You are on page 1of 2

Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y. Alonso Reyalonda.

Matapang, Matalino, Maabilidad, bukas ang isipan, at handang magbuwis ng buhay para sa bayan.

Ang pinakadakilang anak ng Pilipinas ay si Dr. Jose Rizal. Siya ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo, 1861,
sa Kalamba, Laguna. An unang guro ni Dr. Jose Rizal ay ang kanyang ina, si Teodora Alonzo. Siya ay pang
pito sa labing isang magkakapatid, dalawa lang silang lalaki ng kaniyang kuya. Nag-aral siya sa Binan,
Laguna at nagpatuloy sa Maynila. Tumungo siya sa Europa upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina.
Narating niya ang maraming bayan. Maraming wika ang kanyang natutuhan. Marunong siya ng Kastila,
Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Portuges, Olandes, Latin, Griyego, Arabe, Intsik, Ruso, Suwiso,
Nippongo, at iba pa. Dahil sa kanyang pagmamahal sa sariling bayan ay nag-aral siyang mabuti.
Inihandog niya sa bayan ang kanyang buhay. Nagbubukang-liwayway noong umaga, ika-30 ng
Diseyembre, 1896, nang si Dr. Rizal ay barilin sa Bagumbayan (Luneta).

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso
ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Ang nobelang ito na kaniyang
ginawa ay nagbigay sa atin ng kaliwanagan sa mga bagay na nangyayare sa ating bansa noong panahon
niya. Ito rin ang nagmulat at naging tulay para tayo ay maging ligtas sa kamay ng mga kastila. Ang
nobelang ito ay hanggang ngayon ay pinagaaralan natin, hanggang ngayon ito ay nagsisilbing materyales
sa ating pagkatuto tungkol sa ating nakaraan.

Ngayon ay kilala na natin si Jose Rizal. Alam na natin kung sino siya at saan siya nagmula, pati ang
kaniyang pagkamatay. Ngayon, Alamin naman natin kung bakit tinawag siyang Pambansang Bayani,
alamin natin ang mga sakripisyo at katapangan na kaniyang ginawa para sa ating bansa.

Si Dr. Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani, siya ang nagligtas sa atin sa kamay ng mga kastila. Hindi
lamang sandata ang kaniyang ginamit para tayo ay iligtas sa mga nananakop at umaalipin sa atin.
Ginamit niya rin ang kaniyang talino upang tayo ay mailigtas. Siya ay isang bayani dahil hindi siya
nakipaglaban sa madugong paraan, bagkus ginamit niya ang kaniyang utak sa paraang alam niyang tama
dahil hindi naman lahat ng laban ay kailangang dumaan pa sa madugong paraan. Lalo na’t kung alam
natin na mas makapangyarihan ang papel at pluma, kagaya ng ginawa ni Rizal. Papel at pluma ang
ginamit niya upang mailigtas tayo. Sa ginawa niyang ito hindi lang tayo mailigtas, naging mulat din tayo
sa mga na nangyayare sa atin. Ang ginawa niyang sandata ang kaniyang akda na hanggang ngayon ay
pinakikinabangan at kinukuhaan natin ng aral, kaya’t si Rizal ay Isang tatak ng Pilipino at dapat nating
kilalaning bilang Bayani dahil sa kaniyang sakripisyo at talino na ibinigay sa atin.

Si Dr. Jose Rizal ang kinilalang Bayani. Siya ang naging sagisag ng ating bansa. Sinasabi man ng iba na
hindi dapat siya ang bayani dahil hindi naman siya nakipagdigmaan gaya ng Ibang kinilalang nagligtas sa
ating bansa ay ginamit naman niya ang kaniyang talino at kakayahan sa pagsulat na naging tulay para
tayo ay mailigtas sa mga mananakop. Naging matalino si Rizal para sa ating bayan. Naging matalino siya
at hindi ginamit ang dahas na karaniwang ginagamit ng mga ibang mandirigma at Ibang mga kinilalang
bayani.

Kaya masasabi na si Rizal ay Isang Bayani, hindi lang dahil sa pagligtas niya sa atin kundi dahil din sa mga
aral at pananaw na iniwan niya sa atin. Sa pagsulat ng nobela na nagbigay aral at nagmulat sa atin sa
mga bagay na dapat natin matutunan natin. Mga akdang sinulat at ginamit niya upang tayo may maging
mulat at makatakas sa pang aapi at pang aalipin ng mga dayuhan. Si Rizal ang kumatawang Filipino hero
dahil inilaban niya tayong mga Pilipino sa mga nananakop sa atin. Hindi lang niya tayo basta iniligtas,
iminulat niya rin tayo sa reyalidad. Marami din iniwang aral si Dr. Jose Rizal, mga aral at katagang
tumatak talaga sa ating isipan gaya ng katagang “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa
malansang isda” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal na
nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng
aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal,
hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating
ginagamit ng mga Pilipino noon. Kaya natutunan natin na mahalin ang sariling wika natin, natutunan
natin na pahalagahan at pagyamanin ang sariling atin, dahil sa aral na iniwan ni Rizal. Isa pang kataga na
galing kay Rizal ay ang “Ang kabataan ang pagasa ng bayan” Ito ang isa sa mga sinabi ni Rizal. Siya ay
naniniwala na ang mga kabataan ang pagasa ng bayan, kabataan ang magiging daan para ang ating
bansa ay magyabong at maging maayos dahil naniniwala siya sa kakayahan na meron ang mga kabataan.

Some of the qualities that people admire in him include his intelligence, courage, patriotism,
and his advocacy for social justice and equality. He dedicated his life to fighting for the rights
and freedom of the Filipino people, and his writings and actions continue to inspire generations
of Filipinos to this day.

You might also like