Professional Documents
Culture Documents
Imperial
I. INTRODUKSYON
Isa sa mga magigiting na bayani na kinikilala ng mga Pilipino mula noon ay si Dr. Jose
Rizal. Siya ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na siya ring maituturing na bukod tangi
sapagkat siya ay hindi gumamit ng dahas sa pakikipaglaban, kung hindi sa pamamagitan ng mga
salita. Gamit ang kanyang kahusayan at talento sa pagsulat, si Dr. Jose Rizal ay nakipaglaban at
itinaya ang kaniyang buhay upang makamit ang kalayaan ng bansang Pilipinas. Ayon sa
artikulong nailathala sa Pilipino Star Ngayon na isinulat ni Calvento noong 2013, pluma at papel
ang tanging sandata ng bayaning ito upang mailahad ang kasakiman at hindi tamang pagtrato ng
mga Kastila sa Pilipino. Sa pamamagitan ng mga ito, isiniwalat niya ang pang-aabuso ng mga
Prayle at ang mga katiwalian sa pamahalaan ng mga Kastila.
II. KATAWAN
Ilan lamang sa mga sikat na akda ni Rizal ang Noli Me Tangere, El Filibusterismo, at Mi
Ultimo Adios. Ang mga akda na ito ang siyang nagbukas ng mga mata ng mga Pilipino sa
karahasan at pang-aalipusta na ginagawa ng mga Kastila. Ang bayaning makata man na si Dr.
Jose Rizal ay hindi sumasang-ayon sa dahas at karahasan, ang kaniyang mga naisulat naman ang
nagmulat sa mata ng maraming Pilipino na isa sa naging ugat ng himagsikan para sa kalayaan ng
Pilipinas.
Noli Me Tangere
Noong 1884, sinimulan ni Dr. Jose Rizal isulat ang unang bahagi ng Noli Me Tangere
noong nag-aaral pa siya ng medisina sa Madrid. Ang huling bahagi naman ng nobela ay naisulat
niya nong makatapos siyal ng pag-aaral. Ang Noli Me Tangere ay isa sa pinaka-
maimpluwensiyang akda sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay nagtataglay ng makatotohanang
pangyayari na nagmulat sa mga Pilipino patungkol sa mga kaganapang isyung panlipunan ng
Pilipinas sa pamamahala ng mga Kastila. Hangarin ni Rizal na mabago ang mga isyung
panlipunan para sa karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Ilan sa mga isyung panlipunan na
nilalaman ng Noli Me Tangere ay ang mga katiwalian ng pamahalaang Kastila at ng simbahan,
diskriminasyon sa mga kababaihan, pagmamalupit at pang-aalipin, kakulangan sa edukasyon, at
pagiging makapangyarihan ng simbahan. Isa sa layunin ni Dr. Jose Rizal na mamulat ang
kaisipan ng mga Pilipinong sarado ang isip sa totoong nangyayari sa Pilipinas.
El Filibusterismo
Mi ultimo adios
Ang tulang ito ay nagpapakita ng pagmamahal at pagiging tapat ni Dr. Jose Rizal sa
kanyang bayan kahit sa huling sandali ng kanyang buhay.. Ayon kay Dr. Jose Rizal ang
pagbubuwis niya ng buhay para sa Pilipinas ay may magandang dulot katulad ng kaginhawaan,
para sa mga susunod na henerasyon. Ang nais niya ay maging aral ito sa mga Pilipino upang
magising sa mga maling nangyayari sa bansa at huwag matakot na ipaglaban ang karapatan at
para sa bansa. Sa kaniyang akda na ito, isang malaking karangalan ang mamatay para sa bayan
sapagkat ang pagkamatay para sa bansa ay pagpapakita ng tapang at pagmamahal. Layunin ng
akdang ito na maging isang inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino na matutong mahalin ang
Pilipinas.
III. PAGTATASA
Batay sa masuring pananaliksik at pagtatasa, ang pagiging makata ni Dr. Jose Rizal ang
nagpapatunay na siya ay isang malaking instrumento sa pagsisikap ng mga Pilipino upang
makamit ang inaasam na kalayaan. Dahil sa kaniyang pagmamahal sa bansa at paniniwalang
dapat nang makalaya ng mga Pilipino mula sa kamangmangan, pagsasamantala, at
diskriminasyon, ginamit niya ang kaniyang talento sa pagsulat upang tulungan ang kaniyang mga
kalahi. Sa pagtatasang ito natukoy na ang kaniyang mga nobela ang siyang nagmulat sa mga
mata at gumising sa nasyonalismo ng mga Pilipinong patuloy na nagdurusa at inaalipusta ng mga
Kastila. Sa pamamagitan ng kaniyang paniniwala na ang panulat ay mas makapangyarihan kaysa
sa espada, nagawa niyang punahin ang pamamahala ng mga Kastila ng may kapayapaan sa
pamamagitan ng kaniyang mga akda. Hinangad niyang mapanatili ang pagkakakilanlang
Pilipino at buhayin ang pagmamalaki ng mga Pilipino noon sa kanilang mga ninuno. Kaya
naman, pinatunayan nito kung paano nakatulong ang mga akda ni Dr. Jose Rizal, ang bayaning
makata, sa nasyonalismo ng Pilipinas.
IV. REKOMENDASYON
Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging lubhang makabuluhan at kapakipakinabang
kung kaya ito ay inirerekomenda sa mga sumusunod:
V. KONKLUSYON
Ang mga Pilipino na kung tawagin ay “indio” ng mga Kastila, ay nawalan ng karapatan
at pagpapahalaga sa sarili dahil sa pagpapahirap ng mga mananakop. Subalit ang lahat ng ito ay
nalabanan, nabaliktad, at nalagpasan, sapagkat ang isang bayaning makata na si Dr. Jose Rizal ay
nakipaglaban sa pamamagitan ng pagsulat para sa kaniyang mga kalahi. Ang mga akdang ito ay
sapat na makapangyarihan upang ang mga Pilipino ay tumayo at magkaroon ng lakas ng loob
upang ipaglaban ang kanilang kapayapaan at nasyonalismo. Bukod doon, ang mga kontribusyon
ni Rizal sa nasyonalismo at kalayaan ng Pilipinas ay naging marka sa halos lahat ng bahagi ng
pagkakakilanlang Pilipino.
Ang mga ganitong klaseng paksa ay importante na matutunan ng bawat isa sapagkat ito
ay kumakatawan sa ating lahi at parte ng ating kasaysayan. Ang mga akdang ito ay naglalaman
ng importanteng mensahe para sa bawat isa kung kaya dapat natin itong intindihin at isa-puso. Sa
pag-aaral ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal, mabubuksan ang ating mga isipan at mapagtatanto na
dapat nating pahalagan ang isinakripisyo ng ating mga ninuno.
VI. MGA SANGGUNIANG GINAMIT
agsusuri
P sa Akda (Mi Ultimo Adios). (2019). StuDocu; StuDocu.
https://www.studocu.com/ph/document/lyceum-of-the-philippines-university/panitikan-ng-
pilipinas/pagsusuri-sa-akda-mi-ultimo-adios/18574528
Calvento, T. (2013, December 29). “Pluma at papel ang sandata.” Philstar.com; Pilipino Star
Ngayon. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2013/12/30/1273191/pluma-
papel-ang-sandata