Professional Documents
Culture Documents
OBJECTIVES
1. Mailarawan ang mga teorya at pilisopiya sa sitwasyong panlipunan.
2. Malilinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay hinggil sa mga
paniniwala o pilosopiya.
I. INTRODUCTION
Nag-ugat ang pilosopiyang Pilipino sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Mula sa
kolonya ng mga Espanyol sa loob ng tatlong daang taon, ng Estados Unidos ng
kalahating siglo, at Hapon ng kalahating dekada, ang mga Pilipino patungo sa huling
dikada ng ika-19 na siglo ay nagsimulang makapangalap ng mga kaisipang mula sa
Europa. Ang mga kaisipang ito ay nakatulong sa rebolusyon ng bansa noong 1896
laban sa Espanya.
Ayon kay Rizal, isa sa mga nabigong pakikibaka para sa reporma sa Espanya ay
ang pagkamulat ng kamalayan ng mga Pilipino sa kanilang lupain. Sa pahayagang La
Solidaridad, kanyang inilahad ang mga solusyon sa problema ng bansa: ito ay ang
Karunungan at Pangangatwiran na kung saan dapat imulat ang mga Pilipino rito. Dapat
mapalaya ang kanilang kamalayan mula sa panatismo, pagkamakasarili, Kababaan, at
kawalan ng pag-asa. Dahil sa kakulangan ng karapatan ng mga Pilipino sa Edukasyon
na kung saan ang mga namumuno ay ang mga prayleng Espanyol, bumuo si Rizal ng
isang organisasyon na magpapamulat sa kaisipan ng mga mamamayan, ang La Liga
Filipina. Ang Layunin nito ay ang mapag-isa ang archipelago ng Pilipinas, mapalago
ang pagsasaka at komersyo, magkaroon ng proteksyon mula sa mga panganib,
magkaroon ng pagtatanggol laban sa karahasan at kawalan ng hustisya, at
pagpapaunlad ng magandang edukasyon.
Kung walang kamalian na kailangang iwasto, siguradong magiiba ang landas ng
kasaysayan ng ating bansa. Hindi natin malalaman ang pag-iral ng isang kapwa Pilipino
na lumaban gamit ang pluma at papel kung saan ang resulta ng mga gawa niya ay
kanyang kinamamatay at nagpasiklab ng rebolusyon dito sa Pilipinas.
Sa panahon ni Dr. Jose Rizal, kung saan ang Kastila at ang mga prayle ang
naghaharing uri, damangdama naman ang pagsasamantala at pangaapi sa mga
Pilipino. Hawak ng mga prayle hindi lang ang simbahan pati na rin ang pamahalaan,
tinatawag itong praylokrasya. Sa lahat ng aspeto ng lipunan ma pa relihiyon man,
edukasuyon o pagpapatibay ng mga sedula, ang mga prayle ang huling tagapagpasya.
Ang pamilya ni Rizal ay kinaiinitan ng mga prayle sa iba’t-ibang dahilan. Para sa mga
prayle, ang pagiging aral ni Teodora Alonso, ang mga pamumuna ni Francisco
Mercado, at ang relasyon ni Paciano kay Padre Burgos ay inambaan ang kanilang
pamamalakad at posisyon sa lipunan. Bata pa lamang si Rizal ay nadanas na niya ang
di-makatarungang awtoridad ng simbahan at nakita niya kung saan umiiral ang
mapangharing kolonyal. Ang pagbitay sa tatlong pari na sina Padre Gomez, Burgos, at
Zamora ay naging malaking impluwensya sa pagiisip ni Rizal. Ang pagkadakip ng
kanyang ina ay takda ng paglabag ng katarungan ng kolonyal na paghahari. At
siyempre naging malalim ang epekto kay Rizal ang nangyari sa kanyang bayan sa
Calamba, Laguna kung saan nilabanan nila, kasama ang mga magsasaka, ang pagtaas
ng upa sa lupa at mga malabong imposisyon ng mga prayle. Ang naging resulta sa
kanilang petisyon ay ang pagsunog sa iilang mga bahay sa Calamba at ang pagkulong
at pagtapon sa ibang bansa ng mga taong lumaban sa kolonyal na mapang-api.
Nakikita ni Rizal na kailangan baguhin ang kolonyal at nakapangingibabaw na sistema
ng praylokrasya. Isa ito sa kanyang mga pinaglabanan. Ang pamahalaan ay dapat
hiwalay sa simbahan. Pero sa usaping pambansa, mukhang ayaw naman ni Rizal na
humiwalay sa Espanya. Ninanais niya na magkaroon ng reporma, representasyon at
para sa Pilipinas maging opisyal na probinsya ng Espanya. Pero mukhang nangyari din
na nakita ni Rizal na rebolusyon din ang natatanging solusyon sa estado ng ating bansa
noon. Ang kanyang mga mapanghamong nobela at sanaysay ay mga akda na
sumulong sa isang pwersa ng liberalismo at nasyunalismo.
Relihiyon at Pamilya
Si Rizal ay bahagi ng uring panggitna kung saan siya ang naging pangunahing
kinatawan ng mga leftisto “kaliwang panig.” Dahil dito madaling nataguyod ang kanyang
kamulatan at damdamin na pambansa at mga liberal na pananaw. Nakikita ni Rizal na
nakakamit ang tunay na kalayaan kung ang ating bansa ay magpapalaya din. Ito ang
siyang dahilan sa kanyang pagiging progresibo at radikal. Sa mga paglalakbay ni Rizal
sa panahong iyon, nakita niya ang pagunlad ng mga bansa sa Europa dahil sa
konsepto ng soberanyang popular at republikanismo. Dahil sa pagnanais at
pagmungkahi nito para sa sariling bansa, tinagurian siyang isang pilibustero.
Sa mga nobela ni Rizal, napakahusay niyang nailantad at naimulat sa mga Pilipino ang
katotohanan na imbis patuloy magbigay ang Kristiyanismo ng ispiritwal na buhay,
ginamit ito ng mga prayle bilang sandata kung saan pinapalabas na utang na loob natin
ito sa kanila. Ginamit nila itong dahilan para mapagsamantahalan ang mamamayan.
Ginunaw ang pagiging banal ng relihiyong ito ng pagkakaisa ng simbahan at estado,
ang siyang resulta ng pagkaroon ng praylokrasya.
Si Rizal ay pinalaki na may paggalang sa relihiyon, moralidad, at sa katotohanan. Pero
kahit debotong Katoliko ang pamilyang Mercado, naipamalas sa kanya ang maging
praktikal, rasyonal at ang pagkakaroon ng malayang pangangatwiran.
Si Rizal ay ang ikapitong anak sa 11 na magkakapatid. Ang mga Mercado ay tanyang
na pamilya sa Calamba, Laguna. Pinagkalooban si Rizal at ang kanyang mga kapatid
ng edukasyon ng kanilang mga magulang. Sila ay maituturing ilustrado sa mga
panahong iyon. Ang pananaw ni Rizal sa usaping pamilya ay kasingtulad sa tradisyonal
na Pilipino. Impluwensiya ito na nanggaling sa sariling karanasan sa kanyang pamilya.
Ngunit nakikita din ni Rizal ang pangangailangang lumisan sa pamilya para makakilos
at para makamit ang kanyang mga minimithi para sa ating bansa. Pumunta siya ng
Europa na labag sa kalooban ng kanyang ina na si Teodora Alonso. Hindi ito
pagkawalan ng respeto ni Rizal bilang anak. Isang malaking kontradiksyon din ang
umiral sa kanyang puso – ang pagmamahal sa pamilya at bayan.
“Sinasabing ipinapanganak ang mga taong may malaking nagagawa sa kanilang buhay
sa tamang lugar at panahon.”
Pero nangyari din na damang-dama na ni Rizal ang kalikuan sa kanyang kababayan.
Nakita niya na mas malaki ang kanyang responsibilidad at tungkulin bilang anak ng
inang bayan kung saan libu-libong pamilya ang kanyang masisilbihan.
Pumunta si Rizal ng Europa para sa reporma at pagkamit ng bayan ng kaalaman. Sa
kanyang mga dinanas sa paglakbay, nagkaroon ng impak ang kaunlaran sa kanyang
punto de bista. Mas napatalas ang kanyang pagtingin, pag-aral, at pag-intindi sa mga
bagay-bagay lalo na sa pagiging pantay-pantay at pagkamit ng tunay na kalayaan.
Dahil dito, maliban sa pagiging nasyonalistik, naging sayantipiko din sa Rizal sa
kanyang mga pananaw. Naging miyembro siya ng Masinoreiya kung saan kusa ang
maging ekskomunikado mula sa simbahan. Makabuluhan pa rin para kay Rizal ang
relihiyon. Hindi nga lang niya matanggap ang kondisyon kung saan napasamantala at
napaapi ang mamamayang Pilipino sa gabay ng mga taong dapat sumusulong sa mga
bisang Kristiyano. Hindi ang simbahan ang katalo ni Rizal kundi ang pamamahala ng
mga nagbanal-banalang prayle sa ating bansa.
Edukasyon
Ekonomiya
Etnisidad
Kasarian
Naniniwala si Rizal na dapat pantay-pantay ang babae at lalaki. Marahil ay dahil
narin sa marami siyang kapatid na babae at sa labis na pagmamahal niya sa kanyang
ina, nakita niya na maraming magagawa ang mga kababaihan. Ayon sa akda
niyang “To My Young Countrywomen of Malolos” na naisulat dahil sa paki-usap ni Del
Pilar. Sa sulat ay binigyang papuri niya ang mga kababaihan ng Malolos sa kanilang
pagtutulak na magkaroon ng isang “night school” kung saan puwede silang makapag-
aral.
Ang mga kababaihan, partikular ang mga ina, ay may malaking magagawa dahil
sila ang unang tagapag-bukas ng mata ng kanilang mga anak. Kaya, gaya nga ng sabi
ni Rizal sa kanyang sulat, dapat ay maging bukas din ang mga mata ng mga
kababaihian dahil sila ang siyang pangunahing tagapag-mulat ng mga mata ng kanilang
mga anak sa dapat nitong makita – ang katotohanan.
Mataas ang pagtingin ni Rizal sa mga kababaihan, gaya nga ng nabanggit niya
sa “To My Young Countrywomen of Malolos:”
“Important indeed are the duties that women must fulfill in order to relieve the country of
her sufferings, but they are not beyond the strength and character of the Filipino woman
to perform…”
Ang mga babaeng Pilipino noon ay walang boses, kadalasang nasa bahay lang at
ginagampanan ang pagiging alila. Sila ay nagpapaalipin sa simbahan, na ang tanging
alam lang ay mag rosaryo at nobena. Ang mga anak nila marahil ay magiging mga
sakristan na siya rin namang mag papaalipin sa mga malulupit na mga prayle. Ang
gusto ni Rizal ay magkaroon ang mga ito ng sariling pag-iisip. Nabanggit niya rin sa
sulat na:
“This is the reason of the enslavement of Asia: the women of in Asia are ignorant and
oppressed. Europe and America are powerful because there the women are free and
educated, their mind is lucid and their character is strong…”
Kinumpara ni Rizal ang mga babaeng Pilipino sa mga babaeng Europeo sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa sa kung paano nakikita ng mga babaeng
Spartan ang kanilang sarili. Ang mga inang Spartan ay hindi nalulungkot kahit umuwi
ang kanilang mga anak na patay basta ang importante ay nanalo sila sa laban. Ang
mga kababaihang Pilipino naman ay dapat ganoon din ang gawin. Dapat turuan nila
ang kanilang mga anak na mabuhay ng may dignidad at pagmamahal sa bayan at
magagawa lamang nila ito kung sila rin mismo ay mabubuhay ng may dignidad,
pagmamahal sa bayan, at hindi mga alipin ng simbahan.
Nakita ni Rizal na kailangan din mapalaya ang mga kababaihan sa isang
kulturang sila ay sunud-sunuran lang dahil nakita niya ang malaking magagawa ng mga
kababaihan sa pag papalaya ng bayan. Sa ganitong konteksto, masasabi na ang
pagtingin ni Rizal sa kasarian ay pantay lang sa pagitan ng babae at lalaki dahil pareho
silang may malaking gagampanan sa bayan.
Sining
Ginamit ni Rizal ang sining upang maging sandata niya sa pagbubunyag ng
mga kasamaang ginagawa ng Espanya, partikular na ng mga prayle. Ang nobelang Noli
me Tangere at El Filibusterismoay pangunahin sa kanyang mga gawang sining na
siyang bumabatikos sa pananatili ng Espanya sa Pilipinas. Naniniwala si Rizal na
malaki ang magagawa ng sining upang mag-impluwensiya at mag-mulat sa kapwa niya
Pilipino.
Ang sining din ay naging daan kay Rizal upang ilabas ang kanyang talento sa
pagguhit at paglilok. Ang mga likhang-sining na ito ay naging libangan ni Rizal upang
ipakita sa pamamagitan ng sining ang kanyang mga nakikita sa iba’t-ibang lugar na
pinupuntahan niya, halimbawa nito ay ang:Singapore Lighthouse, Castle of St. Elmo,
Brooklyn Bridge, Mt. Makiling, at marami pang iba. Sa mga likhang-sining din ni Rizal
naipakita ang mga taong mahahalaga sa kanya, gaya ng mga isketches niya sa
kanyang mga kapatid, mga matatalik na kaibigan, at mga taong nakilala niya sa
kanyang paglalakbay.
Ang sining ay may malaking parte sa buhay ni Rizal. Sa pamamagitan nito
nailalabas ni Rizal ang kanyang mga saloobin. Bata pa lamang siya ay nakitaan na siya
ng talento sa pagsulat ng tula sa pamamagitan ng tulang “Sa Aking mga Kabata,” kung
saan naipakita niya dito na sa kanyang murang edad ang pagmamahal niya sa sariling
wika at sa bayan. Sakanya ring mga gawang sining ay inihahayag ni Rizal ang kanyang
nararamdaman, gaya ng tulang “Sa mga Bulaklak ng Heidelberg” kung saan inihayag
niya ang kanyang pangungulila sa bansang Pilipinas. Inihayag niya rin sa tula ang
kanyang katapatan sa bansang Pilipinas:
“Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,
Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,
Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,
Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim;
Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin
Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin…”
Sining ang naging sandata ni Rizal. At dahil dito namulat ang mga Pilipino sa
katotohanang dapat nilang makita na nag paalab ng kanilang mga puso upang mag
lunsad ng isang rebolusyong magpapalaya sa bayan laban sa pananakop ng Espanya.
LESSON SUMMARY
Sa kabuuang talakayan, ipinapakita na ang pilosopiyang Pilipino ay nagpapahalaga sa
kultura at kaugaliang Pilipino. Binubuo nito ang mga kaisipang dapat ipamulat sa mga Pilipino
lalo na sa mga dapat nating hangarin at kamtin. Bilang Pilipino ay dapat pahalagahan natin ang
edukasyon bilang intrumento sa pagkamit ng magandang kinabukasan at ang pagiging
makabayan naman ay isang kaluluwa na dapat maging likas sa atin at gabay para mahalin ang
bansa.
EXPLORE MORE!
Panoorin ang sumusunod:
1. Pluma: Si Rizal, ang dakilang manunulat : https://www.youtube.com/watch?v=rAq_OjZI-6k
2. BONEFACIO: UNANG PANGULO: https://www.youtube.com/watch?v=e8RXaDmD5ew
MODULE 2 THE LIFE OF RIZAL
Name Course:
:
WORKSHEET 1:
A. Panuto :Ilarawan ang mga sumusunod na paniniwala ni Rizal sa sitwasyong panlipunan.
Pamahalaan
Relihiyon at Pamilya
Edukasyon
Ekonomiya
Etnisidad
Kasarian
Sining
WORKSHEET 2: APPLICATION
Panuto: Bumuno ng isang Video Documentation sa Pilosopiya at Paniniwala ni Rizal at Bonifacio
REVIEWED BY: EPHRAIM P. MAGUAD, M.Ed NOTED BY: MARILYN T. ALCALA, LPT, PhD
Program Head Dean