You are on page 1of 3

PLUMA; Isang Reaksyon

Gamit ang kanyang pluma, naisakatuparan ni Jose Rizal na pukawin ang puso, isip at
damdamin ng kanyang mga kapwa Pilipino. Madaling matutukoy kung sino nga ba si Jose Rizal
at kung ano ang kanyang mga ipinaglalaban sa pamamagitan ng kanyang nga naisulat.
Nakapagpabago sa buhay ni Rizal ang mga akda at nobela na kanyang naisulat, ginamit na daan
din ito upang isiwalat sa kanyang mga kapwa Pilipino ang karahasan ng mga Espanyol pati na
rin ang mga maling gawain ng mga opisyal ng gobyerno. Ang mga librong Noli Me Tangere at
El Filibusterismo pala ang magiging ugat ng himagsikan para kalayaan na minimithi ng bansang
Pilipinas. Ang dokumentaryong pinamagatabg "Pluma: Si Rizal, ang dakilang manunulat" ang
isa naging patunay at saksi kung gaano nga ba kahusay ang ating itinuturing na pambansang
bayani mula sya'y bata hanggang sa ialay nya ang kanyanv buhay para sa ating bansa. Patunay na
hanggang sa huli, ang ikabubuti ng bansa parin ang kanyang iniisip. Labis kong hinahangaan ang
kanyang paraan ng paglaban para sa ating kalayaan, at ito ay sa pamamaraan ng pagsulat. Dito ay
ipinakita ang pag lago ni Dr. Jose Rizal sa kanyang pagiging mahusay na manunulat, mula noon
hanggang sa huli. Na siyang rason upang ang mga nang-aapi sa atin ay matakot na sapagkat
walang hindi kayang patumabahin ang isang kaalamang nagpapatunay sa bawat kabalbalan ng
mga kastila sa mga Pilipino. Isa ring normal na bata si Rizal, ang kaibahan lang ni Rizal sa mga
ordinaryong bata ay siya ay isang matalinong bata dagdag pa rito ang kakayahan nyang magsulat
ng tula kahit noong bata pa sya. Ang kaniyang nanay na si Teodora Alonso, kaniyang tiyahin, at
si Justiniano Aquino Cruz ang nagsilbing unang mga guro ni Rizal. Sa murang edad ni Rizal,
nakakitaan ko sya ng pagiging seryoso sa halos lahat ng bagay. Sa halip na sarili ang isipin,
ibang tao, kabataan at bayan ang kanyang nasa isip. Malayo sa mga kabataan sa panahon natin
ngayon. Ikinataba ng aking puso ang pagsusumikap ni Rizal sa kanyang pag-aaral at patuloy
lamang sa pagkalap ng bagong kaalaman na sana ay matutunan din ng mga kabataan sa panahon
natin ngayon. Madami ang pinagdaanan at natunghayan ni Rizal sa mga kamay ng Kastila,
kagaya ng sinapit ng kanyang pamilya kabilang na ang pagaakusa sa kanyang ina na si Teodora
sa lason, pagpapalayas sa kanyang pamilya at pagsunog ng mga prayle sa kanilang tahanan. Isa
din sa nagsindi ng punyal sa loob ni Rizal ang pagkamatay ng tatlong pari na GOMBURZA. Ito
ay nakatulong upang umusbong ang pagiging nasyonalismong pilipino ni Rizal. Alam nyang
mahirap makipag-laban sa mga taong armado, kung kaya't palihim na isinusulat ang mga ito
upang mabigyang mulat ang mga kabataan sa bulok na pamamalakad ng mga mananakop sa
panahon na yon. Tila ito ang naging isang malaking hakbang upang mamulat at gumising ang
kanyang mga kababayang Pilipino sa kalapastangan na inabot nila.

Halo-halong reaskyon ang aking naramdaman habang pinapanood ang kwento ni Rizal,
una na rito ang awa. Awa hindi lamang kay Rizal kung hindi sa mga Pilipinong kailangan
danasin ang pagmamalupit mga Kastila, awa na unti-unti'y napapalitan ng galit. Awa sa tuwing
maaalala ko gaano tayo ipinaglaban ni Rizal sa harap ng mga Kastila kahit pa ang buhay ang
kapalit, na kahit sa mga nalalabi nyang araw ay hindi nya tinalikuran lahat ng hatol sakanya at
hinarap ito. Pagmamahal sa bayan ang syang nangingibabaw sa lahat, ito nag udyok kay Rizal
upang gamitin ang pluma bilang sandata sa pakikipagtunggali sa mga mananakop. At ang
kalayaan natin ngayon ang siyang naging bunga nito. Isang mahusay na daan ito upang
patunayan na kahit ang manunulat man ay lumisan at mamatay, ang mga ideyang kanyang
iniwan na isinulat gamit ang kanyang pluma ay mananatili at magiging inspirasyon sa kanyang
maiiwanan. Hindi siya sumuko kahit na mawalan na siya ng pag-asa lalo na sa pagpapalimbag ng
kanyang mga akda. hindi naman siya kumikita sa ibang bansa, tanging ang mga padala ni
Paciano ang siyang inaasahan niya bilang sustento sa kanyang mga pangangailangan. Kung kaya
naman galit at pagtataksil ang kanyang naramdaman lalo na noong hindi tumupad ang nangako
sakanya sa pag tulong upang maipalimbag ang kanyang akda. Patuloy ko na gagamiting
inspirasyon si Rizal at sana'y gankn din ang mga kabataan sapagkat ako ay lalong humahanga sa
kanyang ipinakita na paggamjt ng pluma sa pakikilaglaban sa kalayaan ng bansa. Ipinamalas nya
din ang kanyang katapangan na kahit ang isang ordinaryong tao ay kayang makagawa ng
pagbabago hindj lamang sa isang bansa. Tayong lahat ay maaring tularan si Rizal sa
pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa pamilya at tiwala sa saril. Tulad ni
Rizal, maaari tayong tumayo, magsalita sa mga maling gawi na ating nakikita, huwag tayong
magmistulang "puppet" at magpa-api sa mga taong namamahala sa atin. Matuto din tayo na
paunlarin ang ating sarili, maging maalam at wag maging mangmang. Sabi nga ni rizal
sakanyang tula na “Ang kamangmangan ay kaalipinan, sapagka’t kung ano ang isip ay ganoon
ang tao”, kung kaya't ganon na lamang kahalaga ang papel ng pag-aaral sa ating buhay.
Magsumikap tayo na mapaunlad at mapagyaman ang ating kaalaman sa pagpapakita ng
dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan. Mahalaga din na bigyan muna ng tuon ang sarili, at
mangyaring pagtibayin muna ito. Isang malaking hamon din ang kung paano ko ibabahagi sa
bayan ang aking kaalaman, sapagka’t walang kabuluhan ang ating kaalaman kung hindi natin ito
maibahagi. Isang malaking bagay ang maidudulot ng pagbabahagi ng kaalaman, sapagka’t dito
nagsisimula ang kakayahan nating mamamayan na mabago at maaaring mapaunlad ang ating
bayan. Katulad natin ay tao lamang si Jose Rizal, ngunit sa kabila noon ay hindi siya naging
makasarili makamit lamang ang inaasam na kalayaan para sa lahat ng mamayang Pilipino.

Ang buhay at panulat ni Rizal ay hindi lamang nararapat aralin sa loob ng paaralan at
pamantasan, datapuwat ito ay dapat isabuhay ng bawat Pilipinong may matayog na pagmamahal
sa sariling bansa at mariin ang pananalig at pagsusumikap na maiangat ito sa matagal nang
inaasam na kaunlaran at kapayapaan. Marahil hindi pa natin ganap na naisakatuparan ang
kaniyang mga mithiin at ukol lamang na pagibayuhin ng sambayanang Pilipino ang pagkakaisa
tungo sa kapayapaan at kaunlaran. Sa ganitong paraan ay tunay tayong magiging haligi rin ng
ating inang bayan katulad ni Dr. Jose Rizal. Talaga namang ahanga-hanga ang mga naging
adbokasiya ni Rizal noong sya ay nabubuhay. Mula sa pagbabahagi ng naturang edukasyon,
pagtulong sa mamamayan, paglaban sa mga malulupit na mananakop, hanggang sa pagtanggap
sa panganib na dala ng kanyang isinulat at ipinalimbag na ,nobela masasabing pinaghalo ng
kakaibang talino at katapangan ang pagkatao niya. Patuloy na bibigyang karangalan ang
mga mga ito, ngunit ang pagpili nya pa rin na mamatay para sa bansang Pilipinas, ang lalong
nagpatunay ng kanyang pagkabayani. Ito ang mga mahahalagang bagay sa kasaysayan na ilang
beses man ulitin sa paaralan, ay hindi pa rin mauunawaan kung hindi totoong kikilalanin at
isasabuhay ang mga nagawa ng isang bayani na minsang inalay ang kanyang buhay para sa
minamahal nyang bansang Pilipinas. Ang pagkabuhay nito muli sa’akin ang nagbigay
halaga at importansya sa akin ni Rizal at nang kasaysayan ng bansang Pilipinas.

You might also like