Professional Documents
Culture Documents
SANAYSAY
PCED-03-501A
Si Jose P. Rizal (19 Hunyo 1861 - 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng
Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya
sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat
ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor,
inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya,
ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong
siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-
eeskrima.
Ang Sobre la Indolencia de los Filipinos (On the Indolence of the Filipinos) ay
isang sanaysay na isinulat ni Jose Rizal, at nalimbag sa La Solidaridad noong
1890. Isinulat ito ni Rizal bilang sagot sa akusasyon ng katamaran ng mga indio at
Malay.
Ang liham na ito ay sinulat ni Dr. Jose Rizal noong Pebrero 1889 sa London para
sa mga kababayang dalaga sa Malolos.
Maliban pa dito, mayroong pitong bagay na binigyang linaw mi Rizal bilang mga
rason kung bakit dapat siya paniwalaan:
SA MGA KADALAGAHAN SA
MALOLOS
ni Dr. Jose Rizal
Una: nagaganap lamang ang pagiging dominante ng iba kung ang iba ay duwag
at mapagpabaya.
Ikalawa: Nagiging kahiyahiya ang isang tao ay kung siya ay natatakot sa mga
taong ikinakahiya siya.
Ikatlo: Ang pagiging ignorante ang siyang nagdudulot ng pagka-alipin. Kung
paano mag-isip ang tao, ay ganito rin ito. Ang indibidwal kasi na hindi nag-iisip
para sa kanyang sarili at pumapayag na sumunod na lamang sa iba ay parang
hayop na kinokontrol lamang ng tali.
Ikaapat: Ang taong nagmamahal sa kalayaan, ay dapat munang tumulong sa
kanyang kapwa sapagkat ang taong hindi tumatanggap ng proteksyong dala ng
ibang tao ay makikita sa huli na wala siya nito, tulad na lamang ng mga walis
tingting na nawala ang tali at naging magkakahiwalay.
Ikalima: Kung hindi babaguhin ng mga Pilipina ang kanyang moda ng pagkatao,
dapat tumigil na ito sa pagpapalaki ng mga anak. Sapat na ang manganak ito pero
hindi na dapat ito magsilbing ilaw ng tahanan at humubog ng mga anak sapagkat
ipinagkakanulo nila nang hindi nalalaman ang kanilang mga asawa, anak at ang
bayan.
Ikaanim: Lahat ng tao ay ipinanganak ng pantay-pantay. Hindi lumikha ang Diyos
ng nilalang na magiging alipin o di kaya’y binigyan tayo ng katalinuhan upang
magpaloko lamang. Hindi masama ang humanga sa kapwa at higit na paunlarin
ang kamalayan at katalinuhan, nagiging masama lamang ito kung nagpapanggap
na ito bilang Diyos at ginagamit ang kapangyarihang iyon sa pang-aalipin ng ibang
tao upang sumunod ito sa mga gusto nila na hindi naman tama at makatarungan.
Ikapito: Dapat pag-isipang mabuti kung anong uri ng relihiyon ang tinuturo nila.
Maingat ninyong suriin kung ang nais ba ng Diyos ang mga ipinapagawa nila pati
na rin ang kanilang mga itinuturo.
TULA: KAISAHAN NG KALAMNAN
AT KAANYUAN
ni Alejandro G. Abadilla
Ito ay aral para sa mga kabataan at pati na rin sa mga mambabasa na ating
mahalin at ingatan ang sariling atin dahil hindi natin makakamit ang tunay na
kaligayahan kung masama naman ang epekto nito para sa ating bayan.
ANG DAPAT MABATID NG MGA
TAGALOG
ni Andres Bonifacio
Ang sanaysay niyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay isang napakaikli
ngunit matalim na kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming
makabayan. Ang hilig niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang
magbasá.
Isinulat ng awtor ang sanaysay na ito upang maging daan para hikayatin ang mga
kababayang Pilipino mula man sa kaniyang panahon at hinaharap na mga Pilipino
na gumising mula sa natutulog na damdaming makabayan at mamulat sa
katotohanan na igugol ang kagalingan sa sariling bayan hindi sa mga dayuhan.
Ang sanaysay na din ito ang nagsilbing tulay upang mailahad ang tunay na
pangyayari sa panahon ng Kastila at magbigay kamalayan sa mga susunod na
henerasyong mga Pilipino.
AMERIKANISASYON NG ISANG
PILIPINO
ni Ponciano B. Peralta Pineda
Ang sanaysay na ito ay tungkol sa ano nga ba ang TAGLISH at ang mga
limitasyon nito. Ganon na rin ang mga bagay na kailangan ng isang “taglish
speaker“ para maging tama ang kanyang taglish.
Kung mapapansin, ang mga salita ay nasa taglish, isang anyo ng pananalita kung
saan pinaghalo ang tagalog at ingles, na talaga namang magkaiba. Ang anyo ng
pananalitang ito ay siya ring isyu ng akda at ito mismo ang ginamit ni Lumbera sa
kanyang akda.
Ayon sa akda, ang taglish ay hindi lengguwahe kundi isang pamamaraan lamang
para mas mapadali ang pananalita ng mga taong sala sa tagalog at sala sa ingles.
Ganon pa man, ang paggamit ng taglish ay hindi madali. Dapat ay bihasa sa
dalawang lengguwahe (tagalog at ingles) ang taglish speaker. Mas hindi bihasa
ang mamamahayag, mas magiging hindi malinaw ang kaisipang gustong ihayag.
HANDOG KAY ANDRES BONIFACIO:
KATWIRAN, KALAYAAN,
KATUBUSAN
ni Epifanio San Juan Jr.
Si Epifanio San Juan Jr. o mas kilalang E. San Juan Jr. ay kilalang Filipino
American Literary Academic, tagalog Writer, Filipino poet, civic intellectual,
activist, writer, essayist, video/film maker, editor, at poet. At itong akdang Handog
Kay Andres Bonifacio: KATWIRA, KALAYAAN, KATUBUSAN ay isa sa kanyang
naisulat.
Ang Aral nabinibigay ng sanaysay ni E. San Juan Jr. ay para saating mga Pilipino
at sa mga mambabasa na pahalagahan ang kung anong meron buhay tayo
ngayon at magpasalamat na hindi natin naraasan ang mga pangyayari noon na
masalimuot. At pahalagahan at ipagmalaki din natin ang mga sakripisyo ng ating
mga bayani dahil kung hindi dahil sa kanila tayo ay walang KATWIRAN,
KALAYAAN, at KATUBUSAN ang ating bayan at tayong lahat saating bansa.
ARTIKULO:
SA AKING BAYANG LAHI: ANG
PAPEL NG MGA PILING SANAYSAY
SA PILIPINAS
Malaki ang papel ng sanaysay sa Pilipinas. Hindi lamang ito sulating pang-
akademiko, isa itong makabuluhang pagpapahayag ng ideya, karunungan,
pananaw at opinyon ukol sa itinatawid na paksa at paghihimay-himay ng mga
detalye. Mayroong layunin ang manunulat sa kanyang mga sinusulat at
sinisiwalat. Ito ang kanilang kalakasan upang magpatuloy sa kanilang mga
adhikain. Ito rin ang kanilang kakampi sa panahon ng pagbabanta,
pananamantala at pagbusabos ng kanilang mga karapatan. Ang kanilang
panggagalugad ay nagbibigay boses sa sambayanan. Hindi lamang sinadya o
ikinukulong ang kaalaman sa kahon bagkus mayroon pagtindig at pagbabago na
nais ikawing sa lipunan. May kamalayan at karapatan sa pagpapahayag ng
katotohanan at pananaw. Naghihimok din na maging pantay ang pagkritik ng tao
sa kanyang paligid. Pagkat hindi maiaalis ang katangian ng panitikan bilang isang
sining na binubuo gamit ang malalaki at maliliit na tipak na salita. Mayroon itong
boses at kapangyarihan upang imulat ang sambayanan sa mga pangyayari sa
lipunan. Walang piniling estado, hindi naghahangad ng pagiging superyor o
dominante bagkus nagkakasundo sa matapat na pag-iisip, mayroong paninindigan
at prinsipyo na pagdinig sa problemang nais solusyonan.
a.) Ang Filipinas Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas Pagkalipas ng 100
Taon) ni Jose Rizal na isinulat sa Barcelona noong 1889. Naglalaman ang
kanyang sanaysay ukol sa baluktot na pamamahala ng Espanya sa Pilipinas,
naisalaysay niya ang mga mangyayari sa Pilipinas sa hinaharap pagkalipas ng
(100) isandaang taon .
b.) Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga
Pilipino) ni Jose Rizal. Ito ang kanyang naging tugon laban sa akusasyon ng
katamaran ng mga Indio at Malay. Ipinaliwanag niya ang iba't ibang salik sa likod
ng katamaran ng Pilipino. Nabanggit niya na mas lalo nag-ugat ang katamaran ng
mga Pilipino sa nararanasang pagmamalupit at diskriminasyon ng Kastila,
kakulangan sa edukasyon, ang pagiging pala-asa sa diyos, sa mainit na singaw
ng panahon at iba pang sakit sa lipunan.
c.) Sa mga kababayang Dalaga sa Malolos ni Jose Rizal. Sa kanyang liham sa
mga kadalagahan ng Malolos, ikinararangal niya ang katapangang ipinamalas sa
pagsusulong sa karapatan sa edukasyon at pagtindig sa kanilang tungkulin bilang
mga kababaihan. Walang makapapantay sa kanilang mga katangian, ang
pagiging busilak at mahalimuyak. Nasubok sila sa karahasan at hindi pantay na
pagtingin ng lipunan.
d.) Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan ni Alejandro G. Abadilla. Hindi
gagamitin ang malayang taludturan upang wasakin ang katutubong balangkas ng
tula. Sa halip ay binigyan niya ng bagong timpla ang pagsusulat sa kaisahan at
kaanyuhan ng tula. Ang kanyang layunin ay ang pagkakaroon ng kalayaan ng
mga makata sa pagpili ng kanilang balangkas at sining sa paraan ng pagtula.
e.) Liham sa Kabataan ng Taong 2070 ni Genoveva Endroza Matute.
Pinakikilala ang mga pagbabagong magaganap sa taong 2070. Ito ay kanyang
pansariling prediskyon ngunit kasalukuyan ay nagiging danas na ito sa ating
lipunan. Kabilang sa mga pagbabagong nabanggit ay may kinalaman sa ating
wika, kultura at gawi. Iminumulat lamang tayo sa epekto ng globalisayon ngunit
huwag ito maging daan upang talikuran ang sariling bayan.
f.) Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto. Naging bukas ang sanaysay ni Emilio
Jacinto upang bigyan ng kamalayan ang mga Pilipino sa mga bagay na lubos
nakakaakit sa kanilang paningin dulot nito ang naging kalagayan at karanasan nila
sa kamay ng mga Kastila. Sinasabi lamang na ang pagkaakit sa ningning at
pagkabulag sa liwanag ay nagdulot ng masamang resulta sa mga Pilipino.
h.) Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio. Naging daan ang
pagsulat ng sanaysay na ito ni Andres Bonifacio upang gisingin ang natutulog na
diwa at maka-Pilipinong damdamin ng sambayan mula sa pagtitiis at pang-aalipin
ng Kastila. Ibinigay niya ang mahahalagang detalye buhat ng natatamasang
kaginhawaan ng Pilipino noong panahong hindi pa nasasakop ng Espanya ang
bansa. Ganoon rin ang hindi pagtupad sa mga pangako ng Kastila at ang
pagmamanipula nila sa isip ng mga katutubong Pilipino.
j.) Amerikanisasyon ng Isang Pilipino ni Ponciano B. Peralta Pineda. Hindi
hamak na malaki ang impluwensyang dulot ng pananakop sa ating bansa kaya't
malaki ang bahagdan ng manipestasyon ng mga Pilipino sa gawi, turan at kilos ng
dayuhan. Mas inilalapit ng Pilipino ang kanyang sarili na pahalagahan at gayahin
ang kanyang mga nakikita sa banyaga. Hindi makakamtan ang pagkakaisa at
pagkakabuklod ng mga Pilipino kung hindi niya nagagawa na pahalagahan ang
kanyang bansang pinagmulan.
k.) Taglish: Hanggang Saan? Bienvenido Lumbera. Naglalaman ang sanaysay
na ito ng pagkilala sa Taglish na pinagsamang wikang Tagalog at Ingles. Sa
ganitong paraan din isinulat ng awtor ang kanyang sanaysay at inilahad ang
pananaw ukol sa depenisyon ng Taglish at kung paano ito ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Nais alamin kung hanggang saan ito makatatawid sa
kasalukuyang panahon. Kinakailangan ng kahusayan sa paggamit ng Tagalog at
Ingles upang matagumpay na makapagpahayag gamit ang parehong lenggwahe.
l.) Handog kay Andres Bonifacio: Katwiran, Kalayaan, Katubusan ni E. SAN
JUAN, Jr. Binibigyan empasismo sa sanaysay na ito ang mga kabayanihan at
kilusang pagtatatag ng rebolusyonaryo sa panahon ng himagsikan ni Andres
Bonifacio. Naihayag ang masalimuot na kasaysayan na nagdala sa sitwasyong
kinasasadlakan ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan. Ang aral na nais
itanim sa ating isipan ay pahalagahan at ipagmalaki ang mga sakripisyo ng ating
mga bayani dahil kung hindi dahil sa kanilang matapang na pakikipaglaban ay
walang katwiran, kalayaan at katubusan ang ating bayan.
Ang mga kilalang sanaysay na ito ang patuloy na yaman ng ating bayang lahi.
Dahil sa mga sulating ito naging mulat tayo sa sistema ng kalagayan ng mga
Pilipino sa nakalipas na paghahari sa ating lupang sinilangan. Naging malaking
bahagi ng kasaysayan ang panitikan na hanggang sa pagtawid sa kasalukuyan ay
baon pa rin ang mahahalagang kaisipan na nangyari sa nagdaang taon. Naging
sandata ang panulat sa paglabas ng katotohanan at pagtuligsa sa maling sistema
na umiiral sa lipunan.
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-ningning-at-ang-liwanag.html
https://philippineculturaleducation.com.ph/bonifacio-andres/
https://pdfcoffee.com/pagsusuri-sa-akdang-amerikasasyon-pdf-free.html