You are on page 1of 3

Christian Jay M. Mendinueta Prof. N.

Cabanilla

BSCS 4-2

Assignment

Instruction: Pumili lamang ng tatlong kaganapan sa mga panahong iyan na para po sa inyo ay naging
mahalaga para kay Dr. Rizal o di kaya’y sa mga Pilipino. Ipaliwanag ang inyong mga kasagutan.

1. 1872
• Noong Pebrero 17 ng taong ito nangyari ang pagpatay sa tatlong paring martir na
sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, mas kilala sa tawag na
GOMBURZA. Sila ay pinatay sa Bagumbayan kung saan pinatay rin si Jose Rizal ilang
taon ang makalipas. Sila ay nahatulan ng kamatayan dahil sa paratang na nagpasimula ng
Cavite mutiny. Ang kanilang kamatayan ay nakaepekto sa maraming Pilipino at kay Jose
Rizal.

Noong Enero 20 — isang buwan bago ang pagpatay sa GOMBURZA, higit sa


dalawang daang pilipinong trabahador sa arsenal ng Cavite ang nag-alsa laban sa
pagbabawal ng Espanya na sila ay bigyan ng eksempsyon mula sa pagbabayad ng buwis.
Ang pag-aalsang ito ang nagging dahilan upang usigin ang mga paring secular na sina
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, dahil sila ang pinaghihilaang utak nito.
Ang pagiging martir ng tatlong paring ito ang nagbigay ng unang lagablab upang mabuhay
ang rebulosyunaryong Pilipino. Sila rin ang nagging dahilan upang isulat ni Jose Rizal ang
El Filibusterismo, na siya namang mas bumuhay pa sa damdaming rebolusyonaryo ng
mga Pilipino.

Kung ating pang mas mapag-aaralan ang kanilang buhay at naging karanasan,
siguro ay mas maiintindihan natin kung bakit nila tinanggap ang naging kaparusahan sa
kanila. Mas maiintindihan rin ng ilan kung bakit sila isa sa mga naging daan upang
makamit natin ang kalayaan mula sa espanya. Kung di dahil sa kanilang sakripsyo siguro
ay mas mahaba pa ang naging taon na tayo ay sakop ng Espanya. Kaya may naging
malaking parte sa kasaysayan ang kanila sakripisyo para sa bayan.
2. 1887
• Sa Taong ito nailathala ang Noli Me Tangere. Bumalik sa inang bayan si Jose Rizal.
Nagsanay si Jose Rizal ng medisina sa Calamba. Naimbitahan si Rizal sa malacanang
upang magpaliwanag tungkol sa Noli.
Christian Jay M. Mendinueta Prof. N. Cabanilla

BSCS 4-2

Marso 21 ng taon na ito inilathala ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere sa Berlin, ang
nobela ito ay patungkol sa mga hindi patas na pagtrato ng batas ng Espanya sa mga
naninirahan sa Pilipinas at ang kapangyarihan ng mga prayle sa bansa. Ilang buwan ang
lumipas — Agosto 5, si Dr. Jose Rizal ay bumalik ng bansa at sa Calamba ay nagsanay ng
medisina. Ang kaniyang nobela na Noli ay nakarating sa mga nakatataas kaya’t ng
dumating ang Agosto 29, siya ay naimbitahan na pupmunta sa Malacañang upang
ipaliwanag ang kaniyang nobela.

Kung hindi isinulat ni Jose Rizal ang kilalang nobela na Noli Me Tangere ay
marahil maraming Pilipino, hindi lang sa Pilipinas bagkus ay sa buong mundo ang hindi
mamumulat sa mga nangyayari sa inang bayan. Kung hindi rin bumalik sa bansa si Rizal,
ay hindi mapapamahal ang mga taga Calamba sa kaniya, na kung saan ang mga magsasaka
dito ay natutong timindig para sa kanilang Karapatan. Napili ko ito dahil sa kalakasan ng
loob ni Rizal na sumulat laban sa hindi patas na trato, at sa tapang na pagbalik sa bansa
matapos isulat ang nobelang nito. Hindi nanaig ang ito kay Rizal sa mga taong ito.
3. 1891
• Sa taong ito naman nailathala ang ikalawang sikat na nobela ni Rizal, ang El
Filibusterismo. Dito rin ay nagbukas si Dr. Jose Rizal ng isang pagamutan para sa mata sa
Hong Kong. Kung saan sumunod rin ang kaniyang pamilya sa bansa. Naparusahan rin sa
taong ito kaninyang ina na si Teodora Alonso.

Tulad sa aking unang nabanggit, inilathala ni Rizal ang El Filibusterismo bilang


parangal sa naging sakripisyo ng tatlong paring secular na GOMBURZA. Ang pagbubukas
ni Rizal ng klinika para sa mata ang nagbigay daan para maupisahan niyang tanggalin ang
katarata sa kaliwang mata ng kaniyang ina, at tinapos naman niyang tanggalin ang sa
kanan ng sila ay bumalik sa Pilipinas. Ngunit bago ito, sunod sunod na dumating ang
pamilya ni Rizal sa Hong Kong, una ay ang kaniyang Ama na si Paciano at ang bayaw
niyang si Slivestre Ubaldo, pasko naman nung dumating ang kaniyang mga kapatid na
sina Lucia, Josefa, at Trinidad kasama ang kanilang Ina na si Teodora. Ngunit bago
magtungo ang pamilya sa Hong Kong ay naparusahanan sa Pilipinas ang kanilang Ina sa
kadahilanang hindi paggamit ng ngalan na Teodora Realonda de Rizal, kung saan siya ay
pinaglakad mula Manila hanggang Santa Cruz, Laguna.
Christian Jay M. Mendinueta Prof. N. Cabanilla

BSCS 4-2

Dito sa taong ito sa aking palagay lubos na nararamdaman, hindi lang ni Jose Rizal
bagkus ng kaniyang buong pamilya ang parusa dahil sa mga ginagawang paglaban nii
Rizal sa Espanya gamit ang kaniyang talento sa pagsulat. Kahiti na ano ang gawin ng
kastila sa kanilang pamilya ay lumalaban pa rin sila para sa tama. Mapapansin rin na tin
na walang pakialam ang mga kastila kung ano ang antas at edad ng kanilang
pinaparusahan. Sa aking palagay, ang taong ito ang higit na tumulak kay Rizal upang mas
tumindiga pa laban sa Espanya.

You might also like