You are on page 1of 8

KAHALAGAHAN NG BUHAY NI RIZAL AT PAGIGING ASYANONG BAYANI PARA

SA MGA KABATAANG PILIPINO

Mananaliksik: Gonzales, Noel Cresente V. , MMA32 Pinag-aaralan: Graphics Design

Introduksyon

Hanggang ngayon, kilalang-kilala natin kung sino ang ating pangbansang bayani
mapabata man o matanda, dahil ang Buhay ni Rizal at kung bakit siya tinanyagang na bayani
dahil kasama o kaugnay ito sa Pilipinong Kurikulum. Ang Iba’t ibang akda ni Rizal katulad ng
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay nakasulat sa mga aklat ng deped at itinuturo ng mga
guro sa mga kabataan. Madami sa atin na nakatapos ng haiskul ay natapos basahin ang mga ito at
madami din sa mga kabataang ito ay nagsasabi na si rizal ang nagbigay ng daan para sa kalayaan
ng bansa at kung bakit tayo nabubuhay ng payapa at walang kadenang nagpipigil sa atin. Ang
problema sa mga ibang kabataan ngayon ay hindi na napapahalagahan ang pag-aaral ng buhay ni
Rizal, may mga pagkakataon din na limitado lamang ang kanilang kaalaman tungkol kay Rizal
na ang pangalan lang ang alam o siya ang bayani ng Pilipinas. May pagkakataon din na ang
kabataan ay nasanay lang sa pagababasa at pagsalita ng Ingles kaya ang mga sulat ni Rizal ay
masasabing malalalim at hindi masyadong maintindihan ng kabataan na nagiging isa sa mga
problema kung bakit nagiging hindi interesado sa pagbabasa ang mga kabataan. Ngayon, gawa
ng pagsisiyasat maiibahagi ng pagaaral na to na napakahalaga ng buhay ni rizal at may
kadahilanan kung bakit siya ay natuturing ng sangbayanang pilipino na si Dr. Jose Rizal ang
pinakatanyag nating bayani.
Ang buhay ni rizal ay importante dahil ang kuwento na nakatala tungkol sa kanya ay
nakakapagbigay inspirasyon at lakas nung nasasakupan pa tayo ng mga espanyol, Itong
insperasyon na ibinibigay ni Rizal ay hindi lang limitado sa nakaraan, dumaan na ang ilang
dekada ngunit ito’y parang walang hangganan.“The Youth is the hope of our future.” sipi ng
ating pambansang bayani na si Jose Rizal, kaya nasasabing na walang oras o “timeless” dahil
kahit sa Henerasyon natin ngayon masasabi na ito’y may epekto at pagkamay-kaugnayan.

Di man nagkaroon ng madaming pagkakataon ang mga kabataan mapag-aralan ng husto


ang buhay at mga naisulat ni Jose Rizal, ang kabataan ngayon ay may kakayahang mahanap o
madiskubre ang kabantugan ng ataing pambansang bayani sa ating sariling mata sa pagkaalam
ng kahalagahan at kaugnayan ng kanyang buhay at sulat sa aklat. Si Rizal ay nakakahanga hindi
lang dahil sa kanyang mga aklat na naipalimbag o mga kontribusyon nya sa medisina. Pero sa
kanyang pagsisikap. Namatay si Rizal ng maaga (35 na taong gulang) at hindi niya ito magagawa
lahat kung hindi siya nagsikap sa kanyang pangarap at sa kanyang mga nais na ipamahagi sa mga
kapwa niyang pilipino.

Lahat ng kanyang nakamit at pangalan, bago pa yon, nagbunga ito sa kanyang pagsisikap.
Naging insperasyon din si Rizal dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya at hindi niya
nagawang iwanan o watakin ang relasyon niya sa pamilya niya kahit na sila ay magkakalayo, sa
pamamagitan na ito, magandang ipamahagi sa kabataan sa henerasyon na to na huwag iwanan o
sirain ang connection sa kanilang mahal sa buhay, mas lalo na ngayong mas napapadali na gawa
ng modernong teknolohiya.
Kung walang naging kontrobersiya tungkol kay Rizal bago siya mabitay, ang mga
Pilipino noon ay magkakaroon ng ibang pagiisip, ang epekto o pamana na ibinigay ng ating
bayani, ang kanyang mapanlabang puso hanggang kamatayan para lang maipagtanggol ang
kanyang nalig sa sarili niyang desisyon ay nakakahanga “It would be clear in the minds of
Filipinos then and Filipinos generations after, that Jose Rizal was faithful to his defense of his
countrymen up to the last moments of his life. That symbol cannot be made up, much less killed
and would have strengthened the Filipino resolve in other matters of principle.”

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aral na ito ay tukuyin at suriin ang iba’t ibang pag-aaral tungkol sa
buhay ni Rizal at kung ano ang kahalagahan nito sa kabataang pilipino bukod sa kanyang mga
inilimbag na aklat at mga kabutihang nagawa sa kanyang kapwa na nagssimbolo na siya anf
ating pambansang bayani ng bayan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral nito ay makapag bigay insperasyon at kaalaman sa mga


kabataang pilipino upang sila ay makadiskubre ng mga mahahalagang kaalaman na magbibigay
liwanag at daan para mapagpatuloy ang pamana at katangian ng isang bayani sa pamamagitan ng
pag basa at pag-aral ng buhay ni Rizal.
Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral na ito ay para sa kabataang pilipino sa kahalagahan


ng pagiging bayani at buhay ni Rizal.

Recomendasyon

Lahat ng aking natutunan bilang isang mag-aaral noong ako’y haiskul pa lamang tungkol sa
buhay ni Jose Rizal ay ang pagiging mabuti, dakila, at higit sa lahat masipag na tao. Naging
insperasyon din si Rizal dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya at hindi niya
nagawang iwanan o watakin ang relasyon niya sa pamilya niya kahit na sila ay magkakalayo, sa
pamamagitan na ito, magandang ipamahagi sa kabataan sa henerasyon na to na huwag iwanan o
sirain ang connection sa kanilang mahal sa buhay, mas lalo na ngayong mas napapadali na gawa
ng modernong teknolohiya.
Konklusyon

Pananatilihin ang pag-aaral sa Buhay ni Rizal dahil ito ay mahalaga at siya ang
sumisimbolo ng kapayapaan ng Pilipinas, siya ang isa sa mga lumaban para sa ating kapakanan
at para hindi na maghirap at libong pilipino noong nasasakupan pa tayo ng mga espanyol.
Maraming kaalaman at insperasyon ang kanyang mga libro na ipinamahagi. Insperasyong
nakakapagbigay sa mga kabataan hanggang ngayon o magpakailanman. Ito’y mapagpapatuloy
pa muli dahil ito’y pamana ng ating pambansang bayani. Kung hindi natin siya kilala, tiyak na
mag iiba ang takbo at usad at ang ating paniniwala sa ating sariling indibidualidad at ang sarili
nating tahanan.
Mensahe para sa Guro

Nais ko lang pong pasalamatan na kahit na tayong lahat ay may dinadamdam na sakit o
pagkalungkot, nananaig pa din ang pagsikap at lakas ng kalooban para maialis ang masamang
pag-iisip. Alam ko po na Hindi madali magturo mas lalo na sa online kaya hinihiling ko na sana
maging normal na lahat at muling magkita ang mga mag-aaral at guro sa silid-aralan. Ang
masasabi ko na lang po ay sana mag ingat tayo palagi at ihiling at magpasalamat na nabubuhay
ulit tayo para sa susunod na kinabukasan.
Sanggunian

Rizal as an Asian Hero (2021, October 8)

https://nerdyseal.com/jose-rizal-as-asian-hero/

YOUTH SPEAKS! RIZAL IS AN INSPIRATION TO OUR GENERATION (2022 April 1)

https://www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/74-2022-news/2728-youth-speaks-rizal-is-
an-inspiration-to-our-generation.html

You might also like