You are on page 1of 3

ASSIGNMENT #1

1.) Sang-ayon ka ba na maging pambansang bayani si Jose Rizal? Bakit? (min. of 300 words)

Sa kasalukuyan nagiging usap usapan kung karapat dapat bang ituuring na pambasang bayani
si Rizal. At kung ating oobserbahan nagkakaiba iba talaga ang pananaw o opinion ng publiko tungkol
sa usaping ito. Karamihan sa atin ay sang ayon na dapat ituring na pambansang bayani si rizal,
sapagkat siya ang ang itinuro at ipinakilala sa atin ng ating mga guro bilang pambansang bayani.
Ngunit kung tayo`y mananaliksik, wala pa talagang batas na nagsasaad na si Dr. Rizal ang ating
pambansang bayani. Kaya naman nabuo sa publiko ang katanungan, kung sino ba talaga ang tunay at
karapat dapat na ituring na Pambansang Bayani. At kung ating susuriin ay mahirap talaga magbigyan
ng konklusion sa usaping ito, sapagkat hindi lang si Dr. Jose Rizal ang ating bayani na nagbuwis ng
kanyang buhay alang alang sa Kalayaan ng ating bansa mula sa mga mananakop. Ngunit para sa akin,
si Dr. Jose Rizal ang karapat dapat sa parangal at pagkilalang ito. Sang ayon ako na siya dapat ang
ituring na Pambansang Bayani sapagkat ipinakita niya ang kaniyang katapangan at isinugal niya ang
kanyang buhay sa pakikipaglaban sa mga Espanyol, gamit lamang ang kanyang angking talino sa
pagsusulat. Ang kanyang nobela na El Filibusterismo at Noli Me Tanghere ang naging dahilan para
malaman at maibulgar ang pagabuso ng mga kastila sa ating bayan. Ang kanyang kagustuhang
maisaayos ang lahat ng walang dumadadanak na dugo ang siya ring nagdadala sa kanyang kamatayan.
Na nagdulot naman ng pagkagising at pagkabuhay ng dugong makabayan ng mga Pilipino. Ito rin ang
naging dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang lumaban at naghumagsik para sa Kalayaan, at
isa dito ang ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Katangi tangi rin si Dr. Jose Rizal sa ibang mga
bayani, sapagkat siya ay edukado at galing sa marangyang pamilya. At kung tutuusin ang mga taong
nasa mataas na pamumuhay noon ay walang pakialam sa mga ordinaryong Pilipino. Ngunit kakaiba si
Dr. Rizal, iniisip niya pa rin ang kapakanan ng bansa at mas pinili niyang lumaban para sa Kalayaan at
pagbabago.
2.) Ano ang magiging saysay sa buhay mo ng pag-aaral tungkol kay Rizal? (min. of 300 words)

Bilang isang magaaral, napaka halaga sakin ang pag-aralan ang buhay patungkol kay Rizal.
Sapagkat katulad ko, isa rin siyang magaaral noon. Si Rizal ay isang mabuting ehemplo para sa mga
katulad kong kasalukuyang nagaaral, dahil isa siyang mahusay na magaaral noon na nagtataglay ng
katalinuhan sa medisina, pilosopiya at literatura. Ang kwento ng buhay ni Rizal ang nagsisilbing isa sa
aking mga motibasyon upang pagbutihin ang pag-aaral, lalo na at kung ating susuriin ay medyo may
pagkakahawig ang naging buhay ni Rizal noong magaaral pa lamang siya sa kasalukuyang buhay ng
mga magaaral ngayon. Sa pagaaral ng buhay ni Rizal malalaman ko ang kanyang mga pinagdaanan
bago niya makamit ang kanyang mga tagumpay, partikular na sa kanyang edukasyon. Malalaman ko
rin ang mga ibat ibang dahilan kung bakit naglakas loob siyang kalabanin ang mga kastila, kung galing
naman siya sa ilustradong pamilya at namumuhay ng marangya. Ang pagaaral din sa buhay ni Rizal, ay
magdudulot rin ng mga aral sa buhay na maari kong gawing inspirasyon sa pang araw araw kong
pamumuhay. Maliban dito, malalaman ko rin ang mga nangyari sa kasaysayan at kung paano nagising
ang dugong makabayan ng mga pilipino sa pamamagitan lamang ng kanyang mga nobela. Ang mga
akdang ito ang magbibigay aral sakin upang maunawaan ko kung gaano kahalaga ang kalayaan sa ating
bayan at sa ating mga sarili. Sa pamamagitan din nito mas lalo nating papahalagahan ang mga
sakripisyong inalay ni Rizal para sa kalayaan at pagbabago ng ating bayan. At higit sa lahat sa pag-
aaral ng buhay ni rizal matutunan nating lumaban ng mapayapa at hindi magpalipin sa mga
nangaalipusta o nangmamaliit sa atin.

3.) Sa kasalukuyang panahon, masasabi mo bang “buhay” ang ating pambansang bayani? Sa
anong aspeto ng lipunan at sa ating mga Pilipino makikita ang kahalagahan ni Jose Rizal?
(min. of 300 words)

Sa ating kasaysayan si Rizal ang isa sa mga kilalang individual na nagbuwis ng kaniyang buhay
para sa kalayaan at pagbabago ng ating lupang sinilangan. Ang tapang at talino na kaniyang pinamalas
ay tumatak sa isipan ng mga pilipino. Kaya naman mapahanggang ngayon ay madalas pa rin natin
maririnig ang kaniyang pangalan. Ang kanyang mga akdang nobela ang nagsisilbi nating reperensya
para malaman natin ang kanyang buhay at magkaroon tayo ng kaisipan tungkol sa mga pangyayari sa
kasaysayan. Ang mga kaisipan namang ito ay siyang sinasalin sa mga paaralan at itinuturo sa mga
magaaral. Nang sa ganun ay malaman din nila ang buhay ni Rizal, at kung paano niya pinaglaban ang
ating bayan sa mga kastila nang hindi gumagamit ng dahas. Ang edukasyon ang nagsilbing unang
hakbang para malaman natin ang kaniyang mga akda at malala natin ang kabayanihang kaniyang
pinamalas. At dahil din dito nanatili ang diwa at presensya ni Rizal sa ating mga paaralan na siyang
nagsisilbing ating panagalawang tirahan. Makikita rin natin ang mga bakas ni Rizal sa mga pelikula. At
kung ating mapapansin ay ilang beses nang inilarawan ang buhay ni Rizal sa pamamagitan ng paggawa
ng mga pelikula na ipinapalabas sa telebisyon. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapakita lamang kung
gaano ka impluwensya si Rizal sa mga kaganapan sa kasalukuyang. Ang mga aral namang ipinapakita
sa mga pelikula ang isa mga nagsisilbing tagahulma ng ating mga asal at tagahubog ng ating pagiging
makabayan. Maliban dito, makikita rin nating ang presensya ni Rizal sa mga larawan na nakadikit sa
ibat ibang silid. Madalas rin nating maririnig ang mga sikat na kataga ni Rizal, katulad ng “ Ang hindi
magmahal sa sariling wika ay higit sa mabaho at malansang isda”. At higit sa lahat nariyan ang mga
statuwa ni Rizal sa ibat ibang bahagi ng pilipinas, para ipaalala at ipakilala sa atin ang indibidwal na
bumuhay sa dugong makabayan ng mga pilipino sa panahon mga mananakop.

You might also like