You are on page 1of 3

51: Mga Palitan at Pagbabago

Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya


ng liham mula kay Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:

"Itinatanging pinsan,

Sa loob ng tatlong araw inaasahan kong malaman sa yo kung ikaw pinatay


ng alferez o ikaw sa kaniya ayoko lumampas pa ang isang araw na wala ang
hayop na yan sa kaniyang parusa kung lumampas ang taning at di pa
hinahamon mo siya sasabihin ko ke Don Santiago na ikaw kelanman di
naging segretaryo ni Canobas ni makipaginuman sa Heneral arseo Martines
sasabihin ko ke Clarita na lahay ang bola at di ikaw bibigyan ko ni isang
kusing pa kung hahamunin siya pangako sa yo lahat ng ibbig kaya tinggnan
natin kung hahamunin mo pinagpapaunako sa yo na alang nang paluggit at
dahildahilan.
Iyong pinsang maal kang buompuso
Victorina de los Reyes de De Espadaa
Sampaloc lunes I ka 7 ng Gabi."

Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang
alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang
kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang
paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na
makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Dumating si Padre Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita


niya ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng
excommunion kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay
kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na
lamang sa pagpapatawad ay si Padre Damaso. Pero anya ay hindi
makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari.
Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.

Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiago pumasok si Ibarra na


kasama si Tiya Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay
Linares. Si Padre Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi
nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang
binata at lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang
itanong kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na

limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap


ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.
52: Baraha ng mga Patay at ang mga Anino

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga


dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May
tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan.
Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero
siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay
nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat
ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman
ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala
sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng
alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa
pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na
isang anino na namamaybay sa bakod.

Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong


dumating na anino na sinusubaybayan siya kayat naghiwa-hiwalay na sila at
tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin
ang mga sandata kasabay ng sigaw na Mabuhay Don Crisostomo! ang
tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay
naghintay sa sulok ng pintuan.

Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid.


Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kayat nagkita sila ng unang
sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila
ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob
nglibingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang
magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si
Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang
nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi
kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.

Nang gabing iyon dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan.


Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang
makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong
nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas
upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si
Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil.
Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang

lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga
sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

You might also like