You are on page 1of 1

Kasaysayan ni Rizal

Ayon sa mga nakaraang reports, maliwanag na si Dr. Jose P. Rizal ay maituturing nang isang Globalist. Patunayan ito
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lugar, sitwasyon. Ano ano ang naiambag nito para sa ikinabuti ng mga
Filipino. Kumparahin ito sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas at ng mundo. Makulit ba ang kasaysayan noon at
sa.mga nangyayari ngayon, ano yon?

Sa akin pong pananaliksik, marami pong napuntahan na lugar si Rizal sa buong mundo kung kaya’t
binansagan syang “Most Travelled Filipino Hero”. Ang dahilan nya kung bakit sya nag lakbay sa ibat’ibang bansa ay hindi
para sa pansariling kapakanan subalit para po mapalawak nya ang kanyang kaalaman, kamalayan, at kasanayan na
kanyang magagamit para makatulong sa kanyang mga kababayan. Ginawa nya rin ito upang magbigay ng kamalayan sa
kanyang kapwa Pilipino at kapwa tao na syang walang malay o walang pakealam sa tunay na nangyayari sa lipunan.
Unang banyagang bansa na napuntahan ni Rizal ay ang Madrid sa Espanya kung saan doon nya ipinagpatuloy ang
kanyang pag-aaral sa medisina at pilosopiya. Noong natapos nya ang mga kursong ito ay hindi rin sya nanitili sa iisang
lugar lamang kahit kung tutuusin ay maari naman syang mag trabaho bilang doktor o guro. Mas pinili ni Rizal na lumipat
sa iba pang mga lugar upang obserbahan ang politikal at ekonomikal na kalagayan ng isang bansa, at makakilala ng iba
pang mga tao gaya ng mga doktor,manunulat at Scientist na makakapagbigay sa kanya ng dagdag na kalaman.

Ang pag lakbay ni Rizal sa ibat’ibang bansa at lugar ay nakapag ambag sa kanyang mga kaalaman at
kamalayan, kung saan ibinahagi nya rin ang mga kaalaman at kamalayan na ito sa kanyang mga kababayan sa
pamamagitan ng pagsulat nya ng kanyang mga nobelang Noli me Tangere at El filibusterismo. Ang mga akda nyang ito
ay tumatak at nagpamulat satin sa tunay na nangyayari sa ating lipunan noon sa kamay ng mga Espanyol. Ibinahagi nya
rin ang kanyang mga kakayahan sa pagiging doktor sapagkat si Rizal ay nanggamot sa kanyang mga kababayan at hindi
tumanggap ng bayad lalo na sa mga mahihirap. Mas pinili ni Rizal na ipaglaban ang nararapat sa kanyang bayan at sya
ay nanindigan sa kanyang prinsipyo bilang isang Pilipino. Hindi sya natinag kahit alam nyang maaring buhay nya ang
magigiging kapalit ng mga ito. Ang kanyang kahanga-hangang katapangan at mga akdang iniwan ay syang naging
ambag nya sa mga Pilipino sa panahon noon at sa mga susunod pang henerasyon.

Samantala sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas at mundo ngayon, ay hindi rin mapag kakaila na tila
nauulit lang din ang kasaysayan noon, ngunit hindi sa kamay ng mga banyagang mananakop bagkus sa kamay ng mga
sakim at makasariling namumuno sa lipunan. At tila iilan na lamang ang “Rizal” na nabubuhay sa panahon ngayon
sapagkat karamihan sa atin ay sunod-sunuran na lamang sa mapaniil at mapanlinlang na namumuno sa ating bayan.
Masasabi ko pong ang ibang Pilipino ngayon ay nakakaranas din ng kaparehas na sitwasyoon noon, subalit iilan lamang
ang may pakealam, iilan lang ang nagmamalasakit, iilan lang din ang lumalaban at naninindigan. Gaya lang din nina Rizal
noon, na kahit tila’y iilan na lamang silang naninindigan para sa bayan ay hindi parin iyon nagging dahilan para isuko at
ibaba ang kanilang prinsipyong ipinaglalaban para sa Pilipinas.

You might also like