You are on page 1of 30

NOLI ME

TANGERE
KABANATA 29-
30
Presented by Francis Joash A. Candelaria, 9-O
KABANATA 29:

ANG ARAW NG PISTA


MGA TAUHAN:

Padre Salvi

Pilisopo Tasyo Padre Damaso

Don Filipo

Ibarra Maria Clara


Kapitan Tiago
TAGPUAN:

KUMBENTO SA
MAYNILA
BUOD:
Hindi pa ganap na sumisikat ang araw ay naglibot na ang mga banda ng
musiko. Dahil sa magagandang tugtugin ay nagbalik ang sigla at saya ng
mamamayan. Ang huling araw ng padiriwang ng pista ang pinakamakulay.
Isinuot ng mga tagaroon ang pinakamagagarang kasuotan at alahas.
Maging ang mga sabungero at sugarol ay nagsipagbihis.
BUOD:
Tanging si Pilosopo Tasyo ang nanatili sa kanyang kasuotan. Pinuna ng
Bise alkalde ang kalungkutan ng matanda. Sinagot ito ni Pilosopong Tasyo
na hindi naman kailangan pamukhaing katawa-tawa ang sarili upang
maging masaya o magmukhang masaya. Sumang-ayon si Don Filipo sa
ipinahayag ni Pilosopong Tasyo na pagtatapon ng salapi ang pagdiriwang
ng piyesta, ngunit sino nga ba ang makasalungat sa kagustuhan ng Alkalde
at ng Pari.
BUOD:
Nagbabanggaan na ang mga balikat ng mga tao sa patyo ng simbahan.
Kabi-kabila ang putukan ng rebentador at kuwitis ang madidinig. Walang
tigil sa pagdupikal ang mga kampana. Gaganapin na ang misa mayor at si
Padre Salvi ang magmimisa. Marami ang inaaasahang magsisimba ang
Gobernador-probinsiyal, ang mga Kastila at mga edukadong mamamayan.
Upang makinig sa sermon ni Padre Damaso.
BUOD:
Munitik nang urungan ni Padre Damaso ang pagsesermon dahil idinaing
nito ang sipon na dumapo nang sinundang gabi. Ngunit walang ibang
makuhang tagapagsermon na nakaaalam ng buhay at milagro ni San Diego
kaya pinilit siya ng kanyang mga kasamang pari. Naghanda ng lemonada
ang matandang babaeng tagapangasiwa ng kumbento at isinailalim sa iba’t
ibang uri ng paggagamot.
BUOD:
Nagsimula ang prusisyon ng ikawalo ng umaga. Ang kababaihang
miyembro ng kagalang-galangang ikatlong hanay ay nakaabito nang
mahaba. Ang mahihirap ay mumurahin ang abito samantalang ang
mayayaman ay seda. Ang imahen ni San Diego de Alcala ay lulan ng pilak
na karo. At sinusundan ito ng karo ni San Francisco. Nang matapat sa
malaking bahay, natanaw nilang nakadungaw ang Gobernador-probinsiyal,
sina Kapitan Tiago, Maria Clara, at Ibarra.
BUOD:
Tumingin si Padre Salvi sa mga ito ngunit hindi bumati. Sa lansangan, ay
may isang babaeng kaakit-akit ang mukha ang may hawak na sanggol.
Nang makita ng sanggol ang Kura Paroko ay paputol-putol nitong tinawag
ang pari ng “Pa-pa! Pa-pa!”. Namula ang dating putlaing mukha ng Kura.
Nagkaroon ng ibang kahulugan ang eksenang ito sa mga taong naroroon at
nakadinig. Ngunit mali ang mga akala nila hindi kilala ng Pari ang
babaeng hindi tagaroon.
KABANATA 30:

SA SIMBAHAN
MGA TAUHAN:

Pilisopo Tasyo Padre Salvi Padre Damaso

Kapitan Tiago Padre Sybila Maria Clara

Padre Sybila Ibarra Don Filipo


TAGPUAN:

SAN DIEGO
BUOD:
Tulakan, gitgitan, tapakan at hiyawan. Nagmamadali ang marami upang
makawasak ng darili sa benditang kulay puik na ngayon. Ito ang kalagayan
ng simbahan kinabukasan ng pista. Ang ilang masuwerteng matandang
babae na nakasawak ng daliri sa benditadong tubig ay nagpapahid sa
kanilang batok, leeg, ilong, noo, baba, dibdib at puson sa paniwalang
mabsbasan sila.
BUOD:
Sa pananalig nila’y makagagamot ito saanilang sakit sa ulo, paninigas ng
leeg, tuberkolosis, at sakit ng tiyan. Ang kabataan naman, dahil siguro’y
hindi masasaktin o hindi masyadong naniniwala, ay bahagya lamang
basain ang daliri at magaantanda nang di pinasasayad sa noo ang naturang
daliri. Ayon sa ibang naroon,napakainit at mahirap nang huminga. Ngunit,
natutuwa ang Pari dahil dalawangdaan at limang piso ang ibinayad upang
mag sermon lamang siya.
BUOD:
Ikinagulat ni Pilosopong Tasyo ang halaga ng ibinayad sa lahat ng
gumaganap sa komedya. Ang mga tao namang nasa loob ng simbahan ay
init na init at naghihikab habang nag hihintay sa pagdating ng Gobernador.
Panay ang kanilang paypayan, nag-iiyakan ang mga bata, at pagod na
pagod ang mga sakristan sa pagtataboy palabas ng simbahan.
BUOD:
Nasabi tuloy ngsakiting direktor ng samahan ng kabanal-banalang Rosario
na totoo:”Totoo ngang sinasabi ng Panginoong Hesukristo na ‘Bayaan
ninyong alumapit sa akin ang mga bata’. Pero sa pagkakataong ito ay
mauunawaan nating ang tinutukoy niya ay yaong mga hindi umiiyak.” Ang
apong babae ni Hermana Pute, upang makinig sa sermon ay kanyang
kinagalitan at kurot.
BUOD:
Pagkatapos, nakakita ng mainam na gayahing estilo ng pananalangin ng
matatandang babae-ang pagtango-tango habang mukhang taimtim na
nagrorosaryo. Iniutos ng pari na bigyan ng lugar si Maria Clara na malapit
sa alter sa loob ng simbahan. Sa sulok ay naroon si Ibarra. Habang si
Kapitan Tiago naman ay bihis na bihis na nakaupo sa lugar ng reserbado
para sa mga pinuno.
BUOD:
Napagkamalan ng Alkalde ng mga batang di nakakilala sa kanya. Maya-
maya ay umating ang gobernador. Hindi siya nakilala ng mga tao ngunit
hinahangaan sa kanyang pormal at opisyal na kasuotan. Masayang-masaya
si Pransiskanong si Padre Salvi sa pagsisimula ng misa ahil niya ang mga
Agustinong diyakono at sub-diyokino. Subalit, marami ang nagtataka sa
pagiging wala sa tono ng pag-awit ng Kura.
BUOD:
Gayunpaman, hangang-hanga si Kapitan Tiago sa mga kilos at galaw niya.
Ilang sandali pa, tumigil ang tugtugan at nanahimik ang lahat. Bagay na
ikinagising ng natutulog na si Hermana Pute. Umakyat sa pulpito si Padre
Damaso na sinundan ng mga sakristan at isang pari. Inilibot niya ang
kanyang paningin at natagpuan sina Ibarra, Padre Sybila, at Padre Martin.
SALAMAT SA
PAKIKINIG MGA
ESTUDYANTE
QUIZ
1-3. MAG BIGAY NG TATLONG
IPINAHID NILA GAMIT ANG
BENDITADONG TUBIG.
4. MAG KANO ANG IBINAYAD SA
PARI SA PAG SERMON?
5. ANO ANG PANGALAN NG
KABANATA 29?
6. SINO ANG SUMANG-AYON SA
IPINAHAYAG NI PILOSOPO
TASYO NA PAGTATAPON NG
SALAPI SA PAGDIRIWANG NG
PIYESTA?
7. SINONG PADRE ANG NAKA
ITALAGA MAG SERMON PARA
SA BUHAY AT MILAGRO NG
SAN DIEGO?
8. ANG MAHIHIRAP AY
MUMURAHIN ANG ABITO
SAMANTALANG ANG
MAYAYAMAN AY ________?
9. BAKIT MUNTIK NG
URUNGAN NI PADRE DAMASO
ANG PAG SESERMON?
10. ANO ANG PANGALAN NG
KABANATA 30?

You might also like