You are on page 1of 20

Buod ng

Kabanata 29 – Ang Kapistahan


Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang
magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog
ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao
sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng
kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng
masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao
upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo,
sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao
lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit
pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na
hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit
ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay
naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre
Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na
makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-
pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang
mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga.
Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o
diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga
ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na
inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 30 – Sa Simbahan
Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at
mahahayap na ugali ng mga prayle noong panahong iyon. Bagamat siya
ay tumatangkilik sa relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga
kagaspangan ng pag-uugali ng mga prayle. Inilalarawan din ang matapat
na pagtangkilik ng mga Pilipino sa relihiyong nakagisnan, kahit pa ang
kapalit nito ay ang kanilang kabuhayan. Buod: Dinumog ng lahat ang
simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at
iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng
lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng
magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay
makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa
komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating
ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit
na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng
kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat
upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala naman ng
Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon,
si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na
higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito
nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang.

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 31 – Ang Sermon
Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa
Bibliya at nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng
sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng
simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si
Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat
ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas sa wikang Kastila kung
kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang
mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang
hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat
karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng
Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan
Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at
nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na din sa wakas ni
Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang
pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya
pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na
walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra
lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't
nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin
na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na
pari at nagpatuloy pa ng kalahating oras sa walang kwentang sermon at
pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na nakalapit si Elias
kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-
ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya
itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni
Elias.

Buod ng
Kabanata 32 – Ang Panghugos
Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol
sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan.
Ang istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi
ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan
ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari.
Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa
niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw
kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon
sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni
Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng
pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon,
naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga
panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre
Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga
mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa
isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.
Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan
ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan
ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao
upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa
okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba
ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa
kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang
lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng
nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay
at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni
Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.

Buod ng
Kabanata 33 – Malayang Kaisipan

Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong


dilaw kay Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito.
Matutunghayan ang katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng
pormal na edukasyon. Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at
sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si
Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay
kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong dilaw na
patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat
mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi
kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na
sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napag-alaman nito na prinisinta
nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang mga
kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw
sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang.
Bagay na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas
sa hukuman ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan.
Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami
itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang
mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos
at hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay
nagpaalam na rin si Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.

KABANATA 34- PANANGHALIAN


Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking
hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang Alkalde. Nasa bandang kanan
ni Ibarra si Maria at nasakaliwa naman ang Eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok
sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga Prayle, kawani at kaibigang dalaga ni
Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y
kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa
kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano
ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga
kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng
kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang
mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban
kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula nang ilagay ang mga tsampan sa
kopa. Nahalata ng Alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin
nito ang usapan, pero patuloy ang Pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero,
nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarra ng may kasamang
pag-aglahi, sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin
nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga
kasalo sa pananghalian.

Buod ng
Kabanata 35- Mga Usap-usapan

Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na


usapan sa buong bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre
Damaso sapagkat ayon sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung
nagtimpi lamang si Ibarra. Si Kapitan Martin lamang ang tunay na
nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat walang sinuman ang hindi
makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin. Ang mga
matatandang babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari
sapagkat baka sila ay mapunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang
nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga
magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na hindi matuloy ang
paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga
anak. Inihayag ni Don Filipo sa pag-aakalang hangad ni Ibarra na tumanaw
ng utang na loob ang taong bayan sa ginawang kabutihan at ng ama nito.
Ganunpaman, ala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging ang tama ay
ang mga prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may pagkakaisa,
hindi katulad ng taumbayan na watak-watak kung kayat mananalo ang mga
pari. Kumalat ang usap-usapan na tinawag nang Pilibustero ng mga prayle
si Ibarra, hindi naman ito madalumat ng mga mahihirap.
Buod ng
Kabanata 36-Ang Unang Suliranin
Isinasaad sa kabanatang ito ng Noli me Tangere ang desisyon ng mga prayle na
paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang ma-exkomunikado ang binata.
Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan
Tiyago kayat naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat
na pag-istima sa panauhin. May nalalabi pang oras upang makapag-gayak at ito ay
sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay patuloy ang
pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra hanggat
hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang-aalo ni Tiya Isabel at
Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa
aty magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata.
Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang
magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay
Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-
isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman na bawal nang
tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na limampung
libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng
kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni
Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may
inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso- na isang binatang
kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang dalaga
at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na hindi parang damit
na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ng
Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi
sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Tinapos na nito ang
usapan at hinarap ang paghahanda sa bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating
na nga ang Kapitan-Heneral at napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga
panauhin. Si Maria naman ay pumasok sa loob ng silid at taimtim na nananalangin
ng pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang harapin ang Kapitan Heneral
sapagkat ipinapatawag ito. Sumunod naman ang dalaga.

Buod ng
Kabanata 37 – Ang Kapitan Heneral
Ipinapakita sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ang makataong pamumuno ng
Kapitan Heneral, na siyang may pinakamataas na pwesto sa lipunan ngunit hindi
naghahari-hariang katulad ng mga prayle. Minarapat niyang magkaroon ng pantay
na katarungan para sa lahat. Buod. Naunang kinausap ng Kapitan Heneral ang
binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay lumabas sa kalagitnaan ng sermon.
Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos niyang makausap ang
Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid. Sumunod niyang hinarap ang
mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang
mga prayle. Nagpakita naman ng buong paggalang ang mga pari sa pagyuko nila
sa Kapitan. Binanggit din nila ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya't wala siya
sa araw na iyon. Sumunod namang humarap sa Heneral sina Kapitan Tyago at
Maria Clara. Pinuri ng Heneral ang katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra
at Damaso, at ang pagbabalik ng hinahon ni Ibarra dahil na rin sa kanya. Binanggit
nito na dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawa, na tinanggihan naman ng
dalaga. Kalaunan ay dumating na rin si Ibarra upang makausap ng Heneral.
Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang binata ay excomulgado ngunit hindi ito
pinansin ng pari at sa halip ay ipinaabot ang pagbati kay Padre Damaso.
Pagkatapos ay umalis ang mga pari na hindi naibigan ang ipinakita ng Heneral.
Malugod na binati ng Heneral si Ibarra at pinuri sa ginawang pagtatanggol nito sa
ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin niya ang Arsobispo
tungkol sa pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral na medyo
nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis
patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa
paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng binata at Kapitan Heneral na kilala ng
binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya. Ipinamalas din ng Heneral
ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat iminungkahi ng huli na mas
makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay
nararapat lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si
Ibarra at sinabing higit na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Ilang sandali
pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na kausapin si Maria at inihabilin na
papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis naman si Ibarra upang puntahan
ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng Heneral sa alkalde mayor na
protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito ang mga layunin ng binata.
Tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod. Dumating naman si Kapitan Tyago
at pinuri ito sa pagkakaroon ng mabuting anak at mamanugangin. Nagprisinta rin
ang Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, si Ibarra naman ay nagpunta sa
silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya ni Sinang na isulat na lamang nito ang
kanyang sasabihin dahil sa mga oras na iyon ay gumagayak sila papunta sa dulaan.

Buod ng
Kabanata 38 – Ang Prusisyon
Ang mga kaganapan ay nakasentro sa idaraos na prusisyon at mga nakatakdang
gawain ng Heneral ng araw na iyon. Buod Ang mga paputok at sunod-sunod na
pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng
nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol sa
mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San
Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San
Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang
Kapitan Heneral, mga kagawad, Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang
huli ay napilitang sumama dahil na rin sa pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng
bahay ni Kapitan Tyago ay may isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng
tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Pinangungunahan ng tatlong sakristan
ang pila ng prusisyon, na sinusundan naman ng mga guro, mag-aaral at mga batang
may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang
mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon
din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa
prusisyon. Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago inihinto ang mga karo at andas ng
mga santo. Isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda
at may bigkis ang lumabas upang simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila
at Tagalog. Sumunod naman ay ang pag-awit ni maria at lahat ay nabighani sa
ganda ng kanyang tinig. Ramdam naman ni Ibarra ang pighating nararamdaman ng
kanyang katipan sa boses nito. Napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin
ng Heneral tungkol sa hapunan kung saan kailangan nilang pag-usapan ang
pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.

Buod ng
Kabanata 39 – Si Donya Consolacion
Ang kabanatang ito ng Noli me Tangere ay inilaan sa paglalarawan kay Donya
Consolacion. Sinisimbulo ng kanyang personalidad ang mentalidad ng mga
Pilipinong walang pagmamahal sa sariling kultura kung kayat binibihisan ang
kanilang mga sarili ng ugaling dayuhan. Buod Si Donya Consolacion ay asawa ng
alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa pamamagitan ng paglalagay
ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din ang pagtingin
nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa
kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na
nakapag-asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa
edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali. Ng araw na iyon, iniutos ni
Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila na alam nitong tatapat
ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa kanyang
asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang
kaalaman na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-
alipusta at pagmura nito sa kanya. Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang
pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na dalawang araw ng nakakulong. Inutusan
niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi naman maintindihan ni Sisa,
kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya ibinuhos ang galit na
nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo at
inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin
ito sumunod sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang
gwardiya sibil na pakantahin ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng
Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin ng donya kung kayat nawala sa
isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng gwardya sibil. Napansin
naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si Sisa at
pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at
inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay
ng pagdugo ng sugat. Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa
nasaksihan. Inutusan niya ang isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan,
at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga ng alperes ay dahil na rin sa
nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.

KABANATA 40- ANG KARAPATAN AT LAKAS


 tinatapos na lahat ng huling panoorin para sa dulo ng pista, at lahat ay
masayang nagdiriwang. Nagbibigay-liwanag ang mga luses de
bengala sa mga taong masasayang naglalakad.
 Ikinukuwento ni Don Filipo kay Pilosopo Tasyo ang hindi pagtanggap
sa kanyang pagbibitiw-tungkulin.
 Dumating sina Maria Clara at ang kanyang mga kaibigan, na sinundan
nina Pare Salvi, isang pransiskano, at ilang mga kastila.
 Dumating rin si Ibarra pagkatapos ng ilang minuto, at maraming
bulungan ang nagsimula sa loob ng dulaan. Tumabi ito kina Maria.
 Nilapitan ni Pare Salvi si Don Filipo at sinabing huwag payagang
lumapit si Ibarra sa mga dalaga, at paalisin ito sa lugar. Hindi naman
raw ito nanggugulo, ayon kay Don Filipo, isa siya sa mga umabuloy ng
malaki sa palabas. Nag-away ang dalawa, at sa huli ay napilitang
umalis si Salvi.
 Napansin ni Ibarra na siya’y napapansin sapagkat excomulgado siya.
 Pinatigil ng dalawang guwardiya sibil ang dula kay Don Filipo
sapagkat hindi makatulog ang nag-aaway na ang alperes at kanyang
asawa.
 Gumawa ng gulo si Prinsipe Villardo, at maraming inakalang totoo ito,
kaya’t nagkagulo at lahat ay nagsilabasan sa dulaan.
 May grupo ng mga lalaki na mukhang gagawa ng gulo, kaya humingi
ng tulong si Don Filipo kay Ibarra na pigilan ang mga ito. Si Ibarra
naman ay humingi ng tulong kay Elias.
 Si Elias ay kinausap ang mga ito, at isa-isang nag-alisan ang mga
lalaki.
 Si Salvi, na nanonood galing sa malayo, ay nakita si Maria na
binubuhat ni Ibarra. Tinakbo agad ni Salvi ang bahay nina kapitan
Tiyago at nakita sa bintana si Maria na ipinapahinga ni Tiya Isabel.

Buod ng
Kabanata 41 - Dalawang Panauhin
Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap
kung kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay
dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay
Ibarra na may sakit si Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya
pumunta sa Batangas. Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra kung paano niya
nasugpo ang kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang
magkapatid at napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang
magkapatid na gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay Elias. Umalis na
rin si Elias makalipas ang ilang sandali. Nagmamadali naman na gumayak si Ibarra
upang tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay nasalubong ni Ibarra ang
kapatid ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si Ibarra tungkol sa salapi na
makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinagot
ito ng maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay
patungo sa maysakit. Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago
pa man mawala ang pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang ito. Naiwan si
Lucas na nagpupuyos ang kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang dugong
nananalaytay sa ugat ni Ibarra at ang lolo nito na nagparusa sa kanilang ama. Maari
lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad
ni Ibarra.

Buod ng
Kabanata 42 - Ang Mag-asawang De Espadana
Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara.
Tumawag na ng doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay kasalukuyang pinagpipilian
nila ni Tiya Isabel kung saan maglilimos: sa Krus ng Tunasan na himalang lumaki,
o sa Krus na Matahong na nagpapawis. Sa bandang huli ay napagpasyahan ng
dalawa na parehong lumisan ang mga ito upang gumaling kaagad si Maria Clara.
Dumating na ang doktor na si Tiburcio de Espadana at ang kanyang maybahay na
si Victorina. Nagmiryenda muna ang mag-asawa bago tingnan ng 'doktor' ang
kalagayan ni Maria. Kasama rin nila ang kamag-anak na si Linares na dumating pa
mula sa Espanya. Kasunod nilang dumating si Padre Salvi at ipinakilala ng mag-
asawa si Linares, nag-aaral ng pagka-manananggol sa Espanya at pamangkin ni
Don Tiburcio. (Dumating ito sa Pilipinas sa gastos na rin ni Donya Victorina.)
Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang ng Kapitan Heneral sa kanilang
tahanan. Lubos na nanghinayang ang ambisyosang ginang at nahiling na sana ay
nuon pa nagkasakit si Maria Clara disin sana ay nakadaupang palad nila ang
Heneral. Hinanap naman ni Linares si Padre Damaso kay Padre Salvi, upang
ibigay ang hatid niyang sulat mula sa Espanya. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap
ay pinuntahan nila si Maria na binabantayan ng mga kaibigan nito. Sinimulang
eksaminin ng doktor si Maria at sinabing maysakit nga ito. Inirekomendang igamot
kay Maria ang liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa.
Si Linares naman ay natulala at nabighani ng husto kay Maria, na ipinakilala
naman ni Victorina sa dalaga. Tila nagising pa si Linares sa pagkatulala ng
ibinalita ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang Pari ay hindi pa
lubusang magaling ngunit inuna nitong gawin ang pagdalaw kay Maria Clara.
Ating ilarawan si Donya Victorina, na napagkakamalang isang Orofea at may
gulang na 45. Ikinakaila nito ang tunay na edad, bagkus ay sinasabing siya ay 32
taong gulang lamang. Noong kabataan ng Donya ay masasabi rin na maganda ito
ngunit pangarp na nito talagang makapangasawa ng isang mayamang dayuhan. Sa
pamamagitan nito, siya ay mapapabilang sa alta-sosyedad at titingalain din ng
karamihan. Sa kasamaang palad, napangasawa niya ay isang mahirap pa sa daga na
Kastila, si Tiburcio. Sa edad nitong 35, higit pa itong matandang tingnan kaysa kay
Donya Victorina. Ito ay isang maralita at mal-edukadong taga-Espanya na itinaboy
ng kanyang mga kababayan sa Extremadura at naging palaboy, hanggang
mapadpad siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sapagkat hindi naman
sanay sa byahe, labis siyang nahilo at nahirapan sa kanyang paglalayag. Nabalian
pa siya ng paa. Ika-15 araw na niya mula ng dumating sa Pilipinas ng siya ay
natanggap sa trabaho dahil na rin sa mga kapwa Kastilang kanyang
nakapalagayang-loob. Pinayuhan din siya ng mga ito na magpanggap na lamang na
mediko sa mga nayon na ang tanging puhuhan ay ang kanyang pagiging Kastila.
Dahil sa ala naman siyang alam sa anumang propesyon, at hindi naman din siya
nakapag-aral, lakas loob na lamang siya na nagpanggap na doktor sa nayon. Ang
totoo, dati lang siyang tagalinis at tagapagpa-baga ng mga painitan sa pagamutan
ng San Carlos sa Espanya. Ngunit pagdating sa Pilipinas, naging ganap siyang
isang doktor dahil na rin sa katangahan at tiwala ng mga Indiyo. Nagsimula sa
mababang paniningil hanggang sa tumaas ng tumaas at naging kakompetensya pa
niya ang mga totoong doktor. Nagalit ang mga ito at isinumbong sa Protomediko
de Manila. Napilitan siyang tumigil sa panggagamot at nawalan na rin siya ng
pasyente. Ngunit nakilala naman niya si Donya Victorina at sila ay nagpakasal.
Pagkatapos ng kasal, lumipat sila sa bayan ng Sta Ana upang idaos ang kanilang
pulu't-gata, at upang duon na rin manirahan. Si Donya Victorina rin ang sumuporta
sa kanyang asawa, ibinahay, binihisan at ibinili pa ng mga karwahe. Ang kanyang
pangalan ay ginawang Victorina delos Reyes de Espanada. Binago na rin niya ang
kanyang anyo upang maging mukhang taga-Europa. Kinulayan nito ang mukha at
nagpalamuti sa katawan. Makalipas ang ilang buwan, siya kuno ay naglilihi at
kailangan pa sa Espanya manganak upang hindi matawag na rebolusyunaryo ang
kanyang anak. Ngunit walang panganganak na nangyari sapagkat ang Donya ay
hindi naman talaga buntis. Lumapit na rin siya sa mga hilot at manggagamot
ngunit walang nangyari. Kung kaya't walang nangyari sa ambisyon na makapunta
sa Espanya ang ginang bagkus ay manatili sa tinubuang lupa, na kung tawagin niya
ay "lupain ng mga salbahe". Wala rin siyang tiwala sa mga kapwa Pilipino kung
kaya't humirang pa siya ng Kastilang taga-pangasiwa ng kanyang mga ari-arian. Sa
pagkabigo ng kanyang pangarap ay pinagbuntunan ng ginang ang kanyang asawa,
na pumapayag naman maging andres de saya at taga-salo ng alburuto ng asawa.
Mas mabuti na ang ganong kalagayan kaysa naman ang mamalimos sa kalye.
Inuutus-utusan din niya ito at may mga pagkakataon na sinasaktan niya ito ng
pisikal, na tinatanggap na lamang ng lalaki. Pati ang kapritso ng ginang na
magpagawa ng karatulang marmol na may nakaukit na: DOCTOR DE
ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES.
Walang nagawa ang lalaki kahit labag sa kalooban nito na ianunsyo sa publiko na
siya nga ay isang manggagamot, sapagkat siya nga ay nagpapanggap lamang.

KABANATA 43-
Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang sinabi na Anak
ko, hindi ka mamamatay. Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng Pari. Ang mga
nakakakilala sa Prayle ay halos hindi rin makapaniwala na ang Paring may magaspang na
ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong kalambot na damdamin ng
Pari. Tumindig si Pari Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe at
umiyak na parang batang ibunulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng
lahat na talagang mahal na mahal ng Pari ang inaanak na si Maria.
Nang kumalma na ang damdamin ng Pari, ipinakilala ni Donya Victorina si
Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si
Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si
Linares ay nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali
niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado
sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin
nila si Tiyago.
Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang
batiin ni Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang
kapatid. Nagdrama ng husto si Lucas, pilit na nagpapatulo siya ng luha nang isalaysay
niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan lamang ng P500.00 para sa
pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagalit ang Pari sa kadramahan ni Lucas, kaya
pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya’t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na
bumubulong-bulong si Lucas.

Buod ng
Kabanata 44-Pagsusuri ng Budhi
Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay
walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang
inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay
walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng
tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng
pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni
Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna
pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina Padre
Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa
parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito
ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng
dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya
naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil
tuluyan itong gumaling. Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang
nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman
siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng
malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na
gamuting ng kanyang kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala
namang naisago ang Pari kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si Kapitan
Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang
beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria
Clara at ininom nga nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil
lamang niya ang pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi.
Nalaman ni Maria kay Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging
ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman
si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban
nito tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria
Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa
sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba
inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre
Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang mga Pinag-uusig.


Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng
anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni
Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama.
Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay.
Sinubukang kumbinsihin ni Elias si Kapitan Pablo na maisama ito sa mga lupain ng katutubo.
Sinabi Niya Na Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng mapayapa ang matanda
at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan naman ito ng matanda at matiim
itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng
mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng katarungan ang kaawa-
awang sinapit ng kanyang pamilya.
Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang
alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga. Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-
imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman diumano
ng nakawan sa kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man
napatunayan ang nasabing nakawan, hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng pagpapahirap sa
kamay ng mga awtoridad. Hindi tinugon ni Kapitan Pablo ang mga sigaw ng pagtawag ng
kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa
mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi man lamang naparusahan kundi inilipat lamang
ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Sa
kasamaang palad, may isang pagkakataon na hindi nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't
hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling
buhay.
Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang
sinapit ng kanyang mga anak. Lulusob sila sa bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga
kapus-palad na pinag-uusig ng pamahalaan. Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't
ang simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit
sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito.
Ayon kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng
sinapit. Si Elias ay bata pa at walang namatay na mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias
na walang madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti.
Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra.
Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa
kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa
Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-ayon naman ang matanda at malalaman
niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw.
Ang mga tauhan ng Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang maipag-bigay alam sa
matanda ang sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon ng katarungan ang
kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na sasama sa kanilang layunin.”

Buod ng
Kabanata 46 -Ang Sabungan

Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga


Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga
bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang
taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang
bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda
ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at
mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at
bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap.
Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga sultada. Ito ang pwesto
ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. Ng araw na
iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at
Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok,
samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong
at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay nagkasundo sa
pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat
nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa
sabong na llamado ang puti at dehado ang pula. Naiinggit naman ang magkapatid na
Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Lumapit sila kay Lucas
upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit nagbigay naman ang huli ng
kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay
makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon
din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't
ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. Noong una ay hindi
pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan
Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni
Lucas ng salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin
nakatiis ang magkapatid sa tawag ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga
oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Lumapit sila
kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli
na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap
sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging
abala na ang lahat sa labanan.

Buod ng
Kabanata 47 - Ang Dalawang Senyora
Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at
Don Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa
maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi
pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa sa
tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya Consolacion.
Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang maybahay nang
alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya
Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang
ang huli naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang
Donya. Hindi na rin pinaligstas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon,
dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit hindi naman
nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang kanilang mga asawa.
Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay sadyang
nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang dalawa. Sinagot naman ng
alperes ang kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Si Victorina
naman ay inutusan ang kanyang asawa na hamunin ang alperes ng barilan, na
tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil dito ay nahablot na naman ang kanyang
pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tyago ang mag-asawa.
Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan nito.
Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito na hamunin ang
alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi
naman malaman ni Linares ang kanyang gagawin. Habang humihingi ng
paumanhin ang binata sa Donya ay siya namang dumating ang Kapitan.
Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal tungkol sa nangyari. Inipit din nito
si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng binata ay marapat
lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara sa
isang duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula sa
Donya. Madilim na ng umalis ang mag-asawang Tiburcio at Donya Victorina, dala
ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tyago sa panggagamot ni
Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi matahimik sa gipit nitong
sitwasyon

Buod ng
Kabanata 48 - Ang Talinghaga

Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan


Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at
ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat
magiliw siya kay Ibarra. Nabigla naman ang binata ng siya ay mapunta sa balkon.
Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing paanan nito na nag-aayos
ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara naman ay namutla, at sinikap
mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang
dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria Clara ang
pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na
dadalaw itong muli kinabukasan. Umalis si Ibarra na may kaguluhan ang isip at
damdamin. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa ipinapagawang paaralan.
Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat ipangamba
sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan. Sinagot naman siya ni Nol Juan na
ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga para sa kanila, sapagkat lahat sila ay
mga excomulgado rin. Namataan ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa
kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata.
Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero.
Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang mapag-usapan ang isang
napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Ibarra. Dumating naman si Nol
Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ni Elias.

KABANATA 49
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na
humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan,
nakasalubong niya ang Alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang
makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias
na di siya matatandaan ng Alperes. Saglit na napabuntong-hininga si Ibarra sapagkat biglang
pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng
mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (si Kapitan
Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga
sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa Gobyerno na katulad
ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng
katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng Gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan
sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang
taglay ng mga Sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang
pantao.

Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang


makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa
pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit
lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga
bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang
masasamang kailangan.
Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala sa tinatawag
na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng
masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala,
kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t
kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting
manggagamot, anya ay sinusuri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga
palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga Sibil na sa pagnanais daw na
masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na
paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang Guwardiya Sibil ay malalagay naman sa panganib
ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga Sibil,
ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga Sibil ay walang naidudulot
na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na
marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang
kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas
na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang Guardia Sibil nanunulisan ang mga tao dahil sa
matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng
bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa
korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa
mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng
mga may-kapangyarihan.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi
napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya
kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga
bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala

KABANATA 50

Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na
lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog
at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat.
Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na
haliparot,delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng
ina. Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta sa
ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang
kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay
siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos
na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at
namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat
nagtataglay nga ito ng magandang ugali.
Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan
hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat.
Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang
matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito
ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng
babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya
sa babae. Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng
pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang
lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama.
Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang
magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga
Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang
magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang
nuno kaya’t umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda ang
kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang
nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan.
Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang
nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan
nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-
aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay
naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal
sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t sukat.Lumipas ang anim na
buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa
baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay
nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na
hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias. Nagpalitan pa ng iba’t-ibang
pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo
sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala
siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa
sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang
makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na
at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni
Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa
kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras
ng pakikibaka sa mga Kastila.
KABANATA 51: MGA PAGBABAGO
Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay
Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:
Mahal kong pinsan,
Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes. Sakaling
natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nahaharap ay, ipababatid ko kay kapitan
Tiyago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama si
Heneral Martinez sa anumang kasiyahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria)
at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin mo
lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan.
Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso,
VICTORINA DE LOS REYES ESPADANA Sampaloc, Lunes ika-7 ng gabi
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit
sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang ginawang pakikinig sa mga kabulaanang ginawa ng donya. Masayang
ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis niya sa
excomunicado kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring ang binata ay kalugod lugod ngunit
may kapusukan ng kaunti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Padre
Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya
ang padre. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.
Sa bahaging iyon ng usapan ng padre at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya
Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Padre Salvi ay buong lugod
na kumamay kay Ibarra lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria.
Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto
niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagtagal, nagpaalam na si Ibarra.
KABANATA 52
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin . Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag
na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na
kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga
anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sila ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto
sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na
namamaybay sa bakod.
Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila . Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na
sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng
kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na "Mabuhay Don
Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay
sa sulok ng pintuan.

Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa,
sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung
sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay . Pumasok sila sa
loob ng libingan at sa ibabaw ng punto ay umupong magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa
dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat
sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi
kumikibo hanggang sa nilamon siya ng kadiliman.

Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang
tungkol kay Elias sapagkat sinumang makapagpalabas sakanya ay hindi mapapalo sa loob ng
tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan
papunta si Lucas Upang magpamisa, sabi niya sa 2 sibil. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes
walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya
sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang
bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang.

You might also like