao.

B. Maaaring magkakaiba ang disenyo ng kanilang ginawang campaign material subalit maaaring
isangguni sa rubrik ang paraan ng ebalwasyon o pagmamarka.

Mga Sanggunian
Department of Education. Araling Panlipunan Grade 10 Learners Module, 2017.
Department of Education, Prototype and Contextualized Daily Lesson Plans (DLP’s) Araling Panlipunan 10,
Mga Kontemporaryong Isyu, Quarter 4
Department of Education. Araling Panlipunan – Ikalawang Markahan – Modyul 4; Alternative Delivery Mode
Learning Activity Sheet in Araling Panlipunan Grade 3
https://www.scribd.com/document/390781298/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Sanaysay
http://clipart-library.com/
https://www.academia.edu/38373454/COT_3_pptx

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
14

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte

You might also like