You are on page 1of 11

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BATSILYER NG ELEMENTARYA AT PANG-SEKUNDARYANG


EDUKASYON
(FILIPINO III, ENGLISH III, MATH III, SCIENCE III, BEED III at AB
ENG)

SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Modyul 4

KALALABASAN NG PAGKATUTO

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:


Kaalaman
1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga panitikan sa panahon ng propaganda at himagsikan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring
pampanitikan.
3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may kabuluhang panlipunan.
Kasanayan
1. Makapagkatha ng sariling akda batay sa aralin

PAUNANG PAGSUSULIT
Magbigay ng tatlong bayaning manunulat na iyong hinahangaan hindi lamang sa pagtatanggol ng bayan
maging sa pagiging manunulat nito. Magbigay ng trivia o mga bagay na hindi alam ng nakararami hinggil sa
kanila.
1._______________________________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________________________
NILALAMAN
KABANATA III

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN


(1872 – 1898)

Sulyap sa Nakaraan

Ang panahong ito ay nagsimula noong taong 1872 nang pinalitan ng isang mahigpit na Kapitan Heneral
na si Raafael de Izquierdo, ang isang mabuting puinuno, at tunay na demokratikong si Heneral Carlos Maria
de la Torre. Binaligtad ni Izquierdo ang mga ginawa ni De la Torre kaya nagkagulo. Naghimagsik ang mga kawal,
at manggagawa sa pamumuno ng isang sarhentong kawal, si La Madrid. Sa kasamaang- palad, nasupil sila
kaya sinamantala ng mga maimpluwensyang Kastila at isinangkot ang tatlong paring Pilipino sa aklasan ng
Kabite. Binitay sila sa garrote noong Pebrero 17, 1872.
Nahati sa dalawang pangkat ang mga Pilipinong nagnanais ng pagbabago. Ang unang pangkat ay
pinangunahan ni Dr. Jose Rizal na umasang makakamit ang kalayaan sa mahinahong pamamaraan. Ayon sa
pambansang bayani, di – kailangang magbuwis ng buhay ang mga Pilipino. Dapat anyang maghintay ng tamang
panahon para makamit ang kalayaan.
Kabaligtaran naman ang paniniwala ng pangkat na pinamumunuan ni Andres Bonifacio. Ayon kay
Bonifacio ay umabot na sa sukdulan ang kanilang paghihintay ng pagbabago, at panahon na para mag – alsa.
Kaya hindi na napigil sa paglusob ang mga Katipunero. Marami ang napatay sa bawat paglusob ngunit sa halip
na mawalan ng pag – asa ay lalo pang dumami ang sumapi sa samahan.
Nakilala rin sa panahong ito ang mga Pilipinong may diwang makabayan. Ang tinaguriang “Tatsulok
ng mga Propagandista” ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Graciano Lopez Jaena at iba pang mga
propagandista.
Sa biglang tingin ay tahimik at takot ang bayan sa ibayong higpit at pagbabanta ng mga kastilangunit sa
katotohanan ay ditto nagsimula ang pagpapahayag ng kanilang mapanlabangdamdamin. Nagkaroon ng bagong
kilusan sa pulitika at sa panitikan. Ang dating diwang makarelihiyon ay naging makabayan. Ang kilusang
propaganda ay naglalayon ng pagbabago. 1.panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa kortes ng
Espanya. 2. Pagkakapantaypantay ng mga Pilipino at kastila sa ilalim ng batas. 3. gawing lalawigan ng espanya
ang pilipinas. 4. Sekularisasyon ng mga parokya sa kapuluan. 5. kalayaan ng mga mamamayang Pilipino sa
pamamahayag,pananalita at pagtitipon. Upang lumaganap ang kanilang simulain at maipaabot ang kanilang
mithiin para sa bayan, ay gumawa sila ng mga hakbang gaya ng pagsanib sa masonaria, mga asosasyon laban
sa pamamalakad ng prayle

DR. JOSE RIZAL, BAYANI NG LAHING KAYUMANGGI


Si Jose Rizal ay isinilang sa Kalamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Sa kabataan pa lamang ay
kinakitaan na siya ng pambihirang talino. Sa kabuuan, siya ay isang henyo. Ang mga isinulat niya ay mga

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

batumbuhay na pambuo ng batayan ng kagitingin. Itinaya niya ang kanyang buhay sa kamatayan tulad ng isang
magiting na kawal sa larangan ng digmaan. Ilan sa mga isinulat ni Rizal ay ang mga sumusunod:

1) Kay Birheng Maria 11) Sa mga Bulaklak ng Heidelberg


2) Ang Awit ni Maria Clara 12) Dalit sa Paggawa
3) Sa Aking Mga Kababata 13) Ang Ligpit Kong Tahanan
4) Ang Sanggol na si Jesus 14) Awit ng Manlalakbay
5) Sa Kaarawan ni Ina 15) Huling Paalam
6) Sa Kabatang Pilipino
7) Ang Tanglaw ng Bayan
8) Isang Alaala sa Aking Ina
9) Sa Tabi ng Pasig
10) Sa Mahal Na Birhen

PILIPINAS sa LOOB ng SANDAANG TAON (Filipinas Dentro de Cien Anos)


Ito ay isang sanaysay na nagpapahiwatig na sa darating na panahon ay mababawasan ang interes ng
Europa sa Pilipinas at ang hangarin ng Estados Unidos ay mararamdaman. Hinulaan ni Dr. Rizal na kung
may sasakop na muli sa Pilipinas ito ay walang iba kundi ang Amerika.

TUNGKOL sa KATAMARAN ng mga PILIPINO (Sobre La Indolencia Los Filipinos)


Isang sanaysay na ipinagtatanggol ni Dr. Rizal ang sinasabing katamaran ng mga Pilipino. Ipinahayag
ni Dr. Rizal na ang mga Pilipino ay hindi likas na mapagpabaya at tamad. Ang pagiging tamad ng mga Pilipino
ay kagagawan na rin ng mga prayle at pinuno ng pamahalaan.

ANG NOLI ME TANGERE at ang EL FILIBUSTERISMO


Ito ang dalawang walang kamatayang nobela ni Dr. Rizal. Sinasabing ang nobela ay isang “buhay na
nobela”. Ang El Filibusterismo ay karugtong ng Noli. Ang NOLI ay nilimbag sa Berlin, Germany noong 1887, at
ang FILI ay sa Ghent, Belgium noong 1891. Dahil sa dalawang nobelang ito, si Dr. Rizal ay nagging kaaway ng
pamahalaang Kastila at mga prayle. Ito rin ang nagpasigla sa kilusang propaganda at siyang nagbigay – daan
sa Himagsikang Pilipino at Kastila.
Noli me tangere at El Filibusterismo- ang dalawang nobelang ito ay tuwirang naglalahad ng sakit ng
lipunan, maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan, depekto sa edukasyon sa kapuluan, paniniil ng mga
mapagsamantala at pagnanasang pakinggan ng mga maykapangyarihan ang hinaing ng bayan.
· Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos- isang sulat na bumabati sa mga kababaihang tagamalolos dahil
sa kanilang paninindigan at pagnanais matuto.
· Hingil sa Katamaran ng mga Pilipino- sanaysay na napalathala sa La Solidaridad ang pahayagan ng
kilusang propaganda.
· Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon- isa pa ring sanaysay na nailathala sa Sol. Ito’y isang pagpapauna
sa haharapin ng pilipinas
· Brindis- isang talumpati at tagayang alay sa dalawang nanalong pintor na Pilipino sa
Madrid.
· Awit ni Maria Clara- buhat sa isang kabanata ng noli. Ang tula ay pagsisiwalat ng
kaniyang damdamin tungkol sa sariling bayan.
· Mi Ultimo Adios- kahulihulihang tula ni rizal.
· Pinatula ako- tulang nilathala sa Sol. At La Independencia, inulit sa republica Filipina at sa iba pang
mga pahayagan sa Pilipinas

MARCELO H. DEL PILAR


Si Marcelo H. Del Pilar ay isinilang sa nayon sa nayon ng Kupang, San Nicolas, Bulakan noong Agosto
30,1850. Si Del Pilar ay lalong kilala sa sagisag – panulat na Plaridel. Siya ang nagtatag ng DIARIONG
TAGALOG noong 1882. Ang pahayagang ito ay naglalaman ng mga daing ng mga Pilipino laban sa maling
pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas. Siya rin ang humalili kay Graciano Lopez – Jaena sa pagka-patnugot
ng LA SOLIDARIDAD, pahayagang nagging tagapagbandila ng kilusang propaganda sa Pilipinas at Espanya.
Siya ay namatay sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 na malayo sa kaniyang mga kaanak.
Isang mananangol at mamayahag ay napatanyag sa bansag na plaridel. Itinatag niya at pinamatnugutan
ang diarong tagalog.

Ang ilan sa mga sinulat ni Del Pilar ay ang mga sumusunod:


1) CAIINGAT KAYO – sagot ni Del Pilar sa tuligsa ni Pare Jose Rodriguez tungkol sa Noli ni Dr. Rizal.
Gumamit siya ditto ng sagisag na Dolores Manapat.

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

2) KADAKILAAN NG DIYOS – sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle, subalit naglalarawan ng pagturing


ni Del Pilar sa Lumikha bilang Diyos ng Katarungan.
3) DASALAN AT TOCSOHAN – isang panunuya ni Del Pilar sa mga prayle na may kaugnayan sa
pagtuturo ng katesismo. Nalathala sa Magno, Gatmaitan noong 1888. Dahil ditto, si Del Pilar ay tinawag
na erehe at pilibustero (taong sumusuway s autos ng simbahan).
4) SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS – sagot ni Del Pliar sa tula ng kaniyang dating guro
na si Herminigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya.
-sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapalayas sa mga ito upang mawala ang mga
hadlang sa kaunlaran at kaligayahan ng pilipinas. Sagot ng Espanya sa Hibik nang Pilipinas-ito’y
naglalayong humingi ng pagbabago ngunit ipinahayag na di makapagkakaloob ng anumang tulong ang
espanya. Ang Kalayaan-bahagi ng kabanata ng aklat na nais niyang sulatin upang maging hiling habilin,
ngunit din a niya natapos pagkat binawiin na siya ng buhay.

GRACIANO LOPEZ - JAENA


Si Graciano lopez – Jaena ay ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong Disyembre 17, 1856. Siya ay
pinakadakilang henyo ng Pilipinas. Sinulat niya ang nobelang Fray Botod, isang nobelang katatawanan na
tumutuligsa sa isang paring matakaw at mataba. Sa Barcelona itinatag niya ang pahayagang La Solidaridad
noong 1889, pahayagang mapanghimagsik ng mga Pilipino sa Espanya. Sinulat din niya ang nobelang Ang
Bandido sa Pilipinas (El Bandolerismo en Filipinas), niliwanag niya sa pahayagang ito, na hindi mga bandido
ang mga Pilipino ang tunay na bandido ay ang mga prayle at mga pinuno ng pamahalaan. Kasapi rin siya sa
Asociasion Hispano – Filipina, kapisanang binubuo ng mga Kastila at mga Pilipino na siyang lumalakad sa
pagbabago sa mga batas ng Pilipinas. Itinatag din niya ang El Latigo Nacional. Si Jaena ay namatay noong
Enero 20, 1896 sa Barcelona.

FRAY BOTOD
Nang siya ay dumating ditto sa Pilipinas ay animo’y tuyong lamok. Pagkalipas ng ilang buwan sa pagkain
ng papaya at saging, si Fray Botod ay nagmukhang tao. Pagkatapos ng maraming taong napakain at napag –
aral tao at maging sa pagtutulong – tulong ng mga tao at maging pari na siya, ang unang sermon ay pagtuligsa
sa mga taong nagbigay sa kanya ng lahat ng kaluwagang natamo niya.

IBA PANG TAGAPAGBANDILA NG KILUSANG PROPAGANDA


ANTONIO LUNA
Si Antonio Luna ay isinilang sa Urbistondo, Maynila noong Oktubre 29, 1866. Siya ay isang
parmasyotiko at nagtapos ng pagkamanggagamot sa Universidad Central de Madrid. Si Antonio Luna ay isa ring
mahusay na manunulat sa ilalim ng sagisag – panulat na Taga – ilog. Pinamatnugutan din niya ang pahayagang
La Independencia, na tagapamansag ng mga manghihimagsik at Unang Republika ng Pilipinas. Siya ay binaril
at napatay sa Cabanatuan, Nueva Ecija subalit hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ang pumaslang.

Ang Ilan sa mga Iniakda ni Antonio Luna ay ang mga sumusunod:


1) NOCHE BUENA – isang sanaysay na naglalarawan ng buhay at pamumuhay g mga Pilipino.
2) SE DIVIERTEN (SILA AY NAGLILIBANG) – isang sanaysay na pumupuna sa sayaw ng mga
Kastila. Tinutuligsa rin niya sa sanaysay na ito ang mga Espanyola.
3) POR MADRID (SA MADRID) – isang tuligsa tungkol sa paniningil ng buwis.
4) LA TERTULIA FILIPINO (ANG HANDAANG PILIPINO) – naglalarawan ng mga kaugaliang
Pilipino. Ipinaliwanag ni Antonio Luna na higit na mabuti ang mga kaugaliang Pilipino kaysa sa
kaugalian ng mga Kastila.
5) LA CASA De HUESPEDES (BAHAY – PANGASERAHAN) – paglalarawan ng buhay – mag aaral
sa isang bahay- pangaserahan.

PEDRO PATERNO
Si Pedro Paterno ay isinilang mula sa mayamang angkan sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero
27,1857. Si Paterno ay manunulat, makata, dramaturgo, at nobelista. Siya ay kabilang sa tatlong panahon ng
panitikang Pilipino: 1) panahon ng propaganda, 2) panahon ng himagsikan,at 3) panahon ng Amerikano. Ang
mga akda ni Paterno ay itong mga sumusunod:
1) SAMPAGUITAS Y POESIAS VARIAS (MGA SAMPAGITA AT IBA’T IBANG TULA) – nilimbag sa
Madrid noong 1880. Paghanga sa kagandahan ang namayani sa tula.
2) EL CHRISTIANISMO en la ANTIGUAMCIVILIZACION TAGALA (ANG KRISTIYANISMO at ang
DATING KABIHASNAN TAGALOG) - nilimbag noong 1892. Ipinaliwanag niya sa sanaysay na ito
ang mga kaugaliang Tagalog ay hindi mapangingibabawan ng Kristiyanismo.

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

3) NINAY – isang nobelang nasusulat sa Kastila. Ito ay itinuturing na nobelang obra – maestro ni
Paterno, at naghatid sa kanya ng katanyagan sa panitikan sa kanyang panahon.
4) Ang iba pang sinulat ni Paterno ay La Familia Tagalog en la Historia Universal (Ang Pamilyang
Tagalog sa Kasaysayang Pandaigdig) noong 1882. Ang El Barangay ( Ang Barangay), at ang
El Individuo Tagalog y Su Arte en la Exposicion Historico – Americana (Ang Tagalog at ang
Kilos Niya sa Tanghalang Pngkasaysayang Amerikano).
Si Paterno rin ang sumulat ng kasunduan sa Biak – na – Bato na nilagdaan noong Disyembre 15, 1897.
Siya ay namatay noong Marso 11, 1911.

JOSE MARIA PANGANIBAN


Si Jose Maria Panganiban ay tubong Mambulao, Camarines Norte, at ipinanganak noong Pebrero 1,
1863. Siya ay nagtapos ng kursong Batsilyer ng Agham sa San Juan De Letran, isa rin siyang mananalumpati at
mamamahayag. Ang kaniyang inilalagda sa kanyang mga akda ay JOMAPA. Ang kanyang mga isinusulat na
lathalain at sanaysay ay pawang naglalaman ng patatanggol sa mga Pilipino at pagtutol sa pamahalaang Kastila
sa Pilipinas.
Ang isa sa mga nakilala at napantanyag niyang sinulat sa wikang Kastila ay isang lathalaing may
pamagat na Memoria Fotogracia. Siya ay namatay sa Barcelona, Espanya noong Agosto 23, 1980.

MARIANO PONCE
Si Mariano Ponce ay isinilang sa Baliwag, Bulakan noong Marso 23, 1863. Siya ay nakasulat ng mga
akdang- pampanitikan sa tatlong wika: Kastila, Tagalog at Ingles. Siya ay namatay noong Mayo 23, 1918. Ang
kanyang mga iniakda ay itong mga sumusunod:
1) PAGPUGOT KAY LONGHINOS – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos,
Bulakan at ipinalagay na nagtataglay ng mga katangiang maipapantay sa kapanahunang dula ng
Espanya.
2) MGA ALAMAT NG BULAKAN – aklat- kalipunan ng mga alamat at kuwentong bayan ng kaniyang
lalawigang sinilangan.
3) ANG MGA PILIPINO SA INDO – TSINA – kasaysayan ng mga Pilipinong nanirahan sa Indo- Tsina.
4) THE LITERATURE OF THE PROPAGANDA MOVEMENT – mga akdang pampanitikan ng mga
kaanib ng kilusang propaganda at ang bias nito sa pagkakaroon ng tuwirang paghihimagsik.

PASCUAL POBLETE
Si Pascual Poblete ay isinilang sa Kawit, Cavite noong Mayo 17, 1857. Siya ay kabilang sa dalawang
panahon ng panitikang Pilipino- Panahon ng Kastila at Panahon ng Amerikano. Siya ay isang mamamahayag,
makata, mandudula, nobelista at mananalaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang El Resumen,
sa pahayagang ito buong tapang na tinuligsa ni Poblete ang mga katiwalian at mga pang- aapi ng mga may
kapangyarihang Kastila sa Pilipinas.Dahilan para usigin at ipatapon siya sa Aprika.Sa kanyang pagbabalik sa
Pilipinas itinatag ni Poblete ang dalawang pahayagang El Grito Del Pueblo at Ang Kapatid ng Bayan.Si Poblete
ang kauna – unahang nagsalin sa Pilipino ng Noli Me Tangere ni Dr. Rizal at siya rin ang tinaguriang Ama ng
Pahayagang Pilipino. Siya ay namatay noong Pebrero 5, 1921.

ANDRES BINIFACIO
Si Andres Bonifacio, ang “Ama ng Himagsikan” ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Nobyembre
30, 1863. Siya ay nag- aral sa paaralan ni Don Guillermo sa Meisik. Ang mga aklat na nauukol sa himagsikan at
digmaan ang kinagigiliwan niyang basahin at ang ilan sa mga ito ay Les Mesirables, Historia de la Revolucion
Franses, El Judio Errante, at Las Ruinas de Palmira. Si Bonifacio ang “Ama ng Himagsikan”, subalit nagging
biktima ng masamang pamumulitika ng kaniyang mga masamang kababayan. Ang ilan sa kaniyang mga sinulat
ay ang mga sumusunod:
1) ANG DAPAT MABATID ng mga TAGALOG – ito ay bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang
kaunlarang tinatamasa ng bansa bagi dumating ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga
Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
2) PAG – IBIG SA TINUBUANG BAYAN – ito ay isang tulang nagpapahayag ng maalab na
pagmamahal ni Bonifacio sa bayan. Ito ay katulad ng tula ni Marcelo del Pilar na may gayon ding
pamagat.
3) KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS – ito ay tulang nagpapahiwatig ng hinanakit ng bayan.
Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa tulang sinimula ni Herminigildo Flores na may pamagat
na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo del Pilar sa kanyang
tulang Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas.

EMILIO JACINTO

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Si Emilio Jacinto ay isinilang sa mahirap na angkan sa Tondo, Maynila noong Disyembre 15, 1875. Ang
sinulat niyang Kartilya ng Katipunan ang napagkaisahang gamitin sa pahayang Kalayaan, isang pahayagan
ng Katipunan, inilathala ang kaniyang lalong mahuhusay na akda sa sagisag- panulat na Dimasilaw. Si Jacinto
ay kinilalang “Utak ng Katipunan” sapagkat siya ang naghanda at sumulat ng mga palatastas, sa saligang batas
at iba pang kautusan ng Katipunan. Si Jacinto ay namatay sa pagtatanggol sa bayan. Siya ay tinamaan ng punglo,
at napatay ng mga kaaway noong Abril 6, 1899. Ang lalong napabantog sa kanyang mga sinulat ay itong mga
sumusunod:
1) KARTILYA NG KATIPUNAN – mga kautusan para sa mga kasapi ng Katipunan.
2) LIWANAG AT DILIM – katipunan ng mga sanaysay na may ibat’ibang paksa, tulad ng pag – ibig
sa bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantay- pantay, kalayaan at paniniwala.
3) A MI MADRE ( SA AKING INA) – isang tulang handog niya sa kanyang ina.
4) A LA PATRIA (SA BAYANG TINUBUAN) – tulang ipinalagay na obra maestro ni Jacinto. Na
isinalin sa Filipino ni Jose Villa Panganiban.

APOLINARIO MABINI
Si Apolinario Mabini ay mula sa maralitang angkan. Siya ay isinilang noong Hulyo 23, 1864 sa Talaga,
Tanawan, Batangas.Siya ang nagging katulong sa pagbabalangkas ng Saligang Batas ng Malolos kung kaya’t
siya ang tinaguriang “Utak ng Himagsikan”.Si Mabini ay namatay sa sariling bayan noong Mayo 13, 1903 sa
sakit na kolera. Ang ilan sa kanyang mga napatanyag na sinulat ay itong mga sumusunod:
1) ANG HIMAGSIKANG PILIP[INO - isang sanaysay na naglalarawan ng kabayanihan ng mga
Pilipino sa pakikipaglaban.
2) SA BAYANG PILPINO – isang tulang handog sa bayan.
3) ANG PAHAYAG – hinango sa kanyang manipesto.
4) EL DESAROLLO y CAIDA de la REPULICA FILIPINA – Ang Pagtaas at Pagbagsak ng
Republikang Pilipino
5) PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG PILIPINO.
6) EL VERDADERO DECALOGO – Ang Tunay na Sampung Utos

JULIAN FELIPE
Ang may akda ng PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS na si Julian Felipe ay isinilang sa Cavite,
Cavite noong Enero 28,1861. Kabilang sa kaniyang mga nilikha ang Amerita Danza, Cintas y Flores Rigodones
at Motete al Santisimo.Ginawa niya ang kasalukuyang tugtugin pambansa na ang unang nagging pangalan ay
Marcha Magdalo. Ngunit upang magkauring pambansa ay pinalitan ni Hen.Aguinaldo ng pangalang Himno
Nacional Filipino.Ito ay unang tinugtog nang pasinayaan ang kasarinlan noong Hunyo 12, 1898. Noong
Setyembre 3,1899, ang Pambansang Awit ay nilapatan ng

Titik sa wikang Kastila ni Jose Palma.Ito ay isinalin naman sa Pilipino ni Cirio H. Panganiban ,naging
patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa. Si Julian Felipe ay namatay noong Oktubre 2 ,1944.

JOSE PALMA
Si Jose Palma, isang kawal ng himagsikan, ay isinilangnoong Hunyo 3, 1876 sa Tondo, Maynila. Sa
gulang na 17, Si Jose Palma ay lumikha ng tulang liriko at ito ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang
Melancolicas (Mga Panimdim). Sinulat niya ang titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas, habang ang mga
pulutong ng mga kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang isa sa madamdaming
tula ni Jose Palma ay may pamagat na De Mi Jardin (Mula sa Aking Hardin).

PAMAHAYAGAN sa PILIPINAS sa PANAHON ng KASTILA


Si Tomas Pinpin ang kauna – unahang naglimbag ng isang polyeto (newspaper). Dahil ditto, Si Pinpin
ay kinilalang siyang kauna – unahang manlilimbag na Pilipino.
 UNANG GASETILYA
Noong 1637, nilimbag ni Tomas Pinpin ang Sucesos Felices bagamat isang polyeto
ang isang ipinalalagay na kauna- unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas.
 DEL SUPERIOR GOBIERNO
Ang Del Superior Gobierno ang kauna – unahang pahayagan na regular na inilathala
Sa Pilipinas. Ang unang patnugot ay si Manuel Fernandez del Folgueras. Unang lumabas
noong Agosto 8, 1811, inilathala sa pahayagang ito ang mga Gawain sa Kortes ng Espanya.
Napatigil ang pahayagang ito pagkaraan ng 15 labas.
 LA ESPERANZA
Kinilalang unang pahayagang pang – araw – araw.
 DIARIO DE MANILA
Unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot ni Felipe del Pan.

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 EL RESUMEN
Ang El Resumen ay magkatulong na inilathala nina Isabelo delos Reyes at
Baldomero Hazanas. Ayon sa diwa ng nilalaman, ito ang kauna – unahang pahayang lantad
sa pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino.

MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NA PAGBABAGONG ISIP


 LA OPINION
Sa maraming labas ng pahayagang ito, tinuligsa ang mga prayle at hiniling ang
pagtitiwalag ng arsobispo ng Maynila noon. Ang naging patnugot nito ay si Julian de Poso at
Jesus Polanco.
 ANG DIARIONG TAGALOG
Magkatulong na inilathala nina Marcelo del Pilar at Pascual Poblete ang Diariong
Tagalog noong 1882.
 ANG LA SOLIDARIDAD
Ang pinakabantog na pahayagan sa panahon ng pagbabagong isip, ang unang
patnugot ay si Graciano Lopez – Jaena.
 ANG KALAYAAN
Si Emilio Jacinto ang unang patnugot nito, ito ay hanggang dalawang labas lamang
sapagkat natiktikan ng mga Kastila ang lihim ng Katipunan.
 LA INDEPENDENCIA
Ang unang namatnugot sa pahayagang ito ay si Antonio Luna. Nanatiling inilathala sa
pamahon ng himagsikang Pilipino at Kastila at naging pahayagan ng Katipunan.

GAWAING PAGKATUTO
Isa isahin ang karaniwang protesta ng taumbayan sa kasalukyan. Sumulat ng isang halimbawa ng akda
o artikulo tungkol sa iyong nais na mangyari sa ating bansa sa kasalukuyan. Gawing positibo ang tono bagamat
tunay na may kahirapan sa sitwasyon. Gumamit ng mga salitang nakahihikayat at iwasan ang negatibo at di
magandang salita sa sulatin. Gawan din ito ng maganda at akmang pamagat. Buuin ito sa pamamagitan ng 500
mga salita o higit pa. Maaaring gumuhit din ng larawan tungkol dito o kumuha sa internet upang maging higit
itong mas kapani-paniwala.

PAGTATASA
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Paano naging daan ang panitikan sa pagsisimula ng protesta ng mga Pilipino?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2.Nakatulong ba ang pagbubukas ng Canal Suez sa pagbabago ng Pilipinas? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3.Magbigay ng mga halimbawa ng mga akdang tumutuligsa sa mga mananakop na Kastila at ipaliwanag ito.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

4.Kung ikukumpara ang konsepto ng protesta ng panitikan noon sa panitikan sa kasalukuyan, may pagbabago
ba sa layunin at paksa? Bakit?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
5.Umiiral pa rin ba ang konsepto sa kasalukuyan? Paano? May pagkakaiba ba ito sa protesta noon? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

6. Ano ang karaniwang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng himagsikan? Ipaliwanag

.
7.Gaano kahalaga ang mga akda nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sa pagpapaigting ng diwa ng katipunan
para sa himagsikan? Ipaliwanag.

8.Paano nagkakaiba ang layunin ng panitikan ng himagsikan sa panahon ng Kastila at panahon ng Amerikano?

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

9. Sa anu-anong aspekto nagkakaugnay o nagsasalo ang panitikan at himagsikan? Ipaliwanag.

10.Bakit mahalagang tingnan ang naging papel ng panitikan sa himagsikan.

Karagdagang Gawain

SANGGUNIAN
Lalic, Erlinda D. (2004) Ang Ating Panitikang Filipino. Bulacan. Trinitas Publishing, Inc.
Villafuerte, Patrocinio V, et. al. (2009) Panitikan ng Pilipinas. Malabon City . Mutya Publishing House
Dinglasan, Resurreccion D.,Ph.D., Kritisismong Pampanitikan ni Ponciano B. P. Pineda, Manila, Rex Book
Store Inc. 2005
San Juan, Gloria P. et al., Panunuring Pampanitikan, Manila, Booklore Publishing Corp. 2005

RUBRIKS
Rubrik sa Pagsagot sa mga Katnungan

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor


Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunayan
(5) (4) Inaasahan (2) (1)
(3)
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi nakita
ang introduksyon. introduksyon introduksyon ang sa ginawang
Malinaw na ang ang introduksyon at sanaysay.
nakalahad ang pangunahing pangunahing ang
pangunahing paksa gayundin paksa subalit pangunahing
paksa gayundin ang panlahat hindi sapat angpaksa. Hindi rin
ang panlahat na na pagtanaw pagpapaliwanag nakalahad ang
pagtanaw ukol dito. ukol dito. ukol dito. panlahat na
pagpapaliwanag
ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan Hindi nadebelop *
bawat talata dahil may sapat na sa detalye ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya
pagtalakay tungkol
sa paksa.

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *


ng mga Ideya ang debelopment pagkakaayos na organisado
pagkakasunud- ng mga talata ng mga talata ang
sunod ng mga subalit hindi subalit ang mga pagkakalahad
ideya; gumamit din makinis ang ideya ay hindi ng sanaysay.
ng mga pagkakalahad ganap na
transisyunal na nadebelop.
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan *
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
naipapakita ang palagay o pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang pasya tungkol palagay o
palagay o paksa sa paksa batay pasya tungkol
batay sa katibayan sa mga sa paksa batay
at mga katwirang katibayan at sa mga
inisa-isa sa mga katwirang katibayan at
bahaging gitna. inisa-isa sa mga katwirang
bahaging gitna. inisa-isa sa
bahaging gitna.
Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami at
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga
kapitalisasyon at kapitalisasyon kapitalisasyon pagkakamali sa
pagbabaybay. at at mga bantas,
pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon
at
pagbabaybay.
Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami at *
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng pagkakamali sa
pangungusap at mga mga estruktura ng
gamit ng mga pangungusap pangungusap at mga
salita. at gamit ng gamit ng mga pangungusap at
mga salita. salita. gamit ng mga
salita.

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111

You might also like