You are on page 1of 6

NAME:GLENN MARK A.

POMOY

SUBJECT:FILIPINO

Kabanata 29
KINAUMAGAHAN

Madilim-dilim pa ay ginising na ng tugtugin ng musiko ang mga hapong


katawan ng mga mamamayan.Ang tunog ng kampana at inga ng mga
paputok ay muling umalingawngaw sa buong bayan.Yaon na ang simula
ng kasaysayan.Sapagka’t kaarawan ng pista,ay inaasahang lalaluan ang
saya at sigla ng nakaraang araw.Ang mga kapatiran sa
pananampalataya ay nagsibili ng maraming kandila kaya’t malaki ang
pakinabang ng mga Insik.Dahil dito ay ng mga Insik na sila ay pabinyag
upang makaganti ng utang na lob.

Ang lahat ng mamamayan ay nagbihis ng magara at ginamit ang


kanilang mga hiyas.Tanging si Mang Tasyo lamang ang di nagpalit ng
kasuutan:ang dati ring sinamay na nakabutones hanggang liig,sapatos
na maluwag at sumbrerong piyelto na malapad ang pardiyas.

Ang bait ng tinyente mayor:”Malungkot kayo ngayonkaysa rati.Bayaan


naman ninyo kaming magdiwang paminsan-minsan,yamang kami’y
maraming dapat ikalungkot.”

“Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taun-taun.Higit na


marami ang maralitang nangangailangan ng salapi.Ang inasal ninyo ay
isang karangyaan lamang upang mapigil ang paghihinagpis,”anang
matanda.
“Batid ninyong ako’y kaisa ninyo sa inyong akala nguni’t walang
kabuluhan ang pag tutol ko sa kapitan at sa kura,”ani Don Filipo.”kung
gayon ay iwan ninyo ang tungkulin ,”at tuloy lumayo ang pilosopo.

“Magbitiw”ang naibulong ng Don habang siya’y patungo sa


simbahan.”tunay,ma bibitiw ako kung may karangalan sa gawaing ito
ngunit ito’y isang pabigat lamang.”

Ang patyo ng simbahan ay puno ng maraming tao at nagkakaingay sa


paglabas-masok sa makipot na pisto ng simbahan.Ang maraming banda
ng musiko ay palibut-libot sa lahat ng dako.Ang Herrmano Mayor
sa.araw na yaon ay nambabatak ng mga tao upang tumikim ng kanyang
handa.

Si Pari Salvi ang gumanap sa misa mayor.Ang mga tanyag ng tao,mga


Kastila at alkalde ay magsisimba sa araw na iyon.Dahil sa pamamalat ni
Pari Damaso ay tumanggi siyang magsermon nguni’t napilitan din
sapagka’t siya lamang ang higit na nakababatid ng buhay at mga himala
ni San Diego.Hindi siya nag-almusal,maliban sa ilang itlog na binati sa
alak.Ang piniritong manuk,kiso at iba pang pagkain ay tinaggihan
niya.Ang babaing namamahala sa kumbento ang nagtiyagang magalaga
sa kanya.Hinilot ng langis ang kanyang dibdib at liig,saka siya bilutan ng
pranela.

Ang prusisyon ,na idinaos sa ikawalo at kalahati ng umaga,ay idinaan sa


ilalim ng tulda.Ang mga nagsiilaw ang pawang nakaabitong ginggon na
bawa’t isa’y nagkakahalaga ng labing anim na piso.Ang mga abitong
iyon ay nagdudulot ng maraming indulhensiya ,lalo na kung iyo’y sirang-
sira na.Sa kanilang suot na abito ay nakikila ang kanilang katayuan sa
buhay :ang sa mahihirap ay magaspang ng kayo,at ang sa mayayaman
naman ay mga sutla naman.
Si San Diego de Alcala ay nasa unang karo na may palamuting pilak .Ang
sumusunod ay kay San Francisco at ang sa Berhin de la Paz.Ang nasa
ilalim ng palyo ay si Pari Salvi,sa halip na si Pari Sibyla ,na magandang
tumundig.Ang mayhawak ng palyo ay mga kabisa.Nagagalak sila kahit
na pinapawisan sapagka’t magagampanan nila ang tungkulin ng
sakristan,tagasingil ng buwis at tagabayad ng mahihirap.

Ang banayad na lakad ng prusisyon ay sinasabayan ng kuwitis at awit na


kasaliw ng mga banda ng musiko.Ang karong sinusundan ng palyo ay
tumigil sa tapat ng magarang bahay.Sa nintana ay naroroon ang
Alkalde,si Kapitang Tiyago,si Maria Clara,si Ibarra at ilang kastila.Si Pari
Salvi ay tumanaw sa itaas nguni’t sa kanyang mukha ay hindi masinag
ang ano mang tanda sa pagkakilala sa nakita.Itinaas lamang niya ang
kanyang ulo at tumayo ng matatag.

MGA TULONG SA PAG-AARAL


1.Si Mang Tasyo ay talagang may kakaibang paniwala.ano
ang mga kurukurong ipinahayag niya kay Don Filipo?sa
inyong akala’y tumapak ba ang sinabi ni Mang Tasyo?
2.Sabihin ninyo kung paano ipinakilala ang kanilang
pagtangkilik sa mga ugaling katoliko.
3.Pagtalunan ninyo ang paksang ito:May kabuluhan ba o
wala ang pagdaraos ng prusisypon?
4.Gumawa kayo ng isang pagtataya tungkol sa kalagayan
ng pananampalataya sa panahong ito,alalaong baga’y
mahilig pa kaya ang mga tao sa pananampalataya?

KABANATA 30
SA SIMBAHAN
Ang simbahan ay punong-puno ng tao.Ang paglabas at pagpasok ay
siksikan.At lalong masikip sa lugar na kinaroroonan ng agua
bendita.Ang sumasawak sa sisidlan ng banal na tubig ay nalalayo sa
tulak at ang iba’y natatapakan.

Di na halos makahinga sa init at masamang amoy ng pinapawisang


katawan ng ato.At higit sa kasamaang iyon ay ang halagang dalawang
daan at limampung piso para sa sermon.

“Kaylaking halaga ng isang sermon mauuwi lamang sa isang tao,”ang


wika ni Mang Tasyo.”Ikatlong bahagi na iyon ng ibabayad sa komedya
para sa tatlong gabi.Talagang mayayaman kayo,”

“kung sisisngilin kami ng sanlibong piso para sa sermon ay


babayaran din namin ,”ang nayayamut na wika ng guro ng isang
kapatiran.”ang kaluluwa ng nakikinig ng sermon ay tutuloy sa langit
nguni’t ang sa komedya ay sa impyirno.”

“Totoo nga iyan,”ani Mang Tasyo,”sapagka’t higit na nakaaaliw ang


sermon.”At siya a lumayo.
Samantalang hinihintay ang Alkalde ay walang lubay naman ang
paypayan ng abaniko,sombrero at panyo.Ang bata’y nag-iiyakan at
nagsisigawan.Ang ilan ay nag-aantok sa tabi ng kumpisalan.

Si Ibarra ay nasa isang sulok nguni’t si Maria Clara ay nakaluhod sa


tabi ng altar mayor.Si Kaoitang Tiyago naman ay nakaupo sa luklukan
ng mga may kapangyarihan.

Ang Alkalde ay dumating na kasam ang kanyang mga tauhan.Ang


magarang suot ng Alkalde ay napapalamutihan ng banda ni Carlos III at
ng limang medalya sa dibdib.Ang akala ng isang tao ay isang sibil
sinyang nagsuot-komedyante.

“Hangal,”anang isa,”iya’y si Prinsipe Villado na lumabas sa


komedyante kagabi.”

Sinimulan ang misa.Tumayo ang lahat ng nakaupo at ang naidlip ay


nagising sa tunog ng kampanilya at awit ng mga koro.Si Pari Salvi ay
nasiyahan sapagka’t ang kanyang mga katulong ay dalawang
Agustino.Dumating ang sandali ng pagsesermon,Ang tatlong pari ay
namahinga ,Ang lahat ay humanda na sa pakikinig.

Si Pari Damaso ay dumating na pinangungunahan ng dalawang


sacristan at sinusundan ng isang prayleng may hawak na
kuwaderno.Nang siya’y nasa itaas nang pulpito ay hinagod niya ng
tanaw ang buong paligid,tumikhim at saka umobo.napakindat siya ng
Makita si Ibarra.Ang ibig sabihin noo’y kasama siya sa pangangaral
niya.Si Pari Manuel Martin ay sinulyapan niya nang palibak,na ang ibig
sabihin ay magaling ang isesermon siya kaysa kahapon.Pagkatapos
noo’y sinabi iya sa prayleng may kuwaderno,”Humanda
ka,kapatid,”binuksan ang prayle ang kuwaderno upang kumuha ng mga
tala.

MGA TULONG SA PAG-AARAL


1.Iba-iba ang palagay ng mga tao tungkol sa pagbabayad sa mga
ipinaglilingkod ng simnbahan.Ibigay ang inyong kurokuro tungkol sa
suliraning ito kailangan bang bayaran ang simbahan sa kanyang
paglilingkod sa tao?

2.Magkano ang ibinayad ng mga tao sa sermon?ano ang palagay ni


Mang Tasyo tungkol sa halagang iyon?ano naman ang palagay sa taong
kausap ni Mang Tasyo?

3.Aling bahagi ng kabanatang ito ang katawa-tawa?

You might also like