You are on page 1of 6

CASIMIRO A. YNARES SR.

MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL


Taytay, Rizal
SY 2021-2022
Learning Activity Sheet (LAS) SA FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN (Q4)

UNANG LINGGO
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at
kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng
Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng
kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang
tinanggap ni Rizal.

Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.


Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas
niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring
kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga
kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa
mga kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na
liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa
isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong
ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng
bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng
umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa
kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may
kaunting karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

  Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang
Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa
libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor
Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang
tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama
sa Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na
naipadala kay Jose Maria Basa:

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila
ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako…
Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid
at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa
iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”
 
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya
ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,
Burgos at Zamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang
nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na
problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang
mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan
sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Karagdagang Impormasyon:
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng Kasakiman  ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag
na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.  Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang
sinusulat ito at,  tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina
sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz.
Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang
maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay
na kalayaan at karapatan ng bayan.
TALAMBUHAY NI DR JOSE RIZAL

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang
Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring
magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya,
ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts),
at pag-eeskrima.

May palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales
Alonso Realonda y Quintos.
Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang
Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-
asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang
kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).

Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod
sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco
ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.

Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan,
Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa
isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.

Kabataan

Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan.
Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina
Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.

Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang
siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya
nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)

Edukasyon

Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento
("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan,
Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts
noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka.
Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor
noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang ay hindi
siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang
mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-
aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884,
sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya
na may markang ekselente.

Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr.
Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang
ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong
patolohistang si Rudolf Virchow.
Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na siglo dahil sa mga tala tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay
sa tala-arawan niya mismo nanggaling), kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't
ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa kultura ng
Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon, Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging
bahagi ng kaniyang buhay.
Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na kumukunekta sa ibang mga Pilipino na nagnanais ng reporma.
Isinulat din niya ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not / The Social Cancer), isang aklat tungkol sa madilim na aspeto ng
kolonyal na paghahari ng Espanya sa Pilipinas, partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro ay ipinagbawal sa
Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa nobelang ito, naging tudlaan siya ng pulisya dahilan upang ang kanyang
pagbabalik sa Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.

Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya ang kanyang sumunod na nobela, ang  El Filibusterismo (Ang
Paghahari ng Kasakiman) noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo sa La Solidaridad, isang pahayagan na nakahanay sa layunin ng
Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod ni Rizal ay hindi kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay na
pagtrato sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol at representasyon para sa Pilipinas sa korte ng Espanya.

Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan siya ng bansa para sa pagbabago. Kahit na itinatag niya ang  La
Liga Filipina, suportado ni Rizal ang di-marahas na aksyon.  Ngunit hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga Espanyol na isa siyang malaking banta
dahilan upang ipinatapon siya sa Dapitan, sa isla ng Mindanao.

Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta sa Cuba bilang isang hukbong doktor. Ang kanyang kahilingan ay naaprubahan, ngunit noong Agosto
1896, ang Katipunan, isang nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni Andres Bonifacio, ay nagrebolusyon. Bagaman wala siyang kaugnayan
sa grupo, at hindi niya aprubado ang marahas na pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong.

Matapos ang isang paglilitis, si Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng  firing squad. Isinagawa ang
pampublikong pagpatay kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, noong siya ay 35 taong gulang. Ang kanyang kamatayan ay nagbunsod
ng higit pang mga pagsalungat sa mga panuntunan ng Espanya at naging hakbang upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga
Espanyol noong 1898.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto (Online): Panoorin ang isang video presentation ng kaligirang pangkasaysayan at buod ng El Filibusterismo mula sa isang youtube link
https://www.youtube.com/watch?v=xWvbMCORRto

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit mahalagang matutuhan muna ang kaligirang pangkasaysayan ng isang akda?
2. Paano nakatulong ang kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pagkaunawa sa nobela?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Panuto: Gumawa ng timeline ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo gamit ang grapikong presentasyon.
Gawin ito sa iyong sagutang papel

PAGTATAYA Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat sa sagutang papel.
1. Ang El Filibusterismo ay __________ nobela ni Rizal. A. unang B. ikalawang C. ikatlong D. ikaapat na

2. Anong pangyayari ang tumatak sa isip ni Rizal na naging inspirasyon niya sa pagsulat ng nobelang El Filibusterismo? A. pagbitay sa
Gomburza B. pag-agaw ng kanilang lupain C. sapilitang paggawa ng mga Pilipino D. pananakot ng mga Espanyol

3. Ang mga sumusunod ay mga isyung inilantad ni Rizal sa nobelang El Filibusterismo maliban sa: A. reporma sa edukasyon B. katiwalaan
ng namamahala sa gobyerno C. pang-aabuso ng mga paring Espanyol D. pagtulong ng mga mayayaman sa mahihirap
4. Iniingatan ni Rizal na huwag mapasakamay ng mga ________ ang kanyang aklat. A. Filipino B. Espanyol C. Intsik D. Hapones

5. Isinulat ni Rizal ang El Filibusterismo hindi upang mabasa ng mga Espanyol kundi ______________ A. upang mabasa ng mga Filipino B.
upang mabasa ng mga kaaway C. upang maipagyabang sa mga kaibigan D. upang kumita ng malaking halaga

6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng paglalahad ni Rizal ng mga pangyayari sa nobela? A. satirikong paglalarawan B. karikaturang
mga tauhan C. may limitadong katatawanan D. lahat ng nabanggit

7. Nagsimula ang nobela sa paglalakbay ng isang ________ A. bangka B. tren C. bapor D. karwahe

8. Siya ang pangunahing tauhan ng nobela na higit na mapusok at may mapaghiganteng layunin. A. Crisostomo B. Gobernador Heneral C.
Simoun D. Kabesang Tales

9. Nagtapos ang nobela sa ___________________ A. pagtatapon ng bangkay ni Simoun sa dagat B. paghuhukay ng kayamanan sa gubat
C. pagtatapon ng kayamanan sa dagat D. wala sa mga nabanggit

10. Ang dalawang nobela ay naging inspirasyon ni _____________ at ng iba pang rebolusyonaryo sa kanilang ipinaglalaban. A. Emilio
Aguinaldo B. Andres Bonifacio C. Jose Rizal D. wala sa nabanggit

FILIPINO 10 KWARTER 4

IKALAWANG LINGGO

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Basahin ang mga kabanata 4, 7, 8, 10, at 30 ng El Filibusterismo.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 :
Panuto: Ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipan namayani sa akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
KAISIPAN SARILING PANINIWALA AT PAGPAPAHALAGA
Kabanata 4: Kabesang Tales Ang pagdadala ni Kabesang Tales ng
mga armas tulad ng baril, gulok, at palakol upang bantayan ang
kaniyang lupain.
Kabanata 7: Si Simoun Ang pag-amin ni Simoun sa tunay niyang
pagkatao
Kabanata 8: Maligayang Pasko Ang paniniwala ni Huli sa himala
Kabanata
10: Kayamanan at Karalitaan Ang pakikipanuluyan si Simoun kina
Kabesang Tales Kabanata
30: Si Huli Ang paghingi ng tulong ni Huli kay Padre Camorra na
nagbunga ng kaniyang kasawian

Gawain sa Pagkatuto 3 Panuto: Suriin kung ang mga kaisipan o pahayag sa bawat bilang ay may kaugnayan sa :
A. kabuluhan ng edukasyon B. pamamalakad sa pamahalaan C. pagmamahal sa Diyos D. pagmamahal sa bayan E. pagmamahal sa kapwa-tao
F. pagmamahal sa pamilya G. karapatang pantao
1. Nang mapaunlad ni Kabesang Tales ang bukid ay agad itong inangkin ng mga prayle ay siya’y pinagbuwis.
2. Ayon kay Simoun”Walang mang-aalipin kung walang paaalipin”
3. Binanggit din ni Simoun na “Hindi kailanman maaaring maging wikang panlahat ang Kastila”
4. Nagtungo ni Huli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre Camorra na makalaya si Basilio.
5. Tumalon si Huli mula sa bintana ng kumbento.
6. Pagkagising ni Huli ay agad na tinungo ang Mahal na Birhen upang alamin kung may dalawang daan at limampung piso ang ilalim nito.
7. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi si Tata Selo.
8. Mamamasukan si Huli kay Hermana Penchang upang matubos ang kaniyang ama.
9. Si Tata Selo ang dinakip ng mga guwardiya sibil nang hindi naabutan si Kabesang Tales.
10. Nagbibitbit ng mga armas si Kabesang Tales habang nagbabantay sa kanyang bukid

IKATLONG LINGGO
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1 BASAHIN ANG MGA SUMUSUNOD NA KABANATA Kabanata 4: Kabesang Tales Kabanata 13: Ang Klase
sa Pisika Kabanata 18: Mga Kadayaan Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino Kabanata 39: Ang Wakas

Kabanata 4:Kabesang Tales Mabuti, mapayapa, at masipag na anak ni Tata Selo si Telesforo Juan De Dios. Tinawag siyang Kabesang Tales,
sapagkat siya ang nangunang umunlad sa kanilang lugar dahil sa kaniyang kasipagan at kagandahang-asal. Siya ang nangolekta ng buwis sa
kanilang barangay at kung hindi makabayad ang ilan ay kaniyang inaabonohan. Matapos niyang hawanin, linangin, at mapaunlad ang bahgai ng
madawag na kagubatan ay inangkin ng mga prayle ang lupaing pinaunlad niya. Dahil taong mapagtimpi si Kabesang Tales ay pumayag na lamang
siyang buwisan sa mga ganid na prayle ang sariling lupang dugo at buhay ng kaniyang pamilya ang ipinuhunan. Hindi nakontento ang mga prayle
sa paniniil kay Kabesang Tales sapagkat taon-taon nilang tinataasan ang buwis kaya humantong sa hangganan ang kaniyang pagtitimpi. Kahit siya
ay mangmang at kulang sa kaalaman sa batas ay lumaban siya bitbit ang pananalig na may katarungan subalit mailap ito sa kaniya. Ang
pakikipaglaban ni Kabesang Tales sa mga prayle ay parang palayok na bumangga sa kaldero; langgam na kumakagat kahit siya ay titirisin lamang.
Natalo siya sa usapin at dahil sa kaniyang paglaban ay ibinigay ng korporasyon sa iba ang pinaghirapang niyang sakahan. Dahil sa pait at
kawalang-katarungang naranasan ay idinaan na lamang ni Kabesang Tales sa sarili niyang mga kamay.

Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika Maluwag at parihaba ang sukat ng silid sa Pisika. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa
magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos
batay sa titik ng kanilang apelyido. Walang anumang palamuti ang silid, may mga kagamitan sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan sa isang
aparador na nakakandado at nabubuksan lamang kung may dumarating na panauhin ngunit hindi nahahawakan o nagagamit ng mga mag-aaral
ang mga ito. Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Nakatuon lamang sa kung ano ang nilalaman ng
aklat ang talakayan. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan
na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido. Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at
tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari.
Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.
Kabanata 18: Ang Kadayaan Bago magsimula ang pagtatanghal ni Mr. Leeds, siniyasat munang mabuti ni Ben Zayb ang buong bulwagan at pilit na
hinahanap ang salamin na karaniwang ginagamit sa kadayaan. Dito’y tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at
makapal na buhok na nagpakilalang si Imuthis. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng tulong. Sinabi ng
espinghe na siya’y umibig sa isang dalaga na anak ng pari na kasinlinis ng liwanag. Inibig in ang dalagang ito ng isang batang pari na gumawa ng
kaguluhan at ang idiniin ay si Imuthis. Tinugis siya sa lawa ng Moeris, napatay siya at sa kabilang buhay nakita niya ang paghahalay ng pari sa
isang Abydos. Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi at ang ilang mga babae.
KABANATA 27 – Ang Prayle at Ang Pilipino Karamihan sa mga mag-aaral ay pinupulaan at tumututol sa paraan ng pagtuturo ng mga prayle ngunit
ni isa ay walang lakas na makapagsalita sa takot na maparatangan na Pilibustrero. Si Isagani ay kinagigiliwan ni Padre Fernandez, isang
katedratiko dahil sa tatas ng paninidigan ng binata sa kaniyang pananalita. Kaya inanyayahan niya ang binata at binigyang laya na maipahayag ang
kaisipan at damdamin ng tulad niyang mga mag-aaral. Buong tapang na ipinahayag ni Isagani kay Padre Fernandez na tanging hiling ng mga mag-
aaral na tumupad ang mga guro sa kanilang tungkulin tulad ng bigyan ng makabagong kaalaman ang mga mag-aaral at pasiglahim ang kanilang
kawilihan sa pag-aaral Sinabi rin ni Isagani na nanatiling mangmang ang mga Pilipino dahil sa sabwatan ng pamahalaan at mga prayle. Ang
paniniwala ng mga prayle na ang karunungan ay ipinagkakaloob sa mga karapat-dapat lamang, sa mga may puso at marunong mag-alaga ng
karangalan. Sa huli’y hinamon ni Isagani si Padre Fernandez na sila’y magbago para ang mga mag-aaral ay magbago rin.
Kabanata 39: Ang Wakas Si Padre Florentino na isang Indiyo ang nakitaan ni Simoun na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang isang tunay na
alagad ng Diyos. Pinili ni Simoun na magtungo sa bahay ni Padre Florentino matapos na siya ay mabigo na pabagsakin ang pamahalaan. Buong
puso naman siyang tinanggap ng pari at ginamot ang kaniyang sugat. Nakatakip ng panyong puti sa bibig ay matimyas na nakikinig ang pari sa
pagtatapat ni Simoun ng kaniyang tunay na pagkatao na siya si Crisostomo Ibarra at isiniwalat rin niya ang kanyang mga balakin na mapabagsak
ang pamahalaan. “ Ang kadakilaan ng pagliligtas sa isang bayan ay hindi maipagkaloob sa isang nakatulong na sa kanyang pagguho. Ang poot ay
walang nililikha kundi mga panakot; ang krimen ay mga salarin ang nilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang
katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapakasakit, ang pagpapakasakit ay pag-ibig.” Ito ang paliwanag ng pari kung bakit di ipinagkaloob
ng Diyos na magtagumpay si Simoun sa kaniyang layon sa bayan at sa pamahalaan. Natuklasan ng pari na uminom ng lason si Simoun sapagkat
mas nanaisin pa raw ng binata na mamatay kaysa mahuli ng buhay. Sa huli’y kinuha ni Padre Florentino ang dala-dalang yaman ni Simoun at
inihagis sa karagatan ang mga takba ng brilyante at alahas ng binata

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2


Panuto: Batay sa binasang mga kabanata ng El Filibusterismo, tukuyin ang iba’t ibang tunggalian na naganap sa nobela. Isulat sa loob ng tatsulok
ang kabanata at pangyayari na may kaugnayan dito. Isulat ang sagot sa papel.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3

Panuto: Gumawa ng poster na naglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan na nagpapatunay na naging matagumpay ang ipinaglalaban
na pagbabago at kalayaan ng mga tauhan ng El Filibusterismo.

IKAAPAT NA LINGGO

GAWAIN SA PAHKATUTO BILANG 1:


Panuto basahin ang mga kabanata: Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Estudyante Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Kabanata 22: Ang Palabas Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino Kabanata 35: Ang Piging Kabanata 37: Ang Hiwaga
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?


2. Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga nangyayari sa kaniyang bayan?
3. Magbigay ng sariling saloobin o damdamin batay sa larawan.

GAWAIN BILANG 3:
Panuto: Ipahayag ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga sa mga kaisipan gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa paghahayag ng
saloobin/ damdamin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ayon kay Isagani hindi sila bumibili ng alahas dahil hindi nila ito kailangan.
______________________________________________________________________________ _____________________________________
2. Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na lamang manahimik upang hindi masangkot sa gulo.
______________________________________________________________________________________________________________________
3.Ninais ni Basilio na iligtas ang mga dumalo sa handaan ngunit hinarang siya na makapasok dahil marumi ang kaniyang kasuotan.
______________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4:


Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga piling matatalinghagang pahayag na mula sa pinanood/napakinggang kabanata. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1.“Kung ang mga kabataan natin ay hindi matututo ng Latin, hayaan natin silang matuto man lang ng Kastila…”
______________________________________________________________________________________________________________________
2.“Ang tagumpay ay di nagbibigay ng kapanatagan ng isipan.”
______________________________________________________________________________________________________________________
3.“Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapat pagkalooban.”
______________________________________________________________________________________________________________________
4.“Kailanma’y masamang kumuha ng pag-aari ng iba.”
______________________________________________________________________________________________________________________
5.“Ang tubig ay magiging singaw kapag ito’y inapuyan. Ito’y magiging delubyo kung ang lahat ng maliliit at hiwa-hiwalay na ilog ay nagsama-samang
bumuhos dahilan sa udyok ng kasawian sa banging hinuhukay ng tao.
______________________________________________________________________________________________________________________

Paglalapat : Panuto: Sumulat ng liham sa isa sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan na nagpapahayag ng iyong saloobin o damdamin
kaugnay ng pandemya. Isulat ang liham sa puting papel. Gabay sa Pagsulat:
A. Pormal ang anyo ng liham
B. Nagtataglay ng sumusunod na bahagi ng liham: 1. Petsa 2. Patunguhan 3. Bating Panimula 4. Katawan ng liham 5. Pamitagang Pangwakas 6.
Pangalan at Lagda
C. Gumamit ng mga angkop na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin
D. May himig ng paggalang

INIHANDA NG MGA GURO SA FILIPINO 10

You might also like