You are on page 1of 5

GE 10 ED

(1180)
PANANALIKSIK SA
BUHAY NI RIZAL

MANLAPAZ, MICHELLE A
STUDENT

GABATA, ANTONIO JR
TEACHER

PANANALIKSIK 1
INTRODUKSYON
Ang bansang pilipinas ay masasabing isang bansang napakayaman na kasaysayan.
Binubuo ito ng ibat ibang pangyayari na nagbibigay kulay sa kuwento ng nakaraan. Marami
tayong kapwa Pilipino na ipinaglaban ang ating bansang pilipinas. Sila ang mga taong itinuturing
na bayani. Isa na rito ang ating bayaning si Jose Rizal.

LAYUNIN
 Naipapabatid ang mga mahahalagang nangyari sa buhay ni Rizal.
 Nailalahad ang mga naging buhay ni Rizal noon.
 Naipapakita ang kahalagahan ng kaganapang nagawa ng ating bayaning si Jose Rizal.

I. PANIMULA
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”, isang
kasabihan ni Dr. Jose Rizal, na kung saan matuto tayong tumolong sa mga taong may mga
nagawang mabuti sa ating buhay, higit sa lahat, kailangan din nating mag tanaw ng utang na
loob.
Sa kabilang banda, maraming mga bayani ang pinaglaban ang ating bansang Pilipinas.
Sila ay may ibat ibang paraan sa pakikipaglaban, isa na rito ang natatanging bayani na walang
iba kundi si Dr. Jose Rizal. Isang bayani na ibinuwis ang buhay para sa bansang pilipinas.
Mayroong siyang mataas na pangarap sa bawat mamamayan, malaking tiwala sa mga kabataan at
masidhing pagmamahal sa tinubuang bayan. Gumugul siya ng mahabang panahon sa paggawa
ng mga akdang naging instrument sa pagtatanggol sa bayan. Masasabing ang buhay ni rizal ay
hindi naging madali.Ginawa niya ang lahat para sa bayan. Si Jose Rizal ay pang 7 sa lahat ng
magkakapatid. Mayroon siyang alagang Aso na ang pangalan ay si Osman. Ang kaniyang mga
kapatid ay Sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia,Lucia, Maria , Jose, Solidad at Trinidad.

PANANALIKSIK 2
II. BUOD

Pangalan: Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda


Araw ng Kapanganakan: Hunyo 19, 1861
Lugar ng kapanganakan: Calamba, Laguna
Petsa ng kamatayan: December 30, 1896
Ama: Francisco Engracio Rizal Mercado Y Alejandro
Ina: Teodora Morales Alonso Realonda Y Quintos

ANG BUHAY NI RIZAL


Ang pinagmulan ng angkan ng kanilang ama, ito ay anak ng isang negosyanteng intsik na
ang pangalan ay si Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang intsik na nag
pangalan ay Ines dela rosa. Dahil sa apelyido sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-
uutos ni Gobyernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mag pangalang Pilipino noon 1849,
ang lam-co ay pinalitan ng apelyidong kastila at pinili nila ang mercado na, nababagay sa kaniya
bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Merkado ay palengke, ang pamilyang lam-co ay
kilalang nangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna.
 Noong 1864, Siya ay tatlong taong gulang tinuruan siya ng kaniyang ina ng abakada,
napansin ng ina si rizal na nagtataglay ng kakaibang talion at kaalaman.
 Nang siya ay nasa siya na taong gulang, si jose ay ipinaadala sa biñan at nag-aarsl sa
ilalim ng ppamamahala ni padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang
buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay
naituro na niya kay Rizal.
 Noong ika 20 ng Enero, 1872 si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya
ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing
medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang
katibayang Bachiller en Artes at notang Sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na
karangalan.
 Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo tomas ay nag aaral siya ng Filesofia Y
Letras t agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila, kumuha rin siya ng
panggagamot sa naturang Pamantasan. Di pa siya nasiyahan, nagtungo siya sa Europa
noong ika-5 ng Mayo 1882 upang doon ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

PANANALIKSIK 3
 Nagpatuloy siya ng pag-aaral ng Medicina at filosofia Y Letras sa Madrid, España at
tinapos ang kurso noong 1884 at 1885.
 Noong 1884, si Rizal ay nagsisimulang mag aral ng Ingles; nag-aral din siya ng Aleman
at italyano, dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t-ibang bansa sa Europa.
 Noong nagtatapos ang 1884, isinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tanggere sa
madrid. Sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at sa isa pang bahagi ay sa alemanya.
Inilimbag ito sa Berlin.
 Noong Marso, 1887 Lumabas ang 2000 sipi. Dr. Maximo Viola na tagasan Miguel,
Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.
 Noong 1891, Ang sumusunod na aklat sa NoLi Me Tangere ay ang El Filibusterismo na
ipinalimbag sa Gante, Belhika. Itinatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina
noong ika-3 ng hulyo 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning
magkaroon ng pagpapabago sa paglakad ng pamahalaan sa pilipinas sa pamamagitan ng
mapayapang pamaraan at di sa paghihimagsik.
 Noong ika-5 ng Agosto 1887, siya aay nagbalik sa pilipinas. Ngunit noong pebrero 3,
1888, siya aymuling umalis sapangkat umiibig siya sag alit ng maga kastila dahil sa
pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa maynila noong ika 26 ng hunyo,
1892.
 Noong hunyo 7, 1892, Alinsunod sa Kautusan ng kapitan-heneral Despujol, si Rizal ay
ipinatapon sa Dapitan. Isang maliit na bayan ng hilagang kanluran sa Mindanao, dahil sa
bintang may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa dapitan,
nagtayo si rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na
kaniyang tinuturuan. Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng españa at cuba.

III. PAGTALAKAY SA KAUGALIAN AT PANINIWALA NI RIZAL

Ang unang kaugalian ni Dr. Jose Rizal ay ang pagiging matapang na tao dahil hindi siya
takot isulat ang mga nobelang naglalayong ipakita ang kasaman ng mga Espanyol, at isinulat
niya ito sa wika ng mga dayuhang mananakop. Nang dahil sa katapapangan taglay, naging
hakbang naman iyon tungo sa kanyang kamatayan.

Ikalawa, Si Rizal ay mapagmahal sa bansa. Ginawa niya nag lahat para sa pilipinas. Tiniis
ang mga paghihirap na dinanas, maipaglaban lang ang inang bayan. Nagsakripisyo ng kapanakan
ng pamilya niya at maging ang kanyang buhay para sa kapwa Pilipino.

Ikatlo, si rizal ay matatag, sa dami ng kaniyang mga pagsubok na dinanas. Siya man ay
pinakulong , sinaktan, pinahirapan at inilayo sa pamilya, hindi ito naging hadlang sa kaniyang
paglaban laban sa mga kastila. Kasama sa katangian ni rizal ang kaniyang mga paniniwala. Si
Dr. Jose Rizal ay naniniwala sa kapangyarihaan ng bayan bilang mga taong kayang mag isip para
sa kanilang sarili sa pamamagitan ng edukasyon. Rizal ay naniniwala na may kabutihan ng puso
at pagmamahal sa bayan. Isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere hindi lamang upang ipakita ang
PANANALIKSIK 4
kalupitan ng Espanya kundi nagging kasulatan ito ng nasyonalismo ng mga Pilipino. Gusto
niyang ipakita na may mal isa ating bansa noong kaniyang panahon hindi lamang sa mga pang
aabuso ng mga Espanyol kundi pati na rin sa mga pagkukulang ng kapwa nyang Pilipino.

IV. KONLUSYON
Ang kaugalian ng ating bayaning si Jose Rizal ay matapang na tao, mapagmahal sa bansa
at matatag. Naniniwala siyang makapangyarihan ang bayan kapag mataas anng kaalaman sa
pamamagitan ng edukasyon at dapat may kabutihan ang puso at pagmamahal sa bayan.
Nauugnay ang kaugalian ni Jose Rizal sa mga kabataang Rizalista, makadiyos, makatao at
Makabayan. Siya ay marunong makisama sa mga tao at ang pagtatanggol sa bayan.

v. REKOMENDASYON
Tunay ngang may mabuting hangarin ang ating bayani, mapanatili ang maipamahagi ang
mga mag aaral na mapupulot sa buhay at sinulat ng ating bayani.Ang pananaliksik na ito ay
makakatulong sa mga mamayan, at sa mga mag aaral na malaman nila ang tungkol sa buhay ni
rizal, at kung ano ang mga kaugalian at paniniwala ng ating bayani. Nararapat lamang na bigyan
nating ng kahalagahan ang mga nagawa niya at ang pagtatanggol sa bayan. Sa pananaliksik na
ito, makakatulong ito sa lahat at tunay nga ng tayong mga Pilipino at hindi madaling sumuko,
tayo ay hindi basta bastang natitinag ng anumang pagsubok.

VI. SANGGUNIAN
https;//bangkanixioa..files.wordpress.com/2012/10/covar
https://owlcation.com/humanities/jose-rizal
https://www.coursehero.com/file/28399542/323836370-RIZAL-PANANALIKSIK-docxpdf/

PANANALIKSIK 5

You might also like