You are on page 1of 5

KABANATA I

PAGKILALA SA MAY AKDA

Pagkilala / Talambuhay ng may Akda

Si Rizal,
ayon sa mga

eksperto, ay maliit at hindi kagwapuhan kaya baka magtaka kayo kung bakit kahit
ganoon ay marami pa rin siyang babaeng napapaibig. Ito ay dahil sa magaganda at
natatanging katangian ni Jose Rizal. Si Rizal kasi ay makisig, matapang, matalino,
mapagbigay, at mapagmahal sa pamilya at Ina

Nagsimula ang buhay ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna kung saan siya ipinanganak at
lumaki. Ang pamilya nina Rizal ay isa sa mga pinakasikat at pinakamayaman sa kanilang
bayan. 

Ayon sa mga eksperto, ang ang buhay ni Jose Rizal noong kanyang kabataan ay hindi
naiiba sa ordinaryong bata dahil maging siya ay nagkukuwento rin tungkol sa kaniyang
mga crush at pinapalo rin siya kapag may nagawang hindi maganda. Ang kaibahan lang
ni Rizal sa ordinaryong bata ay siya ay isang matalinong bata. Ang kaniyang nanay na si
Teodora Alonso, kaniyang tiyahin, at si Justiniano Aquino Cruz ang nagsilbing unang
mga guro ni Rizal. Sa edad na 3, natutunan na ni Rizal ang alpabeto sa tulong ng
kaniyang ina, habang sa edad na 5 ay marunong na siyang magbasa at magsulat.

Kung hinahanap mo kung saan nag aral si Jose Rizal, ang sagot dito ay marami kung saan
nabuo at nahubog ang iba’t ibang mga katangian ni Jose Rizal.
Noong 11 taong gulang si Rizal ay nag-aral siya sa Ateneo na noo’y sa Intramuros sa
Maynila pa nakatayo pero bago pa siya magsimulang mag-aral doon ay tinanggihan muna
siya ng paaralan. Pero sa tulong ng koneksiyon ng kanilang pamilya, pinayagan at
nakapasok na si Rizal sa premyadong paaralan kahit hindi maalam si Rizal sa wikang
Espanyol. Hindi naging madali at masaya ang unang mga araw ni Rizal sa Ateneo.
Nakaramdam siya ng lubos na kalungkutan dahil tingin niya ay nag-iisa lang siya doon
dahil karamihan sa mga kaklase niya ay mga mestizo habang siya ay kayumangging
Pilipino.

Nang tumagal ay nakasanayan din ni Rizal ang buhay sa Ateneo at sa katunayan nga ay
isa siya sa mga pinakamatalinong estudyante roon. Halos lahat ng asignatura ay magaling
si Rizal kaya nagtapos si Rizal sa Ateneo ng may karangalan.

Para naman pagbigyan ang hiling ng tatay niya, nag-exam din siya sa Colegio de San
Juan de Letran pero kalauna’y sa Ateneo Municipal de Manila siya pumasok at nagtapos
bilang isa rin sa pinakamagaling na estudyante. Tumanggap siya ng
karangalang sobresaliente or outstanding. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral niya sa
Ateneo para makakuha ng degree sa land surveyor and assessor. Kasabay nito ay kumuha
rin siya ng pre-law course sa University of Santo Tomas kung saan nagtapos din siya ng
may “excellent”mark.

Nang malaman ni Rizal na mabubulag ang kaniyang nanay, nagdesisyon siyang mag-aral
ng medisina sa UST at kunin ang kursong ophthalmology. 

Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal ang
itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas. Isa siya sa mga magigiting na Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas hindi sa paraang dahas, kundi sa
pamamagitan ng mga salita. Nakilala siya sa kaniyang mga akda na Noli Me Tángere
(Touch Me Not) at El filibusterismo (The Reign of Greed) kung saan niya isiniwalat ang
karahasan, korupsiyon, at masasamang gawain ng mga prayle at opisyal na Espanyol.

Ipinanganak si Rizal noong June 19, 1861 at binaril sa Bagumbayan noong December 30,
1896. Si Rizal, ayon sa mga eksperto, ay maliit at hindi kagwapuhan kaya baka magtaka
kayo kung bakit kahit ganoon ay marami pa rin siyang babaeng napapaibig. Ito ay dahil
sa magaganda at natatanging katangian ni Jose Rizal. Si Rizal kasi ay makisig, matapang,
matalino, mapagbigay, at mapagmahal sa pamilya at Inang Bayan.

Layunin ng may Akda

 Ang akdang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal ay nobelang panlipunang


nagsiwalat sa mga kanser o sakit ng lipunang kumikitil sa buto’t laman ng ating
bansa noon at ngayon. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa
rin itong binabasa at pinag-aaralan sa mataas na paaralan
 Ang naging layunin ng may akda sa pagsulat ng kwento sa “Noli Me Tangere” ay
paraan ng may akda upang malaman ng mga bagong henerasyon,ang mga
pangyayari sa nakaraan at matugunan ang paninirang puring parating ng mga
kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
 Maiulat ang kalagayan panlipunan,uri ng pamumuhay,mga paniniwala,pag-asa,
mithiin o adhikain, kanaingan at kalungkutan,
patitis,pagmamatrato,kapangyarihan. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon
na ginagawang dahilan o sangkalin sa paggawa ng masama. Maipaliwanag ang
pagkakaiba ng tunay sa di-tunay na relihiyon at upang mailantad ang kasamaang
nakakubli sa karingalan ng pamahalaan. Mailarawan ang mga kamalian
masasamang hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay.
patuloy nitong sinasalamin ang mga suliranin o problemang paulit-ulit na lamang
nangyayari batay sa mga balitang naririnig, nababasa, o napapanood.
 Mapukaw ng nobela ang makabayang damdaming likas sa bawat Pilipino. Upang
maipadama ito, gumamit ang nobelista ng mga kontekstwal na pahiwatig upang
mas madama ang bigat at lalim ng tinatalakay ng nobela. Maraming kontekstwal
na pahiwatig na makikita sa nobela. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng
ibang kahulugan ayon sa pagkakagamit nito sa sitwasyon o konteksto.
 Mapukaw ng nobela ang makabayang damdaming likas sa bawat Pilipino. Upang
maipadama ito, gumamit ang nobelista ng mga kontekstwal na pahiwatig upang
mas madama ang bigat at lalim ng tinatalakay ng nobela. Maraming kontekstwal
na pahiwatig na makikita sa nobela. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng
ibang kahulugan ayon sa pagkakagamit nito sa sitwasyon o konteksto.
 Pigilan ang mga espanyol sa pang-aapi sa mga Pilipino

Kahalagahan ng Akdang Pampanitikang Sinuri

Ang Noli Me Tangere o mas kilala bilang Noli ay isa sa pinakamahalagang


sulatin sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Para nga sa ibang mga iskolar ito ang naging
daan para sa soberanya ng ating bansa. Nakapaloob dito ang mga tema ng pagbabago,
pagsasama, at paglaban para sa kapwa Pilipino at ang kalayaan ng mga mamamayan
laban sa pang aabuso

Ang nobelang ito ay pinaka-importanteng akda ni Jose Rizal. Ito ang mga
nobelang nagbukas ng mata ng mga tao tungkol sa buhay ng mga tagalog sa ilalim ng
pagkakabihag ng espanya. Noli Me Tangere, Dito nagsimula ang kwento ni Ibarra na
naging kinatawan ni Rizal sa nobela dahil sa kanyang mga ideya ng reporma. Ito ay
binatikos ng mga prayle at binigyan pa si Rizal ng sulat na nagsasaad ng layuning patayin
siya. Naging kasalanan ang pagbasa nito tulad ng sinabi ng mga prayle sa kanilang mga
simbahan. Ipinagbawal ito mapunta sa sirkulasyon dahil ito ay umaatake sa simbahan at
mga kastila.

Tema ng Akda Sinuri

Ang temang tinalakay sa nobelang Noli Me Tangere ay ang mga hindi


katanggap-tanggap na Gawain ng mga kinauukulan sa pamahalaan at
simbahan noong panahon ng mga kastila sa Pilipinas. Ipanapakita ng
nobela ang mga kanser ng lipunan na maaring kapulutan ng aral ng mga
mambabasa. Upang ipamulat sa ating mga Pilipino ang kagaguhang ginawa ng
mga kastila sa ating bayan. At nagagawang palakasin ang inspirasyong ng mga
kabatan na baguhin ang Sistema sa lipunan.
Tinalakay din dito ang madiplomasyang paraan sa pag sugpo sa kawalang
katarungan na nararanasan noon ng mga pilipino.itinataguyod nito ang
mapayapang paraan ng pakikipaglaban swa mga mapang-aping prayle at pulitiko.

You might also like